Chapter 60: The Huntress

Ara's Point of View

"What did you see? Si Milka, did you see her?"

"She's fine," sagot ko sa kanina pa tanong nang tanong na si Demi.

"'Yun lang?"

Bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina. They're up to something. Hindi ko lang alam kung ano 'yon.

"They're talking about raiding Haudeester."

Napakunot ang noo ni Demi. "They think you're in Haudeester?"

Umiling ako. "Nah. It's a different case. May iba silang pinag-usapan maliban sa 'kin."

Tumango lang siya. "Eh si Caelum? Did you two talk?"

Sumilay ang mapang-asar niyang ngiti. Ever since she learned about Sin, Zale and Milka, she kept on teasing me about Carwell. Tila nawala na sa isip niya ang mga banta niya sa 'kin dati.

"No. But Genesis knows I was there. Kahit no'ng hindi ako nagsalita," nagtataka kong sambit.

Nahihiwagaan talaga ako sa lalaking 'yon. Una, 'yung madalas niyang pagkawala. Pangalawa, kung paano niya natuklasan ang isa pang kapangyarihan ko. And lastly, the way he's been acting ever since I left. Dagdag pa na nararamdaman niya ang presensya ko kahit tinago ko na ito.

Seryoso akong napatingin kay Demi. "Do you know anything about the Rovuilles? Their power and family's history?"

Inangat niya ang mukha na tila nag-iisip. "Hmm, as far as I know, they came from the bloodline of one of the greatest shapeshifters in history — the legendary Farkas Rovuille. Kung hindi ako nagkakamali, great great great grandfather ni Headmaster Boris si Sir Farkas. However, the shapeshifting ability wasn't passed to Headmaster Boris, though his name literally means 'wolf'. Until Headmaster's sister, Madam Eugene gave birth to Genesis. His birth was quite controversial actually."

"Why?"

"He didn't show any sign of being a mage. Ipapatapon na dapat siya sa Forthill when he turned seven but that's when he showed a sign of shapeshifting ability. That's why Genesis became the last shaper shifter in their family. Although marami namang shapeshifters sa ibang kaharian. In Forthmore, siya na lang ang natitira."

Tumango-tango ako. "How did you know all of these?"

Tinuro ni Demi ang sandamakmak na libro sa improvised niyang bookshelf. "Duh. Mahilig akong magbasa."

Natawa na lamang ako sa pagtataray niya. I opened my mouth to speak but I was disrupted by a familiar aura. It's someone with the same power as I have.

Tumayo ako at mabilis na tinago ang pinagkainan. Napakunot ang noo ni Demi sa inasta ko.

"Milka's here."

Naintindihan niya agad ang ibig kong sabihin. Kinuha niya ang signage na may nakasulat na 'Stock Room' at kinabit iyon sa pintuan ng kwarto ko.

I immediately went inside. Ginamit ko ang shadow strings ko para i-lock ang pinto. Saktong pag-lock ko ay ang pagkatok ni Milka sa labas.

I heard Demi welcoming her, saka sila nagsimulang magkamustahan. I kept my ears on them hoping to hear something relevant. At hindi nga ako nagkakamali, I felt Milka's power envelop the area as if a barrier protecting the house. I can't help but feel a bit of pride. She mastered the power I gave her already.

"The king went to visit the academy earlier. I just don't know why he won't let us help. Gusto niyang do'n sa pagkawala ng mga estudyante ang pagtuunan namin ng pansin kahit na halata naman kung sino ang may kagagawan no'n. I mean, we are Ara's friends. We know her more than he does. We can help," mahabang wika ni Milka.

"More reason why he won't let you help. You are her friends. You can be accomplices."

I heard Milka's grunt followed by Demi's chuckle.

"By the way, how's the break-in case? Still on that?"

Napailing na lang ako. Ang tapang ng babaeng 'to para magtanong tungkol sa kasong siya naman ang gumawa.

"It's been months since he gave it up. Kampante rin kasi siyang walang ibang makakabukas no'n because they monitored Sin's movements."

"And what does Sin have to do with this?"

"They believe he's the chosen one."

"That's bullshit. Sin is just an arrogant newbie who happened to injure Ara kaya niya nakuha ang rank niya."

"They say the chosen one will be born in the land of the powerless yet he will not be powerless but a son of banished knights. Sa pagkakaalam namin, Sin was born in Forthill but his parents were once servants of Forthmore. He also possesses exceptional power, having to achieve the Supreme rank. Even Headmaster Boris is quite convinced that he is the one."

So that's why Boris tasked Carwell to find him, huh. They think he's the one who can open the scroll.

"I still think that's absurd."

"I don't know either, Demi. Kung nandito lang sana si Ara, mas mapapadali sana 'to."

Saglit na natahimik sa labas kaya mas lalo kong dinikit ang tainga ko sa pinto. But I almost shrieked in surprise when someone suddenly knocked at my door. Buti na lang at nakontrol ko pa ang bibig ko.

"What's in here? Wala 'to noong last visit ko ah."

"Uhm, that's a stock room. The signage explains itself. Alam mo na, marami akong pinagkakaabalahan."

Ilang segundo ko ring pinigilan ang paghinga ko. After a minute or so, napabuga ako ng hangin nang marinig ang papalayo nilang yapak. Geez. Muntikan na ako ro'n.

Nang mapansin kong tahimik na ang sala ay nagtungo ako sa maliit na butas ng pader at dito sumilip. I fucking look like a creep doing this but I need to extract information as much as I can.

Nahagip ng mata ko ang crossbow na naiwan ko sa labas kanina. Halos mapamura ako nang nilapitan iyon ni Milka.

She squinted her eyes on the bow. "A.B.?"

Fuck, fuck, fuck! Bakit ko ba kasi iniwan 'yon do'n? At saka ba't kasi may pa-ukit ukit pang nalalaman 'tong si Demi.

"Uh, t-that's the brand. Yes, that's the brand. Gusto mong subukan? I'm good at hunting!"

"I suck at hunting, Ms. Huntress," mapaglarong sabi ni Milka. Nakahinga naman ako ng maluwag nang binitawan niya na ang crossbow saka sila naglakad lakad sa paligid.

Binalik ko ang takip ng butas bago umupo sa kama. I took out Sin's picture na pinuslit ko sa dorm at dinikit ito sa corkboard na nasa pader. I crossed out the Arcane Tower's picture and gazed at the next picture I have yet to visit — the palace.


THE sky started to gloom when I pack up my crossbow and spear. Maggagabi na and I haven't done a part of my training today because of Milka's unprecedented arrival. Naghintay pa ako ng ilang oras bago tuluyang lumabas.

"Hunting?"

"Training," maikling sagot ko kay Demi. She's fetching water from the lake to do the laundry.

"Okay, Ms. Huntress in training," natatawang sabi nito saka ako iniwan.

Napailing na lang ako. Yeah, among the two of us, I'm rather gifted in hunting. The same reason why she gave me her crossbow. 'Yon nga lang ay hindi ako nabiyayaan ng galing sa mga long-ranged weapons. I can manage but not as skilled as I am with melee weapons.

Nagsimula na akong magmartsa papasok sa kagubatan at nagmasid-masid. Huminto ako sa hindi kalayuang kahoy. Hindi ko alam kung anong prutas 'to. It has purplish color and roughly the same size as my fist. Nonetheless, tinutok ko ang crossbow ko doon.

These fruits could be a great training. Isa-isa kong tinamaan ang mga prutas at sinalo ito gamit ang basket na nakatali sa 'king paa. May mga ibang arrows na lumilihis sa ibang puno but I managed to hit most of the fruits.

I smirked as I checked the half-full basket. I'm sure Demi knows what these are. Siya pa ba. Halos isama niya na sa pagtae 'yung mga libro niya.

Sinabit ko na sa likod ko ang basket at nagpatuloy sa paglakad. As I went deeper to the forest, unti-unti kong naririnig ang mga atungal ng iba't ibang hayop. I aimed the crossbow at the wild boar crawling towards me, saka ko ito binitawan at bumulusok papunta sa hayop.

The noise caught the attention of the others. Mabilis akong umakyat sa puno at pinagmasdan ang pagdami ng mga hayop sa ibaba. Well, I can't kill all of them and take them to Demi. Makukutusan ako no'n kapag nagdala ako ng sandamakmak na hayop sa cabin.

Hinayaan kong humupa ang kaguluhan sa ibaba hanggang isa-isa na silang umalis. I jumped down and lifted the dead wild boar on my shoulder. Muli kong inikot ang gubat but I froze when I caught a glimpse of a palace knight roaming the area. Sinuot ko ang hood ng pula kong cloak at mabilis na tumakbo palayo.

I need to tell Demi about this. Kailangan kong lumipat.

Mabilis akong nakalayo sa parteng iyon. Hinihingal kong dinala ang baboy-ramo sa likurang pintuan ng cabin kung saan nakakonekta sa kusina. Nilapag ko ito sa katayan at mabilis na pumasok sa loob.

"I don't even know where she—"

Natuod ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa dalawang taong naluluhang nakatingin sa 'kin. Demi gave me an apologetic look. Tuluyang nilamon ng katahimikan ang paligid hanggang sa naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Milka.

"I-I knew you were here! That crossbow! It's yours!" umiiyak na wika nito.

Nanatili akong tulala. I don't know how to react. Bakit siya bumalik? Bakit siya nagsama ng iba?

Hindi ako kumalas sa yakap ni Milka pero nanatili ang mata ko sa lalaking nakatingin sa 'kin ngayon. Hindi ko mabasa ang mukha niya.

"Why didn't you show yourself?" Milka let me go. She rounded on Demi. "Why didn't you tell me?"

Nag-aalangang sumagot si Demi. "I-I just..."

"I don't wanna be seen," malamig kong wika. As much as I want to hug her back, hindi pwede. Kailangan ko siyang makumbinsi na kinalimutan ko na lahat.

"Ara, why would you want that? Hindi naman kita isusumbong kay Headmaster. You can trust me."

Hindi ako sumagot. Ilang beses akong napalunok bago iniwas ang tingin sa kanila.

"Excuse me," wika ko. Tahimik ko silang nilagpasan. Nahagilap ko pa ang pagtulo ng luha ni Milka.

I was about to twist the knob of my door when someone suddenly pulled me out of the cabin. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko habang kinakaladkad palabas. He let go of my hand when we reached the lake.

Walang isa sa amin ang naglakas loob na bumasag ng katahimikan. My eyes remained locked at him, as he is to me. I could feel my heart racing again. Gusto kong tanggalin ang tingin sa kaniya pero hindi ko magawa. I want to turn around and leave him but I cannot deny that a part of me aches to see his face a little more. Kahit na alam kong hindi pwede 'tong putang-inang nararamdaman ko.

Bumuntong hininga ako at tumalikod na sa kaniya pero hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap mula sa likuran.

"I didn't lose hope. I knew we'd meet again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top