Chapter 56: Unexpected Visitor

Trigger Warning: Sexual harassment

-

Ara's Point of View

"HOY, 'eto pagkain! Bilis!"

Nagising ako sa sigaw ng isang kawal sa labas ng kulungan. I scratch my eyes to adjust my vision. May dala itong dalawang pandesal at isang piraso ng candy.

Tsk. Nag-abala pa sila.

Hindi ako sumagot bagkus ay tinitigan ko lang siyang ibalanse ang dalawang pandesal sa basong walang laman. Minsan ay nilalagyan nila ng tubig ang basong 'yon pero ginagawa lang nila 'pag tulog ako.

It's been 2 weeks — 2 weeks of me recovering my energy to prepare for the next move. I have to keep a low profile and act weak. Hindi ako basta-bastang makakatakas dito dahil walang kahit anong butas ang kulungan maliban sa harap. Walang bintana o kahit ano na pwede kong samantalain.

I stood up as soon as the guard left. Kinuha ko ang isang pandesal sa baso at mabilis itong inubos. For weeks, I've learned to settle for the scraps of food they gave me. There is no point for me to be picky, especially that I need to recover as soon as possible.

Matapos kong kumain at masiguradong walang kawal sa paligid, I carefully took out the improvised sling bag I made out of the shreds of my pants.

I think it's time.

Nilabas ko ang kulay gintong papel. It seemed to glow in my hands while I examined it. Huminga ako ng malalim bago marahang hinila ang itim na lubid na nakatali sa kabuuan nito.

A beam of light enveloped the cell. Saglit akong napapikit hanggang sa humupa ang liwanag at tumabad sa akin ang blankong papel.

Napakunot ang noo ko. The anticipation I was holding back instantly faded. Muli kong sinuri ang scroll, but there's still nothing on it. Sinubukan ko itong ilawan gamit ang kadelarya sa gilid pero wala pa rin.

What's this? Did Demi put her life in danger for nothing?

Oh, wait—

"Does that mean the scroll contains information about the fifth prophecy king?"

"How did you know about the fifth prophecy king? I didn't know that..."

"Did you open it? Anong nakalagay?"

"Unfortunately, only a chosen one or a really powerful god can open and read it. And since I am neither of the two, wala akong magagawa."

Only a chosen one or a powerful god can open and read it.

Nagtataka kong tinitigan ang blankong papel sa na nakalatag sa sahig. I managed to open it. That means...

Okay. Wala namang masama kung susubukan ko.

I pulled my dagger off my boots. Sinugatan ko ang palad ko at hinayaang tumulo ang dugo ko sa papel.

The scroll emitted another ray of golden light. Tumapat ito sa aking mukha but instead of being dazzled by the light, it gave me comfort. Several letters started to appear in red ink, forming words, phrases, and sentences until it became a full stanza. Sinusundan ng mata ko ang bawat kataga nito.

Nabitawan ko ang scroll kasabay ng pagkawala ng ilaw mula rito. Everything went in slow motion. It's as if time couldn't keep up with my heartbeat. Paulit-ulit akong huminga ng malalim para ikalma ang sarili hanggang sa hindi ko namalayang may tumulong luha sa mga mata ko.

I balled my fist. How hypocrite I am to react this way. Ito naman ang ginusto ko simula pa lang. Maghanap ng maaari kong alas laban sa hari but a part of me aches at the words written on the scroll.

I wish I stayed away. I wish I hadn't open it.

"Bilisan mo! Hindi ako pwedeng magkamali, may lumiwanag banda ro'n!"

I quickly wiped my cheek. Itinago ko muli ang scroll sa bag at inipit ito sa likod ko. Good thing I'm wearing a loose shirt. Hindi nila ito mahahalata.

Nagkunwari akong natutulog habang pinapakiramdaman ang paligid. The footsteps are getting nearer, and it stopped right in front of my cell. Narinig kong kinalabog nila ang rehas pero hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakapikit.

"Boss, bagong utos galing sa hari. Kailangan na rawng ilipat ang babae."

"Ngayon na? Hindi pa nga natin 'to napakinabangan."

"May susundo daw mamaya, boss. May isa lang problema."

"Problema! Puro na lang problema ang bukambibig mo, bobo."

"May gustong dumalaw sa kaniya. Naghihintay sa labas ang pamangkin ng hari."

Napantig ang tainga ko.

Carwell... Carwell is here? Ano'ng ginagawa niya rito?

He shouldn't be here. Ayaw kong makita niya ako sa ganitong sitwasyon. Ayaw kong kaawaan niya ako. But then again, who am I to say that he would pity me? Puno ng galit ang mga mata niya no'ng huli ko siyang nakita at hindi ko siya masisisi.

Why would he pity me when I took away his cousin's life? Kung nakontrol ko lang sana ang atakeng iyon, this wouldn't have happened.

Paulit-ulit kong hinampas ang dibdib ko. It feels heavy. I shouldn't feel this. Hindi dapat ako nasasaktan.

"Hoy, babae. Gising! May bisita ka."

I heard the bars creaking before a hand grabbed my hair and dragged me outside. Napilitan akong buksan ang mga mata at humakbang para suportahan ang bigat ko.

Mas lalong humigpit ang paghawak ng kawal sa buhok ko. I bit my lips to suppress myself from groaning. Kumikiskis ang botas ko sa magaspang na sahig ng pasilyo habang kinakaladkad niya ako papunta sa kung saan.

"Pa-espesyal ka masyado. Pasalamat ka at inutusan kami ng haring huwag kang patayin kundi baka matagal ka nang nakabaon sa lupa ngayon," inis na wika nito sabay dumura sa gilid. Pumasok pa ang laway niya sa selda ng isang matandang babae na agad napaatras.

Napatiim-bagang ako. "Hindi ba't may batas kayong sinusunod? Guards like you shouldn't even touch a prisoner unless the law says so."

Umalingawngaw sa buong hallway ang paglapat ng kamay niya sa pisngi ko. Napapikit ako sa hapdi.

"Huwag kang magmarunong, babae. Hindi mo alam ang pamamalakad dito."

Yeah, right. Wala akong alam sa baluktot niyong batas.

Silence prevailed between us as he continued to drag me. Minabuti kong itikom na lang ang bibig dahil wala rin namang mababago ang mga salita ng isang gaya ko sa mga makikitid na utak gaya niya.

Ilang minuto ang lumipas at huminto na rin kami. I suspect we're around the entrance of the dungeon based on the broken chairs provided on the corners.

Couldn't they be more hospitable? Naglagay pa ng silya, hindi rin naman mauupuan.

Sa kabilang bahagi ay may rehas na nakaharang. The guard dragged me in front of the bars and firmly held my jaw. Halos bumaon ang mga daliri niya sa pisngi ko habang pilit akong pinapaharap sa rehas. Saka ko lang napagtantong may mga upuan rin at pinto sa kabilang parte ng silid.

Tumigil ako sa pagpupumiglas nang biglang bumukas ang pinto. My chest tightened when I saw the familiar face of the person I least expected to see.

He's all covered in sweat and blood was dripping from his hands. Gulong gulo ang kaniyang buhok at may sugat pa sa kanang kilay. He seemed like he's been in a fight yet the look on his face still remains the same — the face that made me wonder how the gods started the human race.

I am not sure if I felt it right, but my heart skipped a beat the moment his eyes landed on mine. Bahagyang lumambot ang tingin niya pero agad ding bumalik sa dati.

Saglit kaming nagtitigan. Half because I don't know what to say and half because I want to spend a little more time staring at his hazel eyes. In case this is the last time I get a chance to look at him, I won't be able to hold another minute if those eyes scream anger again.

Hindi ko napigilang dumaing nang bigla akong itulak ng kawal papalapit sa rehas. Nasubsob ako rito pero agad ko ring inangat ang mukha ko.

I swallowed real hard when Carwell walked towards me. Napalunok ako. Hindi ako tumayo. Hinintay ko siyang magsalita. Hinintay ko siyang murahin ako, suklaman, saktan pero hindi pa rin siya umimik.

Sinipa ng kawal ang rehas sa pagitan namin ni Carwell na siyang lumikha ng ingay.

"Ano, magtititigan lang ba kayo riyan? Limang minuto lang ang pwede kong ibigay sa inyo ha." Tinuro ng kawal ang kaniyang relong hindi gumagana bago umalis sa silid.

Kaming dalawa na lang ni Carwell ang natira pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Peke akong tumawa.

"You hate me so much that you wanna see this yourself? I know what you're thinking, that I deserve th—"

Napahinto ako nang may nilabas siyang supot. "They're not giving you enough food."

Nilapag niya sa sahig ang supot at bahagya itong binuksan upang ipakita sa 'kin. Umupo rin siya sa sahig para magpantay kami.

"I know this isn't enough but this would suffice for the next three days. I will bring more when I can."

My eyebrows furrowed. Why is he acting this way? Hindi ba dapat ay magalit siya sa 'kin? Sumbatan niya ako?

He stopped arranging the food when he noticed my silence. "Don't give me that look."

"How should I look at you then?" I should congratulate myself for not stuttering.

"The old way. I like it better."

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang supot sa 'kin palad. Nandiyan na naman ang kakaibang sensasyong dumadaloy sa sistema ko sa tuwing nagtatama ang balat naming dalawa.

"Let's stop pretending. What are you doing here, Carwell?" diretsa kong tanong.

"Aren't you gonna thank me first?"

"Can you stop beating around the bush? Just tell me, anong pinunta mo rito?"

"You're still ungrateful and hard headed."

"Does this look like a fucking joke to you?! Hindi pa ba sapat na sinira mo ang mga plano ko? You—" I paused. Mistulang may bumara sa lalamunan ko. "You are fucking confusing me."

"Confusing you?"

Napaiwas ako ng tingin. What the fuck did I just say?

"Why am I confusing you, Belacour?"

Because you are acting like this. You are making me feel the things I despise the most, and it would cost me the world if I fall into your trap.

Gustong gusto kong sabihin sa kaniya lahat pero wala akong lakas ng loob. Gusto kong sabihin na hindi ako gano'n ka-bobo para hindi malaman kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko.

Who the fuck am I kidding?

But I can't crumble into pieces right now. Hindi niya pwedeng malaman.

"Belacour?"

"It's nothing."

"It's not. Alam kong may gusto kang sabihin. Spill."

"Wala. I have nothing to say."

"Ngayon ka pa ba magsisinungaling sa 'kin? I already saw the real you—"

"Then why can't you just leave me alone?!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

"Because I can't!" Tinuon niya ang mga mata sa sahig upang maiwasan ako. "I should be mad at you. I should loathe you for what you did but maybe if I listened..." He stopped as if he realized something. "I guess I was just hoping we had it all wrong."

Natahimik ako. Pinagmasdan ko ang pagbalik ng walang emosyon niyang mukha. He turned his back on me and started walking away. Pero pareho kaming nagulat nang biglang sinipa ng isang kawal ang pinto ng silid na kinaroroonan ko.

I shrieked in pain when the guard pulled my hair away from the bars. It made Carwell look back. Nanlaki ang mata niya nang makita ang sitwasyon ko. Napapikit ako sa sakit.

"Nandito na 'yung sundo mo pero sayang naman 'pag hindi ka namin mapapakinabangan 'di ba? Ilang minuto lang naman." He flashed a luscious smirk. Puno ng pagnanasa ang mga mata niya na ikinatindig ng balahibo ko.

Before he could touch my face, my fist immediately landed on his jaw. Napaatras siya sa ginawa ko. I heard Carwell shout my name kaya napalingon ako sa likuran. Another guard was rushing towards us. May dala itong kutsilyo.

The guard dashed on me. Iniwasiwas niya ang dalang kutsilyo na mabilis ko ring iniwasan. Napaubo ako nang makaramdam ng sipa sa likuran. I turned around to see the first guard who pulled me. Nang dahil sa ginawa ko ay nagkaroon ng pagkakataong gumanti ang isang guard.

I cussed when my butt landed on the floor. But I wasted no time. Mabilis kong binunot ang punyal sa botas na suot ko kahit na hindi ako halos makatayo sa sakit ng aking likuran.

It's my turn. I saw the first guard running towards me. Inatake ko ang mukha niya na madali niyang iniwasan. I jumped on his back as soon as he ducked my attack. Tinalon ko ang distansya sa pagitan namin ng ikalawang kawal.

He looked up at me gliding midair. He was about throw his knife but I landed faster than he did. Tumama ang sipa ko sa mukha niya. Marahas kong binawi ang kutsilyo sa kaniyang kamay at walang kahirap-hirap itong binali. Muli ko siyang sinuntok bago mahigpit na sinakal hanggang sa umangat na ang kaniyang katawan.

"It would be my pleasure to alleviate one more blood as dirty as your king," malamig kong wika.

But the guard's grin didn't falter. I heard Carwell's scream once again but it was too late. I felt a pang of pain on my shoulder. The strength that was surging inside me just moments ago suddenly vanished. Parang hinihigop ang lakas ko.

The guard successfully escaped my grip. Taas noo siyang naglakad pabalik sa kasama niya. Saka ko lang napansin ang syringe na dala ng unang kawal. There was a violet liquid inside it.

Napahawak ako sa balikat ko. I felt weak. Kahit buksan ang bibig ay hindi ko magawa.

Napaluhod ako sa sahig. I caught Carwell staring at me. He was muttering something. Gumagalaw ang bibig niya pero wala akong marinig. Parang nawalan ako ng pandinig. Unti-unti ring lumabo ang paningin ko.

Silhouettes. That's all I managed to see. Tuluyan na akong napahiga na parang lantang gulay.

I held my breath when a silhouette positioned himself above me. Gusto kong sumigaw but he injected another liquid in my body. I felt his hand trailing all over my arm and my neck, sending shivers down my spine.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko nakikita ng malinaw ang pagmumukha niya but I could smell his nasty breath in front of me.

Itinaas ng lalaki ang kamay niya at akmang hahawakan ako nang bigla siyang tumilapon sa pader. Fire started to envelop his boots. Umakyat ito sa damit niya hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng apoy.

Carwell. Siya lang ang kilala kong kayang gumawa no'n.

Tuluyan na akong nawalan ng paningin. All I could do was to listen to my surroundings. I heard Carwell cussed before a loud bang filled the room. Ilang daing at mga yapak pa ang narinig ko.

Unti-unting uminit ang buong silid na sigurado akong kagagawan ni Carwell. I yelled in pain when someone stepped on my arm, pero mabilis din itong nawala kasunod ng malakas na daing ng isang lalaki.

Sinubukan kong gumalaw pero wala pa rin. Wala pa rin akong lakas.

Kumabog ang dibdib ko nang may katawang tumilapon sa aking tabi. Kilala ko ang amoy nito. Waiting for him to move was agony. Mas lumala pa ang kaba ko nang hindi na talaga siya gumalaw.

"M-magkikita pa tayo... I hope you tell me what you have to say when that day comes." His voice sounded weak yet hopeful.

My chest tightened when I felt his hand slowly reaching on to mine. He's shaking pero pilit niyang pinagkrus ang daliri namin.

"C-Carwell..."

"Shh... It'll be okay."

I wish. I wish it will.

But I didn't sign up for things to be just okay in the first place. I signed up for revenge. If I only knew things would end up like this.

Ito na ba ang karma ko?

"Anong katangahan na naman ang ginawa niyo rito? Isakay niyo na 'yan sa karwahe!"

It was the last voice I heard before I found myself getting dragged on the cold floor once again. I tried to call Carwell but my mouth couldn't seem to do so. Hanggang sa unti-unti nang lumuwag ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"Stay alive, Ara. " It was then that he finally let my hand go. "Stay alive for us... for me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top