Chapter 47: Oblivion
A lot of eyes went in our direction when we entered the cafeteria. It's been two busy days since my last attempt in the dungeon. All is back on track. No missions. No attacks. Bumalik na kami sa training, that includes Sin who's the one handling my troop for the mean time for I'm too occupied with all the things that I have to handle.
Rhysan's investigation wasn't making that much progress. A bittersweet news. Kailangan ako ang unang makaalam kung saan nilagay ni Demi ang scroll. Hindi nila ako pwedeng maunahan.
We sat at the corner part of the cafeteria, kung saan wala masyadong dumadaan. As soon as all of us settled down, Jiro and Snow moved to another table opposite us. Napailing na lamang ako.
"Where are you going?" tanong ko nang tumayo si Genesis sa tabi ko.
"I have to talk to Ji—"
"Excuses." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik. "Sit down."
He hesitated. Ilang segundong naglaban ang mga mata namin hanggang siya na ang umiwas. He pulled his hand back and sat down.
"Uhm," basag ni Estelle sa katahimikang namamagitan sa 'min. "Ako na mag-o-order. Anong sa inyo?"
"Ako na."
Lahat kami ay napalingon kay Carwell. Did he just volunteered to order food for us? Anong espirito na naman ba ang sumapi sa lalaking 'to?
"What?"
"Faster before I change my mind," malamig na aniya. Saglit na tumama ang mata niya sa 'kin pero mabilis ding umiwas.
Everyone said their orders maliban sa 'kin. He waited seconds before furrowing his eyebrows on me. "Walang sa 'yo?"
"Ikaw na bahala."
"Walang pagkain na 'ikaw na bahala'."
I rolled my eyes. "I'll have the same with Shaye."
Hindi siya sumagot at tumalikod na.
"Ara ha, don't think we haven't noticed," sambit ni Estelle. Nakangiting aso pa ito habang kumikindat sa 'kin.
"Ano na naman?" Pabiro ko silang sinamaan ng tingin.
"Something's going on between you and Carwell." She squinted and pretended to sniff the surroundings. "Fishy."
"Probably Third. 'Di ka na naman naligo 'no?" pang-aasar ni Rhysan sa katabi niya na sinabayan ng tawa ni Zale.
Third pouted. "Ang sama mo, gurang."
"Ah, gurang pala ha."
At nagsimula na silang magkilitian ng beywang, nakisali pa ang iba. Shaye and Milka attempted to tickle me but they stood back as soon as I shot them a death glare.
"Mga isip-bata," rinig kong bulong ni Genesis.
Napalingon ako sa kaniya at saktong lumingon din siya sa 'kin. Wow. Parang 'di siya isip-bata dati.
"Meet me at the Prime Gardens at 6 o'clock tonight."
He glanced at me for a moment. I thought he was gonna decline or something but he silently nodded. Hindi na siya nagsalita hanggang sa dumating na si Carwell dala ang mga pagkain namin.
We started feasting when we heard a yell from the entrance. It was Atya rushing towards our table. As soon as she got close, mabilis siyang yumakap sa akin pero agad ding bumalik kay Carwell at kumandong dito.
"I miss you, kuya!" She gave him a peck which left Carwell red. Naiilang siyang tumango at pinaayos ng upo si Atya.
"What about us? Hindi mo ba kami na-miss, hmm? Tampo na ako, sige ka. Hmp!" Estelle attempted to baby talk na ikinangiwi naming lahat.
Atya chuckled. "Of course I miss you too, ate!"
They continued their chitchats. Meanwhile, Genesis, Carwell and I remained silent. Paminsan-minsan ay sumusulyap si Carwell sa 'kin at umiiwas kapag nahuli ko siya, ganoon din ang isang katabi ko. Men are really difficult to discern.
"You'll have to look for a dress. I think I saw something at the Central that'll perfectly suit you, Milka," ani Rhysan. "We can accompany you there habang wala ka pang naaalala."
"We'll come too. I gotta change my suit. The slack's a bit short for me," said Third.
"Oh, Sin should come with us too. Sasabihan ko siya," Milka uttered, delightedly. Saglit na natahimik sina Rhysan.
"Yeah sure," she reluctantly nodded. Lumingon ito sa 'kin. "What about you, Ara? Are you coming?"
"I think I—"
"No. She has a wedding to prepare for."
Napataas ang kilay ko sa biglaang pagsabat ni Carwell sa usapan. "Excuse me, who are you to decide for me?"
"I said I'll help you and I doubt dresses can help you plan your wedding."
Not that I can attend the ball, though. I'll be exiled once I ditch the king. Sigurado ako roon.
Hindi na ako kumontra sa sinabi ni Carwell. Everyone looked at me in disbelief. Palipat-lipat ang tingin nila sa amin. Until Estelle stood up and slammed the table top.
"Okay, let's get this through," panimula niya habang pinupukol kami ng nagdududang tingin. "You, guys, are keeping secrets. Huli na ba kami sa balita?"
"What are you talking about?" kunot-noong tanong ko.
She grinned. "Sabi na eh!"
I opened my mouth but closed it when Genesis beside me stood up. "Excuse me, I have to go to the restroom."
And he left without looking back.
"Oh, god! I can't get enough of this romance," maarteng wika ni Estelle.
Pinagsasabi ng babaeng 'to?
Nonetheless, I shrugged it off. Bumalik na sila sa dating usapan at kulitan samantalang ako ay nakatungo lang sa kutsarang hawak ko. They only paused when Atya asked to pee, na siyang napipilitang sinamahan ni Carwell. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin sila nakakabalik.
"Ang tagal naman 'ata nila?" Zale roamed his eyes on the cafeteria.
"Tumae pa siguro." At nagsimula na naman silang magtawanan. Napailing na lamang ako.
"Oh, ayan na ang hinahanap niyo."
"What took you so long?" Huli na nang mapagtanto ko ang lumabas sa bibig ko. Fuck. Ano ba 'tong pinanggagawa ko?
Everyone grinned. Maging si Carwell ay natameme sa inasal ko.
"Excuse me." Mabilis akong tumayo at nagmartsa palabas ng cafeteria. Rinig ko pa ang kantyawan ng mga Arcanes habang naglalakad. I'm such an idiot today. And stupid, every stupid.
Lumiko ako palabas ng main building. Nakayukom ang kamao ko sa sobrang inis. I ran across Sin who waved at me but my eyes weren't on him. Mas lalong napahigpit ang yukom ng kamao ko nang makita ang babaeng nakapulupot sa braso niya.
"Hey, Ara! I forgot to submit the training pro—"
"You're an asshole," malamig kong wika. Nabigla siya sa sinabi ko pero wala akong pake. I rounded on the girl. "And you, you're a slut."
"Hey, hey, Ara. That's—"
"What did you just say?" maarteng wika ng babae.
Napatiim bagang ako. "Alam mong may girlfriend ang tao, nilalandi mo pa. Wala ka bang utak o sadyang masyado ka lang makati at pati jowa ng iba kinakarengkeng mo?"
"Bakit ka ba nakikialam? Labas ka naman sa—"
"Ara, it's not what you think."
"Not what I think? Are you saying that I'm stupid?"
"There you are." Napalingon kaming lahat sa kakarating lang. His hands were on his pocket while staring at us in confusion. "What's going on?"
What is he doing here? Sinundan niya ba ako?
Binalik ko ang tingin kay Sin. "Huwag mong hintayin na ako mismo ang magsabi kay Milka tungkol sa kahayupang ginagawa mo."
And I left as quick as I could. Hindi ako nag-abalang lumingon o kahit bagalan ang paglakad. Agad akong nagtungo sa dormitoryo pero hindi pa ako nakaka-isang hakbang sa hagdan ay may nagsalita sa likuran ko.
"Why... why did you have to walk so fast?"
I was surprised at Carwell's exhausted face behind me. He was catching his breath while fixing his hair. Dumako ang tingin ko sa kanang kamay niya. There was a familiar mark on his palm, like he just squeezed a ball of fire and burnt his hand.
"Did you overuse your power again?"
The last time I saw that mark was during our training. It only appears when he uses too much of his ability.
Napansin niyang nakatitig ako sa kamay so he quickly slid them back to his pocket.
"Did you?" pag-uulit ko.
He shook his head. "I mishandled—"
"Liar." Sinamaan ko siya ng tingin. Anong mishandled? It's not like he's done any duel or... "Is that from the fire you made at the dungeon?"
He sighed in defeat. "The news reached the king—"
"And he punished you?" Napahakbang ako palapit. Why do I feel strange?
Am I guilty?
"He has the right to do so. I broke a rule."
"At talagang ipaglalaban mo 'yung inutil niyong hari?"
Hindi ko maiwasang mainis. Naiinis ako sa kaniya, sa hari at lalong lalo na sa sarili ko. Why does it affect me so much?
His face hardened. "Mag-ingat ka, Belacour. Pamilya ko pa rin ang pinag-uusapan natin dito."
Saglit kaming nagtitigan hanggang siya na ang umiwas. Nilapasan niya ako at nauna nang umakyat sa dormitoryo.
I slapped myself back to reality as soon as he vanished from my sight. Napahawak na lang ako sa sarili kong ulo.
"You're fighting again?"
Napalingon ako kay Atya na kakapasok lang sa tore.
"Nag-usap lang kami."
"I heard what you said, ate. Tinawag mong inutil ang hari," aniya. "Hindi ba masama po 'yun?"
Ngumiti lang ako kay Atya. I patted her head bago kami umakyat sa dormitory.
Humigit ako ng malalim na hininga. Hindi na maganda ang mga lumalabas sa bibig ko lately. Masyado na akong nakakampante.
"ROOM 342 daw sabi ng staff," Shaye said.
Shaye, Milka and I were heading towards the Scouts' dormitory upang hanapin ang kwarto ni Demi. It was Milka's request and Boris consented.
We met several Scouts as we entered the lobby. Pasulyap-sulyap ang mga ito sa amin, lalong lalo na kay Milka. For days, she's been a spectacle because of her fake death and as a sister of a murderer, na wala namang katotohanan.
"Don't mind them," wika ni Shaye.
We passed through several rooms until we finally reached Room 342. Kumatok si Shaye. Kaagad namang bumukas ang pintuan. Bumungad sa 'min ang isang matangkad na babae.
"Aces. Ano'ng kailangan niyo?" Lumipat ang tingin nito sa 'kin. "Supreme."
"Hi. I'm Mikaela, Demi's sister." Inalok niyang makipag-shake hands ang babae pero tinignan lang siya nito.
Nag-aalangan na tumingin ang babae sa likuran bago kami pinapasok. The room was a mess. May dalawang kwarto sa dulo at nakabukas pa ang pinto ng isa kung saan kitang kita ang isang nakahubad na lalaki sa kama. Puno rin ng bote ng alak ang sahig.
Ano'ng klaseng babae ba 'tong room mate ni Demi?
Nilagpasan namin siya at dumiretso sa nakasarang kwarto. We were greeted by a stinky smell when we entered the room. Amoy bulok na gamot. May nakasabit na lubid sa gitna ng kisame, mga nagkalat na papel sa sahig, at mga bote ng gamot sa kama. Pati ang closet ay nakabukas at sobrang gulo.
Milka gasped. Maging ako ay hindi nakaimik.
She tried so many ways to end her life. 'Yung kamay niya noong nasa training pa kami, pati ang leeg niya. At ang pagkahimatay niya noon. It now made sense.
"W-what was she thinking?" nanginginig na tanong ni Milka. Umupo siya sa kama at nanginginig na inayos ang mga nagkalat na bulok na gamot.
"No one knows..." wala sa sariling sagot ni Shaye habang nililibot pa rin ang tingin sa paligid. Napahinto siya at bumaling sa 'kin. "You were friends, right?"
Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa study table niya kung saan may mga notebook na napunit. I traced the surface with my finger tips. Shaye and Milka started cleaning the mess habang ako ay nakatayo lang.
Pinagmasdan ko ng maigi ang bawat sulok ng kwarto. Where could it possibly be?
Dumako ang tingin ko sa isang naka-frame na charcoal drawing na nakasabit sa pader. Dalawang babaeng nakaluhod sa harap ng isang lalaki. Wala itong mga mukha pero sobrang pamilyar.
I tried to reach the drawing pero biglang may kumatok. It was that girl. Inirapan kami ng room mate ni Demi.
"May naghahanap sa inyo sa labas."
Tumango lang si Milka. Muli akong tumingin sa drawing bago kami lumabas ng silid. Ano'ng mayroon sa guhit na iyon?
"Ba't ang tagal niyo? Magdi-dinner na," bungad sa amin ni Rhysan.
"Mauna na muna kayo. May dadaanan lang ako."
They didn't bother to ask me. Nauna na akong bumaba ng building at dumiretso sa Prime Gardens. Pagpasok ko pa lang ay nahagip na ng mata ko ang pigura ng isang lalaki.
"It's already 6:15. You're late."
"Kailan ka pa naging time conscious?" He didn't respond kaya lumapit ako at tumabi sa kaniya. "Spill it."
Humarap siya sa 'kin. Sinubukan niyang ngumiti pero halatang may bumabagabag sa kaniya. "Spill what?"
"Whatever you have in there. Don't think I haven't noticed how strange you've been acting lately."
"Wala 'yon. May iniisip lang."
Silence prevailed after his statement. Ilang minuto kaming natahimik bago siya gumalaw. I thought he was going to leave, pero umupo lamang siya sa damuhan.
I sat down beside him.
It feels strange to be this close yet silent with one of the loudest creatures I've met.
"You know, I hated your presence so much when we met on the island," wika ko habang nakatingala sa kalangitan. "Puno ng hangin 'yang utak mo e."
He scoffed, pero hindi siya sumagot kaya lumingon na ako sa kaniya.
"Where's that airhead werewolf now?"
Unti-unting nabuo ang malokong ngiti sa mukha niya. "Pwede mo namang sabihin na miss mo ako."
Napairap na lang ako. Inuuto talaga ako ng lalaking 'to. Kanina ang tamlay niya tapos ngayon, bigla na lang mang-iinis.
"Pinaglalaruan mo lang ata ako e." Padabog akong tumayo at tinalikuran siya. "Ewan ko sa 'yo."
"Wait, Ara..."
Huminto ako. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapameywang. "Oh?"
"I'm sorry."
I didn't know how to react. Ngayon ko lang 'ata siya narinig na mag-sorry. His voice sounded so sincere. Kahit ang mga mata niya ay nangungusap, na parang may gustong kumawala na pilit niyang pinagtatakpan.
"I found out something I shouldn't have." His eyes were fixed intently on me. "About you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top