Chapter 43: All That Is Left Behind
"HOW come..." hindi makapaniwalang tanong ni Boris nang makapasok kami sa kaniyang opisina. His face was filled with so much bewilderment he couldn't even pay a glance to Sin.
"Uhm, I'm Mikaela po, sir. Mikaela Ross, and this is my boyfriend, Sin," Milka introduced herself.
Saglit na lumipat ang tingin ni Boris kay Sin pero binalik din agad kay Milka. They shook hands and it took a little while before Boris stopped shaking them stupidly.
"B-buhay ka nga. Paano ito nangyari?" He caressed his hand as if feeling Milka's touch against it, na tila unti-unting naliliwanagan na buhay, buo, at nakakapagsalita ang inakala nilang patay na.
Awkward na tumawa si Milka. "Ah, hindi po ako namatay, sir."
Tumalim ang tingin ko kay Boris. Mukhang naintindihan niya naman ang gusto kong ipahiwatig. He composed himself, clearing his throat as an attempt to recover from his stupidity.
"Oh, I apologize, Ms. Ross. I must've mistaken you as someone." Umayos siya ng tindig. "I'm Headmaster Boris. Boris Rovuille. I believe you already know Mr. Carwell and Ms. Belacour here," tinuro niya kami, "you can ask for their aid while you stay here."
"Sure po. Thank you."
Boris finally diverted his attention on Sin. "Oo nga pala. Welcome to Forthmore Academy, hijo! I'm glad we finally met."
Sinuklian ito ni Sin ng maamo at malawak na ngiti.
"It's my pleasure to meet you too, headmaster."
Boris commanded us to head on our dormitory dahil may pag-uusapan pa raw sila ni Sin. And so we did. We all marched towards the Arcane tower, including Milka. Gabi na rin naman kaya wala nang estudyanteng naglilibot. Wala pang makakakita sa kaniya. Wala pa. Besides, she had nowhere to stay. Wala rin namang ibinilin na susi si Boris o kahit ano.
"It seems like you guys have high positions here. Okay lang bang sumama ako?"
You were once in a high rank, Milka. You were an Ace. As much as my lips wanted to slip those words, I shouldn't spoil the fun.
"They can do nothing," I replied, my voice echoing with confidence.
Her face lightened for a bit. Tumingkayad siya at nilapit niya ang bibig sa akin. "Ganiyan ba talaga ang jowa mo? Tahimik? Ang boring."
"He's not my boyfriend."
"Ay sus! Deny it all you want, Ara. Halata naman."
"Boyfriends are a waste of time. Dagdag lamang sa iisipin," bahagya kong hininaan ang aking boses, "and I don't need a man who can't even prove himself worthy of what he have."
"Mas lalong hindi ko kailangan ng magnanakaw na parang sino kung umasta."
Pareho kaming napatigil ni Milka nang padabog na iniwan kami ni Carwell. I gaped at his back slowly vanishing from the distance. Ang hina na nga ng pagkasabi ko no'n, narinig niya pa.
Milka acted as if zipping her mouth. Saka namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang makarating kami sa dormitoryo. The room was unusually silent when we entered. Himala. Hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi pero ang tahimik na.
"Saan ako? Si Sin?" Milka asked under her breath.
"You'll stay with me for tonight. Si Boris na ang bahala kay Sin."
Unlike him, Milka already had a place in this dormitory. Nabibilang siya rito. As for Sin, hindi ko alam.
Pumasok na kami sa kwarto ko at napagpasyahang bukas na lang mag-ayos ng mga gamit. Nilagyan ko pa ng dalawang unan sa gitna ng bed na siyang ikinareklamo niya but a simple glare from me shut her mouth.
"Don't think I haven't noticed, Ara."
"Hmm?"
"Headmaster Boris knows me. Even your boyfriend knows me, too." Tumagilid siya at ginawang unan ang braso. "This isn't my first time here, isn't it?"
Sinuklian ko siya ng blankong tingin. Then I turned around on the opposite side. Malakas siyang napabuntong hininga na siyang ikinataas ng sulok ng labi ko.
She's not that stupid after all. Tama lang dahil ayaw ko ng bobong kaibigan.
LOUD shrieks of panic woke me up from my peaceful slumber. I fixed myself before roughly opening the door. It was Snow and the others. Unexpectedly.
"Who are you? What are you doing here?"
"Are you a clone?"
"M-multo..."
"Oh, geez. Shut up, all of you," I interrupted, rolling my eyes on them.
"Ara!"
Nanlaki ang mata nina Shaye at Rhysan nang makita ako. They both ran to me, including Estelle, but I luckily managed to dodge their filthy hugs.
"Is she her ghost?" Rhysan whispered in my ears.
Hinila ko si Milka papalit. Like everyone else, she looked as baffled as shit. Nagtataka niya akong tinignan.
"What's happening?" she mouthed, no words coming out from her lips.
"So you're back. Saan mo naman napulot ang impostor na 'yan?" malditang sambit ni Snow.
"She looks so real..." It was Third who seemed uneasy.
Zale's not here, though.
"She's Mikaela Ross, a shadow manipulator."
Napalingon ang lahat sa kakarating lang. Si Carwell. Buhaghag pa ang buhok nito at halatang gaya ko ay nabulabog din ang tulog.
"Shadow manipulator? That's absurd! The Mikaela Ross we know was gifted with petrification," Snow insisted, resting her hand on her hip.
I felt Milka's grip tightened on my hand. "W-what are they talking about?"
I stepped in wearing a dead ass serious face. "That remains a mystery. What you can do now is to forget the Mikaela you once knew. She's now a shadow manipulator."
Hinila ko si Milka paalis doon. I left them on the living room, dumbfounded and baffled. Nahagip naman ng peripheral vision ko ang bahagyang pagtalim ng titig ni Carwell sa akin bago kami tuluyang makalabas.
I dragged Milka towards Boris's office. Nang makarating kami ay marahas kong sinipa ang pinto. Napatalon sa gulat si Boris pati ang kasama niyang si Elleri.
"Out," I commanded. Rude, yes. Pero kahit kailan naman hindi naging maayos 'tong Elleri na 'to sa akin kaya patas lang.
She slammed the book she was holding against the table. "You rude little brat!"
"Aalis ka o pasasabugin ko ang opisinang 'to?"
Boris hurriedly escort her outside while she's hysterically yelling. Pagkatapos ay muling tumingin sa amin si Boris.
"So what is it, Ara?"
"About Milka."
"About me? W-what?" nauutal na tanong ng katabi ko.
Milka has the right to know who she was. At kahit gustuhin ko man na ako na ang magsabi sa kaniya, wala pa rin akong magagawa dahil kamakailan ko lang naman nakilala ang babaeng 'to.
"Babalik ako mamaya," bilin ko sa kaniya bago tumalikod. But I paused when I held the knob. Nilingon ko si Boris at seryoso itong tinitigan. "Hindi ito ang unang beses na may kababalaghang nangyari sa lugar na 'to. Hanggang kailan ka magbubulag-bulagan?"
Confusion filled his face before I walked out of the office. Habang naglalakad pabalik sa dormitoryo ay hindi ko mapigilang mapayukom ng kamao.
The death of the Jewels. The poison. And now, the mysterious things that happened to Milka.
What the fuck is going on?
Palabas na ako ng building nang nakasalubong ko si Genesis. As usual, ngiting aso pa rin ito at akmang dadambahan ako ng yakap nang tuluyan siyang makalapit.
"Subukan mo kung gusto mong mawalan ng isang braso," banta ko rito.
"Woah. My girl's not in the mood." Pabiro niyang minasahe ang magkabilang balikat ko pero mabilis ding napabitaw.
"I'm no one's girl." And I'm always not in the mood. Saang lupalop ba ng mundo naglakbay ang isang 'to at lagi na lang missing in action?
"Umamin ka nga. Are you in a secret mission?" biglaang tanong ko.
Napangisi siya at sinundot ang tagiliran ko. "Uy, na-miss niya ako. Hays, kung sabagay. Sino ba namang hindi makaka-miss sa— hoy, saan ka pupunta?!"
'Di ako sumagot. I walked out and waved my hand at him while keeping my eyes on the ground. Ramdam ko ang pagsunod ng presensya niya sa likuran ko hanggang makaakyat kami sa dormitory.
We were both greeted by the heavy and confused stares of the Arcanes.
"You owe us an explanation," ani Snow.
Genesis forwarded, "Excuse me?"
"Hindi ikaw. Assuming."
Sabay silang napalingon sa 'kin.
"What?" I asked. "I already told you what I know. Ano pa ba'ng gusto niyong marinig?"
"A lot."
Lahat kami ay natigilan nang may nagsalita sa likuran ko. It was Zale. Mabigat ang aura niya hindi gaya ng dati na palaging magaan at kalmado. Matalim ang titig niya sa akin pero hindi ko mawari kung galit ba ito o ano.
"Just like how is she alive? Bakit pareho kayo ng kapangyarihan? Bakit nasa Forthill siya?" Napaigting ang panga nito. "And why is she with that man?"
"That man? Who?" rinig kong bulong ni Estelle kay Rhysan.
So, he saw us last night. Kaya naman pala wala siya kanina.
"Mas mabuti kung si Boris ang tanungin niyo. Lubayan niyo ako."
"Is he her boyfriend?" muling tanong ni Zale.
Sinalubong ko ang mga mata niya. "Ba't hindi siya ang tanungin mo?"
"Just answer me, Ara. Please." Kalmado ang boses niya pero may tinatagong bigat. "Kahit 'yang tanong na lang ang sagutin mo. Kahit 'wag na ang iba. Sino ang lalaking 'yun, Ara?" he gulped, "why is he with my Mikaela?"
Napaiwas ng tingin ang iba nang mapansin ang muntikang pagpiyok ng boses ni Zale. It must have been so confusing for him, and painful. Kahit ako siguro, kung ako ang nasa posisyon niya, I wouldn't be able to muster the same calmness.
"Kung alam ko lang, masasagot siguro kita."
His shoulders fell. "Where is she?"
"At Boris's office." Akmang aalis na siya pero pinigilan ko. "Boris is telling her everything at this moment — everything that she has to know. Mas makakabuti kong hayaan mo munang iproseso ng utak ni Milka ang mga nangyayari."
Ang dami niya pang kailangang malaman. Lalo na ang tungkol kay Demi.
Mukhang naintindihan ni Zale ang sinabi ko dahil hindi na siya umalma.
"So, what really happened?" biglaang singit ni Snow.
Napaikot ang tingin ko sa kanilang lahat. Their eyes were all on me, waiting for my next words. Napabuntong hininga na lamang ako.
Okay, kalma, Ara. Pagbigyan mo na lang.
Mukhang kailangan kong mas habaan ang pasensya ko sa mga 'to.
"SAAN ko nga ba nailagay 'yun?" bulong ko sa sarili habang hinahalungkat ang kalat ko sa sahig. Old notes. Medyas na nawalan ng pares. Blunt spare blades.
Where the heck did I hide it?
Tumayo ako at binuksan ang drawer sa ilalim ng kama ko. Hindi nga ako nagkakamali. Bumungad sa 'kin ang sira-sirang libro na puno ng alikabok. There you are.
I sat on the corner and carefully trailed my fingers on the cover of the book. Hindi ko maintindihan ang librong 'to. If this contains a lot of informations like what Demi said, bakit hinayaan nilang maligaw 'to sa library? Geez.
"Page three hundred and six..." basa ko rito, "The Fall of the Greats. Page three hundred fifty... The Land of Prophecies..."
"Ara?"
Napahinto ako nang may kumatok. Isturbo talaga ang lalaking 'to.
"What?!"
"She's here."
Mabilis akong binalik sa drawer ang libro at nilock ito. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa 'kin ang pagmumukha ni Genesis. Sinubukan niya pang tumingin sa loob ng kwarto ko.
"Anong ginagawa mo? Ba't ang kalat?"
"Nasaan siya?" pag-iiba ko.
"Balcony. Nandoon ang lahat. Zale's trying to talk to her."
Napailing na lamang ako. Ang lalaking 'yun talaga. Tigas din ng ulo.
Genesis and I made our way to the balcony and like he said, nandoon na nga ang lahat. Milka and Zale are on the opposite corner though, malayo sa ibang Arcanes. Lumapit si Genesis sa kanila samantalang ako kay nanatiling tahimik sa gilid.
"Uhm, guys?" Nakuha ni Zale ang atensyon ng lahat nang magsalita ito. "Can you leave us for a moment?"
Isa-isa namang nagsialisan ang iba. Meanwhile, I moved a bit further but near enough to hear them still. Sinigurado ko pang hindi ako makikita ng iba.
Hindi ko ugaling makialam sa relasyon ng iba pero bakit ba? Baka naman may malaman akong pwede kong pakinabangan.
"Ano pa bang gusto mong pag-usapan, Mr. Wright? Bakit kailangan mo silang paalisin?" ani Milka. Nakakapanibago na may halong pagtataray ang boses nito.
"Headmaster Boris told you everything, pero hindi ko alam kung naaalala mo pa ba ako," said Zale. "Mikaela..."
"It's Milka," putol nito. "And yes, sinabi ni Headmaster ang lahat ng nalalaman niya about me, maging ang tungkol sa ating dalawa." Napaiwas ng tingin si Milka. "B-but I'm sorry. Wala talaga akong naaalala."
Zale held her hand. Nakita ko sa mga mata ni Milka ang alinlangan pero hindi niya binawi ang kamay niya.
"Naiintindihan ko. B-but it still hurts... that you don't remember a thing." Malungkot na ngumiti si Zale at kung hindi ako namamalikmata, may tumulong luha sa mga mata niya. "Not even the touch of my hand."
Awkward na ngumiti si Milka bago marahang binawi ang kamay niya.
"I'm sorry, Mr. Wright—"
"You can call me Zale. Please, call me Zale..."
"Zale..." she paused, as if his name rang a bell on her head. "I have a boyfriend. A-and I guess it's best if we just leave our past as it is..."
Napaatras si Milka nang bigla siya nitong dinambahan ng yakap. "I love you... I still love you..."
Napaiwas ako ng tingin. The fuck? Wala naman pala akong makukuha sa mga 'to.
I was about to walk away when someone spoke behind me.
"Eavesdropping, Belacour."
At inatake na naman siya ng sakit niyang bigla-bigla na lang akong kakausapin pagkatapos akong pag-initan. Napairap ako.
"As you are."
Napaangat ang dalawang makakapal niyang kilay. "Kararating ko lang."
I scoffed. Binalik ko ang tingin kina Milka at Zale na ngayon ay kalmado pa ring nag-uusap. Umiiyak na si Zale at nagsimula nang maluha si Milka.
Maybe, Zale was wrong about her not remembering a thing. Well, her brain perhaps. But the heart never lies, nor her eyes.
"Does it hurt?"
Carwell looked at me in confusion. "What?"
"I've heard your story — you, Zale, Milka. Does it hurt? You know, he's your best friend."
"You've never fallen in love, have you?"
This time, lumingon na ako sa kaniya. "No... I guess?"
He grinned, na para bang isang nakakatawang bagay ang hindi magmahal. Eh sila nga itong nakakatawa dahil kahit anong talino sa klase, nagpapakatanga naman sa pag-ibig.
"What?" tanong ko.
"Nothing," he said and shook his head. Saka niya binalik ang tingin kina Milka. "At first, it hurts, of course. So much. But after the pain, there goes the acceptance. That's the thing about love."
"What do you mean?"
"Love makes you selfless, Belacour. Even with the pain, it's beautiful to see the person you love smiling and contented. Kahit pa hindi ikaw ang rason ng mga ngiting iyon."
Napaismid ako. "That's too dramatic."
"Anyway, Zale's a great guy. He's my buddy. May tiwala akong iingatan niya ang unang babaeng minahal ko."
Sa ikalawang pagkakataon ay napaikot ako ng mata. "Yuck."
Mahinang natawa si Carwell sa reaksyon ko. "That's because you haven't fallen in love." And I almost fell on my knees when he patted my head. "Well, not yet."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top