Chapter 33: The Lost Member
ISN'T it strange how people can slowly change even when it's hard for them to admit? Like one moment, you are this heartless woman who feels no hesitation and second thoughts with whatever you want to do. Pero ngayon, kahit sa isang simpleng desisyon lang, nahihirapan ka pang pumili.
What is happening to me?
Nagiging mahina na rin ba ako kagaya nila?
I shook my head. I shouldn't be weak. Hindi pwede. Hindi ako nabuhay muli para lang maging duwag at mahina. That is not the Ara that I promised myself to be.
Inangat ko ang tingin sa papasikat na araw. It's 5 am in the morning. I silently watched the sky as it changes its color from blue to orange with shades of pink. Nasa isang sanga ng puno ako nakaupo kaya kitang kita ang himpapawid mula sa kinaroroonan ko.
I woke up feeling conflicted, for some strange reason. Kaya'y dumiretso na ako rito sa Prime Gardens para lumanghap ng sariwang hangin and I've been sitting here for like an hour already. Ayaw kong bumalik sa dormitoryo dahil sigurado akong ingay lang ng mga Arcanes ang madadatnan ko.
Aside from that, I'm just really conflicted, as I've said.
My wedding is fast approaching.
Kaya siguro ay hinayaan ko na lang ang sarili ko na panoorin ang pagsikat ng araw ng walang ginagawa. Ibang iba sa dating ako.
People think that sunrise is a symbol of hope — of new beginnings, but honestly, they are just trying to convince themselves that there's still a chance especially when they're only barely surviving. Naghahanap ng pag-asa kapag wala nang makakapitan.
Is that even wise kung ang epekto naman nito ay pagsisinungaling mo sa sarili mo?
What am I thinking, anyway? Ang layo na ng napuntahan ng isipan ko.
"I didn't know that you're a fan of sunrises too, Belacour."
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Carwell. Right. Ang bobo ko sa part na napili kong magtambay rito kahit alam ko naman na anytime, pwede nila akong guluhin.
"I'm not," tipid kong sagot. I did not move, and I have no plans to.
Wala nang nagsalita kaya'y nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay bubwesitin na naman ako ng pagmumukha ng mayabang na 'yun.
Pipikit na sana ako nang biglang gumalaw ang punong inuupuan ko. I looked down and saw Carwell climbing hanggang sa makatungtong siya sa tabi ko.
Pinanliitan ko siya ng mata. "What are you doing?"
Umiling lamang siya. "Nothing." Sumandal siya sa kahoy at prenteng pinagkrus ang braso. Saka siya tumingin sa kawalan. "Sunsets are more beautiful, believe me."
I rolled my eyes.
Who cares? And why is he suddenly talking to me like we're friends?
Hindi ba't pinukol niya rin ako ng nagdududang tingin paglabas ko ng interrogation room?
"Plastic," wala sa sarili kong bulong.
"What?" aniya at lumingon sa 'kin.
Inirapan ko lang siya bago muling pumikit.
It's okay. I can just pretend that he's not here and I'm all alone, which is all I really want. Sadly, may mga tao talagang hindi marunong makiramdam sa mga gusto ng iba at hindi marunong rumespeto ng personal space.
Isang magandang halimbawa ro'n ang ang lalaking katabi ko na itago na lang natin sa pangalang Caelum Augustus Carwell.
I mentally rolled my eyes, sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.
"The eclipse is coming soon. Isang buwan at kalahati na lang."
Hindi ako sumagot. Alam ko kung anong tinutukoy niya pero ayaw kong pag-usapan 'yun. At lalong lalo na, ayaw kong makipag-usap sa kaniya.
"Do you have plans already?" muli niyang tanong, hoping for me to respond this time.
But I did not give him the satisfaction. Nagkunwari lamang akong tulog hanggang sa naramdaman kong umuga ang puno. Siguro ay bumaba na siya. Pero hindi ako nagmulat at ilang minuto lang ay nilamon na rin ako ng antok.
HINDI ko alam kung ilang oras ang lumipas nang magising ako. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago nilibot ang tingin sa paligid. I think it's 7 am dahil kumakalam na ang tiyan ko, which is understandable since I woke up earlier than usual. Buti na lang at hindi ako nahulog sa inuupuan kong sanga.
I was about to move when a hand fell on my lap. Halos mapatalon ako sa gulat. Lumingon ako sa katabi ko and fucking hell, nandito pa rin pala si Carwell. Mabigat ang paghinga niya at payapa ang mukha. Mukhang malalim ang tulog ng mayabang.
Akala ko bumaba na siya kanina pero litse 'yan. Pwede naman siyang matulog sa damuhan o kaya sa dormitory, bakit dito pa?
"Hoy, gising," sambit ko. I even poked his cheek but it was no use. Ang tulog mantika naman nito.
Now I understand why Third doesn't want to sleep in the same room with him. Ikaw ba naman ang magkaroon ng room mate na nag-uumapaw ang enerhiya sa katawan habang natutulog at hindi mo pa magigising sa isang tapik.
Maingat kong kinuha ang kamay niya na nasa hita ko at binalik 'yon sa tiyan niya. He was probably leaning on his hand pero nawalan ng balanse.
Napatingin ako sa mukha niya. He looks so peaceful and soft when asleep. Hindi mo aakalain na ubod ng yabang ang sikmura nito. And I admit, he has the looks. His reddish black hair suits him perfectly. It shouts his personality.
Uulitin ko, bakit halos lahat ng mga lalaki sa akademyang ito ay may itsura?
"Matutunaw ako sa titig mo, Belacour."
Napaatras ako. Agad kong iniwas ang tingin at nagkunwaring may tinitignan sa ibaba.
"What?" patay malisya kong tanong.
He opened his eyes. Kumunot ang noo ko nang mapansing bumalik ang pagiging kulay kahel nito. But when he blinked, it disappeared.
What was that?
Unang beses na nakita ko 'yun ay noong nagalit siya no'ng una naming pagkikita.
"Belacour..."
Tinabig ko ang kamay niya na akmang hahawak sana sa akin. But it was a wrong move. Dahil sa biglaang paggalaw ko ay nawalan ako ng balanse. I tried to grasp on another branch but it was too late.
Napasalampak ako sa damuhan kasabay ng malakas na tawa ni Carwell. "I was just about to tell you that your sitting in a wrong position. Tingnan mo tuloy."
At muli na naman siyang humalakhak ng tawa. Pagkatapos niyang tumawa ng walang preno, bumaba na siya ng puno at natatawang tinignan ako.
Pinagpagan ko ang sarili ko at sinamaan siya ng tingin. "Ewan ko sa 'yo."
I turned my back on him but he quickly held my wrist. "Wait," huminto siya para saglit na kagatin ang labi upang pigilan ang pagtawa, "Sorry."
Natigilan ako. Did I hear that right?
Did he just apologize?
"Hey," muli niyang wika.
Nag-angat ako ng tingin. "Hindi ko alam na marunong ka palang mag-sorry."
Napaangat ang kilay niya. "Huwag mo akong itulad sa 'yo. Hindi ako rule breaker at marunong akong tumanggap ng pagkakamali," aniya pa.
Itinaas ko ang dalawang palad ko, kunwaring sumusuko. "Chill. I just didn't see it coming."
Ngumiti lamang siya at ginulo ang buhok ko. "They're probably waiting for us. Tara na."
He started walking but I didn't follow him. Nanatili lamang akong nakatayo habang nakatingin sa likuran niya.
Wala naman sigurong mali kung magtatanong ako 'di ba? After all, I saw a different Carwell today. Kung tatanungin ko siya bukas o mamaya, siguradong hindi niya na ako sasagutin.
"Wait!" tawag ko sa kaniya.
Huminto siya at lumingon sa 'kin.
Agad akong tumakbo papunta sa harap niya.
"I just want to ask something," wika ko. "The breakfast can wait."
Tumango siya. "What is it?"
"May ibang member pa ba ng Arcane maliban sa inyo ngayon?" Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Nawalan ng emosyon ang mukha niya at hindi ko alam kung bakit.
"Why do you want to know?" aniya. Muli ko na namang nakita ang pagdududa sa mga tingin niya.
"Gusto ko lang malaman kung anong grupo ang napasukan ko." I even managed to force a smile just to seem like my response was innocent.
I don't know if he believed me or not. His expression didn't change and I know for sure that they're actually hiding something. Bakit magtataka si Rhysan sa tinanong ko sa kaniya noon? At bakit ganito ang reaksyon ni Carwell sa tanong ko?
They're too obvious.
"Yes but she—"
I cut him off. "Is her name Mikaela?"
Carwell froze as I mentioned Milka's name. His face hardened. At ang kaninang walang emosyon niyang mga mata ay napalitan ng konsensya at panghihinayang.
"She's a part of the Arcane, am I right?" I, once again, asked.
He gulped. Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip.
"I can keep a secret, Carwell. Aside from playing with death, that's my specialty." I tried to convince him to tell me. I have to, or else my mind won't let me settle for days. I need answers.
"Yes." Napatiim bagang siya. "She was once part of the Arcanes."
My ears perked. I knew it.
"What happened to her? Where is she now?"
Umiwas siya ng tingin. Akala ko ay aalis na siya pero muli siyang nagsalita. "Before Third became one of us, Mikaela was there. She died during a mission."
At 'yun lang ang huli niyang sinabi bago niya ako tinalikuran. I stood straight, staring at his figure slowly vanishing from my sight.
Demi once told me that Carwell had a thing for her sister, at sa panahong 'yun ay hindi ko pa alam na si Milka pala. She said that Carwell loved her, and still loves her until now. That explains why Carwell acted that way.
Milka's memory is a scar to him and the mention of it is like opening another fresh wound.
I don't feel bad, though. I feel rather accomplished. I know one thing they don't know.
Milka is alive and my power lives in her. If I die, she goes back to being a Mortis. At ibig sabihin no'n ay iiwan niya ulit ang kaharian na 'to. Mas mabuti ng manatili siya roo'n para hindi na siya umasa pa. She's better off away from this cruel kingdom and it's hidden unjustness.
Humugot ako ng malalim na hininga bago napagpasyahang bumalik sa dormitory. My stomach is growling already, but at least I found the answer that I have been looking for for four nights.
"WHERE have you been? Kanina ka pa namin hinihintay. I went to your room pero kumot at unan lang ang nadatnan ko. Hindi ka pa nga nag-aalmu—"
"Prime Gardens." Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang hintuturo ko. "I was at the Prime Gardens. End of story."
Tinabig niya ang kamay ko at ngumuso. "Gutom na gutom na ako e!" pagmamaktol pa ni Shaye.
Napailing na lang ako. "Sino bang nagsabing hintayin mo 'ko?" wika ko at pumasok na ng kusina.
Agad akong binati nina Rhysan at Estelle. Kindat naman galing kay Genesis habang si Zale ay nasa tabi niya, kumukuha ng ulam na nasa kaniyang pinggan. And guess the other two who does nothing but stare at me darkly everytime I meet them?
Inirapan ko na lang ang mga ito na agad namang sinuklian ni Snow.
"Oh, nasaan si Caelum?" tanong ni Estelle. Sinabayan pa ito ng pagtaas baba ng kilay niya. Ang sarap kutusan ng babaeng 'to. Puro kalandian ang nasa isip.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?" sarkastiko kong tanong.
Natawa lamang silang lahat. Maging si Shaye na muntik na akong kilitiin.
"Sos! As if ka pa, Ara, e nakita kayo ni Genesis sa Prime Gardens 'no. Magkatabi pa nga kayong natulog sa itaas ng puno," dagdag naman ni Rhysan na mukhang nahawa na rin sa kalandian ni Estelle.
Shaye's head went on them. "Hoy, ba't hindi ko alam 'yan?" Binato niya pa ito ng tissue. At saka sila nagtawanan.
Dumako ang tingin ko sa direksyon ni Genesis. His eyes were on me, too. Nang magtama ang paningin namin ay tipid siyang ngumiti.
I honestly didn't notice his presence back at the garden. Ni hindi ko nga alam na may nakatingin na pala sa 'kin.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya at umupo sa tabi ni Zale. Pinapagitnaan nila ako ni Genesis. Hindi ko na pinansin ang mga asaran at tawanan nila at nagsimula nang lumamon.
"Hey."
Pero may kung sino mang lintik ang nangahas na isturbuhin ako sa kalagitnaan ng paglamon
.
Sinamaan ko ng tingin si Zale. "What?"
"It's not like I'm meddling with your relationships but I hope you won't betray Caelum," aniya na ikinakunot ng noo ko. "He's like a brother to me."
Natigil sa ere ang kutsara kong hindi man lang nakaabot sa aking bunganga. Saglit akong natulala at napatitig sa bughaw na mga mata ni Zale.
What the fuck is he talking about?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top