Chapter 32: The Ross Sisters

"MS. Belacour," banggit niya sa pangalan ko. It wasn't a question. Sa paraan ng salita niya ay parang hindi na siya nagulat.

I gritted my teeth. So, he was expecting me to follow him, huh? And I foolishly fell for it.

"You want my head. How silly," he let out a sarcastic laugh, intending to mock me. "Come on, Ms. Belacour, why the sudden hatred?"

Napayukom ako ng kamao. Natutuwa pa siya na ganito ang ugali ko sa kaniya.

Kahit gustong gusto kong magalit at magwala, tanging malalim na hininga na lamang ang nagawa ko para kalmahin ang sarili. I swallowed real hard before transforming back to my human form.

Mas lalong lumawak ang sarkastikong ngiti ng hari nang makita ako.

"I really admire your ability. You can do so much if you only use it well," he stated. He looked at me as if giving me hints, pero hindi ko naman alam kung ano.

Napairap na lamang ako. "Hindi ko kailangan ng sermon mo."

He clicked his tongue and stepped forward. Saglit niya akong tinitigan bago muling nagsalita. "What did you find out, Ms. Belacour? Hindi ko alam na may nangyayar—"

I quickly pointed my dagger on his neck even before he could finish his sentence. I could almost hear my teeth gritting in so much anger. "One more lie and my blade might just slip and cut through your neck."

Hindi ko siya sinundan dito para lang makarinig ng isa pang kasinungalingan.

He gulped, stepping back to compose himself. But instead of fear, amusement filled his face.

Binaba ko ang punyal na lihim kong nakuha kanina sa opisina. Mahigpit ang hawak ko rito habang walang emosyong nakatitig sa hari.

"This kingdom doesn't need a clown like you. Sarili mo ngang pamilya tinatalikuran mo. Hindi na ako magugulat kung kahit ang kaharian na 'to ay kaya mong traydorin," mariin kong wika.

Nanatili siyang kalmado pero bakas na bakas sa mukha niya na nagsimula na siyang mapikon sa mga matatalim kong salita.

"Hindi ko maintindin kung anong ikinagalit mo sa 'kin gayong maayos naman ang mga dati nating pag-uusap," aniya.

Talagang hindi niya maiintindihan. Kasi hindi niya naman ako nakilala. Hindi niya naalala na may inosenteng buhay siyang kinuha. Binaon niya na 'yun gamit ang kapangyarihan at posisyon na nasa kamay niya ngayon.

Lihim akong napangiti.

Mas makapangyarihan nga siya pero may alam akong hindi niya alam.

"I don't know if I should feel great because you don't remember a thing or feel insulted because you don't remember me." My voice was as cold as the blade I was holding. Pero walang mahihimigang inis o kahit anong emosyon dito.

Kumunot ang noo ng hari. "Do I know you?"

"You don't remember anything from the past?" I asked. "Anything at all?"

Like crimes... or how many lives you took?

"No," diretsang sagot niya, "at kung mayroon man akong ginawa sa nakaraan, hindi na 'yun importante."

Tila umakyat sa 'king ulo ang lahat ng dugo ko. My hand was shaking in anger while grasping the dagger as tightly as I can.

What did he just say?

Kung mayro'n man siyang nagawa ay hindi na 'yun importante?

Really?

What the actual fuck.

"I'm afraid this conversation is no longer private," biglaang wika nito. "If you wish to talk to me again, the palace is open for you, Ms. Belacour."

Napalingon ako sa likuran namin. It was Demi.

She was holding something on her hand but her eyes were locked on the dagger that I'm holding. Isinuksok ko ito sa boots ko kaya napaangat ang tingin ni Demi.

She looked at the king then shifted her eyes on me, then back to the king again. "Your majesty, I don't mean to intrude. Aalis na lang po muna ako," magalang na sambit ni Demi.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka amo ah.

"There's no need. Ako'y paalis na rin naman," sambit ng hari. Sumulyap siya sa 'kin at gumuhit ang nakakainis na ngiti sa labi niya. "I just gave Ms. Belacour here the time that she wants."

Napapikit ako sa inis.

Ang kapal ng mukha niya. Ang sarap niyang sampalin hanggang wala nang mukhang masasampal. But despite of my head boiling in anger, I tried to remain calm, or at least look calm.

Hindi ko pwedeng ipakita na naaapektuhan ako. Kahinaan 'yun.

"Thank you for your time, your majesty," saka ako pekeng ngumiti at sinigurado kong diinan ang 'your majesty'.

Ngumiti lamang siya at naglakad na paalis. Naiwan na lang kami ni Demi.

Hindi ako nagsalita, bagkus ay tinitigan ko lamang siya. She also did the same na para bang may malalim siyang iniisip.

Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago siya umimik.

"I saw what you did," she said. There was reluctance in her voice. "I didn't know na nandito kayo."

As if naman ikakagalit ko 'yun. Wala akong pakialam kung nakita niya o hindi. Ang ayaw ko lang ay disturbo siya.

"And?" diretsang sabi ko. "You can savor what you saw bago mo ipagkalat sa iba. I couldn't care less."

Naglakad na ako paalis at nilampasan siya but she immediately grabbed my wrist. "Wait."

Humarap ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I told you to meet me tonight—"

"Pumayag ba ako?" I rolled my eyes.

Inutusan niya lamang ako no'n pero hindi akong maalala na pumayag akong makipagkita.

"Kailangan ba?" she asked.

"Napakabobong tanong."

My statement could've offended her but she seemed to be so preoccupied that she doesn't care anymore.

She stared at my eyes for achingly long, and with so much hesitation. She wanted to say something, for sure.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napairap basta nabubwesit ako sa paulit-ulit na pagtitig ng babaeng 'to.

"Spill," malamig kong wika. Sinamaan ko siya ng tingin. Inisturbo niya na nga kami kanina, sinasayang niya pa ang oras ko.

Binitawan niya ang wrist ko.

"I know that you are from Forthill, and I just found out about your feud with the king," she said while uneasily playing with her fingers. "I... I was just thinking if you can help me with something."

Mas lalong napaangat ang kilay ko. Is she about to blackmail me or something? Use what she found out to manipulate me? Hah. As if naman papatol ako sa ka-cheapan niya.

"Hindi ako interesado." At mas lalong hindi ko ugaling tumulong. Hindi sa gaya ni Demi.

Umalis na ako at muling naglakad. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ay muli na naman siyang nagsalita.

"Please," halos pasigaw niyang sabi. "Please, Ara."

Saglit akong natigilan. I have no idea why but her voice sounded so heavy. Parang ang lungkot. Na kahit isigaw mo ng napakalakas, ang bigat pa rin. Ibang iba sa Demi na nagsusungit sa lahat.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Lumingon ako at bumalik sa kinaroroonan niya.

Tahimik ko siyang tinignan, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. My eyes landed on the scar on her wrist as well as the mark on her neck. Unti-unti na itong naghihilom.

Demi groped something on her pocket. Inilahad niya ito sa harap ko habang balisa akong tinitigan. It was the photograph I gave her back earlier. The photograph of her and Milka.

"Mikaela Ross," aniya. "My sister."

Parang natuod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi niya. Tila ayaw magproseso sa utak ko.

Paano nangyaring magkapatid sila? Milka is a powerless Mortis. I couldn't feel any power from her back then. She was weak. Hindi siya marunong lumaban at lampa pa. While Demi is here, a complete Mage and a Scout.

Hindi iyon posible.

"They said she died during a mission but I don't believe them. Hindi mahina ang kapatid ko. Hindi siya mapapabilang sa mga Arcanes kung basta basta na lang siyang namamatay." Demi's voice sounded so vulnerable. 'Yung kahit pilitin ko bang barahin ang boses niya, hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat na nararamdaman niya. And I fucking don't know why.

Mikaela Ross... Milka. 'Yung una naming pagkikita...

"Who are you, anyway?" Napahinto ito sa tanong ko at narinig ko ang bahagya nitong pagtikhim.

She's been talking for like ages and I don't even know her, not even her name. Ang mas nakakainis pa ay pinapakialaman niya ang mga gamit ko. Hindi nauubusan ng sasabihin at parang hindi rin nangangalay ang panga sa kakasalita. A total loud mouth and a careless woman who goes with strangers like me.

Hindi niya ba alam na tiwala ang unang wawasak sa isang tao?

"Well, I'm glad you asked. Muntik ko ng makalimutan magpakilala, 'e." I felt her hand on my right hand and slightly shook it. "I'm Mikaela, but you can call me Milka. Mas cute kasi pakinggan."

And she was one of the Arcanes?

Paano?

Ibinalik ko ang atensyon kay Demi.

Nagsusumamo at nangungusap ang mga mata niya habang nakatitig sa 'kin. "Please, help me find her, Ara. Please..."

"What's in it for me?" wika ko at kunwaring hindi ako naguguluhan sa nalaman.

I don't know much about Demi and Milka but I sure know that Milka is so much different from her. And for a short period of time, I already know Milka's weaknesses, aside from the fact that she's powerless. That is the weakness that I don't want other people to use against her because I was once deprived of that.

I was once powerless too.

Mas makakabuting mananatili si Milka sa Forthill para sa sarili niyang kaligtasan.

Demi, with pleading eyes, took a deep breath, pero bago niya pa ako masagot, sumingit na ang boses ni Genesis.

"Ara, ano'ng ginagawa mo rito?" Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Demi. "Friends na pala kayo?"

Inis ko siyang binalingan. Halatang hindi na naman siya nakatulog ng maayos. Ang gulo gulo ng pilak niyang buhok. Ang lalim ng mga mata. Mas lalo rin siyang pumutla.

Ano bang pinagkakaabalahan ng lalaking 'to lately? Kung hindi siya absent, lutang naman.

"Himala at buhay ka pa," sarkastiko kong sambit.

Natawa lamang siya. Lumapit siya sa 'kin at sinundot pa ang tagiliran ko na para bang hindi man lang nakita si Demi na kasalukuyang puno ng malisya ang titig ngayon.

"Na-miss mo lang ako, e. Aminin mo," biro pa ni Genesis. "Busy lang ako lately pero love pa rin kita."

Ngumiti pa ito ng walang kasing lawak. Alam na alam niya talaga kung paano painitin ang ulo ko.

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siya pinaglalamayan ng mga kalandian niya sa akademya.

"Gusto mong mamatay?" walang emosyon kong tanong. "Ano bang kailangan mo?"

"Kailan mo ba mari-realize na hindi ako natatakot sa mga banta mo?" He patted my head. "Naghahanap ng report sa progress ng training ang hari. Ikaw na lang ang kulang do'n."

Binalik ko ang tingin kay Demi. Bakas sa mukha niya na ayaw niyang sumama ako kay Genesis but she had no choice. Tumango na lang siya kahit labag sa loob.

Hindi na ako umimik. I turned my back and started marching towards the office. Ramdam ko rin namang sumunod sa akin si Genesis.

"What were you two talking about? First time kong makita kayo na nag-usap ng hindi nag-aaway."

"I don't owe you an explanation." And it was enough for him to remain silent until we reached the office.

Tama nga siya. Ako na lang ang hinihintay ro'n. Maging ang hari ay nasa harap na.

Pumunta na ako sa bakanteng pwesto ko at umupo, even though I know that we're obliged to bow before the king first. Hindi naman na nanibago ang iba sa inasta ko.

The king roamed his eyes from Snow who's at the end of the couch to me. He stopped at my direction. Tinaasan ko siya ng kilay pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"You all know why we're here. Let's start with Ms. Yasley's group..." And the report and constant questioning went on.






"IS it possible for a mage to lose his or her power?" I asked.

Rhysan seemed to be taken aback by my question. Kung sabagay, madalas naman talaga ay wala akong pakialam kaya nabibigla sila kapag nagtatanong ako.

"Yes. There are cases, pero hindi naman gaano karami," aniya. "It only happens when a mage uses too much of her power or abuses it until it works no more. It's either the mage dies or the power dies."

I was staring intently at Rhysan's eyes while listening to her. This girl really knows a lot.

"And do you know someone who happened to lose her power because of that?"

Napalingon siya sa 'kin at binitawan ang dala niyang notebook na kanina ay sinusuri niya. Notes, I think, tungkol sa task niya regarding the break-in. "Nope."

"Before I came, ilan kayong mga Arcanes?" muli ko na namang tanong.

Alam kong nawi-weirdohan na siya dahil sa dami ng tanong ko. Hindi ko lang talaga matukoy kung bakit napunta sa Forthill ang dating Ace na dating parte rin ng Arcane. Sigurado akong kilala rin nila si Milka at mas nakasama nila ng mas matagal.

Did Milka lose her power because she abused it too?

"Why do you ask?"

Peke akong ngumiti. "Just curious."

Ilang segundo niyang sinubukang basahin ang mukha ko. Nang hindi nagbago ang expresyon ko, binalik niya na lang ang tingin sa notebook niya. "Seven."

Seven.

That would be her, Genesis, Carwell, Estelle, Third, Snow, and Jiro.

Milka isn't one of them.

Nagsinungaling ba si Demi? Pero kahit naman nagsinungaling siya tungkol sa pagiging Arcane ng kapatid niya, it still doesn't make sense. Why would she lie about her sister being an Arcane?

Unless... Rhysan lied, or her memory was modified.

"Uy, okay ka lang?"

Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ang tapik ni Rhysan sa balikat ko.

I nodded. "Yeah. Magpapahinga na ako."

Tumango lang siya kaya dumiretso na ako sa kwarto.

I have so much on my plate already. The Jewels' deaths. The break-in. The training. The king. And now idadagdag ko pa sa listahan ang katauhan ni Milka.

No matter how hard I try to get the mystery off my mind, I just couldn't seem to let it go. The last time I saw Milka, I marked her as my servant. Ang parte ng kapangyarihan ko ay nasa katawan niya. She may be annoying and a loud mouth but she's already a part of me.

She's my friend.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top