Chapter 26: The Return
THE key to tame a dragon is to find its weakness, to learn from it and use it. That was what I thought I would stand with for the rest of my life. There was no room for sympathy in me, and perhaps that's because I never received any of that from everyone I tried to love.
I lived for years and years thinking that nothing is ever good in life.
And I believed that.
But I cannot deny it from myself that this world is starting to prove that my belief was wrong.
Nakahain na sa harap ko ang kahinaan ng isa sa aking mga kalaban, pero bakit hindi ko magawang gamitin? Bakit ako nagdadalawang-isip?
This isn't me anymore.
Para saan pa ang ilang taon kong pagsasanay kung sinasalungat na ng aking puso ang isip ko?
"Baka malunod ka na sa sobrang lalim ng iniisip mo," Genesis' voice echoed in my ear. Dahil dito ay napalingon ako sa kaniya.
Isa pa ang lalaking 'to.
Sino ba talaga siya? Sa lahat ng Arcanes, siya lang ang tanging nakakabasa ng isip at galaw ko. Like he could see me behind the veils. Pakiramdam ko ay wala akong kawala sa kaniya.
"Who are you, Genesis?" kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang ito. Pang ilang beses na 'to.
Genesis flashed a wholehearted smile before looking away. I waited for him to speak but he kept his mouth shut. Gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing nagtatanong ako.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at nagmasid sa paligid. Nasa isang karwahe kami ngayon kasama sina Snow, Rhysan, at Zale. The five of us are heading back to the academy while Estelle, Jiro, and Third, including Shaye, volunteered to help Mallá on distributing the antidote to the Central, para na rin mas mapabilis ang paggamot nila.
And Carwell traveled with Atya back to the palace. Sabi niya ay roon niya muna iiwan si Atya since she's too young to stay at the academy with us. I don't even know how they became so close. Or maybe, Carwell has a soft spot for kids.
Who the hell cares, though?
Napairap ako sa kawalan bago sumandal sa likuran ko. I took a deep breath and closed my eyes. Nanatili lamang ako sa gano'ng posisyon sa loob ng halos isang oras, kung hindi nagkakamali ang calculations ko. Nanatili lang akong nakapikit pero gising pa rin ang diwa ko. I can still feel the rocky path against the wheels and hear its bumping sound, as well as the voices of Snow and Rhysan.
"Tulog ba siya?" rinig kong tanong ni Rhysan.
"If you see a person in that position with her eyes closed for an hour, sa tingin mo gising pa 'yan?" pambabara ni Snow sa kaniya. A grunt followed her remark.
"I'm just asking, okay?" said Rhysan. "Ang pangit mong kausap."
"Ba't ka pa kasi nagtatanong ng isang bagay na obvious naman ang sagot?" pagmamaldita pa ng isa. "You have an enhanced intelligence but you act like an idiot."
"What?!"
"Hey, hey, you're crossing the line, Snow." Lihim na napataas ang kaliwang kilay ko nang sumapaw si Zale sa kanila. Mukha silang mga batang nag-aaway. "Watch your mouth. At saka pakihinaan ang boses niyo. May mga natutulog, oh."
Now I'm convinced na si Zale ang pinaka-mature gumalaw at mag-isip sa kanilang lahat, at ang pinakakalmado rin. Hindi katulad ni Genesis na wagas kung makatitig o magpapansin sa mga babae, at kay Carwell na pinaglihi sa kayabangan at sama ng loob.
Pero ba't ko nga ba siya naiisip?
"Ano bang pakialam ko? Ang lalim nga ng tulog niyan, e."
"Well, Snow," panimula ni Zale. "May utang na loob ka sa kaniya, tayong lahat. Do you think you'll still be here being a brat right now if she didn't take that amulet to save your ass?"
I secretly smirked at Zale's word. Akala ko naman ay kalmadong kalmado talaga siyang magsalita. Marunong din naman palang magmura.
"Correction, our asses," said Snow. "Saka malay ko bang ginawa niya lang 'yun para makalimutan natin ang ninakaw niya sa chamber."
Sumabat na si Rhysan sa usapan. "You know what, Snow? Just shut up, okay? Suspect ka rin naman sa nangyari, ano bang pinagmamalaki mo?"
"What the—"
"Guys, stop!" Napamulat ako sa sigaw ni Zale.
Hindi nila ako napansin at mas mabuti na iyon. Zale was in the position to protect Rhysan, nasa gitna siya ng dalawa para harangan si Snow.
But the latter was too eager. Her eyes glowed in baby blue kasabay ng pagbigat ng atmosphere sa paligid. Tinaas ni Snow ang kamay niya ka-level ng kaniyang balikat at may lumabas na maliliit na biak ng salamin sa bawat daliri niya.
She smirked as she moved her hand forward, releasing an attack, but a ball of water countered her mirrors. Napataas ang kilay ko sa lakas ng tubig na 'yun dahil hindi man lang nakalusot ang mga salamin ni Snow sa bola ng tubig na ginawa ni Zale.
Snow gritted her teeth. "Umalis ka sa harapan namin, taong tubig," aniya at muling bumuo ng mga bubog ng salamin sa kamay niya.
She was about to release another attack but I quickly flicked my fingers. Several patterns of shadow trailed through the floor, heading to Snow's feet. Napasigaw siya nang bigla siyang hinila ng mga anino ko. She slumped back on her seat and glared at me.
"What the fuck, Ara?!" sigaw niya. Halos umusok na ang ilong niya sa galit. "Pakialamera talaga!"
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapit ng anino ko sa paa niya. She looked like she's ready to kill me but my shadow was holding her too tight. Mas lalo iyong hihigpit kung patuloy siyang magpupumiglas.
I stared at her with no emotions in my eyes. "Baka nakakalimutan mo, Snow. I am still your training master. Kayang kaya kitang ihulog dito kung gugustuhin ko."
Otomatikong umikot ang dalawang mata niya pero hindi siya sumagot. She crossed her arms and avoided everyone's gaze. Kinuha ko na ang aninong nakakapit sa kaniya at binalik na lang ang sarili ko sa dati kong posisyon kanina saka pumikit muli.
There was a peaceful silence for the rest of the ride before we finally arrived at the massive entrance gate of the academy. Isa-isa kaming lumabas. Ako ang panghuli.
The moment our feet landed on the clean cut lawn, several claps enveloped the place. Mukhang inabangan nila ang pagbalik namin kasi naka-open na ang gate bago pa kami dumating. There were couple of teachers greeting the others, pero sina Boris, Quil, at ang malanding Elleri lang ang kilala ko.
Nanahimik na lang ako habang tinitignan sina Snow, Rhysan, and Zale na binabati ng mga estudyante. Genesis did not join them either. Nakatayo lamang siya sa tabi ko at gaya ko ay nagmasid lang din. It's so evident that the population of students decreased. Siguro ay tulog pa rin ang iba o baka patay na talaga.
"If I were you, I'd steal the spotlight," Genesis suddenly said out of nowhere.
"Lucky you're not me," balik ko sa kaniya.
He scoffed. "They're taking credits for something that you've done alone. Hindi ka magagalit?"
"Hindi ako insecure katulad mo, Genesis. So, lubayan mo 'ko." Aalis na sana ako pero biglang humarang sa 'kin si Boris.
"I'm still amazed how you manage to control your emotions," he said. "You look so calm."
I rolled my eyes. At talagang sinigurado kong makikita niya 'yun. "Yeah, and I may not look calm anymore if you can't give me a moment of peace."
Natawa lamang siya. He nodded, moving away in front of me. Tuluyan na akong naglakad paalis at nilagpasan siya.
I clenched my fist as I hurried to the Arcane tower. Hindi ko mapigilang mainis. Baka dahil lang ito sa sulsol nina Genesis at Boris pero hindi ko maiwasang mabwesit sa nagkakapalang mukha ng mga Arcanes.
How dare they smile like they've actually done something? Kung tutuusin, ako at si Carwell lang naman ang may nagawa. Nakakabwesit. Ang kakapal ng mukha.
Binilisan ko ang paglalakad. Walang bahid ng pagkainis ang mukha ko pero gusto kong pasabugin lahat ang lahat ng mga gusali dito dala sa inis. Buti na lamang at mabilis akong nakaakyat papunta sa tore at dormitoryo ng mga Arcanes.
I examined the door, trying to find a way to open it. Pero ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong nakita. Hindi rin naman sumunod sina Genesis dito na para bang wala silang balak magpahinga. I don't have a key either so I had no choice but to use my power.
Humakbang ako paatras at matalim na tinitigan ang pinto. My left eye twitched in pure black. Kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pero hindi ko na iyon pinansin.
I reached my hand forward, in front of the door. A dark smoke emitted from my palm and covered the whole doorway. Nakatitig pa rin ako sa pinto hanggang sa unti-unti itong natutupok na tila pinukpok ng dambuhalang martilyo.
Ngumisi ako bago binaba ang aking kamay. As soon as I closed my hand, my eyes went back to their normal color, as well as my senses which were enhanced if I used my shadow form and forbidden power. The surroundings began to reveal their usual luxurious color but I couldn't care less.
In silence, I made my way to my bedroom. Nilagpasan ko lamang ang nasirang pinto. Bahala na silang mag-ayos niyan. Kaagad akong humilata sa kama. I did not bother to change my clothes, pwede naman mamaya ko na lang iyan gawin.
Tumihaya ako at tumingala sa kisame.
Now that I'm back, babalik na naman sa dati ang takbo ng araw ko. I already wasted a couple of months pretending that I am one of them, and that sucks. Pero kahit hindi ko man aminin, a part of me longs to stay this way — with this new world I found.
"SHE did that, obviously."
"Shut up."
"Call someone to fix that door as soon as possible."
I rolled my eyes at the sound of their footsteps. Those were voices of Snow, Jiro and Zale. Kakarating pa lang nila at halos madilim na sa labas. I've been asleep for hours and woke up alone, still. Akala ko nga ay wala na silang balak umakyat dito.
Speaking of Jiro, nakauwi na siya kaya ilang minuto lang ay iisturbuhin na naman ako ng makulit na si Shaye.
"Ara?"
And I was right.
I unlocked the door with my shadow strings. Tinatamad akong tumayo at magsalita kaya hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto ko. I signaled her to close the door before making her way towards me.
Abot tainga ang ngiti niya habang nakatitig sa akin saka siya umupo sa tabi ko.
"Pati ang pinto, hindi mo pinalampas," aniya.
I shrugged. "I didn't have a key."
She chuckled. Wala na siyang sinabi pa, sa halip ay umusog pa siya palapit sa 'kin. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya pero mukha siyang wala sa isip. Nanatili lamang siyang nakangiti.
Mahina ko siyang tinulak palayo. "Did you fell in love or something? Hindi ba nangangalay ang pisngi mo sa ngiting 'yan?"
She looked at me in disbelief before bursting into laughter. Bored ko lamang siyang tinitigan.
Tumulong lang sa panggagamot at nabaliw na ang isang 'to.
"Ipapakain ko talaga sa 'yo ang kumot na 'to kung ayaw mong tumigil d'yan."
Mabilis niyang itinikom ang kaniyang bibig. "Ang gaspang mo talaga magsalita. Hindi ba pwedeng masaya lang ako para sa 'yo?"
"For what? Ano bang nakain mo?" tanong ko.
"Well, pagkatapos naming mabigyan ng gamot lahat ng mga biktima, we headed to the palace to ask for a permission to investigate and Cae was there," mapanukso niya akong tinignan. "We just had a little talk and I found out something."
Napataas ang dalawang kilay ko sa paliwanag niya. Little talk lang pala pero kung tumawa siya, parang wala ng bukas.
"You wanna know?" makulit niyang tanong.
Umiling ako. "Not interested."
I stood up and fixed my bed. Kinailangan ko pa siyang hilain patayo para umalis siya sa kama ko. She pouted. Napailing na lang ako.
Ang isip bata talaga.
Matapos kong inayos ang bed ko, naglakad na ako paalis.
"Saan ka pupunta? It's almost dinner time," Shaye said.
"To Boris. Babalik din ako agad," I replied, without bothering to look back.
Wala na siyang sinabi pa kaya umalis na ako at dumiretso sa opisina ni Boris. Kailangan ko lamang alamin ang mga nangyari rito habang wala kami, at gusto ring malaman kung ano na ang estado ng imbestigasyon na ginawa nila para sa sunod-sunod na pangyayari.
As soon as I arrived, mabilis akong pumasok nang hindi kumakatok. To no one's surprise, nandito na naman sa loob ng opisina niya si Elleri. Good thing at hindi na sila naglalaplapan, sa halip ay mukhang may pinag-uusapan silang seryosong bagay.
Boris smiled when he saw me. "Ara, what brought you here?"
Niligpit niya ang mga papeles na nasa kaniyang mesa at sinenyasan si Elleri na lumabas muna. Hindi naman umalma ang babaita at mabilis na lumabas.
I sat down on the single couch in front of Boris' table. "About the incident, how is the investigation going?"
Natigilan siya sa tanong ko. It seemed like he did not expect that I would ask about this thing, dahil malamang sa pagkakaalam niya ay wala akong pakialam sa mga nangyari.
"Bakit mo natanong?" he asked.
"I just wanna know."
My answer was not enough to convince him but he did not complain. Instead, he went back on his seat, fixed his tie, and cleared his throat. "Ang nag-iisang kalaban lang natin ang may kagagawan ng paglason sa Central. Those Dygaians who invaded the East part of Onusersum Woods."
"'Yung mga nakaharap ko kasama ang ina ni Atya," I muttered under my breath.
Boris nodded. "Huwag kang mag-alala, Ara. I will inform you as soon as we find out whose the ruler of the rebels."
Napantig ang tainga ko.
Anong ruler of the rebels?
Akala ko ba ay 'yung tinatawag na Master Braul ang leader ng mga Dygaians na iyon?
"His name is Braul. Can't you just find records of him at the palace?"
"We did. Binigyan kami ng permiso ng hari para halungkatin ang mga records sa palasyo, pero lahat ng mga Braul ay patay na." Malakas siyang bumuntong hininga. "So, it's a fake name. Maliban sa pekeng pangalan at pinagmulan niya, wala na tayong ibang alam tungkol sa kaniya."
I crossed my legs. Pinanliitan ko siya ng mata, tanda ng pagdududa. "Sigurado ba kayo na isa lang ang kalaban niyo?"
His eyes, which were examining a paper a while ago, immediately went on me. "What are you talking about?"
"The world is huge, Boris. It's not impossible to have multiple enemies." Tipid akong ngumiti — pekeng ngiti — bago tumayo. "Do inform me as soon as you find the culprit. Kailangang may managot sa nangyari." Mariin ko pa siyang tinitigan bago ako lumabas ng opisina niya.
He must hunt Braul and kill him.
Dahil hindi ako makakapayag na may isang krimen na naman ang lilipasan ng panahon na hindi nabibigyan ng katarungan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top