Chapter 25: The Deal

"WHAT the fuck?" gulat kong bulalas.

Tumawa lamang ang hari sa reaksyon ko. Naglakad siya at nilampasan ako saka lumabas na sa silid pero bago iyon ay may pahabol pa siya, "Think about it, my lady. Go back with nothing but disappointment or be my queen and save what needs to be saved." 'Tsaka siya kumindat at tuluyan na akong iniwan. 

Wala sa isip akong naglakad palabas at hinanap ang anino ni Carwell. Gaya noong iniwan ko siya, ganoon pa rin ang posisyon niya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil bigla siyang lumingon. 

"Failed, yes?"

Mukhang inaasahan niya na talaga ang magiging sagot ng hari sa hiling namin. Sobrang misteryoso talaga ng lalaking ito. Wala silang pinagkaiba ni Genesis.

"It depends on my response," sagot ko. 

It seemed like he did not expect my answer. Masyado ba siyang kumbinsido na tatanggihan talaga ako ng tuluyan ng hari?

"That's new," usal niya. Tumayo siya at kunot-noong tumingin sa 'kin. "What was the deal? Kung hindi ka niya tinanggihan, siguradong may hinihingi siyang kapalit."

Tumalikod ako at sumakay sa karwaheng nakaabang lamang sa gilid. Umupo ako at tumingala. 

"Well?" muling tanong ni Carwell saka bahagyang umuga ang karwahe, senyales na tumabi siya sa 'kin. 

"Marriage," sambit ko. "I can have the amulet if I promise to marry him."

Kung iisipin ko pa nga lang na magpapakasal ako sa isang matandang hari at hindi ko pa kilala, nasusuka na ako. For hell's sake, he's probably thirty years older than me. At mas lalong ayaw kong matali sa matandang iyon.

Nilingon ko si Carwell nang hindi siya makasagot. Saglit siyang natulala sa sinabi ko bago ako walang emosyon na hinarap. 

"Anong pasya mo?" aniya.

Ano nga ba?

My freedom over other people? Or the other way around? 

"Do I have other choice?" tanong ko habang nakabagsak ang balikat. 

He gave me an unexplainable stare. Para bang ang lalim ng iniisip niya habang nakatitig sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. He shrugged and broke the eye contact. 

"No. King Rafael will always get what he wants. Kilala siya bilang matapang at walang inuurungan. Kahit kailan ay hindi niya babawiin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya," Carwell paused. Nahagip ng mata ko ang pag-angat at baba ng adam's apple niya na para bang pinipigilan niyang magpakita ng emosyon. 

"Are you alright?" 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa magaling kong utak at lumabas iyon sa aking bibig.

He nodded. "May naalala lang ako," he said and faced me again. "Weigh your choices wisely, Belacour. Laging paninindigan ng hari ang mga salita niya kahit makasira pa ito ng buhay ng iba."

His cold hand tapped my shoulder before he rested his head on the other side of the chariot. I was left in confusion. Hindi ko na alam kung may ikukunot pa ba ang noo ko o mukha pa ba akong tao.

It felt so weird to talk with Carwell without him being arrogant. Ngayon ko lamang siya nakausap ng masinsinan, and if I wasn't hallucinating, I could honestly see a bit of concern in his eyes even if his voice was as cold as this place.

Tumayo ako at bumaba ng karwahe pero bago iyon ay muli akong napalingon sa kaniya na ngayon ay nakapikit na. Mabigat ang paghinga niya kaya sigurado ako na nakatulog na siya. 

A small smile escaped my lips. 

Kahit hindi niya man banggitin, alam kong mahirap sa kaniya ang samahan ako rito. 

Lumingon ako sa gilid niya at kinuha ang backpack. I took out the jacket I wore earlier and cover him with it. Saka ako tuluyang lumabas. 

I looked up at the dark sky. Halatang sobrang lalim na ng gabi. Napayakap ako sa sarili ko at umiling. 

I really don't want to do this. Hindi ko kailangang ibenta ang sarili ko sa isang matandang hari para lamang sa letseng amulet. Hindi ako magpapakabayani dahil hindi iyon ang layunin ko. 

A cold gust of wind took me back to reality. Muli kong pinilig ang ulo ko.

Bakit ba ako nagda-drama rito? Hayop 'yan.

Inayos ko ang aking buhok at napairap na lang. Then I walked towards the castle once again. Pumasok ako ng walang sabi sabi at naabutan ko ang hari na nakatayo sa gitnang bahagi ng main hall. Suot niya ang nakakainis niyang ngisi habang umiinom ng alak. 

"My lady," tawag niya. "Have you decided already?"

I maintained a straight face as I walked closer to him. Huminto ako isang metro ang agwat mula sa kinaroroonan niya. "Can I trust your word?"

He smiled. "You can trust all of me."

Sarkastiko akong ngumiti at inirapan siya pero sa halip na mainis, mas lalo pang lumawak ang ngiti niya. 

"So?" muli niyang tanong. 

Huminga ako ng malalim. Tinitigan ko siya ng mariin sa mga mata niya. I can't read his eyes. He can hide his emotions very well. 

Pero bahala na. Time is ticking.

I gulped and reached my hand in front of him. "Give me the amulet."

"Give me your word," ma-otoridad niyang sabi. 

Muli akong humugot ng malalim na hininga. Then I nodded as I uttered, "I promise to marry you."



"WHAT?!"

I glared at Mallá who shouted in front of my face. Tumalsik pa ang laway niya sa pisngi ko na siyang ikinalukot ng mukha ko. 

"Bingi ka ba?" Napairap ako at inabot sa kaniya ang kulay berdeng kwintas. Ang pendant nito ay parang makapal na dahon na napapalibutan ng mga ugat, like the roots are protecting the leaf. And at the center is an emerald green stone which I assume is where Mallá's full power was stored. 

"I've done my part. Now, do your best to save everyone, Mallá." Tumalikod na ako at paakyat na sana nang hinawakan ako ni Mrs. Rovuille sa aking braso. 

"Ara," aniya. I turned around and met her worried face. Bahagya niyang pinisil ang kanang kamay ko. "Bakit mo binigay ang sarili mo sa hari? Pwede naman sana tayong mag-isip ng ibang paraan."

"Para maubusan na tayo ng oras?" sambit ko. "Kung nagtagal pa ako, mamamatay ang mga nalason. Mamamatay ang anak mo."

Natigilan siya at napayuko. She heaved a huge sigh and stared at the wall for a second. Kalaunan ay muli siyang nagbaling ng tingin sa akin. 

"Will you be okay?" she asked, almost whispering. 

"Yeah. No worries." I nodded. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Magpapahinga muna ako." 

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis akong pumasok sa kwartong para sa 'kin. Bumungad sa akin ang natutulog na si Atya habang yakap yakap ang damit ko. Umupo ako sa tabi niya at tumingala sa orasan na nasa pader. 

We arrived here at the mansion at exactly 3 am. Buti na lamang at gising pa sila Mallá noong dumating kami. 'Yun pala ay hindi sila nakatulog dahil sa sobrang pag-aalala.

Carwell hurried upstairs, to his bedroom, as soon as we got here. Siguro ay apektado pa rin siya sa lugar na pinuntahan namin. I can't blame him, though. The wound from the past can still hurt, especially if it wasn't really healed. 

Hinubad ko ang botas na suot ko at humiga sa tabi ni Atya. I took a deep breath. 

Hindi ko mapigilang ma-disappoint sa sarili ko. The thing I did earlier was never in my plan. Ang gusto ko lang naman ay maghiganti at pagbayarin ang mga nanakit sa 'kin. 

Where the fuck did the old Aurora go?

Ngayon, dahil sa sarili kong kagagahan, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa pagtatagpo ng dalawang buwan. That was our deal — that the wedding will happen when the two moons meet each other, and that is a month and a half from now. 

Pagkatapos ng isang buwan at kalahati, matatali na ako sa matandang letse na iyon. 

Tumagilid na lamang ako at tinitigan ang nakapikit na si Atya. Ang himbing ng tulog niya. May laway pang tumutulo. Tahimik akong natawa bago pumikit hanggang sa nilamon na ako ng dilim.


"ATE Princess?!" 

I groaned as a pair of arms wrapped my waist. Tinabig ko ang kamay nito at inilayo sa akin pero bumabalik din naman kaya wala akong nagawa kung 'di magmulat. 

Nagtagpo ang tingin namin ni Atya na ngayo'y nakayakap ng mahigpit sa bewang ko. Nakangiti pa siya na walang sing lawak.

"Atya, let go," sambit ko na siyang sinunod niya naman. 

"Bakit 'di mo ako ginising no'ng dumating ka?" she pouted. 

"For what? Para guluhin mo ako?" sambit ko. Mas lalo pang humaba ang nguso nito. I shook my head. "At saka tulo laway ka pa sa lalim ng tulog mo."

"Ate!" aniya. 

She got up up and ran to the bathroom. After a minute, lumabas na rin siya. Her face was wet. Naghilamos siguro siya. Mahina akong natawa. She crossed her arms as a response at umupo sa maliit na couch.

I yawned. Gusto ko pang matulog pero marami pa akong kailangang gawin. Nakakabwesit.

Kahit ayaw ko man, tumayo ako at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay lumabas na ako. Atya was holding my hand as we went downstairs and as soon as we reached the dining area, mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin.

Binitawan ni Atya ang kamay ko. At ako naman ay nakakunot ang nono habang nakatitig sa lalaking nakayakap sa 'kin. 

Gising na pala siya.

"Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na ayaw ko na hinahawakan ako, Genesis?" walang emosyon kong tanong. I glared at him but instead of letting go, he tightened the hug even more. 

"You don't have any idea how worried I was," sambit niya sa malambot na boses. Walang bahid ng kayabangan o pang-iinis. "I may be asleep but I can feel what you feel, Ara."

Natigilan ako. "What?"

"Don't mind me." Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako sa mata, saka siya ngumiti. "Thank you for saving us."

"Yeah, whatever," sambit ko. "Huwag ka ngang mag-drama d'yan."

Nilagpasan ko siya at umupo na sa harap ni Mallá na nangingitim ang ilalim ng mata, halatang walang tulog. Tinanguan ko lang ito, pati na si Mrs. Rovuille na maluha-luhang nakatitig sa anak niya. I have no idea where the others are, or if they're still asleep. Si Genesis pa lang ang nakita kong gising maliban sa amin nina Atya.

"Take a seat, my son. Mauna na tayong kumain habang hindi pa nakakarecover ang iba," tawag ni Mrs. Rovuille kay Genesis. 

Genesis nodded. Akmang uupo siya sa kanan ko pero naunahan siya ni Atya. Bumaling siya sa kaliwang upuan katabi ko at doon na umupo. And we started munching the food in front of us. 

Ilang minuto lang ang lumipas at ako ang unang natapos. I got up and signalled them that I need to go outside. They responded with a nod. Hindi ko alam but they're so quiet today, which is unusual. At hindi ko pa rin nakikita si Shaye o kung gising na ba siya. 

Tumalikod na ako at lumabas sa dining area. Dumiretso ako sa labas pero bago iyon ay nakasalubong ko si Carwell. Kagaya ko ay basa rin ang buhok niya kahit na nanlalalim pa ang mata sa pagod. 

I stopped walking and stared at him. Tumitig din siya sa 'kin. Walang nagsalita sa aming dalawa kaya'y tumango lamang ako bilang pagbati. He slightly nodded a a response and walked past me. 

Tahimik akong lumabas sa mansion at nagtungo sa likurang bahagi nito. Kung saan may nakita akong garden kahapon. I sat down on the grass and curled my legs, looking up to stare at the sky. Payapang payapa ang kalangitan na parang walang nangyaring masama kahapon lang. 

However, hindi ko matanggal sa isip ko ang kasal na magaganap sa susunod na buwan. It's not that I'm anxious or whatever, it just gives me a reason to do what I need to do as soon as possible. But I have too many things to settle when I go back to the academy. I am aware that until now, I am still seen as the culprit of the break-in that happened. Dagdag ko pa ang unang misyon ko na hindi ko matapos tapos. 

Napabuntong hininga ako. I am running out of time. 

"Ara?"

I turned around and saw Shaye beaming at me. Smiling, she ran towards me and gave me a tight hug. 

"Thank goodness!" masiglang wika niya at akmang hahalikan ang pisngi ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang hintuturo ko. Napanguso siya. "Ang sungit pa rin."

"Hmm," sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino, but knowing Shaye, she probably won't stop talking and tailing me unless I talk back. 

Umayos siya ng upo sa tabi ko. She held my arm, still smiling from ear to ear. 

Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Nothing," nakangiti niyang sambit. "I heard what happened. Are you okay?"

"Perfectly," tipid kong sagot.

Napaismid siya. "Nagsinungaling ka pa. But thanks for saving us, Ara. Hindi ko alam na magagawa mo 'yon para sa 'min."

"Asa ka pa," I uttered. Totoo naman. Hindi ko ginawa 'yon para sa kanila. 

Ginawa ko 'yon para sa 'kin.

"Sus! Kunwari ka pa, e," panunukso niya. She even poked my waist which took me by surprise, kaya ayon, wala sa isip ko siyang naitulak at nasubsob siya sa damuhan. "Ouch!"

Hindi ko napigilang matawa sa mukha niya nang lumingon siya sa 'kin. Magkahalong lupa at damo ang dumikit sa kaniyang mukha. Hinila ko siya pabalik habang natatawa pero mukhang naistatwa 'ata siya sa kaniyang pagkasubsob dahil tulala lamang siyang nakatitig sa 'kin.

Lumingon ako sa likuran ko dahil baka roon siya nakatingin pero wala namang kahit ano o sino ang nandoon. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Naalog ba pati ang utak mo?" 

Mukhang nabalik siya nito sa reyalidad. She cleared her throat before fixing herself. Saka siya muling lumapit sa 'kin. "You look more beautiful when you smile, Ara!"

I repeatedly blinked. "Uh, what?"

She chuckled. "Hindi ko alam kung anong milagro ang nangyari pero ang saya ko na makita kang tumawa."

Natigilan ako. Did I really laugh?

"What are you talking about?" Inayos ko ang sarili ko at muling binalik ang walang emosyon kong mukha.

Pero hindi nawala ang ngiti ni Shaye. "Maang-maangan ka pa, e. Kitang kita ko kanina."

I did not respond. Tinikom ko lang ang bibig ko at nagkunwaring wala siya sa tabi ko. Ang dami niya pang nai-kwento gaya ng kung paano raw siya na-touch no'ng nalaman niyang ginawa ko 'yun para sa kanila, at kung ano raw ang pakiramdam ng makakain ng lason. Halos bumula na ang bibig niya sa pagsasalita at hindi pa rin siya napapagod.

"I heard Caelum went with you."

"So what?"

"Wala lang," she paused. "I'm just surprised that he went with you kahit ayaw na ayaw niya sa lugar na 'yun."

Napantig ang tainga ko sa sinabi ni Shaye pero hindi pa rin ako umimik. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa sunod niyang sasabihin.

"Kung hindi mo alam, Caelum's mother was—"

"—A lady warrior from Ambergail. Yeah, I know that," putol ko sa kaniya. 

I heard it from Carwell himself.

Mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. "Yeah, but did you know that she was banished from the kingdom and was accused as a traitor just because she had a secret relationship with the prince of Forthmore, or should I say, Caelum's father?"

Napalingon ako kay Shaye. "What?"

"That's the reason why Caelum hates the place, especially the king. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka lumambot na ang pinsan ko sa 'yo kaya ka niya sinamahan," Shaye said. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

Napairap na lang ako. "He did that to save his people."

"Maybe." She grinned. "Or maybe not."

Sinamaan ko siya ng tingin pero mabilis siyang tumayo at tumakbo paalis. "Balik ka na sa loob kapag tapos ka ng kiligin, ha?" 'Tsaka siya humalakhak na parang baliw. 

Naiwan na akong mag-isa sa garden. Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatitig sa damuhan. Kung ano-ano na talaga ang naiisip ng babaitang 'yon. Ang sarap batukan. 

I can't help but think about Carwell's past, though. I had no idea that behind the arrogant guy that he is, is a vulnerable boy. Kung tutuusin, ang dali niya lang palang saktan. And his weakness can be used against him. 

But I'm afraid I can't.

I don't want to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top