Chapter 23: Poison
"DO you think she's awake?"
"Yeah, she's listening," boses ng isang lalaki. "Morning, Belacour."
Napabalikwas ako ng bangon. What the hell? Anong ginagawa ng mayabang na 'to sa kwarto ko?!
I glared at Carwell. He was smirking as he stroke Atya's hair. Bumaba ang tingin ko sa nakangising bata na nakahiga sa hita niya.
Nakakadiring tingnan.
"Wala ka bang sariling kwarto?"
"Mayro'n," sagot niya. "I'm only here to tell you that the healer arrived earlier. I've been waiting for you to wake up five minutes ago."
"Bakit ba 'di niyo na lang ako ginising? At bakit kailangan mo pang mag-stay rito? Nakakadiri ka," naiinis kong sambit.
Nagtinginan sila ni Atya at sabay na nailing. Ano bang trip ng mga 'to?
Tumayo ako at mabilis na pumasok sa banyo. Kasing lawak ng isang normal na kwarto ang banyo nila. May bathtub, shower, at sa kabilang gilid ay ang toilet. May dalawang lavatory sink din.
Nag-angat ako ng tingin sa malaking salamin sa harapan at halos mapamura ako sa nakita. 'Yung mukha ko! May mga drawings ito ng kung ano anong bagay gaya ng kahoy. May iba't ibang kulay pa.
Iniyukom ko ang kamao ko. Kaya pala 'di ako ginising ng dalawang 'yun.
Pinihit ko ang gripo at naghilamos na. Mabuti na lang at madali lamang mabura ang pen na ginamit nila dahil kung hindi, baka malagyan ko sila ng permanenteng pasa sa mukha.
Ilang minuto ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin. I'm freaking wearing a night pajama at wala pang bra. Tanginang 'yan.
I stood up straight, inhaling heavily to calm myself. Kinuha ko 'yung jacket na nakasampay sa hanger at sinuot iyo. Hindi ko alam kung kanino 'to pero bahala na.
Lumabas na ako ng banyo. Gano'n pa rin ang posisyon ng dalawa pero pareho silang nag-iwas ng tingin.
I grunted. "Since when have you two gotten that close?"
"Earlier!" Atya gave me an ear to ear smile.
I left them a sarcastic smile before striding off towards the sala. Ngumiti sa 'kin si Mrs. Rovuille nang makita ako. Pilit na ngiti.
Sa tingin ko ay hindi maganda ang balita ng healer kaya gan'yan na lang ang mukha niya.
"Ara dear, come..." She gestured for me to sit on the other side of the room.
Kaming tatlo pa lang ang nandito. Ako, si Mrs. Rovuille, at 'yung healer na may matulis na tainga, mas malaki kumpara sa normal na tainga ng tao.
Hindi ba siya tao?
"I'm Mallá of the South... and East, Ms. Ara. Half human," nakangiting pakilala nito.
Tumango ako. So she's half human and half what? Robot?
I glanced at Mrs. Rovuille. Umusog siya palapit sa 'kin at bumulong, "Half elf, dear. In case you're wondering."
Elf?
Nakakahiyang aminin na ang dami ko pang hindi alam sa mundong 'to.
Ngumiti ako ng peke. "What about the others? Anong kondisyon nila?"
Saktong bumaba sina Atya at ang nakakabwesit na lalaki. Abot tainga ang ngiti ni Atya nang makababa at agad na tumakbo sa tabi ko. Si Carwell naman ay umupo sa isang single couch at walang emosyon ang mukha.
"Since you're all here, I regret to tell you that your friends' lives are in danger," panimula niya. "They're poisoned. Someone might have mixed their food, even water, with a sleeping draught that slowly kills the victim from the inside. May ideya ba kayo kung sino o paano ito nangyari?"
Napayuko si Mrs. Rovuille. I tried to rub her back in an attempt to calm her.
Ano ba'ng nainom nilang lahat na hindi ko nainom? We share the same food before we departed. How come Carwell, Atya, and I are perfectly well?
"The food from the Central."
Nag-angat ako ng tingin. Sabay kaming lahat na napalingon kay Carwell.
"I didn't eat it, I don't like the smell. Belacour left the dining room, and Atya was not there with us at that time." He stared at Mallá. "That could be the reason."
Natigilan ako. He's right. Ang pagkain na 'yun ang dahilan nito.
My eyes widened. "That means 25% of Forthmore's people are unconscious right now."
If my calculations are right, malaking problema ito. I could still remember how crowded the place was noong dumaan kami. Halos lahat ng nando'n ay bitbit ang pagkain na 'yun.
Natigil ang pag-iisip ko nang biglang tumayo si Mrs. Rovuille. "We need to move. Mallá, tell us how we can solve this. 'Tsaka na natin pag-usapan kung sino ang may pakana nito kapag nailigtas na ang iba."
Mallá nodded. "There's only one solution. My amulet. I need to have it before the sun rises. The absence of my amulet restricts my power. Makakagawa ako ng gamot gamit iyon."
"Where is it?" I asked.
"The king of Ambergail took it from me, kapalit ng pagtira ko sa kaharian niya."
Bumagsak ang balikat ko.
I know we're supposed to go to Ambergail and take the amulet, but this is a battle against time. I don't even know kung nasaan ang Ambergail na iyan.
Matalim kong tinignan si Mallà. "Can't you just go back and take it from him?"
Napayuko siya. "If I do, I might not be able to get back here."
We have no choice. Wala akong ibang maaasahan sa ganitong bagay maliban kay Carwell. I hate to admit it, but he's the only conscious person who's capable of going to Ambergail.
"Carwell should go," malamig kong sambit. Sabay silang napalingon sa 'kin. Napataas ang kilay ko. "He knows Ambergail more that any of us here."
Carwell quickly stood up. "No. I'm not going there." Tumalikod siya at naglakad palabas. Marahas niya pang isinara ang pintuan na siyang ikinatili ni Atya.
"Excuse me," paalam ko sa iba. Nilingon ko si Atya. "Stay here." 'Tsaka ako lumabas at sumunod sa nagdadramang lalaking iyon.
Naabutan ko siyang nakatayo at sinisipa ang mga tangkay ng kahoy sa gilid ng mansion. Mukhang hindi niya naramdaman ang presensya ko dahil hindi siya umimik o lumingon man lang.
"We have no choice, Carwell. You have to go," pagbasag ko sa katahimikan.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at nilingon ako. Direktang tumama ang malamig niyang titig sa mga mata ko.
"I don't want to."
"But you have to."
"You're in no place to tell me what I have to do, Belacour. Find someone else to take that amulet," aniya.
Pinagkrus ko ang aking braso at sinamaan siya ng tingin. "You care more about your mommy issues than other people's lives? You're being selfish."
"Since when did you care about other people's lives?" Sinamaan niya rin ako ng tingin. He walked towards me, at huminto sa harap ko. "You only want their trust so you could use them for your own benefit. You don't think I'd figure that out, do you?"
"Don't divert the topic," I grunted. "I don't care what you think of me, but ask yourself, is that how a royal should act?"
"You have no idea how I loathe that place, kaya huwag kang magmarunong." And he walked away.
I let out a heavy sigh as I stared at his broad back drawing further from my sight.
I guess I have no other choice.
"PRINCESS, I want to go with you."
"No, Atya. You have to stay here," pagtanggi ko sa bubwit na nakakapit sa beywang ko.
"Please?" pagmamakaawa nito. She looked at me with pleading eyes.
I zipped my backpack, sinuot ito bago ako nagbaling ng atensyon kay Atya. She's been trying to persuade me to bring her for an hour now. Pero hindi dapat, magiging pabigat lamang siya.
I've decided to go to Ambergail alone. Bahala na kung sa anong paraan ako makakarating doon basta mabawi ko lang ang amulet na sinasabi ni Mallá.
I don't even know why I'm doing this. Malaking oportunidad 'to para kumilos ayon sa plano ko pero mas pinili ko pang maghanap ng solusyon sa problemang hindi naman ako ang gumawa.
When did I become like this?
How the fuck did I become like this?
"Pretty please, Princess?"
Umiling ako. "I will be back before sunrise. Look after the others."
Napayuko siya at tumango habang nakasimangot. "Take care," bulong niya. She, then, walked out of the room.
Sumunod na rin ako sa kanya matapos kong ipusod ang buhok ko. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Mrs. Rovuille pero halatang kinakabahan, at ang nag-aalalang si Mallá.
But Carwell was nowhere to be found.
Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pero bahala na siya. Buhay niya naman iyon.
Anong pakialam ko?
Mrs. Rovuille held my hand nang makalapit na ako sa kanya. "Are you sure with this, Ara? The portal can only transport you to the border of Forthmore — to the Great Bridge, not to Ambergail."
"I can handle myself, Mrs. Ro— tita." Pilit akong ngumiti. "I gotta go."
"Mag-ingat ka, Ms. Ara. Magtanong ka lang sa mga villagers kung sakaling mawala ka, they're quite hospitable to foreign people," bilin ni Mallá.
Tumango ako at sinenyasan sila na aalis na ako. Nagtungo ako sa likurang bahagi ng mansion. Walang katao-tao rito. Kaunting kahoy, mga bulaklak, at malaking bakod lang.
I groped the blue seed that Mrs. Rovuille gave me earlier. A portal seed.
Hinagis ko ito sa lupa. Ilang segundo lang at unti-unti na itong lumiwanag hanggang makabuo ng isang pabilog na ulap na kumikinang. Without hesitation, I entered the portal.
Diniinan ko ang pagpikit sa mata ko nang makaramdam ulit ng kakaibang sensasyon sa tiyan ko. The very thing I hate about portals.
After a while, malamig na hangin ang yumakap sa katawan ko. I opened my eyes and gazed at my surroundings. A wide ocean was right in front of me. Nanunuot sa ilong ko ang maalat na amoy nito. At the aisle of the ocean was a massive bridge made of silver and gold. Halatang luma na ito pero ang tibay pa rin tingnan. It was probably near fifty to sixty meters wide, and I couldn't even see anything at the other side.
This must be what Mrs. Rovuille called 'the Great Bridge'.
Tahimik akong naglakad sa gitna nito pero nagulat ako nang biglang nawala ang inaapakan kong daan. Napaatras ako. What the heck? They never warned me about this invisible bridge.
Luminga-linga ako, nagbabaka sakaling may makitang pwedeng hawakan pero wala. Puro naglalakihang puno lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung paanong naging kagubatan ito gayong dagat ito kanina.
Mukhang pinaglalaruan ako ng lugar na 'to.
Humugot ako ng malalim na hininga saka humakbang. Sa bawat hakbang ko ay tinatyansa ko kung tama bang apakan 'to o hindi. Sinubukan ko pang mag-transform sa shadow form ko pero hindi gumagana, and I don't fucking know why.
Annoyed, I walked towards the other side, without looking down. I was never afraid of heights pero hindi ako makakaisip ng matino kung patuloy akong magmamasid sa ibaba. Kailangan kong makatawid agad.
Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin ako nakakarating. Pakiramdam ko nga ay mas lalong lumalayo ang dulo ng bridge habang naglalakad ako.
Inis kong hinubad ang backpack ko at ibinaba iyon. Kanina pa ako rito pero hindi pa ako nakakarating sa gitna.
Kinuha ko ang dalang water bottle sa loob ng backpack at ininom iyon, but I almost dropped it when a sudden noise clanged behind me. I put the bottle down and looked around. I could neither feel nor see anything.
What the heck is going on?
"Your courage will only lead you to death."
Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita. Tumalikod ako upang tingnan kung saan nanggaling ang boses pero natisod ang kaliwang paa ko. The next thing I knew, half of my body was hanging at the edge of the bridge. At nakakapit sa kanang kamay ko ang mainit na kamay ng isang lalaki.
"Just as I expected."
I glared at Carwell. He was smirking as he held my hand, trying to pull me up. Parang naulit lang 'yung sa ruins, ang pinagkaiba ay may halong pangungutya ang mukha niya.
"Reach," inabot niya ang kanyang isang kamay sa akin, "pull yourself up."
Mahigpit ko itong hinawakan 'tsaka niya ako hinila pataas. Napahiga ako sa semento nang tuluyan na akong nakaahon. I kept silent and stared at the white fog above me. Nakakabwesit. Bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?
"You're welcome," Carwell broke the silence. He picked up my backpack. Akala ko ay isusuot niya pero inihagis niya ito sa akin. "Tumayo ka na. Time is ticking."
Napairap ako. How dare he show up after his dramatic speech earlier? May drama pang nalalaman, susunod din naman pala.
Tumayo na ako at sinuot ang backpack. I started walking again, mas maingat na this time.
"I know what you're thinking," sambit niya. "But I did not come here for you. Tita Eugene convinced me."
"You sound so defensive. I didn't even say a thing."
"I don't want you to jump into conclusions," sambit niya pa.
Conclusions, my ass. Ang yabang talaga.
Saglit siyang tumahimik bago ako inunahan sa paglakad. Humarap siya sa 'kin habang naglalakad patalikod.
Baliw ba siya? Gano'n ba siya kakomportable sa lugar na 'to at nagyayabang siyang kaya niyang maglakad patalikod?
"Open your eyes, Belacour. This bridge isn't invisible."
Kumunot ang noo ko. "What are you talking about?"
"Wake up," he said. His smirk was still visible on his lips. "You're under an illusion."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top