Chapter 22: Journey to Rovuille

ATYA tightened her grip on my hand as we passed through the crowd. Papunta kami sa sakayan dahil naisipan ni Genesis na ipasyal kami sa city nila. This will be my first time seeing someone's home.

"She's glaring at me, Princess."

I turned my gaze on Atya and found her pointing at Snow's direction. Inirapan ako ni Snow bago binilisan ang paglakad at sumabay kay Carwell na nasa unahan.

I was against bringing this kid with us too but leaving her alone with no home nor parents would be too... I don't know... cruel?

I swallowed a ton of saliva at the thought of my choice. Hindi ko na talaga alam kung bakit nagkakaganito ako. I knew that this kid would bring nothing but annoyance yet I still insisted on taking her.

Napailing na lang ako at ngumiti ng peke. "Hayaan mo na siya."

Atya went silent after my remark. The silence continued until we reached the carriage that would take us to Rovuille City. Mas maliit ito kumpara sa sinakyan namin kanina kaya napagpasyan nina Third na sa ibang karwahe na lang sasakay.

Shaye, Carwell, Zale, Rhysan, and Atya stayed with me. Magkasama sa kabila sina Third, Snow, Estelle, Jiro, at Genesis dahil sila daw ang mauuna because Genesis will lead the way. Like, is it even necessary?

Hindi na ako umalma at tahimik na pinagkrus ang braso ko. Rhysan sat beside me, sa kabila naman si Atya while Shaye, Zale and Carwell positioned themselves at the opposite side.

"Dalawang beses pa lang akong nakapunta sa Rovuille City. Although it's near Haudeester, I don't usually wander around too much," pambasag ni Rhysan sa katahimikan.

I don't have a single fucking idea what Haudeester is. Siguro ay city rin gaya ng Rovuille. I don't know but it sounds like a hairdresser to me.

"I'm sure you know Haudeester, Ara," sambit ulit ni Rhysan. Ngumisi siya ng nakakaloko at kinindatan ako. Pasimple niyang tinuro si Carwell sa harapan namin na nakayuko. "I heard what happened from Estelle. Kayo ha." Sinundot pa nito ang tagiliran ko.

"What?" nandidiri kong tanong.

Walang hiyang Estelle 'yun.

"She was heading to Caelum's room daw para tawagin siya para kumain. And you were at his room." Excited siyang tumitig sa 'kin at nilapit ang tainga niya sa mukha ko sabay hagikhik. "Tell me what happened."

Bored akong tumingin sa iba. Halos lumuwa ang mata nina Zale at Shaye dahil sa sinabi ni Rhysan, habang ang bubwit na nasa tabi ko ay nakatakip sa tainga. Carwell, on the other hand, was piercing Rhysan with his glare.

Marahan kong tinulak ang ulo ni Rhysan palayo sa mukha ko gamit ang aking hintuturo. "Makikichismis ka na nga lang, mali pa."

Ngumuso ito. "Ay mali ba? Pero nando'n ka raw sa harap ng room niya."

Napairap ako. I leaned the back of my head at the wooden thing behind me. I did not bother to know what it was at ipinikit na lang ang mata.

Rhysan poked my shoulders. "Ara."

Sinenyasan ko siyang tumahimik. Natahimik ito pero after a couple of minutes, muli siyang nagsalita.

"This is Haudeester," sambit ni Rhysan. Nagmulat ako ng mata saka ko lang napagtanto na nasa ibang bayan na kami.

"This is where Caelum grew up, while Shaye lived in the outskirts of this city." Tumango ako sa paliwanag ni Zale. Minsan talaga nagugulat ako dahil biglaan siyang nagsasalita tapos bigla ring tatahimik. Hindi mo mawari kung ano bang tumatakbo sa isip niya.

Binaling ko ang tingin kay Shaye. Nakadungaw siya sa bintana habang nakangiting tinitigan ang mga nadadaanan naming mga tao.

Umikot ang sinasakyan naming karwahe at tinahak ang makitid na daan papunta sa kung saan. Hindi ko makita ang dulo ng daan na ito kaya wala akong ideya, but my hunch is telling me that this is the path to Rovuille City.

I lost track of time when my eyelids started to close. Napahikab ako. "Ilang oras bago tayo makarating doon?" tanong ko at lumingon sa kanila pero napabuntong hininga na lang ako nang makitang nakatungo na si Rhysan, si Shaye ay nakasandal na sa balikat ni Zale, habang ang bubwit sa tabi ko ay nakahiga na sa upuan.

Si Carwell na lang ang nanatiling nakatitig sa labas.

Muli akong nagsalita, "Ilang oras bago makarating doon?"

Hindi pa rin siya lumingon o kahit umimik. Tulog rin ba ang isang 'to?

"Bingi ka ba?" naiinis kong tanong. Saka lamang siya tumingin sa 'kin.

"One and a half," aniya.

Halos mapatampal ako sa noo. Kung alam ko lang na isang oras at kalahi pa, sana kanina pa ako tulog. Umayos ako ng upo at muling pinikit ang mata ko pero agad ding napamulat nang magsalita ang isang may regla.

"Why did you bring that kid?"

"Who?"

He glared at me. "May iba pa bang bata rito?"

Kumurba ang gilid ng labi ko. Ang dali talagang madala ng emosyon ang lalaking 'to. "I can't leave her alone."

"Why?"

"Why do you want to know?" nakangising tanong ko.

"Because that's not something that a Belacour would do," he paused. "Or so I thought."

"Hindi mo alam ang lahat ng bagay sa mundo, Carwell. And you don't know me that much."

This time, he was the one who smirked and said, "Not yet."

Nagtagpo ang mga kilay ko. So, he intends to know me more, huh.

Sasagot na sana ako nang marahas na huminto ang karwahe. Sabay na nasubsob sa sahig ang mga tulog naming kasama habang kami ni Carwell ay muntikan ng matulad sa kanila, buti na lamang at mabilis akong nakahawak sa likuran ng inupuan ko.

"What happened?"

"How would I know?" pambabara ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at nilingon ang mga tulog naming kasama. Nakapagtataka. Ang lakas ng impact ng paghinto na iyon pero hindi talaga sila nagising?

"Wake them up. I'll go check outside. Nasa unahan lamang natin ang karwahe nina Genesis."

Hindi na niya hinintay na sumagot ako at mas mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ng karwahe.

"Princess?"

Napatingin ako sa gilid ko nang may humawak sa laylayan ng aking damit. It was Atya rubbing her eyes and scratching her head that I believe was bumped against the metal floor.

"What happened? Dumating na po tayo?" inosenteng tanong nito.

Umiling ako. "Not yet. Help me wake the others up."

Tumango siya at sinubukang hipan ang mukha ni Rhysan saka niya ito niyugyog. "Lady Flowel, gising!" But she received no response from her.

Tinitigan ko ng maigi ang mukha ni Shaye. Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga ito at tulog na tulog sila. Pakiramdam ko nga ay hindi pa kami nakakalahati sa byahe.

"Shaye, wake up," paggising ko kay Shaye pero gaya ni Rhysan, hindi rin ito sumagot o gumalaw. "Wake up or I'll gouge your eyes out."

But still, no response.

My heartbeat started to quickened. Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Shaye at hinanap ang pulso niya. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang tumitibok pa ito.

Something is surely not right here.

Muli kong pinagdasahan ng tingin ang mga mukha nila. They seemed deeply asleep.

"Ayta, stay here. Keep your eyes on them," bilin ko at tumayo. "I'll be back."

"No need."

Napatigil ako nang bumungad sa harap ko ang pagmumukha ni Carwell. "What's 'no need'?"

Humugot siya ng malalim na hininga bago ako sinagot, "All of them are asleep."

"What?"

Hindi siya sumagot. He hopped into the chariot and carried Zale on his back. "Pick them up. Doon tayo sa karwahe nina Genesis. We need to get to the city as soon as possible."

I nodded. Pumikit ako at pinagsiklop ang kamay. The air turned cold and I could hear the rustling of the wind in my ears.

"What are you doing?" rinig kong tanong ni Carwell.

I did not respond. Binuka ko ang palad ko kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. May mga maliliit na shadows na lumabas sa kamay ko, parang maiitim na vines pero anino lamang.

Hindi nagtagal at pinaikot ko sa mga tulog naming kasama ang mga anino na 'yun. Their bodies floated mid air and I used my power to control them. Dahil dito ay mabilis kaming nakalipat sa kabilang karwahe.

"That was cool," komento pa ng bubwit sa tabi ko.

"Just keep silent until we arrive," wika ko.

I felt Carwell's stare at me and I stared back.

Umiwas siya ng tingin at inayos ang paa ni Third na nakapatong sa hita niya.

Honestly, pinagsiksikan namin ang lahat ng aming kasama kaya mukha kaming sardinas dito. To my surprise, wala pa rin talagang kahit isa sa kanila na nagising kahit ang init init na.

Napahikab ako. Ang tagal pa ng byahe.

"Sleep. I'll wake you up when we get there."

"I'll stay up. Baka may mangyari," tanggi ko sa sinabi ni Carwell.

Malamig niya akong tinitigan. "Just sleep. Regain your power."

Nagkibit balikat ako. Okay, sabi niya 'e.

"Is he your boyfriend, Princess?"

Nalukot ang mukha ko sa narinig. Sinamaan ko ng tingin si Atya pero binigyan lang niya ako ng mapang-asar na ngiti.

"Matulog ka na rin," huli kong wika kay Atya bago tuluyang nilamon ng dilim ang paningin ko.






MY forehead creased as the chair that I was sleeping in seemed to move. I opened my eyes but closed it immediately. Ang sakit sa mata ng liwanag.

"You're awake."

Nanlaki ang mata ko, hindi na alintana ang sakit ng sinag ng araw. I almost jumped in surprise as Carwell's face met my gaze, saka ko lamang napagtanto na karga niya pala ako habang naglalakad sa hindi ko alam kung saan.

"Ibaba mo ako," malamig kong sambit.

Bakit hindi na lang ako ginising? Bakit kailangang kargahin pa? Litse.

Sinunod niya naman ang sinabi ko. Binaba niya ako at walang paalam na naglakad paalis. Lakad takbo akong sumunod sa kanya.

"Nasa'n tayo? Anong lugar 'to?" I asked.

"Look around," aniya.

I roamed my eyes around. We're heading to a massive white house. There were trees behind it and a huge fountain in the center. May dalawang magarbong hagdanan din sa magkabilang gilid patungo sa pinakatuktok na may pangalang nakaukit: Rovuille Mansion.

Oh, so this is Genesis' home.

"How about the others?" tanong ko habang sumasabay sa paglalakad niya.

"Kanina pa nasa loob. The kid tried to wake you up while I carried the others but you were in deep sleep too. I had no choice," he explained.

Napairap ako sa kawalan.

"Atya lied," I uttered. "Hindi niya ako ginising."

Nagkibit-balikat lang siya at pumasok sa malaking entrance door. Pumasok na rin ako at bumungad sa 'min ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim tuxedo.

Sabay silang yumuko. "Greetings, Young Master Carwell, Lady Belacour."

Napataas ang kilay ko. I glanced at Carwell and he too was staring at me. Mabilis akong umiwas ng tingin.

Hindi pa kami nakakaimik nang may sumulpot na babae.

"Welcome, welcome, my dears!" Ngumiti siya ng malawak, halos kita na ang gilagid niya, sabay palakpak. "I am Eugene, Genesis' mother. I believe you're Ms Belacour?"

Tumango ako. "Ara Belacour."

"Beautiful name! Come." Sinenyasan niya kaming sumunod sa kanya. "You too, young lad. I already contacted my brother, Boris, that you are here but I did not mention your company's condition." Huminto siya at bahagyang hininaan ang boses. "Nagpatawag na rin ako ng healer na pwedeng tumingin sa nga kasama niyo, no need to worry."

"Thank you, tita. I think it's better for the headmaster to remain ignorant about this," sagot naman ni Carwell.

"How about your son, Mrs. Rovuille?" tanong ko.

Bumagsak ang balikat niya. "Still asleep in his room." Inangat niya ang tingin sa akin at tinitigan ang mga mata ko. "My son talks about you sometimes. Just call me tita, okay?"

Awkward akong ngumiti at tumango. "Okay."

"Okay, tita," pagtatama niya.

Lihim akong napamura bago muling nagsalita, "Okay, tita."

"Perfect! Robert? Kindly escort them to their bedroom," tawag niya sa lalaking naka-tuxedo.

Yumuko 'yung Robert sa kanya. He signalled us to follow him and we obliged, pero bago iyon ay may pahabol pa ang ina ni Genesis.

"By the way, your daughter is waiting for you there," aniya at humagikhik.

Napapikit ako sa inis. Anong pinagsasabi niyang daughter? Si Atya? Bullshit.

"Can't you learn how to control your power when you're mad?" malamig na tanong ng katabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up. Baka sa 'yo ko pa ibuntong ang galit ko."

He smirked. Ginulo pa nito ang buhok ko na siyang ikinabigla ko. "Let's go. Our daughter is waiting for us."

-

Author's note: Maikli muna. I need to limit my word count. Happy reading!♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top