Chapter 18: Actyle Ruins
THE sun was now at its peak and we finally found our way out of the woods. Pahinto-hinto kami sa paglalakad dahil kailangan ng pahinga ni Rhysan. Gustuhin man naming magmadali, 'di naman namin siya pwedeng iwanan dito.
Ngayong nakalabas na kami sa wakas, ilang minutong paglalakad na lang at maaari na naming gamitin ang portal.
"Are you okay? Gusto mong magpahinga ulit?" rinig kong tanong ni Third kay Rhysan sa likuran. Kasabay ko si Shaye sa paglalakad, sa likuran naman namin ay sina Snow, Third, at Rhysan. 'Yung isang masungit naman ay piniling magbantay sa likod.
"Yeah. Bwesit lang 'yong Almer na 'yon," Rhysan replied.
Napakunot ang noo ko. Who's Almer?
"Almer?" ani Third.
"That guy na kumukontrol ng buhangin. He was the one who knocked me off."
Napalingon ako kay Shaye na tahimik na nakikinig sa tabi ko. Mukhang malalim ang iniisip niya. Pagkatapos ng ginawa niya kanina ay nanahimik na siya. Hindi na ako nagulat kung bakit may tinatagong lakas si Shaye pero nakapagtataka pa rin kung ba't parang walang pakialam si Carwell sa kanya gayong magpinsan sila.
Napalingon si Shaye sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kanya. "Uhm, something you want to say?"
Umiling ako at umiwas ng tingin. I don't think it's the right time to ask her. Baka masabihan pa ako na pakialamera sa buhay ng iba.
"Should we use the portal now? The place is clear," tanong ko sa aking mga kasama at huminto. I looked at Rhysan at tinaasan siya ng kilay.
Mukhang nakuha niya naman ang nais kong iparating. "Yeah. We can." May kinuha siyang maliit na supot sa bulsa niya at ibinigay iyon kay Carwell. "Dalawa lang ang binigay ng headmaster. Huwag mong sayangin."
Hindi siya pinansin ni Carwell. Hindi rin nito tinanggap ang supot. Ang arte talaga ng lalaking 'to. "Give that to Belacour. She's the leader."
Napairap ako. Napakibit balikat na lang si Shaye at binigay sa 'kin ang supot. Tinanggap ko ito at kinuha ang maliit at kulay asul na buto sa loob. It exactly looks like the one I saw when Genesis took me away from the island.
"You know how to use that, right?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Snow at inihagis sa lupa ang isang buto. It instantly emitted bluish light and swirled like a fog hanggang sa naging hugis oval ito. Hindi na ako nagsalita at mabilis na pumasok sa loob.
Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko na naman ang pag-ikot ng paningin ko. Pati lamang loob ko ay tila hinukuhay. Nakakasuka.
Ilang segundo ang lumipas at naramdaman ko na ang paglapag ng paa ko sa lupa. Napakusot ako sa mata bago lumingon sa paligid. For a moment, I could not clearly see the view because of the sun blocking my vision, but I was shocked when I did.
The place looked dreamy, like a forest. But it wasn't a forest. It's more like a ruined temple. Mukha siyang templo na may tatlong palapag. At katulad ng pangalan nito, half of the temple was in ruins. Even mother nature was slowly eating it.
"Ang laki ng pinagbago."
Napalingon ako kay Snow nang magsalita siya. Nakapasok na pala silang lahat. The portal was now slowly shrinking too.
"This isn't how it looks before?" I asked.
"Taong bundok ka ba? Kahit sa picture hindi mo nakita?" masungit na sambit nito.
"Yes or no lang ang sagot sa tanong ko," wika ko at umirap. May galit talaga sa 'kin ang Snow na 'to. "Let's split up," muli kong sambit.
"No," mabilis naman na sagot ni Carwell.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Mas mapapadali ang paghahanap kung maghihiwalay tayo."
"We can't guarantee that. Did you forget what happened earlier? One of us could've died," aniya at sinamaan ako ng tingin.
Nalipat sa akin ang tingin ng iba naming mga kasama.
"Hindi naman sana mangyayari 'yon kung walang nagrereklamo."
"Excuse me? Pinaparinggan mo ba ako?" Snow intervened. Napairap ako sa kawalan.
"Bakit? Natamaan ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay bago ibinalik ang tingin kay Carwell. "Fine. Let's do what you want. If something happens, I'm gonna blame you too."
Carwell looked at me as if I'm a kid or something lower than him. The corner of his lips curled, hiding an annoying smirk. Then I heard him mutter, "Immature."
I glared at him. Pero ang loko, hindi man lang ako pinansin at nagsimula nang maglakad. Isa-isa namang sumunod sa kanya ang iba. Panghuli ay si Shaye na pilit hinihila ang palapulsuhan ko.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "May balak ka bang balian ako?" I asked sarcastically.
Pero sa halip na matakot, ngumiti lamang siya. "Everyone's going together. Baka humiwalay ka sa amin, mahirap na. We don't know what's in there."
Ano namang pakialam niya roon? Hindi ako bata na kailangan pang bantayan.
"Yeah, whatever," tanging sagot ko at hinayaan na lamang siya na hilain ako.
The atmosphere instantly changed and felt colder as soon as I stepped inside. Siguro ay dahil close ang lugar na 'to at napapalibutan ng puno. Like how it looks from the outside, pareho lamang sa loob. The walls were either covered in dust or in moths.
I don't really know what kind of seed are we looking for. Kahit itsura ay hindi ko alam.
"Ano'ng itsura ng hinahanap natin?" I stopped walking when my voice echoed so loud in between the walls. Kunot-noo kong nilibot ang tingin sa paligid. Masyadong sensitibo sa ingay ang lugar na ito. Kaunting kibot lang, mag-e-echo na.
"Lower your voice," Rhysan whispered. "This temple is sensitive to sound, kahit noon pa man."
Napabuntong hininga ako. "So, ano nga ang itsura ng hinahanap natin?" pag-uulit ko sa tanong.
"Brown seeds. Medyo maliit kaysa sa ginagamit para sa portal. You'll feel it when you see one," sagot naman ni Third dahil mukhang abala sa pag-iisip si Rhysan.
Rhysan looked at us and said, "We should go upstairs. Sa pinakamataas na palapag, to be exact. Mas malaki ang chance na roon natin mahahanap ang hinahanap natin but we have to be really careful."
"That's too risky," komento naman ni Snow. I quite agree though.
"Kaysa naman abutin tayo ng gabi sa paghahanap, mas delikado 'yun," said Rhysan.
In the end, everyone, including me, agreed to go upstairs except Snow.
"Let's check this floor first. Magmasid muna tayo," aniya pa.
Ang tigas ng bungo ng babaeng 'to. Gusto 'atang mag-isa siyang maghanap.
"We can't waste time. Magpaiwan ang gustong magpaiwan. Let's go," Carwell said. Pagkatapos ay dahan dahan siyang naglakad papunta sa kaliwang bahagi ng lugar kung nasaan ang hagdanan. Walang emosyon naman akong sumunod sa kaniya.
Snow was left with no choice but to follow us too, when the others started walking upstairs. Dumaan kami sa medyo makitid na hagdan na gawa sa bato. Wala akong nakikitang metal dito. Everything, except the moths, were made of stone.
Nang makatapak na kami sa ikalawang palapag, mabilis na kumilos ang mga Arcanes at nagsimula nang naghanap. Walang kalaman laman ang lugar na ito pero may mga maliliit na butas na hugis kahon sa pader. Parang vault na nasira or something. Ang kaibahan lang ay hindi ito gawa sa metal.
"You found anything?" tanong ko. This time, I hininaan ko na ang boses ko. Umiling lamang si Shaye na kakarating lang sa tabi ko.
"Nothing," said Carwell.
Rhysan sighed in disappointment. "None."
"Wala rin dito. I told you naman kasi, 'di ba? Magmasid muna tayo," matinis na wika ni Snow.
Kapag hindi ako nakapagtimpi, baka maputol ko ang dila ng babaeng 'to. Ang ingay.
Hindi na namin pinansin ang sinabi niya. The rest of us gathered on the next staircase and tiptoed to the third and last floor. Bawat pagtapak namin sa hagdan ay tila umuuga ito. Perhaps, this place has been standing here for ages. Pero bakit ba kailangan na nandito ang mga Barrier Seeds na 'yan?
I took the last step and looked around. Just like the first and second floor, the room was still old and dry. Wala nang mga maliliit na hugis kahon sa pader pero may malaking bilog sa pinakadulo kung nasaan ang bintana. It looks like an altar or something, pero wala akong mahagilap na kahit ano na pwedeng pagtaguan ng mga bagay.
"So?" rinig kong tanong ni Snow.
Hindi ko tinanggal ang titig sa bilog na nasa dulo. Something's not normal about it. I'm sure of that.
"I can't feel anything here," said Carwell.
I could be imagining things though.
"Siguro nasa ibaba talaga, Rhysan."
"No, sigurado ako rito, Third. What do you think, Ara?"
Pero hindi rin naman namin malalaman kung hindi susubukan.
"Ara." Naputol ang tingin ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Shaye. "You're spacing out. Tinatanong ka ni Rhysan."
Tumango lang ako. I did not glance at them. Instead, I slowly walked towards the circle. Ramdam ko ang mga titig nila sa likuran ko habang maingat akong naglalakad.
"Belacour, what are you doing?"
"Shut up, Carwell."
Hindi na siya umimik at hinayaan na lamang ako. Mas mabuti na 'yon. Hindi ko alam pero habang palapit at palapit ako sa bilog na 'yon ay palamig din ng palamig ang paligid. It was probably because of the window. I can't guarantee.
Tanaw na tanaw ko ang mga naglalakihang puno at malawak na karagatan mula rito. I could spot the tiny island not so far from this temple — the island of Forthill. I've come this far already. Ang bilis.
I quickly shook my head. Hindi ito ang tamang oras para magdrama.
Ibinalik ko ang atensiyon sa bilog. Muli akong humakbang pero agad ding napahinto nang biglang umuga ang paligid. The floor started shaking, creating cracks, before even I can reach the circle, and my weight sunk along with it.
"Holy fuck—!"
"Ara!"
"Belacour!"
I didn't realize how fast it happened 'til I found myself in someone's grasp. For a second, it seemed like I lost track of everything. The air came rushing through the window and was making me shiver in the cold even more. My feet could not touch the floor underneath, and the smell of rotten seeds penetrated my nostrils. I can feel the stares of everyone, hear their gasps and heavy breathing, but my eyes were locked with the man holding my hand tightly from above.
"Hold tight," Carwell whispered. Nanunuot sa tainga ko ang mabigat niyang paghinga. "I won't be able to support our weight in this position."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Why is he so concerned?
"Let go," sagot ko. "I can land safely. I can float with air, remember?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "You can't."
Hindi ako nagpatalo at sinamaan din siya ng tingin. He didn't react and stared at my lips. I was about to complain when a warm liquid touched my tongue.
It tasted like blood.
"You're bleeding," he said, "kaya 'wag kang magmayabang."
Napairap na lamang ako. "This is nothing. Just let me go. May kutob ako na napasama sa mga batong 'yon ang hinahanap natin," paliwanag ko.
"Your safety comes first, Ara," Third interrupted. "Hold on tight. We'll lift you up." He offered his hand pero walang emosyon ko lamang na tinitigan 'yon.
"You, guys, don't understand. The more you prolong this, the more risky it gets. Let me go and save yourself before everything here gets crumbled."
Saktong paghinto ko ay ang muling paggalaw ng sahig. Napaatras ang iba kasama na rin si Third pero matigas talaga ang bungo ni Carwell.
"Lift yourself up, Belacour," aniya at mas hinigpitan pa ang paghawak kahit namamasa na sa pawis ang kamay niya.
"Meet me in the forest. I'll make sure to bring the seeds with me."
He gritted his teeth. "No. You don't know what's down there. Ako ang mag-e-explain sa headmaster."
What's up with him?
Umiling ako at ngumiti ng peke. "Thank you for your concern but—" Using the pressure and the continuous shaking of the place, I bit Carwell's hand. Nanlaki ang mata niya at nabitawan ang kamay ko.
"Ara!"
"Belacour!"
I rolled my eyes and let my body fall. The air pierced my skin like tiny needles. Mahapdi. Hindi ko alam kung bakit. Even though all was in blurry, I can see the pillars of the temple starting to crumble. Everything was spinning. Napapapikit ako sa bawat maliliit na batong tumatama sa katawan ko. Tila niyakap ako ng mabigat na hangin habang patuloy na bumubulusok pababa. I did not bother to take actions. Kinagat ko na lamang ang labi dahil sa sobrang hapdi ng balat ko.
I quickly opened my eyes as I felt my body approaching to the ground but instead of a solid floor, cold water enveloped my body. Napatigil ako sa paghinga nang malasahan ang maalat na tubig na binagsakan ko. My head started throbbing because of my terrible landing, as though I crashed against something solid.
Napangiwi ako nang mas lalong humapdi ang mga sugat ko. I could not see anything other than green water, rocks, and wild grass. Sumasabay ito sa galaw ng tubig. I tried moving both of my hands and my feet to gain support. Kahit naghalo ang lamig at hapdi, sinubukan kong lumangoy hanggang sa may natanaw na akong liwanag ilang metro ang layo mula sa 'kin.
My stomach hardened. The water on my face started getting red at the continuous bleeding of my nose. Pero hindi ko na ito inalintana. Muli kong ikinumpas ang kamay at tahimik na napangiti nang may nakita akong supot na palutang lutang. Hindi ko alam kung ilusyon lang ba o talagang may lumiwanag sa loob nito.
I swam towards it, holding my breath as much as I can. A victorious grin escaped my lips when I finally got it. Mas lalo pa itong umilaw nang mahawakan ko. Gusto ko pa sanang tingnan but my system was collapsing. Nawawalan na ako ng hangin at unti unti nang nanlalabo ang paningin ko.
Mabilis akong lumangoy pataas habang mahigpit na hinahawakan ang supot. Halos tumalon na ako para lamang makaahon, and I did. The warm sunlight covered my face as I desperately gasp for air. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na binawi ang lakas.
I did not stay longer than I should. Mabilis akong lumangoy papunta sa dulo ng karagatan kung saan ang bungad ng isang kagubatan. Nang tuluyan na akong makaahon sa dagat, hinihingal kong tinitigan ang hawak kong supot at sumandal sa malaking bato.
I didn't know I would land on water. Buong akala ko ay babagsak ako sa matigas na sahig. Actyle Ruins is mysterious, indeed. Muntik na akong namatay dahil lang sa litseng Barrier Seeds na 'to.
Isiniksik ko ang basang supot sa bulsa ko at tumingala. Ang payapa ng paligid, despite of me shivering in cold. Rinig na rinig ko pa rin ang kalmadong alon ng dagat na binagsakan ko, at kitang kita mula rito sa kinaroroonan ko ang wasak na templo.
I groaned in pain as I moved my left leg. I have no idea where the others must be right now. But I'm kind of hoping that they got out of here safely, kahit nakapagtataka na iniisip ko pa ang kaligtasan nila. Nagiging malambot na ba ako?
Duh, whatever.
I looked around and saw the island from afar. It looked so peaceful yet vulnerable. Ang lugar na itinakwil ng mga taong mapagmataas.
Muli akong tumitig sa bughaw na kalangitan at napabuntong hininga.
Paano kaya kung balikan ko roon si Milka?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top