Chapter 2: Aspiring Detective
NAKILALA ko si Katie unang pagbisita ko sa apartment. Isa siyang masayahin at palangiting tao. Madalas mukha siyang laging lasing dahil na rin siguro sa nature ng trabaho niyang babad palagi sa mga bar. Bokalista siya ng banda.
Hindi ko alam ang mararamdaman nang makita siyang nakabigti. Bumigay pa ang lubid kaya nagsigawan ang iba nang humandusay siya sa sahig.
Samantalang si Rhyker at ang kasama niyang camera man ay todo video at picture. Matapos non ay nag-ulat pa siya sa camera.
“Susko! Anong nangyari kay Katie?” tanong ni Tita Karen, siya ang asawa ni Tito Andrew. Nasa likod ko sila. Ang dami naming pilit sumisilip sa kwarto kaya umabante ako palapit. “Hindi ko akalain na magiging ganyan siya. Paano na lang ang negosyo ko niyan? Baka kumalat ito, wala ng rerenta rito.”
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“Seriously? ‘Yan pa iniisip mo? May namatay na tao, oh,” wika ko. Hindi ko napigilan ang sarili. Hindi ako palaimik at kung minsan ay hindi ako nagsasabi ng opinyon, pero dahil sa kanya, nagagawa ko. Kakaiba talaga ang mag-tita na ito, nagagawa nilang painitin ang ulo ko at ilabas ang tunay kong ugali.
Sinimangutan niya ako. “Palibhasa, wala kang alam sa negosyo. Bumalik ka lang para kunin ang pinaghirapan namin,” may laman niyang sabi.
“Pera ng magulang ko ang pinagawa nito, saan ang pinaghirapan mo?”
Napakayabang. Akala mo may ipinundar talaga sa kanila.
“Talaga bang dito kayo mag-aaway, sa harapan pa ng bangkay?” puna ni Rhyker. “Pasintabi na lang oh, kailangan ko itong i-report.”
“Tumawag na kayo ng pulis! SOCO o kung anuman!” wika ni Tita Karen.
“Tita, tumawag na po ako. Hinihintay na lang sila,” sagot ni Rhyker.
“Aba’y bilisan kamo at baka bumaho pa lalo ang apartment ko.”
I puffed an air when I heard it. Yabang talaga. Bakit kaya kung sino pa ang walang ambag, iyon pa ang akala mo kung sinong ununastastam.
“Pambihirang mindset ‘yan,” bulong ko habang umiiling.
Marahan akong lumapit sa bangkay. Pa-squat akong bahagyang umupo at itinukod ang isang tuhod sa sahig.
Suicide ba talaga?
Bakit nakadilat ang mga mata niya. Alam kong wala akong alam pagdating sa pagsisiyasat ng mga nag-suicide pero kataka-kataka ang itsura niya.
Nakasuot siya ng shorts at spaghetti strap top. Kita sa katawan niya ang ibang galos at pasa. Nakita ko ang talampakan niya. May gasgas ito na parang nakaladkad siya at tumama sa konkretong bagay.
Tinanggal ko ang gwantes sa kaliwa upang hawakan siya.
Mayron akong bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya. Isang ability na kayang magpasa ng maraming negative energy sa katawan ng tao.
Mukha siyang biyaya, pero isa siyang sumpa.
Kailangan kong maglagay ng gwantes sa kaliwang kamay ko dahil kapag direkta ko itong naihawak sa iba, makakaramdam sila ng negative thoughts na maaaring ikamatay nila. Kaya ko rin ma-absorb ang negative energy nila at makukuha ko ang alaala nila na parang sa akin nangyari iyon lalo na ang traumatic experiences. Usually, tumutugma ang alaalang nakukuha ko sa pinakadahilan ng kalungkutan nila o ng pagkamatay.
Nagising na lang ako mula sa aksidente na may ganitong abilidad. Sa kaliwang kamay lang siya nagkakabisa at hindi sa kanan.
May tumabig ng braso ko kaya hindi ko nahawakan si Katie. Gumamit siya ng tila booklet.
Tumaas ang dugo ko sa ginawa niya. Malapit ko na sanang malaman ang totoong nangyari kung hindi lang siya umeksena.
“Get off, this is restricted.”
Inangat ko ang tingin. Gusto ko sana siyang sungitan ngunit nang makita ko siya ay hindi ko nagawa.
“Fine.” Tumayo ako at lumayo.
“Get out. We need to preserve the place,” maawtoridad na wika ng lalaking tumabig sa akin. Lumingon siya sa katabing lalaki. “Luis, paalisin ang mga tao!”
“Yes, sir!” sagot ng kasama niya na tinawag niyang Luis. “Hi, ma’am. Labas po muna tayo.” Kumpara sa lalaki, ang isang ito ay malumanay at kalmado magsalita.
Wala na akong nagawa at nagpaubaya na lang. Nalaman kong mga detective pala sila.
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga taga-forensic dala ang cadaver bag.
Naiinis ako sa ideyang hindi ko nahawakan si Katie. Hindi ko tuloy alam kung sino ang gumawa nito sa kanya.
Naghintay ako sa labas at pinagmamasdan lang sila. Walang humpay si Rhyker kakatanong sa mga pulis pero hindi naman siya iniintindi.
Katabi ko si Tita Karen na panay ang tsismis sa mga katabi niya. Natatawa na nga lang ako sa sinasabi niyang mabait daw si Katie. Kaya pala bukambibig niya tuwing kakain kung paano siya naiinis dito dahil sa late ito magbayad.
Kapag namatay ka nga naman, tsaka ka lang nagiging mabait sa paningin ng iba.
Sinundan ko ng tingin ang dalawang detective na palapit sa gawi namin ni Tita Karen.
“Tita, we need to further investigate. Kailangan namin na pansamantalang isara ang kwarto,” wika ng lalaking humawi sa braso ko kanina.
Napataas ako ng kilay. Pakiwari ko’y magkakilala sila.
“Sige lang. Pero, Razi. Bakit daw ba siya nagpakamatay? Anong sabi sa sulat?”
“Hindi pa namin alam ang totoong cause of death. May nakuha kaming suicide note sa ilalim ng lamesa pero hindi pa namin pwedeng i-consider. Magsasagawa pa ng autopsy sa bangkay. Kaya sana walang makapasok o mangialam sa crime scene.”
Tumango lang si Tita Karen sa sobrang disappoint. Wala siyang nakuhang impormasyon. Inabot na kami ng gabi sa pag-aantabay sa magiging resulta.
Nagpaalam na si Tita Karen na mauuna na siya dahil may pasok pa ang mga anak niya kinabukasan. Nagpaiwan ako dahil hinihintay kong umalis sila para makapasok sa apartment. Kaso ay lalong dumadagsa ang reporters.
“Pwede ka bang ma-interview, Detective Razi?” wika ni Rhyker na may hawak na mic at nasa likod niya ang camera man. Nakatutok ang camera sa gawi namin kaya lumipat ako ng pwesto. Napatabi ako kay Luis.
Ngayon ko lang makikita sa personal kung paano magtrabaho si Rhyker. Seryoso kasi siya sa TV samantalang kapag nasa bahay e laging nakabunghalit ng tawa.
“Hindi.”
“Cut mo nga muna…” wika ni Rhyker na pinababa ang camera. “Ano ba ‘yan, ako ang nagtimbre nito sa ‘yo tapos hindi ka magpapa-interview.”
“Mamaya natin gawin, okay? May pinapa-confirm lang ako. At saka, ayaw kong humaharap sa camera.”
“Ngayon na, sige na naman. Baka maunahan pa ako ng iba e.”
Tumingin ako sa paligid. Mamaya na lang siguro ako babalik. Napakaraming tao pa. “Rhyker. Mauna na ako,” paalam ko kay Rhyker.
“Ay sandali lang!” Hinarang niya ako. Sinimangutan ko siya pero nginitian lang niya ako saka pinaharap sa mga detective. “Razi, Luis, ito pala si Sadence, pinsan kong hilaw. Sadence, mga kaibigan kong detective, sina Luis at Razi.”
“Hi, Sadence. Kinagagalak kitang makilala.” Inabot ni Luis ang kamay kaya tinanggap ko na lang.
“I want to apologize,” wika ni Razi. “Pasensya ka na kanina. Nabigla lang din kasi ako. As much as possible, gusto kong maimbestigahan ang kaso, ‘yung hindi ako magmimintis,” kalmadong wika niya.
“I understand. Pasensya na rin. Kahit alam kong off limits, ginawa ko pa rin,” sagot ko na lang. Magagalit sana ako, kaso ay kasalanan ko rin naman.
“Nakikita ko sa mga mata mong hindi ito ang unang beses na nakakita ka ng bangkay.”
Kumurap ako sa sinabing iyon ni Razi. Tumingin ako sa paligid at kita kong nakatingin sila sa akin.
Lumunok ako ng laway. Paano niya nalamang hindi ito ang unang beses ko? Masyado ba akong obvious.
Nagtaas siya ng kamay na parang sumusuko at saka ngumiti. “No offense meant, I mean gusto mo kasing hawakan ang bangkay so I thought ganon. Usually, sa mga unang nakakakita ng bangkay, lumalayo sila sa takot.”
Hindi ako makampante sa dugtong niya. Pakiramdam ko pinaghihinalaan niya ako.
“Gaya mo, gusto ko rin malaman ang totoong nangyari. Minsan na kaming nagkausap ni Katie, wala siya itsura niya ang magpapakamatay. Nakita mo siguro ang leeg niya,” sagot ko para mabaling ang atensyon niya sa kaso at hindi sa akin.
Tumango siya. “Yeah, I notice too. Mayron signs of strangulation. Posibleng pagsakal ang cause of death kaya hindi ko rin masabing suicide ito. May foul play na naganap sa pakiwari ko.”
Tumango rin ako, detective nga siya, nalaman niya agad ang tinutukoy ko. “Kakaiba rin ang pagkakapwesto ng marka. Para bang pagkalagay ng bagay sa leeg niya ay kinaladkad pa siya. Nasa ilalim ng baba ang marka, tapos ay manipis pa kumpara sa lubid na nakalagay sa leeg niya. Napakalinis din ng crime scene. Mayroong abrasion sa talampakan niya.”
“Woah…ang gandang scoop na ito. Thank you, guys. Nakuhanan mo ba?”
Sabay-sabay kaming napatingin kay Rhyker. Naitakip ko kaagad ang aking mukha dahil nasisilaw ako sa flash ng camera. Hanep talaga itong si Rhyker kahit kailan.
“Sa ngayon, maghihintay tayo ng update mula sa forensic pathologist. Okay na ba ‘yon, Rhy?” baling ni Razi kay Rhyker.
“Okay na okay.”
Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.
“Sadence, who are you by the way, how did you knew about this?” pahabol na tanong ni Razi.
Nginisian ko siya. “Sabihin na lang nating isa akong aspiring detective.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top