Prologue
Sumilay ang isang ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan ang gulo ng dalawang grupo na aking inumpisahan. Sa mga suntok at sipang tumatama sa kanilang mga katawan mapatumba lamang ang isa't-isa, nakakatuwang panoorin. Nakakatawa.
"Hanggang kailan ka ba maglalaro?"
Nilingon ko ang nagsalita sa aking likuran. Heto na naman tayo sa isang ito.
Dinilaan ko ang munting dugong lumalandas sa aking ibabang labi nang hindi siya nilulubayan ng tingin. Ang ngisi ay naging isang halakhak na kinain ng mga daing ng mga taong nag-aaway sa 'di kalayuan.
"Ba't ka ba palaging nangingealam, Mr. President?"
Walang gumuhit na kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Ang malalim nitong mga mata ay nakadirekta na naman sa akin na pawang ako na naman ang may kasalanan ng lahat. Well, ako nga. Pero kasalanan ko bang mainit ang kanilang mga ulo sa mga simpleng salitang aking binitawan?
"I don't know. You tell me," sarkastiko nitong saad.
Inirapan ko na lamang siya. Magsasayang lang ako ng panahon sa isang 'to.
"Doon ka na. Hindi kita kailangan dito."
Tatalikuran ko na sana siya nang mahuli niya ang aking kanang kamay. Kumunot ang aking noo nang nilingon ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking palapulsuhan. Umakyat ito sa kanyang mukhang seryosong nakatitig sa akin. Lalong sinamaan ko ito ng tingin.
"Kailangan mo 'ko," aniya. "Kailangan mo 'ko para makaalis sa mga gulong pinasok mo."
At hinila niya nga ako patakbo sa gulong aking ginawa. Paalis sa lugar na iyon, tumakbo kami palabas ng campus. Paalis sa lahat ng problema. Paalis sa lahat-lahat.
Curiosity killed the cat. Wren was the cat and Callum was the root of all her curiosities.
She just needs to finish one step, one last semester, to reach her diploma. Wren Ortiz, the famous delinquent girl of Le Cael University, finally decides to pursue her business degree and graduate. This is the greatest horrah to all of the professors and instructors she had raised a middle finger with. Her parents can't be any more proud to that miracle decision of hers.
Famous delinquent girl? Yup, tama ang pagkakabasa mo. Sino namang hindi makakakilala sa kanyang maamong mukha na tila 'di makabasag pinggan ngunit kung makipag basag-ulo, parang walang bukas?
Pero hindi. Dahil sa pagkakataong ito, susubukang niyang magtino para maka-graduate ngayong taon.
Well, madali lamang sana ang lahat...kung 'di niya lang binunggo ang taong magpapahirap sa kanyang plano.
Somehow, she found her way colliding with the President of their Student Government, Callum Esperanza IV.
Perfect. Novel. Gorgeous.
Those three words were mostly used to describe the man. But then, Wren found out something about him that crossed out two of them. And guess what are those?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top