09: Planted Bomb

My eyes were closed as the warm sprinkles of water hit my face. Ang lagaslas ng tubig na dumadaloy sa aking buong katawan ay tila mga storyang umaagos sa aking isipan ngayon.

"Break up with him. He is cheating on you."

Ilang araw na ang nakalipas simula nang marinig ko ang mga katagang iyan ngunit hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring pilit iniintindi. What the hell is he talking about? Is he playing mind games with me? Baka gumaganti lamang ito sa akin. Pero bakit hindi ito mawala sa isipan ko? Ayokong sabihing naapektuhan ako sa mga pinagsasabi nito pero mukhang iyon nga ang totoo.

Since that day, I've became extra aware of Harris' responses to me. Palagi kung inaalala kung may nagbago ba sa mga kilos nito. Napapadalas na rin ang pag-alam ko kung asaan siya tuwing hindi kami magkasama. Mabuti na lang at magkaklase sila ni Val sa ibang subjects, madali kung nalalaman kung nagtutugma ba ang mga sagot nito sa akin.

"Wren!" Napamulat ako at nagising mula sa talunton ng aking mga kathang-isip. "Andito na ang jowa mo!" sigaw ni Val sabay katok sa pinto ng banyo. "Wren?"

Pinatay ko ang shower at kinuha ang nakasabit na tuwalya. "Oo. Magbibihis lang," sagot ko.

Minadali ko ang pagbibihis at agad lumabas nang matapos. Nadatnan ko si Harris na nakaupo sa may kama ko na siyang napalingon sa akin. Nakasuot ito ng isang puting polo. Samantalang isang itim na shirt lang ang akin. Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata bago ito mawala at gumawad ng isang ngiti. Alinlangan ko itong sinuklian.

Namalikta lang ba ako?

"Tara na?" aya niya.

Tumango ako habang bahagyang pinapatuyo ang maikli kung buhok gamit ang puting tuwalya.

Nilingon ko si Val. Bumalik ito sa kanyang desk na tambak ng mga papeles at drawings. "Hindi ka ba sasama?" tanong ko.

Sinundo ako ni Harris sa Zoneville upang sabay kaming mag-dinner. Medyo kailangan lang namin magmadali dahil may curfew ito sa dorm ng alas-otso. Ugh, dorm sucks.

"Nope, maaga akong kumain kanina," aniya nang tuktok sa ginuguhit.

"Okay, una na kami."

"Sige. Ingat!"

Nilisan namin ang gusali at tahimik na binagtas ang patungo sa Pod Market kung saan kami madalas kumain. I specifically ordered him not to bring his car at times like this. Mas gusto ko pa ring naglalakad lamang at sa palagay ko ay mas mapayapa iyon. Isa pa ay mahirap maghanap ng mapa-parking-an at dagsaan ang mga estudyante roon tuwing gabi dahil ito ang sentrong pamilihan ng unibersidad.

Nilingon ko si Harris sa aking tabi. Hinawakan ko ang kamay niya at napansing malalim ang kanyang iniisip. His brows are almost furrowed like he is contemplating something inside his head. Napansin ko rin ang pagiging tahimik nito. Kadalasan sa mga oras na ito ay kinikwento niya na ang mga naganap sa kanyang araw o ang mga ganap sa Black Delta.

Kumakana na naman ang paglikot ng aking isipan sa kung anong iniisip niya kaya't nagsalita ako.

"May problema ba?" He didn't budge. "Harris?" I called his attention and lightly nudge his palm that I'm holding. That's the time he looked at me, startled.

"Ha?" takang tanong nito.

"Tinatanong ko kung may problema ba? Parang ang lalim nang iniisip mo?"

"Ah, wala. Ano lang...ah, pagod lang siguro," mahinang wika nito.

"Do you want us to comute instead?" Medyo napalayo na kami sa Zoneville para balikan pa ang sasakyan ko, pero meron namang mga dumadaang pumapasadang tricycle na pwede naming parahin.

"No, no, I'm fine, Babe. You don't need to worry." Pilit itong ngumiti at ginulo ang buhok ko.

I nodded, but I'm still worried.

Habang kumakain ay napansin ko pa rin ang pagiging tahimik nito. Tipid ang mga sagot. Halos ako lang nagsasalita sa aming dalawa.

"Anong pinagkakaabalahan ng College niyo ngayon? Pansin ko kay Val andaming inuulit na drawings," saad ko bago uminom ng orange juice.

"Malapit na kasi term exam kaya parating na rin mga deadlines," aniya habang pinagmamasdan akong ubusin ang inorder kung Baby Back Ribs.

"How about sa Black Delta, my upcoming activities ba kayo this week?"

"Wala naman. We'll focus on this coming exam week."

Tumango ako nanahimik na rin ng wala nang maitanong. Nang matapos akong kumain ay agad itong nag-ayang umalis at malapit na mag-alas-otso.

Nanatili ang katahimikan hanggang ihatid niya ko pabalik sa Zoneville.

"Medyo tahimik ka ngayon. Sigurado ka bang walang problema?"

"Yes, Babe. Stop worrying," he chuckles.

Ilang beses nangyare ang ganitong eksena. Napapadalas ang pagiging tulala nito tuwing magkasama kami. At sa tuwing tatanungin ko kung may problema ay iiling lang ito at sasabihing pagod. I don't want to over think, but it became frequent. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero nong sinubukan kung magtanong kila Emerson ng mga posibleng problemang kanyang iniisip ay wala naman silang alam.

Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero tuwing napapansin ko ang pagbabagong ito sa kanya ay tila bumubulong sakin ang mga salita ni Callum ukol sa pag-aakusa nito sa kanya.

His words are like seeds planted inside my head. It grew big and its roots became intact in my brain. At mukhang mamumunga pa ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top