Part VII
"Bakit mo pinalitan 'yung wallpaper ko?" nakabusangot na sabi ni Angelica. Inilagay kasi ni Noe ang sariling larawan kapalit ng kay Jungkook.
"Sows. Kunwari ka pa. Gustong-gustong naman," gagad ng binata.
"Puwede ba? Tigilan mo na ako? Nayayamot ako sa presensiya mo!" may bahid ng katotohanang nasabi ni Angelica. Naiinis na siya. Hindi niya alam kung bakit napakatindi ng pangungulit ni Noe sa kaniya gayong pinaluha siya nito walong buwan pa lang ang nakaraan. Nandoon pa rin ang sakit sa kaibuturan ng puso niya.
"Gusto kong kulitin ka e. Nakaka-miss 'yung pagiging pikunin mo."
Buong tatag na hinarap ni Angelica ang lalaki. Halata na ang lambong sa mga mata nito.
"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para harapin ako gayong pinagpira-piraso mo ang puso ko eight months ago. Kasi ako, hindi ko na kayang magpanggap pang malakas at matatag. Na okay lang pakisamahan ka sa kabila ng lahat." Napasinghap siya. "Yung band aid na itinakip ko sa puso ko, unti-unti mo na namang tinatanggal. Sumasariwa na naman ang sugat kong matagal nang naghilom. Kaya please, tama na. Hindi ko alam ang motibo mo pero please, itigil mo na. Layuan mo na ako habang maaga pa."
Patuloy lang sa pagragasa ang luha na kanina pa niya pinipigilan kaya itinakip niya ang mga kamay sa mukha.
"Akala mo ba madali lang sa akin ito?"
Napaangat ng mukha si Angelica nang magsalita si Noe. Tiningnan niya ang dating nobyo.
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa nito bago nagsalita. "Do you really want to know why I broke up with you?"
Hindi man tumugon si Angelica pero halata sa mga mata niya ang interes sa sasabihin ni Noe.
Inihanda niya ang sarili sa maririnig niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top