Part VI
"Ito na ang huli nating monthsary, Angge," saad ni Noe. Nasa tapat sila ng apartment ni Angelica.
Nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. Napahigpit ang hawak niya sa pumpon ng rosas na kanina ay bigay sa kaniya ng binata.
"Ha?"
"Break na tayo." Tinalikuran siya ng lalaki pagkasabi noon.
"T-Teka." Hinawakan ni Angelica ang braso ni Noe. "Bakit? A-Ano'ng ginawa ko? Ang saya-saya pa natin kanina 'di ba?" Lumalambong na ang mga mata ng dalaga.
Marahang inalis ni Noe ang kamay ng dalaga. "Hindi mo na kailangang malaman pa. Masasaktan ka lang."
"Hindi mo pa ba ako sinasaktan ngayon? Kasi sobrang sakit ng dibdib ko, Noe. Sobra."
Walang itinugon ang binata ngunit halata sa kaniya ang pag-igting ng mga bagang.
Mabibigat ang mga hakbang ang ginawa niya habang naiwan namang luhaan si Angelica. Ito ang pagluha na dulot ng una niyang pag-ibig.
●
Naalimpungatan si Angelica sa pagyugyog sa kaniyang balikat. "Hmmm?"
Iminulat-pikit niya ang mga mata sabay hikab.
"Binabangungot ka." Hindi sigurado si Angelica kung ano ang emosyong nakikita sa mukha ni Noe habang nakatingin sa kaniya.
Ipiniksi ni Angelica ang balikat na napapatungan ng kamay ng lalaki. "Bakit mo ako inistorbo? Ikinakasal na kami ni Jungkook sa panaginip!" pagdadahilan niya.
Pigil na tumawa si Noe. "Mas guwapo pa ako sa Jungkook na 'yan e."
"Yabang. Wala ka pa sa kalingkingan noon e!" Kinuha ni Angelica ang phone sabay titig sa litrato ni Jungkook sa wallpaper. "Haay, ang guwapo mo talaga beb— hoy! Akin na 'yan!" Napatayo ang dalaga sa kinauupuan. Paano kasi ay inagaw ni Noe ang cellphone niya.
Tatawa-tawa lang si Noe habang may kinakalikot sa cellphone ni Angelica. Pilit niyang iniiwas ang cellphone para hindi maabot ng dalaga.
"Oh eto na."
Laking gulat ni Angelica nang tumambad sa kaniya ang ginawa ng lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top