Part V
Pwede bang ako na lang ulit?
Ang ngalang lagi mong nasasambit
Baka sakaling magbago takbo ng isip mo
Kaya't tinatanong ko na
Baka kasi pwedeng ako na lang
Pwede bang subukan pang isa?
Baka naman ako'y mahal mo pa
At kung wala nang damdamin sa aki'y ayos lang
Hindi ako magagalit
Pero baka pwedeng ako na lang ulit
"Oh, bakit mo nilipat?" asik ni Noe nang baguhin ni Angelica ang kantang pinakikinggan nila. Permission to Dance ng BTS ang pinili ng dalaga.
"Cellphone ko 'to so may choice akong ilipat ito sa gusto kong kanta." Umirap si Angelica na may kasamang pang-uuyam.
"Favorite ko si Bugoy e." Akmang kukuhanin niya ang cellphone ni Angelica.
"No!"
"Akin na 'yan."
"Ano ba 'yan. Para kayong aso't pusa e. Mag-comeback na lang kasi kayo," sigaw ng isang lalaki sa likod. Si Toto iyon, ang kakilala ng dalawa. "Halata namang mahal n'yo pa ang isa't is—"
"Manahimik ka!" sabay na sigaw ng dalawa.
"Hoy ano ba 'yan? Kanina pa kayo nagbabangayan ah?!" pananaway ng hepe ng mga tanod. "Pumarito nga kayo."
Sinamaan ni Angelica ng tingin ang dating nobyo at pagkatapos ay pumunta sa lamesa ng hepe. Sumunod naman ang lalaki na panay ang hawi sa buhok gamit ang daliri.
●
Inihiwalay sila ng hepe sa ibang quarantine violators bilang parusa dahil sa paglikha nila ng ingay. Ngayon ay nasa may likod na bahagi na sila ng gym. Doon lang sila hanggang sumapit ang alas kuwatro ng umaga.
Yumupyop si Angelica sa sandalan ng upuan. Pipilitin niya ang sarili na makatulog.
Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok. Pilit kasing sumisiksik sa utak niya na ngayon ay kasama niya sa isang lugar ang ex niya.
Ang ex niyang basta na lang siyang hiniwalayan nang walang ibinibigay na sapat na dahilan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top