Part IX
"The funny thing is, kami rin ng friend kong si Coleen ay nagkaroon din ng pustahan."
Umayos sa pag-upo si Noe. Halatang nabigla. "Ano?"
Tumango-tango ang dalaga. "Naglalakad kami papunta sa apartment nang mapadaan kami sa tindahang tinatambayan ninyo. Hindi n'yo kami napansin kasi busy kayo paglalaro ng Mobile Legends. Itinuro ka sa akin ni Coleen. Sabi niya, kapag daw niligawan ako noong naka-jersey na blue– na ikaw pala, ay ililibre niya ako ng set ng Venom skin. Paborito ko kasi sina Hanabi at Angela."
"Wait. Naglalaro ka ng Mobile Legends? Hindi kita nakitang naglaro niyan even once."
"You'll know why later." Ngumiti ang dalaga. "So ayun na nga. Niligawan mo nga ako at naging tayo. Nakalimutan ko completely 'yung pustahan namin ni Coleen not until ibinigay na niya sa akin 'yung Venom skin without my consent. I was eaten up by my conscience kaya in-uninstall ko 'yung Mobile Legends ko. I vowed not to install it hanggang hindi pa ako umaamin." She chuckled. "Like you, I've been dying everyday because of guilt, at balak ko na nga sanang umamin sa iyo noong 10th monthsary natin. But I never got a chance."
Nagkatinginan ang dalawa sa loob ng sampung segundo. Nagpapakiramdaman hanggang sa sabay silang mapatawa nang malakas. Mayamaya ay titigil sabay tatawa na naman hanggang sa parehas silang mapagod.
"Halika nga. Payakap." Noe opened his arms to welcome Angelica. Wala naman iyong pagtangging sinunod ng dalaga.
They hugged each other as if they never did that for a decade or more.
"Would you like to restart all over again.. wala nang pustahan pa?" Noe asked.
"Yun ay kung matatalo mo ako sa one on one sa ML!"
"Game." Noe pinched the tip of Angelica's nose.
Parehas silang napalingon nang may sumirena.
"Alas kuwatro na pala. Tara na."
They both walked towards the gym exit with their hands intertwined to each other.
End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top