Part IV
"Catch me, I'm falling for you. And I don't know what to do. How can som— Tsk. Ano ba?!" yamot na sabi ni Angelica nang may nagtanggal ng earphone sa kaniyang tainga. Nang lumingon siya ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Noe. Their faces are just few inches away from each other.
"A-Ano ba? Bakit mo tinanggal 'yung earphones ko?!" she said that in a high pitch trying to hide the nervousness in her voice.
Ngumuso si Noe sa paligid. "Kita mo sila? Kanina ka pa nila pinagtitinginan. Ang lakas kasi ng boses mo."
Napangiwi ang dalaga. Tunay nga naman. Pati sina Aling Maritess na kilalang tsismosa sa barangay nila ay bumubulong-bulong pa sa katabi niya habang nakatingin sa gawi nila.
"I don't care." Umayos sa pagkakaupo si Angelica.
"Pakinig naman ako. Nabo-bored ako." Walang habas na kinuha ni Noe ang isang earphone ni Angelica at isinuksok iyon sa kanang tainga. Kapagkuwa'y umupo sa monoblock chair sa pinakakomportableng paraan.
"Aba't—" Hiniklas ni Angelica ang earphone kaya napamulat ng mga mata si Noe. "Hindi tayo close for your information."
"We used to be." Itinaas ni Noe ang kanang sulok ng labi niya. Muli niyang kinuha ang isang earphone at bumalik sa pagkakaupo.
Nagkunwaring nagdadabog si Angelica pero sa loob-loob niya ay mas matimbang ang hindi maipaliwanag na nararamdaman.
Ipinilig na lang din niya ang ulo at isinalpak sa kaliwang tainga ang isang parte ng earphones.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top