Part III
"Sir, please let it slide this time," pagmamakaawa ni Angelica sa dalawang tanod na nakaupo sa katapat na upuan. Nasa loob sila ng patrol car.
Kakamot-kamot naman ang isang tanod na kanina pa nagtitimpi ng pagkarindi sa dalaga. "Miss, alam mo naman 'yung protocol 'di ba? Walang ligtas dito. Kahit nga 'yung anak ni Kap e hinuli namin, ikaw pa kaya?"
Tumulis ang nguso ng dalaga. "Dali na, Kuya. Hindi ako puwedeng ma-detain magdamag. Ngayon na 'yung last showing ng Netflix show na panonoorin namin ng friend ko."
Iling lang ang isinagot ng dalawang tanod.
Napasabunot si Angelica sa buhok. Mukhang wala na nga siyang magagawa para makumbinsi ang dalawa.
llang saglit pa ay narating na ng sasakyang pampatrolya ang Jaclupan Gym kung saan ide-detain ang dalaga.
Nang makababa si Angelica ay natanawan niya na may mangilan-ngilan na ring tao sa loob, karamihan ay kabataan. Tulad niya ay quarantine violator din ang mga ito.
"Angelica Socorro. Doon ka sa ikalimang upuan sa ikalawang row," saad ng lalaking may katandaan. Ito ang pinakahepe ng mga tanod.
Napahugot ng malalim na paghinga si Angelica. Akma siyang hahakbang nang muling magsalita ang hepe.
"Noe Cabanatuan. Doon ka sa ikaanim na upuan sa ikalawang row."
Nagtumining ang tainga ni Angelica. Paanong hindi e kilalang-kilala niya kung sino ang Noe Cabanatuan na tinutukoy ng hepe.
Ang nag-iisa niyang ex.
Binilisan niya ang paglakad patungo sa nakatakdang upuan nang hindi lumilingon sa likuran. Alam naman niya na hindi pa rin siya makaiiwas sa lalaki dahil magkasunuran lang sila ng upuan.
Kinuha niya ang cellphone at earpiece na dala. Di bale nang mabasag ang tainga niya huwag lang makausap ang dating nobyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top