Part I
Naglagay ng pulbos sa mukha si Angelica habang nakatingin sa harap ng salamin. Pagkatapos masigurong pantay na ang pagkakaputi ay isinunod naman niya ang liptint na ninipisan lang niya ang pagkakalagay.
Kinuha niya ang pouch sa lamesa at kinuha roon ang cellphone. Tiningnan ang oras.
Kinse minutos na lang at sasapit na ang ikasampu ng gabi.
Napakagat-labi siya. Mas lalo niyang minadali ang pagkilos. Nang masigurong ayos na siya ay lumabas na siya sa sariling apartment at ini-lock iyon.
Papunta siya sa bahay ng bestfriend niyang si Coleen. May plano kasi silang mag-overnight. Sleep is not a part of their list dahil balak nilang mag-Netflix marathon.
Kung tutuusin e hindi naman kalayuan ang bahay ng kaibigan. It is just three blocks away pero dahil wala na siyang masasakyan ay malamang matagal siyang makararating. Wala siyang choice kung hindi ang maglakad.
May curfew kasi ngayon due to COVID-19 restrictions sa Talisay, Cebu kung saan siya nakatira. Anyone who'll be caught beyond ten o'clock in the evening will be detained by the barangay officials. May multa pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top