KABANATA UNA

E R O S

NAGTATAGO ako sa isang puno habang nakatitig ako sa dalawang magkaibigan na tila nag-aaway. 



Sa pagkakaalala ko ang pangalan nila ay Sam at John. Magkaibigan na sila simula pagkabata nila hanggang ngayon pero sa tingin ko sa haba ng kanilang pagsasama may nabuo nang pag-iibigan dito.



Nandito ako upang gawin ang misyon ko. Ang misyong pag-aminin sila sa kanilang nararamdaman gamit ang aking Arrow.



Gagamitin ko ang isa kong arrow na pag tinamaan ka ay mapapaamin ka sa iyong nararamdaman.



So ito na nga ipapana ko na.




"Sige lang , tama lang yan. Huwag kayong malikot" sabi ko tapos binitawan ko na ang arrow.



NapaYes! na lang ako ng tumama ito sa aking target.



"John mahal na kita simula bata pa lang tayo" sabi ni Sam.



"Mahal din kita Sam dati pa. Noong panahong nandyan ka palagi sa aking tabi" naluluhang saad ni John.



Nagyakapan sila matapos ang biglang pag-aaminan.



Sa tingin ko tapos na ang trabaho ko dito sa isip ni Eros. Pababa na sana siya ng puno ng mahagip ng kanyang mata ang isang magandang babae na nakaupo sa isang bench. Lumuluha ito na tila pasan ang lahat ng problema sa kanyang balikat.



Lumapit ako ng kaonti sa kanyang pwesto pero nagtatago pa rin ako sa may puno. Nakita ko itong may hawak-hawak na puting papel na may kalakihan at isang kwintas na may palawit na arrow.



Tahimik pa rin itong umiiyak sa kanyang kinauupuan. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.



" Sa tingin ko hindi naman masamang tumulong sa isang ito. Isang beses ko lang naman ito gagawin atsaka mabuti naman ang intension ko" sabi ni Eros sa sarili habang nakatanaw sa babae.



Humugot si Eros ng isang arrow na nagpapatanggal ng lungkot sa puso ng tao. Pero ang hindi niya alam, mali ang nakuha niyang Arrow. Ang nakuha niyang arrow ay ang Arrow na magpapaibig. At dahil wala namang kasamang lalaki ang babae ay isa lang ang ibig sabihin nito. Maiinlove sa kanya ang babae habambuhay.



"Whoooo, kaya ko to" sabi ni Eros. Inasinta ni Eros ang pana at pinakawalan ito sa babae. Tumama ang pana sa babae at tila may nagliparang mga puso sa paligid nito sabay sambit ng



"Eros" bulong ng babae.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top