KABANATA SIYAM

E R I S



NAKATUNGANGA pa rin ako sa harap ni Mr. Kim. Hindi ako makapaniwala na makakausap ko ang may-ari ng InloveIncorporated. Aba sino ba naman ang hindi matutuwa.



Sikat na sikat ang InloveIncorported sa buong mundo lalo na sa mga taong sawi. Handog nila sa mga bigo sa pag-ibig ang pagtulong nila sa paglimot ng taong nanakit sa kanila. Isa pa nilang handog ay maaari mong hilingin sa kanila na mapaibig ang kanilang minamahal pero ito ay para sa mga taong karapat-dapat lang. Hindi sila isang ordinaryong establisyimento lang. Kaya nilang gawin ang hindi kayang gawin ng ibang kumpanya.



"Huy, anong nangyari sayo?" tanong sa akin ni Eros.



"Huh?" Pinikit-pikit ko pa ang aking mata sabay ngiti.



Umiling na lang ako sa kanya at ngumiti.



"Ah wala. Nagulat lang ako. Eros bakit ba tayo nandito?"sambit ko habang tumitingin ako sa paligid. Nahagip ng aking paningin si Mr.Kim na nakangiti sa amin.



"Ehem" singit ni Mr.Kim na may nakakalokong ngiti.



Sabay kaming napalingon kay Mr. Kim. Napatungo na lang ako sa kahihiyan. Eto kasing si Eros eh. Hindi sinasabing may kakausapin kaming importante na tao. Edi sana nakapagbihis ako ng maayos. Siniko ko si Eros ng palihim.



"Ah, Mr.Kim si Eris po. Ang tinutukoy ko po."sambit ni Eros.



Nakatitig lang sa akin si Mr.Kim habang nagsasalita si Eros. Hindi ako mapakali sa aking pwesto dahil sa paraan niya sa akin ng pagtitig. Hindi naman manyak ang kanyang pamamaraan pero parang may iba eh. Parang may alam siya na hindi namin alam.



"Psst Eros! Bakit ganyan makatitig si Mr.Kim? May dumi ba ako sa mukha?"pabulong ko na tanong kay Eros. Nakita kong biglang ngumiti si Mr.Kim samin.



"Hala nababaliw na ata siya" bulong ko.



"Hindi ako nababaliw iha. May naalala lang ako sa iyo."biglang sambit ni Mr.Kim



Nagulat at napatawa na lang ako sa kanya.



"O siya, siya pumunta na tayo sa aking opisina upang pag-usapan natin ang problema niyo." anyaya sa amin ni Mr.Kim



Sumunod kami ni Eros dito. Pumasok kami sa gusali at napanganga na lang ako sa ganda ng pagkakadisenyo at pagkakagawa ng mga arkitektura. Sasalubong sayo ang mga nagngingitiang mga empleyado ng I.I. (InloveInCorporated).



"Magandang Puso po sa inyo Mr.Kim" bati ng isang babaeng empleyado.



Tumango at ngumiti lang kami dito at nagpatuloy lumakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang malaking puso na may pakpak. Napabilog ang aking mata ng biglang nagkaroon ito ng pinto. Pumasok kami doon. Naghintay ako na tumaas ang puso ngunit laking gulat ko ng bigla itong bumaba.



"Ay! Pusong mahabagin!" Napahawak na lang ako sa braso ni Eros.



"Ehem. Ehem" sambit ni Eros habang nakatingin pa rin ng diretso sa pinto ng puso.



Napabitaw na lang ako sa kanyang braso habang tumatawa.



"Ha ha ha. Patawad Eros nagulat kasi ako. Hindi ko naman alam na bababa pala ito bigla." Paliwanag ko sa kanya. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.


"Hmmmp. Sungit nito" bulong ko


"Ay nga pala Er---"


Ting!


May sasabihin pa sana ako ngunit naputol ito ng tumunog ang elevator "kuno". Lumabas kami at dumiretso sa opisina ni Mr.Kim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top