Chapter 7

Chapter 7

Third Person’s POV

Nasa music room si Cupid at ang buong member ng Music Org. Pipiliin na kung sinu-sino ang mga kakanta sa darating na College Week Party. Isang masquerade ang gaganapin.

Matapos ang ilang oras ay in-announce na kung sino ang mga napili. Kasama dito si Cupid at Vincent. Hindi naging magandang balita ito para kay Vincent dahil una pa lang ay ayaw na talaga niya kay Cupid. Naiinis siya dahil kabago-bago pa lang nito ay siya na lagi ang napapansin. Mula 1st year college pa lang ay kasali na siya sa Org na ito pero nung second year lang siya naging permanent member nito. Pero si Cupid ay nakapasok agad. Higit sa lahat, naiinis siya sa closeness nila ni Yana.

Pinaalis na sa Music room ang mga hindi kasali at pinaiwan ang mga napili. Abala ang lahat ng pumasok ang isang babae. Maganda ito pero makapal ang make-up at kulay ginto ang buhok. Kumpara sa ibang babae ay mas maigsi ang palda nito at mas hapit sa katawan ang blouse na uniform. Lahat ay napatingin sakanya lalo na ang mga lalaki. Pero si Cupid ay busy pa rin sa pagaaral ng kantang kakantahin niya.

Lumapit ang babaeng si Samanta kay Vincent at kumapit ito sa braso ng lalaki. Halatang naiinis naman si Vincent dahil sa ginawa nito.

“Hi babe. I miss you.” Malanding sabi nito bago niya halikan si Vincent pero umilag ang binata.

“Ano bang ginagawa mo dito Sam?” iritadong tanong niya kay Samantha.

Ngumuso ang babae bago nagsalita, “Na-miss lang naman kita eh. Don’t you miss me, babe?”

“Sam---” napatigil si Vincent sa pagsasalita ng lumapit si Cupid sakanya.

“Vincent, tingin ko mas bagay sayo ‘tong kanta na ‘to.” Iniabot sakanya ni Cupid ang papel.

Madaling nakuha ang atensyon ni Sam dahil sa gwapo, matangkad, may magandang katawan at maputing lalaki sa harap niya. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at napakagat-labi siya dahil sa gandang lalaki nito.

“So….” Agad na nagpapansin si Sam kay Cupid at bumitaw sa pagkaka-kapit sa braso ni Vincent, “You’re the new hottie here in school? I’ve heard a lot of things about you. By the way, I’m Samantha. Nice meeting you.” Iniabot niya ang kamay para makipag-shake hands kay Cupid.

Tinignan muna siya ni Cupid at binasa ang iniisip nito.

He’s hot. Should I seduce him? Nah, I’m sure hindi ‘to magdadalawang isip na patulan ako. Parang si Vincent, inakit ko lang ng konti iniwan na agad si Yana.

Hindi nagustuhan ni Cupid ang iniisip nito pero ngumiti pa rin siya at nakipag-shake hands. “I’m Cupid.” Pagtapos ay umalis agad at hiniram ang gitara sa isa niyang kasama at umupo sa stage.

Nagulat si Sam na ginawa nitong pangi-snob sakanya. Hindi naman yon snob pero pakiramdam niya, for the first time, a guy rejected him.

Pakipot lang yan. Magiging akin ka din Cupid. Sabi ng isip niya at ngumiti ng makahulugan.

“Umalis ka na dito Sam. Break na tayo ah, bakit lumalapit ka pa sakin?” Sabi ni Vincent.

“Don’t worry, last na ‘to. I got to go, bye babe!” she said and flipped her hair. Napa-iling na lang si Vincent at hindi lubos maisip kung bakit pinagpalit niya si Yana para sa katulad ni Samantha na niloko lang siya.

Naaalala nanaman niya ang nangyari 3 weeks ago. Magde-date sana sila ni Sam pero nagtext ito na hindi makakapunta dahil may gagawin ‘daw’. Naintindihan naman niya ito pero hindi siya satisfied sa naging dahilan nito kaya pumunta siya sa bahay ni Sam. Malapit na siya sa bahay nito pero nagtago siya nang makitang may lalaking naghihintay sa harap ng bahay nila Sam. Lumabas ang dalaga at halos madurog ang puso ni Vincent sa ginawang paghahalikan ng mga ito. Hindi lang basta smack kundi torrid kissing. Halos lamunin na nila ang mukha ng isa’t isa.

“Samantha….” Napatigil sila sa paghahalikan ng marinig nila si Vincent.

Nagulat si Sam pero ngumiti rin agad. Nilapitan niya si Vincent, “Hi babe. What are you doing here?” tanong nito na parang walang nangyari.

“What’s the meaning of this, Sam? Kinancel mo ang date natin para sumama sa gagong yan?” tinuro ni Vincent ang lalaki na naka-ngisi lang sakanya.

“Isn’t obvious? I don’t love you anymore. Break na tayo.” Halos maiyak na si Vincent sa mga sinabi ni Sam pero pinigilan niya dahil ayaw niyang magmukhang mahina.

“Sure. Buti naman at break na tayo.” Sabi ni Vincent. Bago siya umalis ay lumapit siya sa lalaki at sinuntok ito, napahiga ito sa lupa. Pagtapos non ay umalis na si Vincent.

******

Nagkita si Trish at Gaby sa harap ng isang mall. Pinatawad na sila ni Yana kaya nagpasya ang dalawa na isurprise siya sa bahay nito. Mamimili muna sila ng pagkain at dvd para sa bonding nila.

Habang nasa bangketa sila ng mga pirate dvd ay may nakita si Trish.

“Oy friend. Si Cupid yon diba?” kinalabit niya si Gaby na busy sa pamimili ng dvd. Lumingon ito sa direksyon na tinuturo ng kaibigan.

“Saan? Wala naman eh.”

“Nakita ko siya eh. Nagpakulay ba siya ng buhok? Kulay red eh.”

Nagtaka naman si Gaby sa pinagsasabi ni Trish kaya napa-iling siya.

“Nababaliw ka na talaga. Mamili ka na nga lang dito. Horror o comedy?”-Gaby

Pinabayaan na lang ni Trish kung sino man ang nakita niya. Siguro nga namalik-mata lang siya, pero kamukhang kamukha ni Cupid yung nakita niya eh.

Nasa harap na sila ng pinto ng apartment ni Yana. Friday naman ngayon kaya okay lang na mag-overnight. Saka hanggang 6pm lang ang work niya kaya dinner sila pumunta.

Kumatok na sila at maya-maya lang ay bumukas na ng pinto..

“SURPRISEEEEE!” sabay na sigaw nila Trish at Gaby.

Nagulat naman si Yana at nanlaki ang mata niya. Nagsimula na rin siyang kabahan dahil nasa loob lang din ng apartment niya si Cupid. Hindi pa alam ng mga kaibigan na dito ito nakikitira. Lagot na!

“A-anong ginagawa ni-niyo dito?” nauutal na tanong niya sa dalawa at ni-liitan ang pagkakabukas ng pinto.

“Since pinatawad mo na kami, magba-bonding tayo!” masayang sabi ni Gaby.

“H-ha? S-sa labas na lang ta-tayo. Tara----” napatigil si Yana dahil sumigaw si Cupid sa likod niya.

“YANA! WALA NA BA TAYONG TOOTHPASTE?” sigaw ni Cupid at lumabas ng CR ng naka-short lang na nakasabit ang tuwalya sa balikat, hawak din nito ang toothbrush niya. Basa rin ang buhok nito na halatang kakaligo lang.

Napa-pikit si Yana dahil sa kahihiyan.

“Sino yon?” pilit na pumasok sila Trish at Gaby sa loob at parehong nanlaki ang mga mata nila nang makita nila si Cupid.

Nagulat din si Cupid at nabitawan ang toothbrush na hawak niya. “T-trish, Ga-Gaby…” nauutal siya, hindi niya alam ang sasabihin at ang dapat maging reaksyon.

“WHAT IS THE MEANING OF THIS?” sabay na sigaw ng dalawa.

Naka-upo si Cupid at Yana sa sofa habang nakatayo sa harap nila si Trish at Gaby na naka-crossed arms. Para silang mga kriminal na ini-interrogate ng mga pulis.

“Kailan pa kayo nag-live in?”-Trish

“Paano mo nagawang mag-sikreto samin Yana?”-Gaby

“At ikaw Cupid! Bakit di mo sinabing kayo na pala?”-Trish

“OMG! Don’t tell me…. ARE YOU PREGNANT YANA?”-Gaby

“WHAT? ANO BANG PINAGSASABI NIYO?” napasigaw na si Yana dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya. She sigh. “Okay, let me explain first.”

Mabilis na naka-isip si Yana ng palusot. “Hindi ko siya pinsan pero kinakapatid ko siya. Taga probinsya ko rin siya. Pinalipat lang siya dito ng mga magulang niya sa manila para ipagpatuloy ang college niya. Hindi dapat siya dito titira pero naisip namin na mas makakatipid kung dito na lang siya sa apartment ko. Ngayon alam niyo na?” mahabang paliwanag ni Yana. Hindi niya gustong mag-sikreto sa mga bestfriend niya pero kailangan eh.

Sandali muna siyang tinitigan ng mga kaibigan niya bago sumang-ayon.

“Eh diba sabi mo magkaibigan kayo?” tanong ni Trish kay Cupid. Tumango lang si Cupid bilang tugon.

“Ganun din yun. Kababata ko rin siya sa probinsya. Ibig sabihin, we’re friends.” Palusot ni Yana.

“Nung una mag-pinsan, tapos mag-kaibigan, tapos kinakapatid, tapos ngayon naman kababata. Okay, naniniwala na ako.” sarkastikong sabi ni Trish.

“Hindi na lang kasi aminin na sila. Hmp!” tumayo na si Gaby para ihanda ang hapunan nila, sumunod na rin si Trish. Halatang hindi sila satisfied sa mga dahilan na narinig nila.

“AISH! EWAN KO SA INYO!” sigaw ni Yana bago pumasok ng kwarto.

Cupid sighed. “Bahala na nga…..” kanina pa niya alam na hindi naniniwala ang dalawa dahil nabasa niya ito sa mga isip nila.

Tahimik na kumakain ang apat. Ang awkward. Alam din ni Yana na binibigayan siya ng makahulugang tingin ng mga kaibigan niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya pero si Cupid walang ginawa kundi kumain na parang walang nangyari. Ang takaw takaw talaga.

Hindi na natiis ni Yana kaya itinigil niya muna ang pagkain, “Guys naman! Ano bang gusto niyong sabihin ko?”

“Na may relasyon kayo.” Diretsong sabi ni Gaby.

Bumuntong hininga si Yana. Magsasalita na sana siya pero inunahan na siya ni Cupid, “Oo. Kami ni Yana.” Sabi nito na patuloy pa rin sa pagkain.

Nanlaki ang mga mata ni Yana. Nagliwanag naman ang mga mukha nila Trish at Gaby dahil sa nalaman nila.

“Ayyiieeee! Kaya pala bumabalik ka na sa dati friend eh.” Panunukso ni Trish kay Yana.

“Ninang kami ah!” segunda naman ni Gaby at pareho silang tumawa ni Trish.

Binatukan naman ni Yana si Cupid. “GAGO KA TALAGA! BAKIT MO SINABI YON?”

“Ouch---!” napahawak ni Cupid sa ulo niya dahil sa sakit, “EH YUN NAMAN ANG GUSTO NILANG MARINIG EH!”

Nagsigawan lang ang dalawa at masaya silang pinapanood nila Trish at Gaby habang kumakain. Parang nanonood lang sila ng Lovers Quarrel sa sinehan. Natutuwa sila dahil sa mga pagbabago ni Yana. Kahit dalawang linggo pa lang na dumating si Cupid ay nararamdaman na nila ang kakaibang closeness sa dalawa.

“Hays. Pag-ebeg.” Sabi ni Gaby at iping-patuloy ang pagkain.

“Ay may naalala ako!” biglang sabi ni Trish, “Uhm.. Cupid, kanina ba nasa palengke ka? Dun sa may bentahan ng mga pirate dvd? Mga 5pm?”

Sandaling nag-isip si Cupid, “Hindi. Nasa trabaho pa ko nun eh.” Inosenteng sagot niya.

“Sabi ko sayo namalik-mata ka lang eh.” Sabi ni Gaby kay Trish, “Alam mo ba nakita ka daw niya tapos pula pa daw ang buhok mo. Ahahahha.”

Napatigil si Cupid sa sinabi ng dalawa. Kamukha? Kulay red ang buhok?

Iisa lang ang kilala kong kamukha ko at pula ang buhok. Nandito na kaya siya?

Matapos ang dinner ay pinaghugas nila ng pinagkainan si Cupid. Kahit pumalag si Cupid ay wala na siyang nagawa. Yung mga babae naman ay nilagay ang mga junk foods at juice sa table ng living room at sinaksak na ang movie na panonoorin nila. Maya-maya lang ay naki-join na si Cupid sa panonood.

Matapos ang palabas ay si Cupid at Yana na lang gising. Naka-tulog si Trish at Gaby.

“Ang kukulit talaga.” Tumayo si Yana at napa-iling dahil sa dalawa niyang kabigan.

“San natin sila patutulugin?” –Cupid

“Sa kwarto ko na lang sila. Ikaw na magbuhat sakanila, kasya naman sila sa kama ko eh. Ako na bahala dito sa mga kalat.” Sabi ni Yana at sinumulang ayusin ang mga nagkalat na chichirya.

Ginawa naman ni Cupid ang inutos ni Yana at isa-isang binuhat sina Trish at Gaby.

“San ka matutulog?” tanong ni Cupid kay Yana na naglalatag ng comforter sa sahig sa kwarto niya. Nakatayo lang siya at pinapanood si Yana.

“Dito sa sahig.”

“Dun ka na lang sa sofa. Ako na lang dyan.” Lumapit si Cupid at kinuha ang comforter at unan.

“Eh saan ka maglalatag?”

“Sa living room na lang. Sa tabi ng sofa.”

Nakahiga na si Yana sa sofa at si Cupid naman ay sa sahig. Madali lang silang naka-tulog dahil sa pagod at puyat.

Naalimpungatan si Yana dahil naramdaman niya ang pagtawag ng kalikasan. Madilim pa kaya alam niyang madaling-araw pa lang. Nakalimutan niyang wala siya sa kama niya kaya gumulong siya. Nagising ang katawang lupa niya ng maramdaman kung ano ang nabagsakan niya…

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa mga mata ni Cupid na siyang nagulat rin sa taong nasa ibabaw niya. Sobrang lapit nila sa isa’t isa at magkadikit ang mga dibdib nila. Ang lalakas ng tibok ng puso nila dahil sa kabang kanilang nararamdaman. Pareho silang hindi maka-kilos….. nararamdaman nila ang tibok ng puso ng bawat isa. Lalong kinabahan si Yana ng lumipat ang tingin ni Cupid sa mga labi niya. Sa mga oras lang na iyon niya napagmasdan ang mukha ni Cupid dahil sa liwanag na nanggagaling sa lampshade.

Pakiramdam nila ay umakyat ang dugo sa mga mukha nila at naginit iyon… siguradong mukha na silang kamatis dahil sa sobrang pula nila sa mga oras na iyon.

Ang gwapo pala talaga niya. Lalo na pag malapitan.

Sh*t. Anong gagawin ko? Hahalikan niya ba ako? Wwaahhh~~~

Nabasa ni Cupid ang iniisip niya. Hindi alam ni Cupid kung anong nangyayari sakanya pero pakiramdam niya ay nagiinit ang buong katawan niya.

Parang gusto ko siyang halikan…. Napa-iling si Cupid sa iniisip niya. Hindi pwede magpatuloy ang nangyayari kaya tinulak niya si Yana. Pero sa pagtulak na iyon ay hindi niya namalayan kung saan dumapo ang mga kamay niya.

Pareho na silang naka-upo pero nakapatong pa rin si Yana kay Cupid at ang mga kamay naman ng lalaki ay nasa dibdib pa rin nito. Lalong nanlaki ang mga mata nilang dalawa….

“AAAAAHHHH!!!! BASTOS!!” hindi napigilan ni Yana ang sumigaw at sinampal niya si Cupid.

Tumayo si Yana at dumiretso sa kwarto niya. Nawala bigla ang tawag ng kalikasan. Sumandal siya sa pinto. Kinakabahan pa rin siya kaya napahawak siya sa dibdib niya.

Shooocks! Bakit ang init? Argh!

Napahiga si Cupid sa katangahang ginawa niya. “Argh! Ano bang kabaliwan yon Cupid?” sinampal-sampal niya ang kanyang sarili. Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa kanyang mga pisngi at naramdaman niya ang init ng mukha niya…

Naku po. Sorry sa ginawa ko….

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #humor