Chapter 6

Chapter 6

Yana’s POV

Hindi man halata sa ekspresyon ng mukha at kilos ko pero sa loob ko, sobra akong kinakabahan. Maguusap kami ni Vincent. Anong gagawin ko? Anong isasagot ko sa mga magiging tanong niya? Aish. Mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa grade’s viewing sa school.

“Relax ka lang Yana. Hindi ka niya kakainin.” Bulong ni Cupid na naglalakad sa kabilang side ko. Tumawa pa siya ng mahina.

I glared at him. Bwisit ka talaga. Mamaya ka sakin.

Mas lalo pa siyang natawa sa inisip ko. He really can’t stop reading my mind. Kainis!

 Tumigil kami sa Starbucks, “Dito na lang tayo mag-usap Yana. I’ll treat you.” Sabi ni Vincent saka siya ngumiti.

*dug dug*

Shocks! Please hidden feelings, wag ka nang bumalik.

“Si Yana lang?” tanong ni Cupid. Kapal talaga ng mukha.

“Ha? Ah eh.. sige na nga, ililibre na rin kita.”sabi ni Vincent na halatang napipilitan lang saka kami pumasok sa loob.

 Halatang ayaw niya kay Cupid. Nagseselos kaya siya pag kasama ko si Cupid? Aish. Hanggang ngayon pa rin ba assumera ako? I mentally slapped my face. Nagmumukha na kong tanga sa mga iniisip ko. Bakit ba masyado akong kinakabahan? Eh maguusap lang naman kami.

“Kasi mahal mo siya.” Bulong nanaman ni Cupid.

“Stop reading my mind.” I hissed.

Nung naka-order na kami, umupo na kami sa malapit na table.

“Uh guys. I think you need to be alone. Don na lang ako sa kabilang table. Bye, enjoy!” paalam ni Cupid tapos kinindatan pa ako. Aangal pa sana ako pero nagsalita na si Vincent na nagpakabog ng malakas sa dibdib ko.

“Yana… I’m sorry.” Nakatingin siya sa mga mata ko. Pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga tingin niya. Puno ng sincerity yung boses at expression niya.

“Para saan?” I asked with straight face. Ayokong mahalata niya na kinakabahan ako. Ayoko nang mag-assume at masaktan.

“For rejecting you one year ago. Promise, I will never hurt you again.” Nagulat ako sa paghawak niya sa kamay ko na nasa table. “Please forgive me..”

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. “O-okay lang. Matagal na iyon.” Hindi ako makatingin ng diretso sakanya.

Napatingin ako kay Cupid na nasa harap lang naman ng table namin. May lumapit sakanyang tatlong babae.

“Hi kuya. You look like a celebrity.” Sabi nung isang babae.

“Pwedeng magpa-picture?”

“Pwede po bang kunin yung number or facebook account mo?”

Nagsalubong yung dalawa kong kilay. Sana pala di ko na siya sinama kung makikipaglandian lang siya. Pangiti-ngiti pa siya. Nakaka-asar! Kalian pa naging malandi ang mga anghel? Argh! At talagang ini-entertain niya yung mga babae! Ang kapal ng mukha. Kahit sino bang babae ganyan niya ngitian? Nakakasuka!

Vincent’s POV

“O-okay lang. Matagal na iyon.” Sabi ni Yana na hindi makatingin sakin.

“Alam kong hindi madaling magpatawad pero please Yana, let’s start again. I want to be your friend again. Yana?” napansin kong hindi na siya naka-focus sakin kaya sinundan ko yung tinitignan niya sa likod ko. Bakit nakatingin siya kay Cupid? May mga babae na kumakausap kay Cupid. Tinignan ko si Yana at nagiba yung ekspresyon ng mukha niya. Parang naiinis……..at nagseselos.

“Yana?” kinaway ko yung kamay ko sa harap niya, “Yana are you still there?”

Natauhan naman siya kaya tumingin na ulit siya sakin. “H-ha? A-ano nga ulit yung sinabi mo?”

Nalungkot ako. Mukang hindi na talaga ako ang laman ng puso ni Yana. Nahalata kong pag si Cupid ang kaharap o kausap niya, kaya na niyang magbago ng expression.

“Sabi ko I want to be your friend again.”

“H-ha? O-okay. Uhm Vincent, I need to go. Let’s talk again next time.” Tumayo si Yana at lumapit kay Cupid.

Binatukan niya si Cupid na kinagulat ko. Mahilig talagang mangbatok si Yana. Dati ginagawa niya sakin yan pero imbes na mainis, natutuwa pa ako. Nakaka-miss.

“Hoy Kupido. Umuwi na tayo. Nakikipaglandian ka pa dyan!” sabi ni Yana. Nagiba nanaman siya, hindi na siya straight face.

“Ouch! YANA NAMAN!” sigaw ni Cupid.

“Ah nagrereklamo ka? Tara nga dito.” Hinawakan ni Yana yung tenga ni Cupid at kinaladkad palabas ng Strarbucks.

“Aray---ah ouch! Yana---masakit na! Aw! Yung kape ko! Sayang yon--! Ouch---!”

Simula nang dumating si Cupid, unti unti nang nagbabago si Yana. Bumabalik na siya sa dati.

Lalo akong nalungkot. Nagseselos ako sa clossness nila. Dati kami ni Yana ang ganyan… pero dati yon

Cupid’s POV

“YANA! ARAY NAMAN! MASAKIT NA! PLEASE, LET MY POOR EAR GO!” reklamo ko kay Yana na hawak pa rin yung tenga ko. Badtrip naman eh. Nakakahiya yung ginagawa niya.

Binitiwan niya ako pero bago ko siya sigawan napatigil na ako dahil sa iniisip niya….

Nagkita kami ni Vincent… nagusap kami…nagsorry siya…gusto niya akong maging kaibigan… tatanggapin ko ba? Pero paano kung masaktan lang ako? aish. Pakikipag-kaibigan lang ang hiling niya kaya bakit ako masasaktan! Badtrip naman oh!

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para iharap sakin. “Yana relax ka lang. I’ll assure you, nothing will hurt you this time. Accept his request and fall again---OUCH! BAKIT NANAMAN? NAKAKARAMI KA NA AH!” seryoso ako pero binatukan niya ako.

“Plano mo ‘to noh? GAGO KA TALAGA!” sigaw niya bago siya magwalk out.

“Yana wait! Samahan mo muna akong bumili ng mga damit ko! Aish, ang kulit niya talaga.” Napangiti na lang ako sa ka-cute-an niya bago ko siya habulin. “HOY HINTAYIN MO ‘KO!”

******

Pagka-uwi namin dumiretso agad si Yana sa kwarto niya. Tahimik at blanko nanaman siya. Napabuntong-hininga ako. Ganito ba talaga kataas ang pride ng mga tao? Mahirap ba talaga para sakanila na tanggapin ulit yung mga taong nanakit sakanila? Ganito ba talaga kahirap mag-move on sakanila? Sobrang sakit ba talaga Yana?

Don’t worry, everything will be alright.

Yana’s POV

Pabagsak akong humiga sa kama ko at nakatulala lang ako sa kisame. Aish. Pinapa-gulo ni Vincent ang isip ko. Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ulit siya bilang kaibigan diba?

Saka chance ko na para mapalapit ulit sakanya.

Argh! Pati isip ko kinakalaban na ako. Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis. Dahil sa ginawa kong pag-gulong-gulong sa kama ay nalaglag ako.

“Ah--ouch! Tanga mo talaga Yana.” Nakahawak ako sa nasaktan kong balakang. Bago ako bumangon napatingin ako sa ilalim ng kama ko at nakita ko yung isang box. Kinuha ko iyon at binuksan habang naka-upo sa sahig. Napangiti ako sa laman non. Nasa loob yung dalawa kong diary at isang diary na hindi  pa nagagamit. Simula nung mag-college ako nagsusulat na ako don. Pero tumigil ako one year ago… marami nga talagang nagbago sakin.

Binuksan ko yung isa kong diary at binasa ang ilan sa mga entry. Lahat ng mga sikreto at kalokohan ko at ng mga kaibigan ko ay nakasulat dito.. Pati lahat ng tungkol sakin at kay Vincent..

Napa-buntong hininga ako dahil sa mga memories na dumadaan nanaman sa utak ko. Tinignan ko ulit yung box at kinuha yung isang diary na hindi pa nagagamit. Should I start writing again?

Tumayo ako at inilapag sa study table ko yung diary saka ako umupo. Binuklat ko ito at isinulat ang date ng first day ng 3rd year college ko.

Ang first day kung kalian ko nakilala si Cupid…..

******

Monday nanaman…..

Hindi ko suot yung salamin ko ngayon kasi tinago ni Kupido. Bwisit talaga yun, masyadong paki-alamero! Pati yung mga ponytail ko tinago niya kasi gusto niyang naka-lugay ako. Kaya kaninang pagpasok ko pinagtitinginan ako ng mga tao. Kahit si Trish at Gaby nagulat sa itsura ko. At ang dalawang abnoy, tuwang tuwa pa -_-

Sobrang bored ako ngayon sa klase. Nakatingin lang ako bintana at tinitignan ang mga pangyayari sa labas. Sa isang iglap, uwian na. Inubos ko ang buong araw ko sa school ng nakatulala lang.

“Ano na Cupid? Ginawa mo ba yung request namin sayo?” tanong ni Trish kay Cupid. Naglalakad na kami pauwi. Nasa likod lang ako nilang tatlo at nakalimutan na yata nilang nandito ako. Lagi na lang silang tatlo ang naguusap. Psh.

“Uhmm.. hehe.. Imposible yata yung request niyo eh. Sorry.” Sabi ni Cupid.

“Bakit naman? Wala namang masama don since hindi naman talaga kayo magpinsan.”-Gaby.

Wait---WHAT? Paano nila nalaman yon?

Nakita kong nag-panic si Cupid at Trish, ganun rin si Gaby nang marealize niya yung sinabi niya.

“Ano ka ba Gaby! Baka narinig ni Yana----”-Trish

Lumingon silang tatlo sakin at tinignan ko sila ng masama. So alam na pala nila?

“Trish, Gaby. We should run, NOW!” utos ni Cupid at nagtakbuhan na nga sila.

“HUMANDA KAYO SAKIN LALO KA NA KUPIDOOOO!!!!”

******

Dalawang araw ko nang hindi pinapansin yung tatlong tukmol. Nagtatampo ako noh. Psh. Tapos ayaw pa nilang sabihin yung sikreto nila. Anong klaseng kaibigan sila? Hmmp!

Bago umuwi pumunta muna kami sa park ng school. I like here because of the environment. Puro malalaking puno kasi kaya nahaharangan yung mainit na sikat ng araw. May mga bench rin dito na pwedeng pag-tambayan ng mga students.

Tumabi yung dalawa kong bestfriend sa magkabilang side at kumapit sila sa braso ko.

“Yana sorry na!” sabay nilang sabi. “Hindi na kami magsi-sikreto sayo!”

Lumuhod naman sa harap ko si Cupid. I just look at him with straight face.

“Pansinin mo na kami Yana, please?” inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon.  Natatawa ako sa loob-loob ko pero di ako tumitingin kay Cupid kasi alam kong malalaman niya na tinatawanan ko na sila dahil sa mga paawa effects na ginagawa nila. Muling nagsalita si Cupid, “Yana naman! Magkasama tayo sa iisang apart-----uhm..uhm!” nagulat ako sa susunod niyang sasabihin kaya tinakpan ko yung bibig niya.

“Ah.. eh Cupid a-ano ba yang si-sinasabi mo? Hehe. Sige sige, pinapatawad ko na kayo.” Pinanlalakihan ko ng mata si Cupid at pumi-peke ng ngiti.

Mukhang natigilan naman sila Trish at Gaby dahil sa naging reaksyon ko.

“Ga—ga—gaby, nakita mo ba yung na-nakita k-ko?” nauutal na sabi ni Trish. Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sakin.

“O-oo. Nananaginip ya-yata tayo. Si ya-Yana…..”pati si Gaby nauutal. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumili. Niyakap nila ako na halos mapahiga na kami sa inuupuan namin.

“Aray! Ano bang ginagawa niyo? Bitiwan niyo nga ako!” Reklamo ko habang pilit kong inaalis yung yakap nila.

“Bumabalik na si Yana!”-Trish

“Miss ka na namin!”-Gaby

I just rolled my eyes dahil sa pagka-OA nila.

Si Cupid naman tawa lang ng tawa. Loko talaga ‘to.

Lagot ka sakin mamaya!

Dahil sa inisip ko, lalo siyang tumawa. Bakit ba naging kaibigan ko ang mga ‘to? -_-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #humor