Chapter 4

Chapter 4

Cupid’s POV

“Trish! Gaby! Over here!” itinaas ko ang kamay ko para ikaway. Sabado ngayon at nasa mall ako para makipagkita sa dalawang kaibigan ni Yana. Lumapit silang dalawa at kinawayan rin ako.

“Hello Cupid!” sabay nilang sabi.

Kahit isang linggo pa lang ay close ko na agad ang dalawang ‘to. Magaling kasi silang makisama at ang kukulit at maiingay pa. Masaya silang kasama, that’s why I’m wondering why Yana can’t even laugh when she’s with them.

Well, kaya nakipagkita ako kasi magpapa-kwento ako ng tungkol kay Yana. Mahirap kasing basahin ang iniisip ni Yana these past few days. Ang galing niya, parang sinasadya niya na kapag magkaharap kami hindi siya magiisip ng kung anu-ano.

“Kumain na ba kayo? Tara sa food court, ililibre ko kayo.”

Pumunta kami sa food court at nag-order muna kami. Hindi talaga sila nauubusan ng kwento. Ang dadaldal, pero di ka mabobored kapag kasama mo sila.

Naka-upo na kami ng magsimula na silang matanong.

“Eh ano bang gusto mong malaman tungkol kay Yana?”-Trish

“Diba pinsan mo siya? Bakit di mo alam ang mga tungkol sakanya?”-Gaby

Nilapit ko yung mukha ko sakanila bago magsalita, “Actually kaibigan lang ako ni Yana. Sinabi niya lang na pinsan niya ako kasi baka kung ano daw ang isipin ng iba. Secret lang natin to ah. Wag kayong maingay kay Yana na alam niyo nang hindi niya ako pinsan. Okay?”

“Sure!”

“Game. Magkwento na kayo.” Sabi ko tapos ngumiti. Habang nagku-kwento sila, pinagpapatuloy namin yung pagkain.

“Alam mo ba, kasing ingay at kasing kulit namin si Yana dati. Mas malakas pa nga ang trip niya samin eh. Palatawa siya at laging naka-ngiti. Siya rin yung nagturo samin kung paano laruin yung ‘pogi hunting’, kaya sobrang lungkot na nagbago ng ganun si Yana.” Malungkot na kwento ni Trish.

“Sobrang sarap kasama ni Yana. Mula first year college siya na ang bestfriend namin ni Trish. Sa totoo lang, ako talaga yung dating tahimik at mahinhin. Pero sa loob loob ko maharot talaga ako, at si Yana ang nagpalabas ng tunay kong ugali.”-Gaby

“Pinilit namin siya na sumali sa Music Org noon kasi sobrang ganda talaga ng boses niya at ang galing pa niyang mag-piano. Doon niya nakilala si Vincent. Una pa lang crush na siya ni Yana. Tapos di nagtagal naging close sila, sobrang close. Inaasar nga namin siya dati eh, para kasing sila dahil sa sobrang sweet nila. At ayun na nga, Yana fell in love with Vincent. Ang akala namin ganun din yung nararamdaman ni Vincent para sakanya.”-Trish

“Kase naman, may malanding linta ang umakit kay Vincent! Nung nagtapat si Yana kay Vincent, expected namin na magtatapat din si Vincent ng pagmamahal kay Yana. Kahit yung mga kaibigan ni Vincent, akala nila mahal din niya si Yana. Kaya nagulat kami sa pagre-reject na ginawa niya. After two days, nalaman na lang namin na jowa na ni Vincent si Samantha. Bwisit talaga yung bruha na yun!”-Gaby. So sobrang galit niya, pagalit niyang tinusok yung meet sa plato niya.

“Kalma ka lang friend!” sabi ni Trish tapos kinuha niya yung tubig ni Gaby at pinainom niya dito. Natawa ako sa ginawa nila. Minsan talaga kahit seryoso na nagagawa pa nilang magpatawa.

“And then?” tanong ko dahil sobrang curious na ko sa mga susunod na kwento nila.

Bumuntong hininga muna si Trish bago mag-kwento, “Si Vincent lang ang minahal ni Yana ng ganun. Parang tanga nga yun eh. Kapag may practice si Vincent sa banda, hinhintay pa rin niya para magsabay lang sila ng uwi kahit gabihin pa sila. Ito naman kasing si Vincent, isa ring makati kaya naakit ni Samantha. Bwisit na punyetang linta na p*tangina na babaeng p*kpok na yon!”  sa sobrang galit niya napalo niya yung mesa at gumawa yon ng malakas na tunog kaya napatingin samin yung mga tao sa paligid.

0_o grabe. Mas matindi pa siya kay Gaby eh.

“Relax ka lang friend. Oh ito tubig. Uminom ka muna.” Si Gaby naman ang nagabot ng tubig kay Trish at hinaggod nito ang likod ng kaibigan.

Tapos si Gaby naman ang nagkwento, “At ayun na nga. Nung malaman ni Yana na may jowa na si Vincent at yung malanding Samantha pa na yon yung jowa, sobrang naging malungkot si Yana. Ni hindi namin siya mapatawa. Minsan hindi siya kumakain kasi wala daw siyang gana, eh siya kaya yung pinaka-malakas na kumain saming tatlo. Naging iwas rin siya sa ibang tao at puro aral at trabaho na lang ang inatupag niya.  Nagiba din ang pormahan niya. Siya ang pinaka-kikay sa amin dati, marunong siyang mag-ayos.  Ngayon iniba niya rin yung uniform niya. It’s like a princess turned into an old lady.”

Marami pa silang nakwento sa araw na yon at sobrang nalungkot ako sa mga pagbabago kay Yana. Nasa labas na ako ng apartment pero di pa ako pumapasok. Nakatingin lang ako sa fourth floor kung saan nandun ang kwarto ni Yana.

Naalala ko yung sinabi nila Trish…

“Diba kaibigan ka niya? Ibig sabihin hindi kayo magka-dugo. Cupid..” hinawakan ni Trish yung kamay kong nakapatong sa mesa, “baka ikaw na ang solusyon para bumalik ang dating Yana.”

“Oo nga. Please Cupid..” si Gaby naman ang humawak sa isa ko pang kamay, “make her feel the love again. Nami-miss na namin ang dating Yana. Kahit kasama namin siya, minsan parang di namin siya maramdaman. Para may kasama kaming taong yelo…”

Nakaka-awa yung mga itsura nila. Nababasa kong sobrang concern sila kay Yana. She’s very lucky to have friends like them.

“What do you want me to do?” tanong ko.

Sandali muna silang nagka-tinginan at hindi ko gusto ang iniisip nila….

“Make her fall in love with you…” sabay pa nilang sabi.

 

Make her fall inlove with me, eh? But I’m not here for that. Hindi siya sakin dapat mainlove kundi kay Vincent. Eh inlove naman talaga siya kay Vincent ah? Kaya lang may galit at sakit pa siyang nararamdaman. Ang kailangan kong gawin ay maramdaman niya ang happiness with Vincent…… not me.

******

Pagpasok ko ng apartment, nagulat ako nung buksan ko yung ilaw. Si Yana kasi nakaupo lang sa sofa. Yung upong straight na straight, tapos tulala lang siya. Para siyang white lady kasi naka-bistida siyang mahaba na abot sa paa, kulay puti pa. Wala pa siyang ka-reaksyon reaksyon sa mukha. Napa-hawak ako  sa dibdib ko dahil sa gulat.

“YANA NAMAN! ANO BANG TRIP MO AT NAKA-GANYAN KA? TINATAKOT MO BA AKO???”

“Bakit ngayon ka lang? Hindi pa ako kumakain. Diba ikaw ang magdadala ng pagkain ngayon?” tanong niya sa malamig na boses saka siya tumayo.

“May dala ako. Pwede bang mag-palit ka ng damit? Nakakatakot ka.”

Dumiretso ako sa kusina para ihanda yung pagkain namin.

“Wala na kong ibang damit eh. Nasa laundry na lahat.”

“Bakit, isang beses ka lang ba sa isang buwan nagpapalaund---- AY SH*T! YANA!” nagulat ako kasi paglingon ko mula sa paghugas ng kamay ay kaharap ko na si Yana. Sino bang hindi matatakot sa itsura niya ngayon? Isama pa yung mga malalamig niyang tingin at sobrang serious pa ng mukha.

“Hala ka. Bawal magmura ang mga angel.” Tapos dumiretso na siya sa lababo para maghugas din ng kamay.

Napa-face palm ako. Napapamura tuloy ako dahil sa mga kalokohan niya.

“Yana samahan mo naman ako bukas sa mall. Wala na kasi akong damit eh. Last pair na lang kasi para bukas.” Kakatapos lang namin kumain at syempre as ususal, ako nanaman ang pinaghugas niya.

“Okay.” Sabi niya bago pumasok ng kwarto. Ang weird niya talaga minsan.

Totoo yung tungkol sa pagbili ko ng damit bukas pero bukod pa don kaya ako nagpapasama sakanya kasi tutug-tog yung banda nila Vincent sa mall. Sayang naman kung palalagpasin ko yung pagkakataon na yon. Baka sakaling ma-inlove si Yana sa boses ni Vincent. Naalala ko kasi kagabi yung mukha ni Yana habang pinapanood niya akong kumanta habang nag-gigitara. Nabasa ko rin yung iniisip niya. Napagaan ko ang loob niya kaya siguradong magagawa din ni Vincent yon. Saka balak ko rin siyang ayusan bukas. Kaka-sweldo ko lang kanina nung dumaan ako sa café. Weekly salary kasi kami kaya may pera ako, may bonus pa kasi maganda daw ang naging performance ko sa pagta-trabaho. Simula kasi nung nag-work ako don, marami na laging customer, karamihan babae. Wala namang masama kung gagamitin ko yung pera para maka-tulong kay Yana eh, kaya ayos lang.

Pagtapos kong magligpit ay natulog na rin ako.

Naalimpungatan ako sa narinig kong mahinang pagkaluskos. Inaantok pa kong dinilat yung isa kong mata. Gabi pa rin. Kinuha ko yung alarm clock sa gilid ng sofa at nakita kong 2:40 AM pa lang. Naupo ako at kinuskos ang mga mata ko hanggang sa luminaw na yung paningin ko.

Tumaas ang mga balahibo ko sa nakita ko….

“AAAAAAHHHHH!!!” napasigaw ako sa takot. Ma-may wh-white lady sa harap ko!!! “AAAAAAAHHHHHHH!!!” naka-tingin lang siya sakin. Sobrang nakakatakot kasi ang gulo ng buhok niya. Tapos lumalapit siya sakin. Mahihimatay na yata ako sa takot. Humawak siya sa dalawa kong balikat at niyug-yog. “LAYUAN MO AKOOOO!! AAAHHHH!!! TULUNGAN NIYO AK----”

“HOY CUPID! AKO ‘TO SI YANA!” sabi ng multo.

Bigla akong bumalik sa katinuan. Binuksan niya yung lampshade sa gilid tapos bumalik ulit siya sa harap ko at hinawakan ulit yung dalawa kong balikat. Nanginginig pa rin ako sa takot…

Pero unti-unting nawala yung takot at panginginig ko nang makita ko yung reaksyon ni Yana. Yung malamig at walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng pagaalala.

“Okay ka lang ba? So-sorry kung natakot kita.” Sabi niya habang ineeksamin niya yung mukha ko. Para na siyang maiiyak.

“O-okay lang a-ako.” Nauutal ako dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan ako hindi dahil sa multo kundi dahil sobrang lapit ng mukha ni Yana at nakahawak pa siya sa mukha ko. Ngayon ko lang siya nakita ng ganitong kalapit. Wala siyang suot na salamin kaya nakita ko bawat detalye ng mukha niya. Ang kinis at ang puti ng balat niya, may magagandang mata, matangos pero maliit na ilong at may manipis na mapupulang labi.

Lalong lumakas yung kaba ko nung niyakap niya ako.

“Sorry talaga kung natakot kita ah. Naiihi kasi ako kaya nag-CR ako. Sorry talaga, Cupid.”

Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Okay lang.” sabi ko saka ko rin siya niyakap.

 

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko…

Hindi ako pamilyar sa pakiramdam na ‘to…

Pero ang sarap sa pakiramdam…

 

 

And the hug feels good….

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #humor