Chapter 2

Chapter 2

Yana’s POV

Buti naman at uwian na. Naba-badtrip na ako sa lalaking katabi ko. Ako ang naunang lumabas sa lahat at sumunod naman si Gaby at Trish. Kumapit silang dalawa sa magkabila kong braso. Siguradong kukulitin nanaman ako ng mga ‘to.

“Yana! Bakit di mo sinabi samin na may kakilala kang ganung ka-gwapo? Nakaka-inis ka!”-Trish

“Kaya nga! OMG! Ang hot niya talaga. Bagay yung name niya sakanya, Cupid. Para talaga siyang anghel.” –Gaby

“Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang din nakita yun.” Sabi ko with serious tone. Well, lagi naman akong serious and cold tone eh -_-

“YANA WAIT!”

Napalingon kaming tatlo sa sumigaw. Bwisit! Ano nanaman bang kailangan niya? Lumapit siya samin ng ngiting ngiti. Hindi ba siya napapagod kaka-ngiti?

“Hindi.”-Cupid

0_0 nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Nababasa niya ba talaga lahat ng iniisip ko?

“Oo.”- Cupid ^_^

“Ano daw? Wala akong maintindihan sakanila.” Rinig kong sabi ni Gaby pero di ko pa rin sila pinapansin dahil sa gulat pa ako sa kinikilos ng sira-ulo na’to.

“Tara na nga Gaby. Hayaan na natin yang dalawa. Hihi. BYE CUPID!” sabi ni Trish at hinila na si Gaby.

“Bye! Ingat kayo.” ^_^sabi ni Cupid sa dalawa at kumaway pa habang abot tenga ang ngiti. At yung dalawa naman kilig na kilig.

Pag-alis nila kinausap ko agad si Cupid, “Ginagago mo ba ko?”

“Woah. Masama ang magmura!” sabi niya na parang inosenteng bata.

Inirapan ko lang siya at tumalikod na para umalis pero hinawakan niya ko sa kamay at hinila papuntang park.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako, bwisit ka!” ang lakas niya. Di ako makawala sa hawak niya.

“Yana makinig ka kasi sakin! Hindi kita niloloko! I’m here to help you. To change you! Tignan mo nga yang sarili mo, hindi na ikaw yung dating Yana! At alam kong dahil yon sa nangyari 1 year ago, nung sinaktan ka ni Vincent.”-Cupid

Pano niya nalaman yon?

“Mula kahapon hanggang kanina anghel pa lang ako kaya walang nakakakita sakin kanina habang kausap mo ako. Habang anghel pa lang ako, binasa ko lahat ng iniisip mo kaya nalaman ko ang storya mo.”-Cupid

Nagulat ako. Napaka-imposible ng mga sinasabi niya.

 

Cupid’s POV

Napaka-kulit naman ng babaeng ‘to. Bakit ba ang hirap niyang paniwalain.

“Na-nababaliw ka n-na.” sabi niya at tumalikod na siya.

Oh God, please give me some powers to make her believe.

At dahil sa wish ko bigla na lang nag-stop ang lahat. Kami na lang ni Yana ang nakaka-galaw.

 Thank God!

Lumingon si Yana sakin at nginitian ko siya.

“Anong nangyari?” tanong niya sakin.

“Pinatigil ko yung oras. Now, do you believe me?”

Sandali siyang napatigil at nag-isip.

“OO NA! PUNYETA!” sigaw niya.

Nag-clap lang ako ng isang beses at gumalaw na ulit ang lahat.

“So anong gusto mong mangyari?” tanong niya sakin.

“Well, uhm.. kasi.. wala akong tirahan at konti lang yung pera ko. Pwede bang makitira sa bahay mo?” ^_^

“No.” at tumalikod na siya.

YUN NA YON? Aish! Nakaka-inis naman siya. Hinabol ko na lang siya at kinulit ko ng sobra. Sumakay siya ng bus at sumunod na lang ako.

Ang galing ni Lord, saktong pamasahe lang talaga yung nilagay niya sa bulsa ko papuntang bahay ni Yana -_-

Nasa harap na kami ng apartment na tinutuluyan ni Yana ng nilingon niya ako, “BAKIT BA SUNOD KA NG SUNOD?”

“Eh wala naman kasi akong tirahan eh. Please, patuluyin mo na ako.” pakiki-usap ko habang nag-puppy eyes and pout. Ugh. Hindi ako sanay magpa-cute pero no choice ako eh -_-

Nagbuntong hininga si Yana pero nabasa ko sa isip niya na pumayag siya.

Papatuluyin ko ba siya? Mukha naman siyang harmless eh. Sige na nga. Baka pagalitan pa ako ni Lord pag di ko tinulungan yung anghel Niya.

“Thank you!” sabi ko at niyakap ko siya. Mabuti naman at pumayag na siya.

Pagka-kalas ko ng yakap ko sakanya nakita kong nagulat siya. Ayos! Mukhang ngayon pa lang nababalik ko na yung iba’t ibang emosyon niya. Hindi ko na siya pinagsalita at nauna na ako sa apartment niya. Syempre alam ko kung saan, kahapon ko pa kaya siya sinusundan.

Maliit lang yung apartment ni Yana. Isang kwarto, isang CR at magkasama na yung sala at kusina. Pero kahit maliit lang, malinis.

Pagpasok namin nahiga agad ako sa sofa niya.

“Grabe! Nakaka-pagod pala maging tao.” Sabi ko tapos tumagilid ako para harapin si Yana na nakatingin lang sakin with her infamous cold stare. “pero alam mo, masarap palang makaramdam ng pagod….” *gruuu* naramdaman ko na lang na kumalam yung tyan ko, “…at gutom. Hehe. Pakainin mo naman ako Yana oh. Please?” sabi ko with pa-cute effect.

Ang kapal ng mukha ng tukmol na’to. Pero gutom na rin ako, sige na nga. Ano ba yan. Parang nag-ampon ako ng bata.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Inirapan niya lang ako tapos nagsimula na siyang magluto sa kusina.

Nilibot ko ng tingin yung apartment niya. Napaka-plain. Parang hindi babae ang nakatira dahil walang ka-buhay-buhay. White lang ang kulay ng dingding at kisame. Pumasok ako sa kwarto niya, ganun din. Hindi ba siya nababaliw sa sobrang boring ng buhay niya?

Ay may naalala ako! Kahapon kase kahit anghel pa lang ako, nakapunta na ko dito. Nagbukas si Yana ng isang drawer at may nakita ako doon na headset. Pinuntahan ko yon at kinuha. May kasama pang mp3.

Mahilig si Yana sa music dati. Marunong nga siyang mag-piano at mag-gitara pero yung mga instrument niyang yun nasa ilalim na lang ng kama niya ngayon, nabubulok at puro alikabok na lang. Marami talagang nagbago sakanya simula ng i-dump siya ni Vincent. Palabasa rin siya ng libro dati at mahilig manood ng mga drama. Makulay ang buhay niya dati, kpop pa nga siya noon eh. Pero ngayon? Isang taong yelo na si Yana. Puro aral at trabaho na lang iniisip niya. Isa siyang working student. Marami din siyang kabigan dati pero ngayon yung dalawang bestfriend na lang niya ang natira. Nawalan ng social life si Yana at naging iwas sa mga tao. Kahit social network di na rin niya ginagawa. Ang pamilya niya? Sa probinsya sila naninirahan, ang mama at papa niya saka yung nakababata niyang kapatid na babae.

Nagulo ako sa pagiisip nang bumukas ang pinto. “Hoy. Anong ginagawa mo dyan? Lumabas ka na at kakain na.” sabi ni Yana.

“Okay. Ay Yana pwede bang ako na lang ang gumamit nitong mp3 at headset mo? Hindi mo naman ginagamit eh. Please?” magagamit ko ‘to para hindi ko marinig yung ibang iniisip ng iba. Nakakasawa kaya.

Tinignan niya muna yung mp3 at headset bago sumagot, “okay.”

“WOW! Ang bango naman nyan! Eh ano ba yan?” tanong ko habang turo ko yung pagkain sa harap namin.

“Ang OA mo. Maling lang yang niluto ko noh.” -_- sabi niya at naupo na siya. Naupo na rin ako tapos pingilan ko siyang kumain.

Tumingin siya sakin ng nagtataka.

“Pray muna tayo.” ^_^ sabi ko. “dapat hindi natin nakakalimutang magpasalamat sa biyaya ng Diyos.”

“K.”

At nag-pray na nga kami.

“Lord, thank you for this food in front of us and for all the blessings. Amen.  KAINAN NA!” at kumain na nga kami. Grabe ang sarap naman neto. First time kong kumain ng pagkain ng tao, ang saya naman ^_^

Ang takaw naman ng anghel na’to. Hindi ba ‘to pinapa-kain sa langit?

“Hindi. Wala kaming kakayahan na maramdaman ang mga ganito. Ang nararamdaman lang namin ay pagmamahal at saya. Pero marunong din kaming malungkot lalo na pag nasasaktan ang mga tao.” Sagot ko pagka-lunok ng pagkain.

“Concern pala kayo samin.”-Yana

“Oo naman.” ^_^

“Pero bakit hinahayaan niyo kaming masaktan?” sabi ni Yana na nakatingin lang sa pagkain niya. Napatingin ako sakanya. Halatang may pinanghuhugutan siya dahil sa sakit na nakapaloob sa bawat salita niya.

“Hindi namin kayo hinahayaang masaktan. Pero nilikha kayo ng Diyos na may sariling kakayahan na mag-desisyon. Pero mas pinipili kasi ng iba na masaktan kaya wala kaming magagawa kung yun ang piliin nila. Gabay lang kami sa tamang daan pero nasa inyo pa rin ang desisyon.” Sabi ko at ngumiti bago magpatuloy sa pagkain.

Tumingin lang sakin si Yana at kumain na ulit siya. Mukhang alam ko na ang magiging hilig ko dito sa lupa, ang kumain ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #humor