Chapter 16
Chapter 16
Gabi na naka-uwi si Cupid dahil nag-overtime siya sa trabaho. Nakapatay na ang ilaw ng apartment pero nakita niya pa rin si Marcus na naka-upo sa bintana at malayo ang tingin nito. Binuksan niya ang ilaw at sandali siyang nilingon nito.
“Oh? Andyan ka na pala?” Walang siglang tanong sakanya ni Marcus.
Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Anyare? May sapi ba ‘to ngayon? Naisip niya. Lumapit siya kay Marcus, “Anong nangyari? Bakit nage-emote ka dyan? Psh. Hindi bagay.” Sabi niya at tumawa ng matipid.
“Wala kang pake.” Sabi ni Marcus na hindi man lang siya tinitignan sa mata. Napa-taas ang kaliwang kilay ni Cupid.May tinatago ba ‘to?
“Tumingin ka nga sakin Marcus.” Utos niya ngunit tumingin lang ito sa ibang direksyon. Dahil sa inis ni Cupid ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito para iharap sakanya. Pero nang nakaharap na ang mukha nito sakanya ay naka-pikit naman ito. Marahas niyang binitawan ang ulo ni Marcus, “Bahala ka nga dyan.” Sabi niya at umalis na siya sa harap nito. Lalo siyang nagtaka na hindi ito nagalit sa ginawa niya. Ang normal na Marcus ay sisigawan na siya.
Nag-kibit balikat na lang siya at hindi na lang pinansin ang kambal niya.
Tumingin muli si Marcus sa malayo. Pag tumingin ako sakanya ng diretso sa mata, siguradong mababasa niyang nagkaka-gusto na ko kay Yana. Naisip niya.
“AARRGGHHH!!” Ginulo niya ang buhok dahil sa inis.
********************
Pag-gising ni Yana ay agad siyang bumangon sa higaan para sagutin ang tawag ng kalikasan. Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sakanya si Cupid na may malapad na ngiti sa labi. Naka-apron din ito na kulay pink at may bandana na pink din na nasa ulo nito. Hawak niya sa isang kamay ang walis at sa kabila naman ay dustpan.
“Anong meron?” Yana asked him with straight face.
“Today is general cleaning!” Tuwang-tuwang sabi ni Cupid.
“So? Anong gagawin natin?”
Cupid rolled his eyes. “Duh. Edi mag-lalaro ng tagu-taguan.” He sarcastically said. She just looked at him with blank expression, “Malamang maglilinis tayo! Ano ka ba naman Yana!” Dagdag ni Cupid at umalis na sa harap ng dalaga para magsimulang maglinis.
Bago pumunta ng CR ay nakita ni Yana na nagluluto ng breakfast/lunch si Marcus. Tanghali na kaya isang kainan na lang.
“Wow. Mukhang wala ka yatang gala ngayon Marcus?” Tanong niya dito. Tinignan siya ni Marcus ngunit umiwas rin agad ng tingin.
“Can’t you see? Busy akong magluto. Maglinis na lang kayo.”
Umirap lang si Yana at pumasok na ng CR.
Nagsimula na ngang maglinis si Cupid at Yana. Pero may ibang intensyon si Cupid kung bakit gusto niyang magkaroon ng general cleaning. Gusto lang naman niyang hanapin yung dating uniform ni Yana; yung sakto ang laki at haba. Nakita niya yung uniform sa mga naka-plastic na damit na hindi na nagagamit sa itaas ng aparador ni Yana.
“Yes! Nakita ko na.” sabi ni Cupid sa sarili.
“Ano yan?” nagulat naman siya ng biglang sumulpot si Yana sa tabi niya.
Dahil sa gulat ni Cupid ay nawalan siya ng balanse sa upuan na tinatapakan niya. Bumagsak siya kay Yana kaya pareho silang napahiga.
Awkward.
Agad na namula ang mga mukha nila.
“WHAT DO YOU THINK YOU’RE DOING???!!” Sigaw ni Marcus ng maabutan niya ang dalawa sa ganoong sitwasyon. NIlapitan niya ang dalawa at marahas na itinayo si Cupid mula sa pagkaka-dagan nito kay dalaga.
Natawa ng matipid si Cupid. “At anong tinatawa-tawa mo?!” pagalit na tanong sakanya ni Marcus na nakahawak sa kwelyo ng damit niya.
“Tss. Don’t be jealous, brotha.” Pang-aasar ni sakanya ni Cupid at ngumisi ito ng mapang-asar.
“Ako? Magseselos? ASA! Akin na nga yan!” inagaw niya ang basahan na hawak ni Cupid, “Ako na ang maglilinis dito.” At sinimulan na niyang linisin ang invisible na dumi sa sahig.
Napa-iling na lang si Yana kaya lumabas na lang siya at sinundan naman siya ni Cupid.
Naiwang naglilinis si Marcus sa kwarto. Napadako ang tingin niya sa ilalim ng kama ni Yana.
“Ang dami naman niyang gamit dito.” Sabi niya sa sarili. Hindi na sana niya gagalawin ang mga ito ngunit may kung anong pakiramdam siya na kailangan niyang tignan ang mga gamit rito. Sinumulan niyang alisin lahat ng gamit sa ilalim ng kama. Kahit puro alikabok at ubo na siya ng ubo ay inilabas pa rin niya ang lahat. Isang box na lang ngunit nasa dulo ito. Pinilit niya itong kunin. Isa itong box ng sapatos.
Binuksan niya ang box at bumungad sa kanya ang napakaraming sulat.
“Ano ‘to? Love letters? Pfft. Ang dami naman nito.” Tinignan niya ang address at pangalan na nasa mga sobre. “Oh! Sa magulang pala ni Yana ‘to.” Ibabalik na sana niya ang mga ito ngunit may nakapa siyang matigas sa pinaka-ilalim ng box. Kinuha niya ito. Nakalagay ito sa isang puting sobre na naninilaw na dahil sa pagkaluma.
Binuksan niya ang sobre at inilabas ang laman nito. Napa-ngisi siya sa nakita, “Nakita na rin kita sa wakas.” Agad niyang binulsa ang kwintas na nakuha niya. Ang kwintas na binigay ni Cupid kay Yana 12 years ago. Ang kwintas na magpapa-balik sa ala-alang nawala kay Cupid.
******************
“AYOKO!” Sigaw ni Yanna kay Trish at Gaby dahil kinukulit nanaman siya sa pagsali sa Music Org.
“Pero---” Pinigilan niya ang pagsasalita ni Gaby.
“Guys naman. Tama na, please. Ayoko na talagang sumali don. Stop na, okay?” sabi niya sa dalawa at pumasok na ng room nila.
Breaktime na at tahimik lang silang kumakain nang biglang magsalita si Trish. “OMG! Si Vincent kasama nanaman si Shaira.” Agad silang napatingin sa direksyon na tinitignan ni Trish.
Napapadalas nga ang pagsasama ng dalawa at may something fishy na ring nahahalata sila Yana. Sa di malamang dahilan ay hindi naman nakakaramdam ng sakit si Yana. Parang okay lang sa kanya na may magustuhang iba si Vincent. Parang kalian lang ay mahal pa niya si Vincent pero ngayon, parang bigla na lang naglaho yung pagmamahal na yun.
Lumapit sakanila ang dalawa nang makita sila.
“Hi guys! Pwedeng maki-share?” tanong ni Vincent sakanila ng naka-ngiti.
“Sure!” sagot ni Cupid.
Umupo si Vincent sa harap ni Yana at sa tabi niya ay si Shaira. Mabait naman ito kaya naging kaibigan na rin nila kahit paano.
“Alam mo Vincent, napansin namin na lagi kayong magkasama ni Shaira? Uuuuyy! May something thingy kayo noh?” Pangaasar ni Gaby na may nakakalokong ngiti.
Namula si Shaira. “Ano ba kayo! Lagi lang magkasama, may something na agad?” sabi niya ng nakayuko dahil sa hiya.
“Bagay naman kayo eh.” Sabi ni Yana. Natigalan silang lahat. Hindi nila akalain na si Yana pa ang magsasabi ng mga iyon. “What? Bakit ganyan kayo makatingin?”
Napa-ngiti si Cupid. “Wala lang! Haha.” Sabi nito na halatang sobrang saya. Paanong hindi siya sasaya? Wala na siyang karibal kay Yana kaya okay lang. Ay------may Marcus pa pala. Alam ni Cupid na may gusto na rin si Marcus kay Yana. Hindi na maitatanggi yon. Bukod sakanya ay lagi na ring naka-buntot ang kambal niya kay Yana. Halatang halata na.
“Oo bagay kayo! AHAHAHA!” Masayang masayang sabi ni Marcus kay Vincent at Shaira. Masaya siya dahil mababawasan ang karibal niya.
Pero mukhang si Vincent lang ang hindi natutuwa sa pangaasar nila dahil naka-simangot lang siya. Sumeryoso siya bigla, “Ano ba kayo guys? Tingin niyo madaling mag-move on? Magkita na lang tayo mamaya sa room Shaira. Mauna na ko.” Tumayo siya para umalis sa kanilang lamesa.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan kaya nagsalita na si Shaira. “Sorry guys. Sa totoo lang, hindi pa nakaka-move on si Vincent sayo Yana. Lagi ka pa rin niyang kinu-kwento sakin tapos bigla na lang siyang malulungkot.” Napayuko siya.
May gusto si Shaira kay Vincent. Hindi niya tinatanggi yon. Pero nirerespeto niya ang nararamdaman nito. Ayaw naman niyang maki-siksik sa puso nito.
*********************
Isang buwan nang namumuhay si Cupid at Marcus kasama si Yana sa maliit nitong apartment. Hindi inakala ng dalaga na matatagalan niya ang isang makulit na anghel at isang pasaway na doppelganger. At lalong hindi niya inakala na magbabago siya dahil sa mga ito. Alam niya sa sarili niyang nagbago na siya. Hindi na siya yung dating Yana na walang reaksyon ang mukha, although minsan hindi pa rin niya maiwasang mag-poker face. Bumabalik na rin ang pagiging madaldal niya, pero minsan natatahimik na lang siya. Nasanay na rin siguro siya sa pagiging taong yelo niya kaya hindi niya ito maiwasan.
Sabado ng tanghali at kakatapos lang nilang tatlo kumain ng tanghalian. Nanonood lang si Yana sa TV habang ang dalawang lalaki ay….
“ANO BA! PARA KAYONG MGA BATA! PAG NABASA YUNG TV NG WATER GUN NIYO, IPAPAKAIN KO SA INYO YAN!” Sigaw niya kay Cupid at Marcus na naglalaro ng water gun. Nagbabasaan sila sa loob ng apartment.
Kahit naiinis si Yana ay hindi niya maiwasang matawa sa itsura nila. Kung anong kina-ayos ng itsura ni Cupid, siya namang kina-gulo ng itsura ni marcus. Naka-boxer lang kasi ito at magulo pa ang buhok.
Parang mga bata. Haha. Naisip niya.
Maya-maya pa ay may nagdoorbell sa apartment niya. Natigil siya sa panonood ng TV at ganun din sa paglalaro ang dalawang lalaki. Nagkatinginan silang tatlo.
“May bisita ka ba ngayon Yana?” Tanong ni Cupid sakanya.
“Wala naman.”
“HALA! Don’t tell me yung dalawang tropa mo yun? Aish. Naka-hubad pa naman ako! Makapag-bihis na nga. Baka ma-rape pa ko ng mga yun.” Sabi ni Marcus at pumasok sa kwarto para magbihis.
Tumayo si Yana para buksan ang pinto at sumunod naman sa likod niya si Cupid.
Pagbukas niya….
“ATE YANAAAAA!!!! NA-MISS KITA SOBRAAA!!”
Niyakap si Yana ng lalaking bumungad sa kanya at nagulat naman si Cupid at Marcus (na naka-tshirt at maong shorts na) sa kanilang nakita.
Bumitaw ang lalaki sa pagkakayakap kay Yana…
“Tutoy?” Kinilala niya ng mabuti ang lalaki, “Ikaw nga! TUTOY! NA-MISS KITA!!” At nagyakapan ulit ang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top