Chapter 15
Chapter 15
“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Marcus kay Cupid. Naguusap sila sa labas ng Café na pinagta-trabahunan nila ni Yana.
“What do you mean?” Takang tanong ni Cupid.
“About Yana and Vincent. Sila ang Love Task mo diba? Sumuko na si Vincent at mukhang napapa-lapit na siya kay new girl. Sino nga yun? Cherrylyn ba yun?”
Sandaling natawa si Cupid. “Sira. Shairalyn yun.”
“Ah. Eh ano ngang balak mo?”
“I don’t know. Paano ko pipilitin na magtagumpay ang love task ko kung ayaw ng isa, at yung isa naman sumuko na at nakahanap na ng iba?” Cupid took a deep sighed.
“Bahala ka dyan. Basta ako maninira lang ng love task mo.” Pang-aasar ni Marcus at tumawa ng malakas. “Sige na. Aalis na ko.” Tinapik niya sa balikat si Cupid at nagsimula ng lumakad.
“Marcus.” Tawag sakanya ni Cupid. Lumingon siya dito at hinintay ang susunod na sasabihin, “Paano mo nalaman kung nasan ang first love ko? Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng clue kung sino siya? Kahit pangalan man lang?”
Marcus smirked. “Ayoko nga. Don’t you remember? I’m a destroyer. Kaya hindi kita tutulungan.” Tumalikod na ulit siya at umalis na.
You don’t need a clue idiot. She’s already with you…. Marcus thought.
*****************
Nakasimangot na umupo si Yana sa hapagkainan nila sa apartment.
“Bakit nakasimangot ka?” tanong sakanya ni Marcus na masayang masaya sa kinakaing Maling.
“Paanong hindi ako sisimangot? Puro Maling na yata ang laman ng tyan ko! Wala bang ibang ulam?”
Natawa ang kambal. “Kahit ito lang kainin namin sa buong buhay namin, okay lang.” sabi ni Cupid.
Napakamot na lang si Yana sa ulo dahil sa inis. “Letse!” Wala na siyang choice kaya kumain na lang siya.
*****************
Sa school…
Pinagtitinginan ng marami si Yana. Paanong hindi siya titignan? Eh nangingibabaw siya nung College Night last week. Ngayon na lang ulit napansin ang muling pagbabalik niya sa dating Yana. Kahit yelo pa rin siya ay nakikipagsalamuha naman na siya sa ibang tao at nakikita na rin ng iba na ngumingiti na siya kahit papaano. Kaso yung pananamit niya ay ganun pa rin; malaki at sobrang luwag pa rin ng blouse niya at yung palda naman ay mahaba compare kay Samantha na papa-lapit na sakanila.
“Hello guys! Na-miss ko kayo!” Bati ni Sam sa kanilang lima; si Yana, Trish, Gaby, Cupid at Marcus. Lagi na silang magkakasama pwera kay Marcus na mahilig talagang mag-missing in action.
“Tss. Huwag ka ngang pa-cute Samantha. Di bagay sayo.” Sabi ni Trish.
“Te ingat ka sa labas lalo na pag maaraw. Baka masunog ka.” Pang-aasar naman ni Gaby at ngumiti ng mapang-asar kay Sam.
“TSE!” at nag-walk out ang asar na asar na si Sam. Natawa na lang silang lima dahil sa inasal nito.
Habang naglalakad sila sa hallway papunta sa classroom nila ay naka-salubong nila si Vincent…. with Shaira.
“Good morning guys.” Bati sakanila ni Vincent.
“Hello!” Masiglang pagbati naman ni Shaira.
Tinignan ni Cupid kung anong reaksyon ni Yana pero wala siyang nakitang konting sakit sa mga mata nito. Siguro nga ay wala na itong nararamdaman para kay Vincent. He somehow felt happy…
“Kayo na?” Tanong ni Marcus kay Vincent. Sweet kasi sila ni Shaira at kung titignan ay parang may relasyon sila.
“Wala. Wala pa.” Vincent said. Dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ng kiligan sa kanila. Dalawang araw na siyang nanliligaw kay Shaira.
Niyakap ni Marcus si Yana, “Okay lang yan Yana. Makaka-move on ka din---ARAY!” Hinila siya ni Cupid sa pamamagitan ng pag-pingot sa tenga niya.
“Tumigil ka nga Marcus! Dumada-moves ka lang eh!”-Cupid
“Sus selos ka lang eh.” Sabi ni Marcus habang hinihimas yung tenga niya na namumula pa rin sa sakit. Inirapan na lang siya ni kambal.
*******************
“KYYAAAAAAAHHHHHH!!!!!” napa-sigaw si Yana dahil may nakita siyang lalaki na nakahiga sa kama niya na naka-kumot pero labas ang buhok. Naka-dapa kasi ito kaya di niya makilala kung sino.
Kararating lang ni Yana galing trabaho pero hindi niya kasabay si Cupid dahil nag-overtime ito. Hindi niya alam kung bakit lagi na lang itong nago-overtime. Nagiipon yata para makabili ng kung anu-ano.
“SINO KA?!” Kinuha ni Yana ang walis tambo na nasa gilid ng pinto ng kwarto niya. Binuksan niya ang ilaw at lumapit sa kama. Hinawakan niya ang kumot at marahas na tinanggal ito. Nang makilala niya kung sino ito ay agad na uminit ang mukha niya. Si Marcus….. at shirtless ito.
“Bakit ba ang ingay mo?” Tanong ni Marcus na ngayon ay naka-tagilid na. Nasa boses pa rin niya ang pagka-antok.
Syet. Ang hot ni Marcus… ARGH! ANO BANG PINAG-IISIP KO?! KALOKA!
She mentally slapped her face.
“Umalis ka na nga dyan! Matutulog na ko!” Pilit niyang hinihila si Marcus pero malakas talaga ito.
“Eeeeehh! Ayoko! Ang hirap kayang matulog sa sofa!” reklamo ng lalaki pero di pa rin tumitigil si Yana sa paghila sakanya.
Ting!
Biglang may pumasok sa isip ni Marcus para asarin ang dalaga. Dahil nga hinihila siya nito ay hinila niya rin si Yana ng mas malakas. Natumba ito at dumagan sa ibabaw niya.
“Hoy! A-ano ba! Bitiwan mo nga ko! MANYAK KA TALAGA!!!!” Nagpupumiglas si Yana pero lalo siyang niyakap ni Marcus.
Syet. Ang init ng katawan niya.. KYAAAHHH~~ Tumigil ka nga Yana! Umalis ka na sa pwesto mo! Aish~
“Huwag ka ngang malikot. Natutulog ako.” sabi ni Marcus na kunyari ay inaatok pa ang boses pero di niya mapigilan na mapa-ngiti.
“Pag di mo ko binitawan palalayasin kita----KYYAAAHH!” Inikot ni Marcus ang katawan niya patagilid habang yakap pa rin si Yana. Napatigil bigla si Yana at nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya akalain na kamukahang-kamukha talaga nito si Cupid. Ang gwapo talaga nito.
“Pfft… AHAHAHA!” Biglang tumawa ng malakas si Marcus at umupo sa kama. “Grabe Yana! Kung nakita mo lang mukha mo! AHAHAHA!” pang-aasar niya sa kulay kamatis na si Yana. Naka-isip nanaman siya ng pang-aasar kaya inilapit niya ang kanyang mukha kay Yana na naka-upo na rin, “Why Yana? Do you really want me that much?” he said with seductive voice and stare. Lalong namula si Yana. Hindi pa nakuntento si Marcus at hinaplos niya ang pisngi ni Yana pababa sa baba nito. He brushed his thumb to her lower lip. “Catch me of you can..” Dagdag niya.
Dahil sa inis ni Yana ay naisipan niyang patulan ang trip ni Marcus. Pinulupot niya ang mga braso sa leeg ni Marcus at bahagyang hinila ang lalaki palapit sakanya. “What about you Marcus? Don’t you want me?” she said with full of seduction and she even looked at he’s lips to make it more seductive.
Napalunok ng laway si Marcus at naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya.
Oh shit. Ang ganda ni Yana… He thought.
Na-carried away siya kaya unti-unti siyang lumapit sa mukha ni Yana para halikan ito pero sinapok agad siya ni Yana sa noo.
“Pfft..AHAHAHAHA! YAN KASE! ANG MANYAK MO KASI! TSE!” Tumayo si Yana at lumabas agad ng kwarto.
Naiwan namang tulala si Marcus.
“ARGH! NAISAHAN NIYA KO DUN AH! ARGH!” ginulo niya ang sariling buhok dahil sa inis. Na-badtrip siya dahil mas napag-tripan pa siya nito kahit siya ang nag-umpisa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top