Chapter 13
Chapter 13
12 years ago….
Malapit na maghiwalay ang magasawang si Yngrid at Roderick. Ang dahilan ay walang trabaho ang lalaki. Nangangailngan sila ng malaking pera para sa pagpapagamot sa panganay nilang anak na nasa hospital dahil sa sakit nito.
Araw araw na lang silang nagaaway at nagiging malamig na sila sa isa’t isa. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na natiis ni Yngrid ang sitwasyon nila kaya nagpasya siyang makipag-hiwalay sa asawa.
“Sa probinsya muna kami ng mga anak mo. Mas matutulungan ako ng mga kamag-anak ko para mapagamot si Yana…” sabi ni Yngrid habang buhat ang bunsong anak na si Yani at hawak naman ang 6 years old na si Yana na umiiyak. Ramdam ng bata na hindi maganda ang nagyayari sa mga magulang niya at ayaw niyang lumayo sa papa niya.
Naki-usap si Roderick na huwag silang umalis pero buo na ang desisyon ni Yngrid kaya lumabas na sila ng bahay. Umupo si Roderick sa sofa habang siya ay naluluha. Hindi niya kaya… mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Nagsisisi siya dahil hindi man lang siya naging responsable at mabuting tatay at asawa.
“Edi gumawa ka ng paraan. Maghanap ka ng trabaho para patunayan sa sarili at asawa mo na karapat-dapat kang tatay at asawa.”
Napalingon si Roderick sa lalaking naka-upo sa gilid niya. Naka-all white ang lalaki na dark brown ang kulay ng buhok.
“Sino ka? Paano ka nakapasok dito?” malumanay na tanong niya dito.
“I’m Cupid. The one and only.” Sagot ng misteryosong lalaki at nginitian siya nito.
******
Nang napaniwala ni Cupid si Roderick na siya ang Angel of Love ay pumayag na ito na tulungan siya. Tinulungan niyang maghanap ng matinong trabaho si Roderick at paglipas lang ng dalawang buwan ay nagkaroon na ito ng sapat na pera para puntahan ang pamilya niya sa probinsya.
Naka-usap niya si Yngrid pero hindi ito agad pumayag na magkabalikan sila.
“Patunayan mo muna na kaya mo kaming buhayin.” Matigas na sabi ni Yngrid. Sa totoo lang ay mahal na mahal niya si Roderick pero hindi naman sila bubuhayin ng pagmamahal nila sa isa’t isa. Sinusubukan niya lang ang asawa at alam niyang magagawa nito ang dapat.
At napatunayan nga ni Roderick ang dapat niyang patunayan. Nagbalik sila sa Manila at naging maayos ulit ang pamilya niya. Nagpasalamat siya sa tumulong sakanya, si Cupid.
“Walang anuman Roderick. Tumulong lang ako pero ikaw pa rin ang gumawa ng lahat. Salamat din dahil nagtagumpay ang Love Task ko.” Matapos nilang mag-usap ay nagpaalam na siya.
“Kuya…” Lumingon si Cupid sa batang babae na tumawag sakanya. “Aalis ka na po?” inosenteng tanong nito sakanya.
Nagulat siya. Paanong nakikita siya nito? Si Roderick lang ang dapat makakita sakanya.
Kilala niya ito, ang panganay na anak ni Roderick. Si Yana. “Sino? A-ako?” itinuro niya ang sarili para makasiguro na siya talaga ang tinatawag ng bata
“Eh sino pa ba? Ikaw lang naman po ang nandyan eh.” Sagot ng bata. Lumingon sa paligid si Cupid, at oo nga. Siya lang ang nandoon. Hapon kasi kaya kaunti lang ang tao.
Nagtataka siyang tumingin sa bata.Nginitian siya ng inosenteng mukha nito na nagpalambot sa kanyang puso. Napangiti rin siya at lumapit sa bata. Umupo siya na hindi sumasayad ang pwet sa lupa para maging ka-level niya ito.
“Oo, aalis na ako. Bakit?” nakangiti niyang tanong sa bata.
“Salamat po. Nakikita ko po kayong tinutulungan si papa para mapalapit kay mama. Thank you po.” Nagulat si Cupid nang yakapin siya nito. Isang napaka-warm na yakap. Niyakap niya rin ito at pagkalas ay nakangiti nanaman sakanya ang bata. Napaka-ganda ng mga ngiti nito at parang ang mga ngiting iyon ang naging prize niya sa lahat ng matagumpay niyang Love Task.
“Walang anuman.” Ginulo niya ang buhok ng bata. Hindi niya alam ang nangyayari sakanya sa mga oras na yon. Parang kakawala na ang puso niya dahil sa lakas ng tibok nito habang nakatingin sa bata.
“Sa inyo na lang po ito.”inabot sakanya ng bata ang isang piraso ng candy.
“Salamat.” Lalong lumaki ang ngiti niya.
“Sana po magkita tayo ulit. Kayo po ang pakakasalan ko pag malaki na ako.” sabi ng bata.
Nahaluan ng lungkot ang nararamdaman ni Cupid dahil alam niyang hindi mangyayari yon.
“Sige ba. Hihintayin kita.” Nginitian niya ulit ang bata. Inalis niya ang suot na kwintas. Hindi ito totoong dyamante pero ganun ang itsura. Ibinigay ito sakanya ng kauna-unahan niyang Love Task kaya mahalaga ito sakanya.
“Sayo na lang ito kapalit ng candy na binigay mo.” Sabi niya habang isinusuot sa bata ang kwintas. “Mahalaga sakin ‘to kaya ingatan mo ha?”
Tumango tango ang bata. “Iingatan ko po ‘to.. Salamat po ulit..” at niyakap siya nito sa huling pagkakataon.
Nang tumalikod siya para umalis ay doon niya na-realize na sa unang pagkakataon… he fell in love…
******
Lumapit si Cupid, Marcus at Vincent sa babaeng ito. Nakatingin lang ito sakanila na hindi man lang naka-ngiti.
“Papa Marcus!!!!!” sigaw ng dalawa pang babae at yumakap kay Marcus.
“Huhulaan ko kung sino kayo. Trish at Gaby?” tanong ni Marcus sa dalawang naka-yakap sakanya.
“Waaaah~ Paano mo nalaman?” tanong ni Trish.
Natawa na lang silang lahat.
“Hi Yana. Ang ganda mo ngayon.” Bati ni Vincent kay Yana.
“Salamat.” Sagot nito na nahihiya. Tumingin siya sa tahimik na si Cupid na naka-tingin pa rin sakanya.
“Hoy tukmol! Kanina ka pa nakatitig sakin ah. Baka matunaw ako.” pangaasar ni Yana kay Cupid.
Napa-ubo na lang si Cupid sa awkwardness na naramdaman niya. “S-sorry. Ang ganda mo kasi ngayon eh, kahit naka-maskara ka pa.”
Naramdaman ni Yana ang paginit ng mukha niya. Sobrang nafa-flatter siya sa mga bumabati sakanya.
“Sus. Ganun pa rin naman eh.” Pangaasar ni Marcus. Tinignan siya ni Yana na nanglilisik ang mga mata.
“Ang epal mo talaga.”
“May I dance you Yana?” tanong ni Vincent.
Namula nanaman siya. Dance? With Vincent? Shocks. Kinikilig tuloy siya.
“S-sure.” Sagot ni Yana at sumama kay Vincent sa dance floor at nagsimula silang sumayaw.
Nakatingin lang si Cupid sa kanilang dalawa.
Oo na. Aamin na ako. Nagseselos ako… Argh! No Cupid. Bawal. Naisip niya. Nagseselos siya lalo na’t nakikita niya ang gold light sa mga puso nila Vincent at Yana.
“Aaww. Kawawa ka naman brother. AHAHAHAH.” Pangaasar ni Marcus. Tinignan niya ito ng masama. “Joke lang. Let’s go girls, kanina ko pa kayo hinihintay.” Umalis siya kasama si Trish at Gaby na kinikilig.
“Cupid!” lumingon siya sa kasamahan niya sa Music Org, “Ikaw na yung kakanta. Pumunta ka na sa backstage.”
“Okay.” At dumiretso na siya sa backstage at naghanda na para sa kanyang performance.
Pumunta siya sa stage at hinanap ang taong gusto niyang makita. Nagsasayaw pa rin si Yana at Vincent at mukhang masaya ang dalawa.
Nagsimulang tumugtog ang mga intrumento para sa kanta niya..
“Good evening everyone. Please enjoy this magical night with this song.” Bati ni Cupid sa lahat at kinilig naman ang mga kababaihan. Napatingin din si Yana sa nagsalita at pakiramdam niya ay nakakita talaga siya ng isang anghel sa stage.
~What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time
Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you~~
Natigil sa pagsasayaw si Vincent at Yana. Nakatitig lang ang huli sa lalaking kumakanta sa harap na naka-tingin lang din sakanya. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga tingin ni Cupid.
*dug dug*
~~All of the things that I want to say
Just aren't coming out right
I'm tripping on words, you got my head spinning
I don't know where to go from here
Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you~~
Nakaramdam si Yana ng kakaiba habang nakatingin kay Cupid, ganun din sakanya.
Pakiramdam ni Yana ay direktang sinasabi sakanya ni Cupid ang kinakanta nito. Hindi maalis ang titigan nilang dalawa. Walang bumibitaw, gustuhin man ni Yana na tumingin sa iba ay hindi niya magawa, pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga tingin ni Cupid. Parang silang dalawa na lang ang natitira sa lugar na iyon.
Tinitignan lang sila ni Vincent. Nasasaktan siya. Hindi pa siya natitignan ng ganun ni Yana. “Yana…” kanina pa niya tinatawag ang babae pero busy ito sa pakikipagtitigan kay Cupid. Nalungkot siya. Napangiti siya ng mapakla at napa-iling bago umalis sa kinatatayuan niya. Hindi niya kayang makitang nakatingin sa iba ang babaeng mahal niya…
~~Something about you now
I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right
Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of
You and me and all of the people
With nothing to do and nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you~~
Parang napasailalim si Yana sa isang spell at hindi niya talaga magawang hindi tumingin kay Cupid.
Ikinagulat naman ni Cupid ang nakita niya kay Yana. Nag-gold light ang puso nito… habang nakatingin sakanya.
~~What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive~~
Nang matapos ang kanta ay bumaba agad si Cupid sa stage para hanapin si Yana. Hindi siya maaaring magkamali, nakaramdam ng pagmamahal sakanya si Yana. Pero pagdating niya sa kinatatayuan ng babae kanina ay wala na ito. Lumingon-lingon siya pero wala siyang nakita.
Nag-announce ang MC ng Masquerade ng random singer kung saan kakanta ang sinomang matapatan ng ilaw. Nagaabang ang lahat kung sino ang mapipili hanggang tumigil ang spot light sa isang babae na naka-upo sa sulok ng park. Si Yana…
Nagulat ito at aalis na sana ngunit nahawakan na siya ng mga naka-paligid sakanya kaya wala siyang nagawa nang isama siya ng mga ito sa stage.
Ayaw niya sanang kumanta pero may kung ano siyang naramdaman. Gusto niya ulit mag-perform.. gusto niya ulit kumanta sa harap ng maraming tao tulad ng ginagawa niya noon...
Nagkaroon ng lyrics sa projector ng isang pamilyar na kanta kay Yana… Nagsimula na ring tumugtog ang banda sa likuran niya. Huminga siya ng malalim at sinimulan nang kumanta. Maraming napalingon at nabighani sa tila mala-anghel na boses na kumakanta sa stage….
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top