Chapter 12

Chapter 12

Pagalis ni Yana at Vincent ay lumabas na ang kambal sa kwarto. Dumiretso agad si Cupid sa bintana para tanawin ang dalawa na paalis. Magiging okay lang kaya sila? Naisip niya.

Hindi siya mapakali. May tumutulak sakanya na sundan sila.

Si Marcus naman ay nanatiling nakatayo at tinitignan lang si Cupid na pabalik-balik lang sa paglalakad.

“Sundan mo na kasi. Para kang g*go dyan eh.” Kumento ni Marcus.

Tinignan siya ni Cupid. “Should I?” hindi napansin ni Cupid ang pangangasar sa tono ni Marcus.

Marcus rolled his eyes. “Tara na nga.”

Nagulat si Cupid. Si Marcus magyayaya na sundan si Yana? Ang weird.

******

Sa McDo kumain si Yana at Vincent. Alam niyang mas gusto ni Yana sa mga mas simpleng kainan. Kung tutuusin ay kaya niya itong i-date sa mga mamahaling restaurant, pero si Yana na ang nagsabi na sa McDo na lang sila.

Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Vincent na sulyapan ang magandang babae sa harap niya. Ngayon na lang niya ulit ito natignan ng malapitan.

Nagbago na talaga siya. Dati ang daldal-daldal niya pero ngayon…..hayyss.  Naisip ni Vincent.

“Baka matunaw na ko Vincent.” Sabi ni Yana na patuloy pa rin sa pagkain.

“Hehe. Sorry. Di ko matiis. Ang ganda mo kasi ngayon Yana. Sinong nag-ayos sayo?”

Nasamid naman ang dalaga at naramdaman niya rin ang pamumula ng mukha niya. Hindi niya pwedeng sabihin na si Cupid ang nag-ayos sakanya. Duh!

“Uhm..ano.. Nasa bahay kanina si Trish at Gaby pero umuwi agad sila kaya di mo sila naabutan.” Palusot niya.

“Ah.” Nasabi na lang ni Vincent. Tumingin siya sa paligid at hindi niya alam kung si Cupid ba yung nahagip ng paningin niya. “Si Cupid ba yun?” lumingon si Yana sa tinitignan niya pero wala siyang nakita.

“Wala naman ah. Baka namamalik-mata ka lang.”

Nagkibit-balikat na lang si Vincent. Pero alam niyang si Cupid ang nakita niya. Weird.

Pagtapos nilang kumain ay dinala ni Vincent si Yana sa Tom’s World. Lagi silang nakatambay dito dati. Pareho silang mahilig sa mga arcade at kung  anu-ano pang laro dito.

Samantala….

Naglalaro si Yana at Vincent sa arcade at ang kambal naman ay nasa Toy Catcher(yung may kinukuhang stuff toy).

“Ano ka ba Marcus! Baka makita nila tayo dito!” sabi ni Cupid.

“Teka lang. Makukuha ko na ‘to! Ayan.. Eto na.. YEEESSSS! YOHOOO!” tuwang tuwa si Marcus sa nakuha niyang Pikachu na stuff toy. Dahil sa pagsigaw niya ay nakakuha siya ng maraming atensyon.

“Marcus! Ang ingay mo!” suway naman ni Cupid. Kinuha ni Marcus ang stuff toy at ipinakita sakanya, “Tada! Matutuwa si Yana pag binigay ko sakanya ‘to---” natigilan siya sa sasabihin niya at tinignan siya ni Cupid ng may pagtataka, “*ehem* I-I mean.. ano.. May pangbato nako sakanya. Hehe.” Nagpalusot siya at tumawa ng sobrang awkward. Tumaas ang kilay ni Cupid, “Pansin ko lang.. Kanina ka pa concern kay Yana.” Pangaasar ni Cupid at ngumiti ito ng maka-hulugan.

“H-ha? Di noh! Di mo ko katulad!” nagwalk out si Marcus.

Sinusundan pa rin nila si Yana at Vincent. Nakita nilang ngumingiti na si Yana at hindi nila maiwasang mainis. Hindi nila napansin na pareho na silang nagseselos….

“Kainis.” Sabay na sabi nila. Nagkatinginan sila pero agad-agad ring nagiwasan.

Maya-maya lang ay may babaeng lumapit sa direksyon nila Yana at Vincent.

*******

“Vincent?” napalingon si Yana at Vincent sa tumawag sakanya. Kasalukuyan silang nagwiwindow-shopping.

“Oh? Shaira? Kamusta ka na?” binati niya ang babaeng si Shaira.

“Okay naman. Sino siya?” tinuro nito si Yana na nasa tabi ni Vincent.

“Ah. Si Yana. Yana siya pala si Shairalyn Gapasin. High school friend and classmate. And.. uhm.. ex-girlfriend.”

Nag-shake hands ang dalawang babae.

“Nice meeting you.” Bati ni Yana at nginitian si Shaira. “Nice meeting you too.” Bati naman nito at pagtapos ay bumaling kay Vincent.

“Kamusta ka na?”

“Okay naman. Eto, college na.” Natutuwa si Vincent na nakita niya si Shaira.

May gusto siya dito noong high school sila. Niligawan niya rin ito at sinagot din naman siya. Pero 4 months lang silang nagtagal. Pero kahit sandali lang sila ay nanatili silang magkaibigan. Nawalan na sila ng komunikasyon nang mag-college sila. Naging busy kasi kaya nawalan sila ng balita sa isa’t isa.

Maganda si Shaira. Maputi ito at mas matangkad ng konti kay Yana na 5’2 lang ang height.

“Kamusta college?” tanong ni Vincent.

“Okay naman. Actually magta-transfer na ko.”

“Talaga? Saan?”

“Secret. Haha. Oh sige na. I got to go. May pupuntahan pa kasi ako eh. Bye. Bye Yana.” Nagpaalam ito at umalis na.

Naiwan namang nakangiti si Vincent. “Siya ba yung kinuwento mo dati na ex-girlfriend mo?” tanong ni Yana.

“Yup. Tara na. Iuuwi na kita.” Sagot ni Vincent at ngnitian niya ito.

******

“Ex yun ni Vincent?” tanong ni Marcus kay Cupid. Naka-upo sila sa bench na nasa labas lang ng mall. Naisipan muna nilang tumambay dahil iuuwi naman na ni Vincent si Yana.

“Yep. Nabasa ko kanina sa isip ni Vincent.”

“Gusto ko rin ng ganyang powers eh.” At nag-pout si Marcus.

“Para kang bata. Eh enjoy na enjoy ka naman dyan sa powers mo. Tara na nga. Umuwi na rin tayo.” At tumayo na si Cupid.

Paguwi nila ay nasa bahay na si Yana.

“Oh? Saan kayo galing?” tanong niya sa kambal.

“Sa planetang Chupul. Oh,” binato ni Marcus ang stuff toy na pikachu kay Yana na nasalo naman nito.

“Ang cute naman nito. San mo nakuha?”

“Sa planetuang Chupul nga. Ang kulit!”

Napa-iling na lang si Cupi. “May pinuntahan lang kami.” Si Cupid na lang ang sumagot dahil walang kwentang kausap ang doppelganger niya. Tumango-tango na lang si Yana.

“Hindi niyo ba tatanungin kung anong nangyari sa date namin ni Vincent?”

Oops. Bakit kailangan pa nilang itanong kung nasaksihan naman nila ang lahat? Pero para di sila mahalata ay nagtanong na rin si Cupid habang si Marcus ay walang paki-alam at natulog na lang sa sofa.

*******

Pagtapos magsimba ng linggo na iyon ay dumiretso ang kambal at si Yana sa isang dress shop.

“Anong gagawin natin dito?” Yana asked. Nililibot niya ng tingin ang buong paligid. Ang daming dress, wedding dress, cocktail dress at marami pang iba. Meron din ditong mga pang-lalaki.

“Don’t you remember Yana babe? Masquerade Ball na bukas. Kailangan nating bumili ng damit.” Sabi ni Marcus at inakbayan pa si Yana na tinanggal naman agad ng huli.

“Babe your face! Lumayo ka nga!” inirapan muna niya si Marcus bago tumingin kay Cupid, “Hindi naman ako pupunta eh. Kayo na lang bumili kung pupunta kayo. Aalis na ko.” Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya ng kambal. Pareho silang naka-hawak sa magkabilang braso ni Yana.

“Pupunta ka Yana. Sa ayaw mo o hindi.” Seryosong sabi ni Cupid.

“Saka sino na lang ang makaka-date ko kung wala ka?” singit naman si Marcus.

“ AYOKO NGA SABI EH! BITAWAN NIYO NGA AKO! BWISIT!” nag-walk out si Yana sa lugar na iyon agad-agad.

“What are we gonna do now brother?” tanong ni Marcus.

“Tsk. Kailangan kong pumunta bukas. May performance kami eh.”

“Kailangan ko rin pumunta?”

“Ha? Bakit pa? Di ka naman kailangan dun eh.”

“Ouch. Ang hard mo naman. Kapag hindi ako pumunta, maraming girls ang malulungkot.” Tumawa pa ng mapang-asar si Marcus.

Kahit wala si Yana ay bumili pa rin sila ng susuotin nila para bukas.

*******

Pag-uwi ni Yana sa apartment niya ay nagulat siya ng makita si Trish at Gaby sa harap ng pintuan niya.

“Anong ginagawa niyo dito?”

”YANA! Saan ka ba galing? Kanina pa kami naghihintay dito!”-Trish

“Sino bang may sabing maghintay kayo?” she asked them with straight face and cold tone.

“Tsk. Bakit ang cold nanaman ng aura mo? May problema ba?”-Gaby

Pumasok sila sa loob.“Wala naman. Bakit ba kayo nandito?”

“Para dalhin to!” itinaas ng dalawa ang mga dala nilang paper bags.

“Ano yan?”

“Duh! Masquerade na bukas noh! At alam naming wala kang damit kaya kami na lang ang nag-rent para sayo.” Sabi ni Trish at inilabas ang isang dress. White dress ito na may black flowers na design. Above the knee ang haba.

Inilabas din nila ang magarang black shoes na may heels. Kasama dito ang black mask na may design na silver at headband na black.

“At ito ang pinakamagara sa lahat! Ingatan mo ‘to dahil sa nanay ko ‘to.” Pinakita ni Gaby yung kwintas na flower ang pendant na kulay itim at may silver design rin.

“Ibalik niyo na ang mga yan. Hindi ako pupunta bukas.” Yana said.

“WHAT? HINDI PWEDE!” sabay na sigaw ng dalawa.

“Pupunta si Samantha! Hindi ka pwedeng magpatalo! Siguradong aagawin niya si Cupid sayo!”

“Pati si Marcus….at Vincent.” Napatingin si Yana sa sinabi ni Trish.

Bigla parang may bumulong sa isipin niya na kailangan nga niyang pumunta. Pero ano naman kung aagawin ni Sam si Vincent?

I don’t care. Hindi nga ba? Naisip ni Yana. She mentally slapped her face. Argh! Pupunta ba ko o pupunta ako? Wait—what? Pareho lang yun ah! Aish.

Naguguluhan lalo siya.

“Pero kung ayaw mo, edi wag.” Malungkot na sabi ni Gaby, “Tara na Trish.”

“Iiwan na lang namin ang mga ‘to. Baka magbago pa ang isip mo. Sana talaga pumunta ka Yana.” Sabi naman ni Trish.

Naawa naman siya sa mga itsura ng bestfriends niya. Huminga siya ng malalim bago magsalita. “Okay fine. Pupunta na ko. Wag na kayong malungkot.”

Nagliwanag ang mga mukha ng dalawa dahil sa naging desisyon niya.

“YEHEY!” di nila napigilan ang saya at napayakap na lang sila kay Yana.

Hinintay nilang makauwi ang kambal. Pagka-uwi ng mga ito ay ipinaalam nila na sa bahay ni Trish matutulog si Yana. Hindi nila sinabi na pupunta si Yana sa Masquerade. Pero dahil mind reader si Cupid ay alam na niya pero hinayaan na lang niya ang mga ito na mag-sikreto. Gusto kasi ng tatlong babae na sabay sabay silang magayos at magpunta sa venue para bukas kaya magi-sleep over sila sa bahay ni Trish.

*******

Sa Park lang ng university gaganapin ang Masquerade Ball. Malaki naman ito at mas maganda dahil mas romantic. Maliwanag ang buong lugar kahit 6 PM na ng gabi. Napaka-magical ng lahat dahil sa mga ilaw at isama pa ang mga slow songs na pinapa-tugtog.

7 PM ang umpisa ng program. Marami na ang nasa park na suot ang magagara nilang damit. At dahil masquerade ito ay walang nakakakilala sa isat isa. Lahat ay naka-suot ng maskara.

Palingon-lingon si Cupid sa paligid para hanapin si Yana. Ano kayang suot ni Yana? Aish. Pano ko siya makikila nito? Tsk. Naisip niya. Kahit naka-maskara siya ay makikita sa suot niya ang pagiging magandang lalaki niya. Naka-dark blue suit siya at white longsleeve sa loob, pula naman ang pants niya at naka-neck tie rin siya na stripes. Nakataas rin ang buhok niya.

“Hinihintay mo si Yana noh? Haha.” Sumulpot sa gilid niya si Marcus. Naka-maskara rin ito pero ang lakas pa rin ng dating. Naka-black suit naman siya na white ang nasa loob na may weird ribbon sa leeg. Ang pants naman niya ay gray na checkered.

“Syempre. Ikaw rin naman eh.”

“Yeah yeah. Sana talaga pumunta siya.”

“Excuse me? Pwede magpa-picture sa inyong dalawa?” lumapit sakanilang dalawa ang grupo ng mga babae. Kanina pa may nagpapa-picture sa kanila simula ng makapunta sila dito. Mabilis silang nakilala dahil na rin siguro sila ang unang hinanap ng mga kababaihan.

Pumayag silang magpa-picture at nang mawala na ang fans nila ay lumapit sa kanila si Vincent.

“Hi guys.” Bati niya sa kambal.

“Guys ka dyan. Di tayo close noh.” Sabi ni Marcus. Siniko naman siya ni Cupid.

“Musta date niyo ni Yana pre?” tanong ni Cupid kay Vincent.

“Okay naman. Nag-enjoy kami.” Sabi nito at ngumiti ng malapad.

“Lapad ng ngiti mo ah. Last day mo?” pangaasar naman ni Marcus. Pasikretong natawa naman si Cupid.

“Haha. Hindi, masaya lang. Pupunta kaya si Yana?”

“Hindi rin namin alam eh.” Sagot ni Cupid.

“Hi boys.” Lumingon sila sa pamilyar na boses ng babae. Si Samantha. Naka-red dress ito na super backless at may mahabang slit sa gilid, pati maskara ay kulay red. Ka-akit akit naman talaga ang itsura nito pero sadyang hindi siya type ng tatlong lalaki kaya walang epekto. “Are you waiting for me?” malanding tanong nito.

“No.” sabay sabay na sagot ng tatlo. Sumimangot naman agad ang mukha niya.

“Grabe naman kayo. Hmp. Dyan na nga kayo. Kainis!” at nagwalk out na lang siya.

Natawa naman ang tatlong lalaki sa nangyari.

“Poor girl.” Sabi ni Marcus.

Habang nagku-kwentuhan sila ay biglang napako ang atensyon ng lahat sa entrance ng park kaya pati sila ay napatingin dito..

Sa entrance ay may tatlong babae na nangingibabaw ang presensya. Kahit naka-maskara ang mga ito ay maraming napalingon sa kanila lalo na ng mga kalalakihan.

Pero iisa lang ang naka-tawag pansin kay Cupid, Marcus at Vincent. Yung babae sa gitna na naka-suot ng white dress na above the knee.  Bumagay ang suot nito sa maputi at makinis na balat nito. Nakakulot ang itim at mahabng buhok at nakatingin ito sakanilang tatlo. Alam agad nila kung sino ang babaeng ito… si Yana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #humor