Chapter 11
Chapter 11
“Collge week na pala next week. May damit na kayo for masquerade?” tanong ni Trish. Nasa canteen sila at kumakain ng lunch.
“Meron na ko. Hihi. Siguradong mabibighani sakin si Marcus pag suot ko yun.” Kinikilig na sabi ni Gaby.
“Echosera. Nagmamaganda ka nanaman. Eh teka… nasan na nga ba si papa Marcus? Hindi ba siya papasok?” tanong ni Trish na naka-tingin sa tahimik na si Yana. Hindi kasi ito pumasok. Nagkibit-balikat lang si Yana.
“Hindi siya umuwi kagabi.” Sabi ni Cupid.
“Parang alam ko na kung bakit wala siya…” sabi ni Gaby na nakatingin sa hindi kalayuan. Sinundan nila ang tinitignan niya. At ayun nga… si Marcus at Samantha ay magkasama. And as usual, naka-sabit nanaman ang babae kay Marcus. Pinagtitinginan sila ng lahat sa canteen.
“Punyetang linta.” Halos umusok na ang ilong ni Trish dahil sa galit.
“Made in Kalandian talaga yang si Sam.” Kulang na lang ay mabasag ang plato ni Gaby dahil sa lakas ng pagbagsak ng kutsara dito.
Habang galit ang dalawa ay wala namang paki-alam si Yana at Cupid, kumain lang sila.
Lalo silang nainis ng lumapit sa lugar nila si Marcus at Sam. “Hello everyone.” Bati ni Marcus at umupo siya sa bakanteng upuan, ganun din si Sam na hindi maalis-alis ang kamay sa braso ni Marcus. “Oh? Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Panira naman kayo ng araw oh. Right, babe?” bumaling ito kay Sam at hinalikan sa labi. Nagulat naman sila Yana.
“Anong meron? Bakit may tukaan na nangyayari dito?” tanong ni Trish.
“Don’t tell me tinuhog mo na rin si Marcus?” tanong naman ni Gaby kay Sam. Pero nginitian lang siya nito. “Huwag mo akong ni-ngingitian at baka tahiin ko yang bibig mo.” Pero ngumiti lang ulit sakanya si Sam. “MAGSALITA KA!”
May hindi magandang napapansin si Cupid. Hindi nagsasalita si Sam. Parang hindi siya. Ang tunay na Sam ay magyayabang na boyfriend niya ang isang lalaki. Lalo na at si Marcus pa ito.
“You can talk babe.” Sabi ni Marcus kay Sam na nakatingin sa mga mata nito.
“Compulsion.” Bulong ni Yana kay Cupid at tumango naman siya.
“Boyfriend ko na si Marcus. Inggit kayo? Ang papanget niyo kasi kaya di niya kayo pinapatulan. And guess what? Magkatabi kaming natulog kagabi.” Sam said and looked at Marcus with a seductive smile.
“Break na tayo.” Sabi ni Marcus at tumayo na.
“What? What do you mean? Kagabi lang naging tayo ah?” tumayo rin si Sam at maiiyak na.
Marcus smirked. “Pasalamat ka nga pinatulan pa kita eh.” Lumapit siya kay Yana at hinawakan sa kamay. “Let’s go Yana.”
“Ha? Saan mo ko dadalhin?” nagatatakang tanong ni Yana.
“Diba may date ka kay Vincent sa sabado? Mamimili tayo ng damit mo.”
“Bitiwan mo siya. Kami na ang bahala don.” Singit ni Cupid.
“Ang dami mong arte. Edi sumama ka na rin. Tara.” At hinila na niya si Yana.
“Bye Yana! Ingatan mo si Papa Marcus ah!” kumaway ng hyper si Trish at Gaby bago sila tumingin kay Sam na hindi pa rin makapainiwala sa nangyari. Yun na yon? Break na sila agad? Di niya matanggap!
“AHAHAHAHAHA! KAWAWA KA NAMAN! AHAHAHAHA!” tinawanan siya ng malakas ng dalawa at sa sobrang inis ay nag-walk out na lang siya.
******
“Mas bagay tong red dress kay Yana. Mas attractive siya pag medyo revealing ang suot niya.” Tinapat ni Marcus ang red dress na sobrang igsi at backless pa sa katawan ni Yana.
“No. Hindi dapat ganyan manamit ang babae. Mas bagay sakanya ‘tong pink dress.” Tinapat naman ni Cupid ang isang pink dress na above the knee lang na may manggas kay Yana.
“Paano gaganahan si Vincent sakanya kung sobrang boring niyang tignan?
“Wag mo ngang gamitin yang pagiging bastos mo kay Yana!”
“Grabe ka naman! Eh mas maganda naman talaga ‘to-----”
“TUMIGIL NGA KAYO! WALA AKONG SUSUOTIN SA MGA PINILI NIYO!” sigaw ni Yana dahil kanina pa siya naiimbyerna sa kambal. “Alam kong mas gusto ni Vincent na simple lang ang suot ko. Kaya magpapants at simpleng blouse lang ako. Okay? Ka-imbyerna!” at umalis na siya para pumuli ng blouse dahil may pants naman siya sa bahay.
Uuwi na sana sila pero naisip ni Yana na wala na palang silang stack ng pagkain sa bahay. Pano ba naman kasi, ang takaw takaw ng dalawa niyang kasama!
Nasa grocery na sila. Nasa gitna si Yana ng kambal at si Cupid naman ang nagtutulak ng cart. Ayaw niya talagang magtabi ang dalawa kasi siguradong magaaway nanaman sila.
“Yana bili ka ng Maling.” Sabay na sabi ng kambal. Ang hilig nila sa Maling.
“Wow ah. Edi bumili kayo. May mga pera naman kayo eh. Teka,” bumaling siya kay Marcus, “san ka pala kumukuha ng pera? Wala ka namang trabaho ah.”
“Compulsion. Hehe.” ^_^V at nag-peace sign pa si Marcus.
“Madaya talaga kayo. Kahit sa school ang tali-talino niyo.” Sabi ni Yana.
“Matagal na akong nagbabantay sa mundo mo Yana kaya alam ko lahat. At dahiil nga kadugtong ng buhay ko si Marcus, alam niya rin.” Paliwanag n8i Cupid.
“Edi sayo niya rin nakuha yung pagiging manyak niya?”
“AHAHAHAHA! OO! TAMA KA!” tawang tawa si Marcus sa sinabi ni Yana at namula naman si Cupid.
“Tumigil ka nga.” Cupid glared at him pero patuloy pa rin ito sa pagtawa.
Nang mapadaan na sila sa can foods section ay agad na kumaripas ng takbo ang kambal sa mga Maling. Halos mapuno na yung cart dahil sa binili nila.
“Balak niyo bang kumain ng Maling sa loob ng 100 days?” tanong ni Yana with straight face.
“Pwede rin.” Sabay na sagot ng dalawa na may mga ngiti sa labi. Natuwa naman si Yana kaya di niya naiwasan na ngumiti. Ang cute tignan ng dalawa. Para talaga silang kambal. Kahit papano pala eh may pinagkaka-sunduan silang dalawa.
“Ang cute niyo. Sana lagi na lang kayong ganyan.”
Bigla naman silang sumimangot. Ayaw nilang tanggapin sa isa’t isa na may pagkakapareho sila.
At nagpatuloy na lang sila sa pamimili…
Friday na…
Hindi makakasama si Cupid sa pagpasok ni Yana sa trabaho dahil may practice siya sa Music Org. College week na kasi next week kaya siguradong kakailanganin sila para sa mga events. Hindi na rin ito papasok sa trabaho.
Habang naglalakad para ihatid si Yana sa sakayan ni Cupid ay may naalala siya, “Yana, bakit ayaw mong sumalit sa Music Org ulit?”
She shrugged. “Ewan. Hindi na ako mahilig.” Gusto ko. Pero natatakot lang akong balikan yung mga memories namin ni Vincent.
Napa-iling na lang si Cupid. Magkaibigan naman na sila ni Vincent pero hindi pa rin natataggal yung sakit. Naisip niya tuloy kung anong mangyayari sa date nila bukas.
Paguwi ni Yana ay hindi niya nadatnan si Marcus. Malamang nangba-babae nanaman yon. Wala namang bago dun eh. Wala din si Cupid. Sobrang gagabihin daw ito dahil nagkayayaan pa ang Org na kumain.
Pagkabihis niya ay lumabas na siya ng kwarto para magluto ng Maling. Nahilig na rin ata siya dahil yun lagi ang kinakain nila. Pagtapos niyang kumain at maghugas ng pinggan ay nagdesisyon na siyang mag-brush at maghilamos para makatulog na.
Papasok na sana siya sa kwarto niya ng makita niya yung gitara niya dati na nakapatong sa sofa.
Bakit nga ba natatakot akong balikan ang pagiging mahilig sa music? Okay na kami ni Vincent kaya dapat kalimutan ko na yung mga masasakit na ala-ala.
Lumapit siya sa sofa at kinuha ang gitara. Umupos siya at huminga muna ng malalim bago simulan ang pagkapa sa gitara. Marunong pa siya kahit isang taon nang wala siyang practice.
Napangiti siya habang nag-gigitara… she really loves music at hindi niya maitatanggi yon. Namiss niya ‘to. Hindi niya napigilang sabayan ng pagkanta….
***You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side
You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only
I only said it 'cause I mean it
I only mean it 'cause it's true
So don't you doubt what I've been dreaming
'Cause it fills me up and holds me close
Whenever I'm without you
You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
Watching the shadows burning in the dark
I'm at the edge of my emotions
And I'm in love and I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life.***
She felt good. Hindi niya maalis ang ngiti niya. Should I join Music Org again? Naisip niya. Nah. I’m not yet ready. Nawala ulit ang ngit niya at bumalik nanaman ang yelo na Yana. Inilapag niya ulit ang gitara sa sofa at pumasok na sa kwarto niya.
Bago matulog ay nagsulat muna siya sa diary niya…
******
Papasok na sana si Marcus ng apartment ni Yana pero natigilan siya ng marinig ang isang mala-anghel na boses na kumakanta sa loob. Alam niyang si Yana yon…
*dug dug*
Bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaiba sa tyan niya. Parang umikot ito. Napasandal siya sa pinto habang nakikinig sa magandang boses ni Yana kasabay ng pagtugtog ng gitara.
He likes it. Nadadala siya sa musika at napapakit na lang siya para mas madama ang naririnig niya. Ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa kanyang dibdib. Parang napasa-ilalim siya sa isang spell. Ayaw niyang matapos ang kanta…
Dumilat lang ulit siya ng matapos ang kanta… He sighed, “What happening to me?” napailing siya dahil sa pagkalito.
Maya-maya ay pumasok na siya sa loob. May sarili siyang susi pati na rin si Cupid. He compelled the landlady just to give them spare keys -_- pasaway talaga siya.
Hindi na siya nagabalang buksan ang ilaw. Humiga siya agad sa sofa. Nakatingin lang siya sa kisame habang nagiisip.
Ang ganda ganda ng boses niya pero tinatago niya lang.
Bigla na lang bumukas ang ilaw. Dumating na si Cupid.
“Wow. Mas nauna yata ako sayong nakauwi?” tanong niya kay Cupid.
“May practice ako sa Music Org.” sagot nito. Uumupo siya sa dining table at kumain.
Napansin niyang natahimik si Marcus. Hindi na ito nagtanong ng mga walang kwentang bagay.
“Magpalit ka na nga ng damit mo.” Utos niya dito. Tumayo naman ito at nagpalit na nga ng pang-bahay. Nagulat si Cupid dahil sinunod siya nito. Si Marcus ba talaga ‘to? Naisip niya.
Matutulog na sana siya pero napansin niyang hindi pa tulog si Marcus. Nakatingin lang ito sa kisame habang nakahiga sa sofa. Siya naman ang matutulog sa sahig ngayon.
“Hoy okay ka lang?” tanong niya kay Marcus.
“Oo naman.” Sagot nito.
Hinayaan na lang niya. May date si Yana bukas kaya kailangang matulog na siya. Siya ang magiging fairy godfather nito bukas dahil siguradong hindi ito magaayos ng sarili.
Kinabukasan…….
“Dapat kasi yung red dress na lang yung binili mo eh.” Bumalik nanaman sa pagiging pilyo si Marcus. Yana rolled her eyes. Ayaw niyang magpa-apekto sa kakulitan nito.
Nakatayo siya sa harap ng salamin na nakasabit sa gilid ng pinto ng apartment niya. “Ano na Cupid? Kanina mo pa ko ine-eksamin eh.”
Tinitignan lang siya ni Cupid habang iniisip kung anong ayos ang gagawin niya dito. “Okay. Mag-make up ka ng konti. Kulutin din natin yang buhok mo sa dulo.” Sabi nito.
“Gayshit.” Pangaasar ni Marcus at tumawa ito ng malakas.
“Shut up Doppelganger.” Saway ni Cupid.
“Psh. Don’t call me that!”
Hindi na lang niya pinansin si Marcus at kinuha ang curling iron at isang pouch na may laman na make-up sa drawer ng patungan ng TV.
“San mo nakuha yan?” tanong ni Yana.
“Sayo ‘to noh. Nahanap ko sa ilalim ng kama mo.” Pinaupo niya si Yana sa sahig at sinimulang kulin ang buhok nito.
Napangiti si Yana. Ang bading tignan pero ang cute.
“Ang dami namang gamit sa ilalim ng kama mo. Baka may sexy at magandang babae don. Magka-kalkal ako dun mamaya. HAHA!” sabi ni Marcus.
“Subukan mo lang! Palalayasin kita dito!” pagbabanta naman ni Yana.
“Joke lang. Haha!”
Maya maya ay tapos na ang make-over ni Yana. Nagulat siya sa transformation niya. Lalaki ba talaga ang nag-ayos sakanya?
“Wow. Wala ka bang hindi kayang gawin Cupid?”
“Marami lang akong alam.” Cupid said and smiled at her.
“Bakla kasi yan! AHAHAHA!” pangaasar ni Marcus pero sa totoo lang ay nagagandahan siya kay Yana sa oras na ‘to.
“So bakla ka rin? Di ba kadugtong ka niya?” Yana asked. Natahimik si Marcus sa sinabi niya.
“Oo nga noh. AHAHA! Binabawi ko na. Lalaki yang si Cupid. AHAHA!”
Cupid rolled his eyes. “Abnormal.”
*tok tok*
May kumatok sa pinto, “Si Vincent na yan. Ready ka na?” tanong ni Cupid kay Yana.
“Okay na ba itsura ko?”
“Okay na okay! You look stunning.” nagdouble thumbs up pa si Cupid.
Ang ganda ganda mo Yana. Naisip naman ni Marcus habang nakatingin kay Yana.
“Okay sige. Magtago na kayo.” At pumunta na nga ang kambal sa kwarto niya. Hindi pwedeng malaman ni Vincent na nakatira sa apartment niya yung dalawa. Baka kung ano ang isipin nun.
Binuksan niya ng pinto at sumalubong sakanya si Vincent na may dalang chocolate. Ang gwapo gwapo nito sa suot na white and blue na long sleeve at shorts na brown, naka-walking shoes ito.
“Hi Yana. You look so beautiful.” Sobrang nagagandahan talaga si Vincent sa ayos ngayon ni Yana.
“Thank you. Gusto mo bang pumsok muna?” tanong ni Yana. Nararamdaman niyang naginit ang mukha niya dahil sa sinabi ni Vincent.
“Hindi na. Tara alis na tayo. Ay chocolate nga pala, for you.” Inabot niya ang chocolate.
“Thank you.” Nilagay naman ito ni Yana sa refrigerator. Sana hindi kainin ng matakaw na kambal. Naisip niya.
At umalis na silang dalawa…..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top