EROS MADRIGAL

Malakas na busina ang naging dahilan upang maglingunan ang mga tao sa bagong dating. Hindi pa man nakalalabas sa kotse ay alam na agad nila kung sino ang taong iyon.

Si Eros Madrigal.

Lumapit ang isang lalaki at kumatok sa bintana, ibinaba naman ito ng tao sa loob saka ngumiti.

"Bago na naman?" Tumango lamang ito at sumenyas na tumabi. Umurong naman ang lalaki para makalabas si Eros, at nang lumabas ay umikot ito upang pagbuksan ang kasama.

"Bagong kotse at bagong babae." Sa boses ay halatang nagmamalaki, na akala mo'y ngayon niya lang ito sinabi ngunit kung tutuusin ay wala na ritong bago.

Ang motto niya kasi ay kapag may bagong kotse, dapat may bago ring babae.

Naunang pumasok ang kaibigan ni Eros sa bar habang siya at ang kasamang babae ay mananatili muna sa labas ng ilang sandali.

"So, ano bang balak mo mamaya?" tanong nang babae. Ang mga mata nito ay inaakit si Eros kaya napangisi na lang siya. Alam na niya ang mga ganiyang galawan dahil iyan lagi ang niyang ginagawa.

Ilang minuto na silang nagtatagal sa labas. Nagkakatuwaan na rin sa pag-uusap hanggang sa may isang babae ang humila sa buhok ng kausap ni Eros.

"Ang kapal naman ng mukha mong babae ka!" Naistatwa sa kinatutuyuan si Eros at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Pipigilan niya ba o aalis? Parami na kasi nang parami ang mga tao. Gusto niya ng atensyon pero hindi dahil sa kahihiyan.

"At ikaw na lalaki ka!" Mabilis na tumalikod si Eros. Naglakad palayo, nagkukunwaring walang naririnig.

"Matapos mo akong ligawan. Bigyan ng bulaklak at tsokolateng hindi ko na mabilang ay ganito ang gagawin mo?! Kasasagot ko lang sa 'yo noong isang buwan, ang g*go mo naman!" Nakalapit na sa kaniya ang babae na kanina pa sigaw nang sigaw. Halos marindi na si Eros kaya naman hinarap na lang din niya ito.

"Ano bang problema mo? Dahil lang may kausap akong babae ay mag-iiskandalo ka na?! Para walang problema, aamin na ako. I don't love you, pinaglaruan lang kita! Wala ka kasing kadating-dating." Napalakas ang boses niya na ikinagulat ng babae. Halos manlaki ang mata nito, mahahalata ring nagpipigil nang luha. Kahit si Eros ay nagulat sa kaniyang ginawa pero ayaw niyang ibaba ang pride.

"Y-You just yelled at me and what did you say? You don't love me?" Kumikibot-kibot ang labi nito at hindi na napigilan pang lumuha.

"Oo, hindi." Iniwan niyang mag-isa sa madilim na lugar ang babae, umiiyak.

Habang patawid si Eros sa kalsada ay may biglang liwanag na tumapat sa kaniya na naging dahilan ng pagkasilaw niya at paghinto sa paglalakad, dahil doon ay hindi na niya napansin ang rumaragasang truck. Ang alam na lang niya'y tumama nang malakas ang ulo sa gilid ng kalsada at binalot na siya nang kadiliman.

Nagising siya dahil sa mga bulungan na kaniyang naririnig. Ang unang pumasok sa isip niya nang dumilat ang dalawang mata ay kung nasa langit ba siya.

"Pero, impossible. Kung nasa baba ako ngayon ay hindi na ako magugulat pero dito sa langit? Impossible!" wika niya saka umupo. Nanlaki ang mata niya ng tuluyan na ngang makita ang kabuuan ng kaniyang kinaroroonan. Mga lalaki ito't mayroong nagkikintabang puting pakpak. Wala rin silang mga suot na pang-itaas at tanging ang maikli't manipis na puting palda lamang ang suot.

"Tide ba gamit ninyong panlaba sa props?" Hindi siya pinansin ng mga ito, bukod sa hindi nila naintindihan ang sinabi ay iyon din ang babala sa kanila ng pinuno.

"Snobber na kayo niyan?"

Napatitig si Eros sa kaniyang sarili dahil ang alam niya'y nasa earth pa rin siya. Nagtataka siya kung bakit wala manlang sakit na mararamdaman ang kaniyang katawan dahil sa insidente.

"Hoy! Ano 'tong suot ko?!" Napatayo siya at naghanap ng salamin ngunit wala. Katulad din siya ng iba, walang damit.

"The heck?!" Hindi niya maintindihan kung ano nangyayari hanggang sa magbukas ang malaking pinto. Pumasok doon ang isa pang lalaki.

Isa-isa nang lumabas ang iba pa hanggang sa maiwan na lang silang dalawa.

"Magandang umaga, Eros. Batid kong naguguluhan ka sa nangyayari at hayaan mong ipaliwanag ko sa 'yo kung bakit ka naririto sa aming lugar." Hindi na lang nagsalita si Eros. Ayaw pa rin kasing ma-proseso ng utak niya ang nangyayari.

"Dahil sa hindi mo mabuting pag-uugali sa mundo ng mga tao ay pinarusahan ka upang maging isang kupido--"

"T-Teka, ano?! Kupido?"

"Oo, kupido. K-U-P-I-D-O. Kupido!" Napaatras na lang sa gulat si Eros dahil sa ginawang pagsigaw ng lalaki.

"Magiging kupido ka na habambuhay. Ikaw ang magiging tulay upang mahanap ng dalawang tao ang isa't isa." Marami pang sinabi ang lalaki pero hindi na niya maintindihan. Sobrang daming impormasyon ang pumapasok sa utak niya't hindi na alam kung paano pa ito i-proproseso.

"Magsisimula ka na pala ngayon. Sa palagay ko'y sapat na ang dalawang taon mong pagpapahinga." Doon ay bumalik sa ulirat si Eros. Narealize niyang kaya pala wala nang sakit galing sa insidente dahil dalawang taon na ang nakararaan.

"Kung maaari ay sumunod ka sa akin para sa iyong unang misyon." Wala siya sa sariling naglakad. Hindi na niya napansin na may pakpak na rin siya. Nakasabit na rin sa likod niya ang pana at lalagyan ng mga palaso.

Pumasok sila sa isang silid. Kulay ginto ang ilang gilid ng pader, at puti naman para sa kabuuan.

"Ito si Psyche Menesis. Siya ang una mong misyon." Nilingon niya ang kakaibang larawan na iniaabot sa kaniya. Kitang-kita ang ngisi ng lalaki dahil sa itsura ni Eros.

"Kailangan na niyang mahanap ang kaniyang makakapareha."

"Pero--"

"Hindi ka na tao, Eros. Kung ano man ang nangyari noon ay maiiwan na lang sa iyong nakaraan." Bagsak ang dalawang balikat niya na lumabas sa silid. Ano nga bang magagawa niya, kundi ang sumunod.

Ginawa niya ang sinabi ng kanilang pinuno upang makapunta sa lugar kung na saan ang misyon nila. Ibubulong lang nila ang pangalan nito at pagmulat ay makikita na agad.

"Sementeryo?" bulong niya habang nililibot ang tingin sa paligid hanggang madapo ang paningin sa babaeng papasok pa lang ng gate. May dala-dala itong kandila at bulaklak.

"Psyche--" Naputol ang balak niyang sabihin ng lampasan lamang siya nito. Napabuntonghininga na lang siya't sumunod sa babae.

"Hello, Eros." Mababakas ang gulat sa mukha ni Eros ng siya'y batiin ng babae, ngunit mabilis din itong naglaho dahil ang kausap ni Psyche ay ang lapida na may pangalan ni Eros.

Iyon ang unang araw ng kaniyang misyon. Sa una ay nalilito pa rin siya. Hindi pa rin makapaniwala pero sa halos dalawang buwan niyang pagiging kupido ay nasanay na siya.

"Kumusta ang paghahanap sa kapareha ng mortal?" Hindi pinansin ni Eros ang tanong ng kaniyang pinuno. Lumabas na lang siya para sundan ulit si Psyche. Dalawang buwan na niyang sinusubukan na hanapin ang kabiyak ng babae ngunit wala, mahirap.

"Nahihirapan nga ba akong maghanap o sinasadya ko lang pahirapan ang sarili ko?" bulong niya habang nakatitig sa babaeng nasa loob ng coffee shop. May kausap itong lalaki at halatang kumportable sila sa isa't isa na ikinaiinis ni Eros.

Lumutang sa harap niya ang kaniyang palaso. Ibigsabihin niyon, nahanap na niya ang lalaking nakatadhana kay Psyche.

"Nakaka-inis!" Halos hindi maipinta ang mukha ni Eros. Hindi man aminin ay bakas na bakas sa kaniya ang pagseselos.

Nanatili lang siyang nakatitig kay Psyche habang unti-unting narerealize kung gaano siya ka-gag* para tratuhin ng ganoon ang dating kasintahan.

"Kung kailan mahal na kita, saka naman umayaw ang tadhana."

Ipwinesto na niya ang palaso. Una niyang pinana ang puso ng lalaki. Nang mapadapo ang tingin kay Psyche ay hindi niya magawang bitiwan ang palaso.

"Ito na siguro ang karma ko. Ang makaramdam sa unang pagkakataon ng tunay na pag-ibig sa isang taong napagod na akong mahalin." Tumulo ang luha niya bago tuluyang pakawalan ang palaso, mabilis na bumulusok ito sa dibdib ni Psyche.

"Please, be happy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top