01: Ang Aking Bayani

This is my official entry to Wattpad AmbassadorsPH "Write-A-Thon Challenge" for the month of August with the theme: Salamat, Bayani.

Word Count: 800

˚₊· ͟͟͞͞➳❥

Ang Aking Bayani.

Iyan ang kailangan ko sagutan na Reflection paper at ipapasa para sa aming programa sa eskwela na ang Buwan na Wika.

Maraming bayani na pumapasok sa aking isipan at dapat ipagmalaki pero ang hirap mamili ko sino ba talaga.

Kanina ko pa tinitigan ang kurser sa aking laptop at panay bura rin sa naty-type kong mga salita.

Pakiramdam ko na may kulang pa at may dapat pa ako sabihin.

Ginugol ko ang oras ko sa pag iisip ng aking isusulat sa Reflection paper

Hanggang sa napagod ako at hindi ko namalayan ay nakatulog ako.

.......

Nakapagtataka na may naamoy ako na tila na may nasusunog. Naririnig ko ang mga yabag at tila may nage-echo. Mga yabag na tila nag-roronda sa kanilang paligid.

Dahil sa mga iyun, unting-unti na ako nagigising.

Pag dilat ng aking mga mata, ako'y nanibago sa aking nakikita.

Naririnig ko din ang ingay ng ilang mga tao sa paligid ko. Nakapagtataka na ibang lengwahe ito

Unting unting nagsi-sink in sakin na nasa ibang lugar na ako.

Kinikilatis ko mabuti ang lugar kung nasaan ako ngayon, napagtanto ko din na nasa loob ako ng isang selda.

Ako lang ang tao sa loob at nakasuot ako ng isang Filipiña ngunit medyo nadudumihan dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Panay tignin ako sa labas ng selda, nagbabakasakali na makahingi ng tulong.

Ilang minutong lumipas, wala parin dumadaan na tao.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Hanggang sa may nahagip ako na isang pigura sa tapat ng selda ko.

Nakaupo siya sa isang upuan katapat nun ay isang lamesa na maraming nakalagay na papel sa loob ng selda niya. Maayos ang pananamit niya. Naka itim na jacket na may puting panloob. Itim na pantalon at nakasuot ng itim na sumbrero.

Unting unti ko siyang nakilala, siya ay walang iba kundi si Dr. Jose Rizal.

Umuko siya ng konti, tinanggal niya ang kanyang sumbrero at tinapat ito sa may dibdib bilang paggalang. "Magandang araw, Binibini." Pagbati niya.

Bumati din ako pabalik at nagpakilala.

Kinamusta niya ako at tinanong kung bakit ako nandito.

Sinagot ko ang tanong niya at doon na nagsimula ang aming pag uusap.

Napagtanto ko na sa loob kami ng Fuerza Santiago o mas kilala ngayon na Fort Santiago. Ito rin ang huling araw ni Rizal bago siya barilin.

Marami ring kami napag usapan mga bagay na gusto ko itanong kay Jose Rizal. Nagkaroon rin ako ng pagkakataon na mas makilala pa ang ginoo.

Sa tagal namin nagkwentuhan, hindi namin namalayan na may dumarating na mga guwardiya sibil para sunduin si Rizal.

Hindi ko malilimutan ang huling salita niya sa'kin. "Paalam, binibini. Ikinagagalak kita makilala kahit sa maikling panahon man." muli niya tinapat ang sumbrero niya sa kanyang dibdib.

"Salamat din, Ginoo. Maraming salamat." aniya ko.

Pinapanood ko kung paano nila kunin at hawakan si Rizal hanggang sa unting-unti na sila lumalayo.

........

Naalimpungatan ako ng dahil sa panaginip ko.

Hindi kaagad ako makatulog kaya naisipan na ipagpatuloy ang aking Reflection paper.

Sa tingin ko alam ko na ang dapat ko ilagay sa aking gawain.

........

Ang Aking Bayani

Ang aking napili kong ipagmalaki na bayani ay si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Gat. Jose Rizal. Kilala siya bilang isang bayani at manunulat. Ang mga sikat na obra niya ay ang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Ang mga obra na 'yun ay tumatalakay tungkol sa mahirap na pinagdaanan ng mga Pilipino

Marami pang ibang obra niya ay sumikat din at iyon din ang naging daan at paraan niya para ipahiwatig ay mga nais niyang sabihin at ipaglaban ang karapatan ng mga pilipino. Naranasan ang kalupitan ng mga Prayle kaya malapit sa puso niya ang kanyang mga obra. Siya ang napili kong bayani dahil naniniwala siya na ang pagsulat ay ang daan para sa kapayapaan. Na ang panulat ay mas malakas at mas matalas kaysa sa espada. Dahil hindi sa lahat ng oras ay idadaan sa dahas ang iyong pinaglalaban. Naging inspirasyon ko siya at humanga ako sa kaniyang tapang na harapin ang laban. Hindi siya natatakot ipaglaban ang paniniwala niya at protektahan ang mga Pilipino. Malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya mas naging bukas ang aking isipan sa lahat ng bagay at wag matakot ilahad ang naiisip at ano man gustong sabihin. Bago siya namatay may naiwan siyang paalala sa mamamayang Pilipino na "Ang kabataan ay pag-asa ng bayan." Ang paalala niya ito'y menshae niya sa mga kabataan at sa susunod pang henerasyon pa. Na dapat maging magandang halimbawa tayo ng kinabukasan. Gamitin natin ang mga bagong kaalaman at mga kasanayan natin bilang ambag sa kasaysayan at pag unlad ng bansa. Dahil tayo-tayo lang din ang magtutulungan sa ikauunlad natin.

Maraming pang bayani na dapat ipagmalaki natin at ipagpasalamat. Dahil bawat sakripisyo at ambag nila, parte iyun ng pagkatao natin bilang Pilipino.

Wakas

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top