Special Chapter

Special Chapter

Mistress




Her lips slowly curved into a wide smile. Nanlaki rin ang mga mata niya nang matagumpay na mapatakbo ang kaniyang bisikleta nang tuloy-tuloy.

Regalo ito sa kaniya ng Daddy niya for her eleventh birthday. She requested it.

Ang sabi ng Daddy niya ay hintayin niya ito at gagabayan pa siya nito sa pagbibisikleta. Hindi tulad ng mga naging bike niya noon ay wala na itong training wheels.

Pero sa excitement ay hindi na niya nahintay ang ama na nasa hospital pa nang mga oras na iyon kasama ang Mommy niya dahil doon nagtatrabaho ang mga ito.

At kanina pa nga siya paikot-ikot sa Subdivision sakay ng bike niya.

But just like what happened a while ago, ay muling natumba ang sinasakyan niyang bisikleta kasama siya sa kawalan ng balanse.

Agad siyang napangiwi at ininda ang sakit ng muling pagkakahulog sa sementadong daan.

Medyo mataas pa ang sikat ng araw kaya nang iwan niya kanina ang yaya niya ay nagsi-siesta pa ito sa bahay.

"Are you okay?"

Parang mula sa kawalan ay may lumitaw na lalaki sa kaniyang harapan. Tinutulungan siya nitong makatayo.

"Ayos lang ako..."

"May sugat ka," anito.

Bumaba rin ang tingin niya sa kaniyang tuhod at siko na may mga gasgas na nga. Napangiwi siya.

Bahagya niyang pinagpagan ang suot na damit.

"Where's your house? Ihahatid na kita sa inyo. You should go home now and clean your wounds."

Muli siyang nag-angat ng tingin sa tumulong sa kaniya. Nakatayo sila sa harapan ng isa't isa at nagkatinginan.

"Ah, doon..." bahagya niyang tinuro ang direksiyon ng bahay nila.

Tumango ito at nilapitan ang bike niya. Pinatayo nito iyon bago muling bumaling sa kaniya.

Pinasakay lang siya nito at ito na ang nag-pedal ng bisikleta pauwi sa kanila.

"Do you live here, too?" she asked.

"No. We just visited a family friend." he answered.

Hinihipan ang kanilang mga buhok at humahaplos ang panghapong hangin sa mga balat nila.

"Dito na." aniya.

Tinabi nito ang kaniyang bisikleta sa harap ng gate ng kanilang bahay. Marahan siyang bumaba mula sa bisikleta at inalalayan parin siya nito. Umalis din ito sa bike niya at lalong tinabi sa gate nila iyon.

"Thank you." she thanked him.

He just nodded. "Pasok ka na." tukoy nito sa loob ng bahay nila.

Tumango siya at tinalikuran na ito ngunit hindi pa man tuluyang nakakapasok sa kanilang gate ay muli niya itong hinarap na nanatiling nakatayo pa rin naman doon at binalikan ito.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" she asked.

"Connor."

She smiled. "Elaine."

And that was how they first met.

* * *

"Don't be nervous." bahagya niya nalang itong tinawanan. She can't help it. Mukha na itong hindi mapakali, as if it was still his first time. "My parents don't bite." she chuckled.

"Tss," nangiti na rin itong tumingin sa kaniya.

She just smiled, too.

Elaine was looking at Connor’s handsome face.

Hindi pa rin naman sila ganoon katagal sa relasiyon nila. Pero matagal na rin silang magkakilala. It happened that they were just on the same school and when they met again after their first meeting that one afternoon they recognized each other immediately. They became friends at first hanggang sa nandito na nga sila ngayon sa pagiging mag-boyfriend at girlfriend.

Connor was looking at her, too. Ilang sandali silang nakatingin lang sa isa't isa. Parehong may ngiti sa mga labi.

Kung hindi pa sila nagselos sa mga nalapit sa isa't isa ay hindi pa sila magkakaaminang dalawa. They were friends and was afraid too that confessing might ruin their friendship. Connor was Elaine’s best friend. And she was his best friend, too.

Inabot siya nito at niyakap. She was still smiling inside his arms.

"I can't help it." he said. "I hope they'll like me."

Napailing nalang siya. "Don't worry too much. Hindi naman ganoon ka-strict ang parents ko. Well, siguro si Daddy but he's reasonable. And I'm sure they will like you. Don't worry about it." she told him.

He's meeting her parents. Connor already met her mom and dad before. But he’s meeting her parents again as her boyfriend now.

Humigpit lang ang yakap ni Connor sa kaniya. She just hugged him, too. 

Kumalas lang sila sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan. Hinihintay din nila ni Connor ang mga ito rito sa parking lot ng university.

"Hi, guys." she greeted their friends.

They're actually Connor's group of friends. Isa sa mga kaibigan ni Connor ang pinagselosan ni Elaine noon. Pero magkaibigan lang naman talaga ang mga ito. And Clary’s actually nice.

"Hi, 'Laine!" Clary greeted her, too.

Connor’s friends greeted her. She smiled at them. Galing sa college of business ang mga ito gaya ni Connor at MedTech student naman si Elaine.

Gusto rin kasi niyang maging doctor gaya ng dad niya at magtrabaho sa hospital gaya ng parents niya para makatulong sa mga pasyenteng may sakit. Bata pa lang si Elaine ay ganoon na rin ang naging pangarap niya growing up seeing her parents doing their noble jobs.

"Let's go?" inaya na sila ni Ian. It's his birthday at mag-c-celebrate sila sa isang bar kasama siya.
Pumasok na rin sila ni Connor sa sasakyan at nag-drive na ito pasunod sa mga kaibigan nila.

Nang nakarating sila sa lugar ay maaga pa kaya nag-dinner din muna sila. They greeted Ian a happy birthday and they celebrated.

Kalaunan ay dumami na ang tao at umingay na rin ang lugar. Naghilahan na rin sila papunta sa dance floor.

"Hindi kayo sasayaw?" Mary asked them.

"Susunod kami." Connor told his friend.

Mary just shrugged her shoulders and left them to go back to the dance floor. Mukhang kinuha lang din nito ang phone na naiwan kaya bumalik. Nagsasayawan na ang mga kaibigan nila at silang dalawa nalang ang naiwan doon.

Bumaling si Elaine kay Connor. She smiled. "Let’s dance." Nauna na siyang tumayo at hinila ito patungong dance floor.

They started dancing. They were holding each other as they dance. Both were smiling as they look at each other.

Alam ni Elaine na kakasimula pa lang nila ni Connor sa kanilang relasiyon. Pero matagal na rin naman nilang kilala ang isa’t isa. May mga pinagdaanan na rin sila na magkasama. Nagsimula sila sa pagiging magkaibigan. He's always there for her and she’s  just here for him, too. Marami pa ang mga puwedeng mangyari pero sana malampasan lang din nila ang mga pagsubok.

She really love him.

And she knew he loves her the same way she’s in love with him.

Maaring mga bata pa lang sila ni Connor pero may pinipili ba talagang edad ang pag-ibig?

Nagselos din si Connor nang nakita siya nito na may kasamang ibang lalaki sa mall noong namili si Elaine ng gamit din niya para sa eskuwela. Nagselos talaga ito sa classmate niya na coincidence lang din namang nagkita sila sa mall at sandali lang din namang nagkasama. Wala lang din naman talaga iyon. But it made Connor real jealous.

"You're smiling." puna ni Connor sa pagngiti niya habang nagsasayaw sila nang marahan taliwas sa malakas at halos mabilis na tugtog ng music sa bar.

Umiling siya. "I just remember noong nagselos ka kay Wallace." She smilingly shook her head.

Connor shook his head, too, and just smiled.

Hinatid siya ni Connor pagkatapos. Tinanggal na ni Elaine ang seatbelt pero hindi pa muna lumabas ng sasakyan. Lumapit muna siya sa boyfriend para mahalikan ito. It was just a swift kiss at first. And then they kissed again. This time longer. Their first kiss was each other.

Pareho nalang silang napangiti pagkatapos ng halik.

"Bye na. Ingat ka sa pag-drive, okay? Call or message me when you get home." bilin ni Elaine sa boyfriend.

Connor nodded. "Yes, Ma'am. I love you." he said smiling.

She smiled, too. "I love you, too."

Lumabas na siya pagkatapos sa kotse ni Connor. And to her surprise ay nandoon na pala nakatayo ang Dad niya sa labas. Nakakunot ang noo nito.

"Dad..." tawag ni Elaine sa ama.

Lumabas din si Connor sa sasakyan nito para batiin ang daddy niya. 

"What time is it?" istriktong salubong ng Daddy ni Elaine sa kanila ni Connor.

She bit her lower lip.

Connor tried to explain at humingi rin ang boyfriend niya ng pasensya sa Dad niya.

Tinanguan lang naman iyon ng ama niya.

"Bye," paalam niyang muli kay Connor nang bumalik na ito sa sasakyan nito.

"Pumasok na tayo sa loob." anang Dad niya.

Sumunod na rin si Elaine sa ama.

"Elaine," salubong sa kaniya ng Mommy niya nang makapasok na sila sa bahay.

"Mom," she kissed her mother’s cheek.

"Her boyfriend was outside." pagpapaalam ng kaniyang Daddy.

Elaine bit her lip. Mukhang alam na rin pala ng parents niya na sila na ni Connor kahit sasabihin pa lang sana nila. Maybe it was already obvious to her parents.

Hindi rin naman pinagbabawalan si Elaine na mag-boyfriend. As long as she knew her limitations and her parents trusts her. At kilala na rin ng mommy at daddy niya si Connor.

Although it was weird the first time they met Connor…Elaine just shrugged it off.

Ngumiti lang kay Elaine ang Mommy niya. "Bakit hindi n'yo pinapasok?" she asked.

"It's late." her dad answered her mom.

Bumaling ang kaniyang mommy sa daddy niya. "Nako, Kier, malaki na ang anak mo. She will not be your little girl forever." her mom told her dad.

"Wala naman akong sinabi." anang dad naman niya na nilapitan ang Mommy niya at hinawakan.

Elaine smiled watching her parents.

She’s an only child. Si Connor naman ay may nakababatang kapatid na babae. Nakilala na ito ni Elaine nang minsan siyang nakapunta rin sa bahay nina Connor. His parents knew that Connor has a girlfriend. And that is her.

Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Elaine sa mga magulang na aakyat na sa kuwarto niya.

Connor even called her just right after she finished her night bath and was already preparing for bed. He asked her about what happened after he left. He’s worried na baka raw napagalitan siya but Elaine just smiled and assured him. Hindi naman siya napagalitan. And her parents already knew.

She can't help it but smile after the phone call. Tingin ni Elaine ay okay ang lahat sa relationship nila ni Connor. Pakiramdam niya ay wala nang makakasira sa ano ang mayroon sila.

It was Connor’s mom’s birthday and Elaine got invited to their house. Wala namang party at lunch lang din ang gusto ng mommy ni Connor kasama ang pamilya nito. Mabait ang mommy ni Connor. His family was good to her. Kaya nga lang ay noon pa lang din nakilala ni Elaine ang lola ni Connor. Ang ina ng daddy ng boyfriend niya.

“You know you remind me of someone from the past…” ngumiwi ang lola ni Connor na nakatingin sa kaniya.

Natigilan ang parents ni Connor sa sinabi ng ginang. She was looking at Elaine. Sila lamang ang nasa mesa. Ang mga magulang at kapatid ni Connor, sila ni Connor at ang lola nito na nakatingin nga kay Elaine na para bang may inaalala ito.

“Mama,” ang daddy ni Connor iyon na bumaling sa ina.

Sa tagal ng titig kay Elaine ng matandang babae ay nanlaki nalang ang mga mata nito kalaunan na parang nagkaroon ng riyalisasyon. “No…” umiling ito na parang hindi makapaniwala sa naisip. Bumaling ito sa anak na daddy ni Connor. “Stefan, don’t tell me…” umiling ito sa anak.

Hindi nakapagsalita ang daddy ni Connor.

Lalong nanlalaki ang mga mata at umiling ang matanda. ‘Tapos ay bumaling din ito sa mommy ni Connor na natahimik din. “Catherine,”

Marahang umiling ang mommy ni Connor sa biyenan.

Pareho namang naguguluhan si Elaine at Connor sa nakikitang reaksiyon ng mga nakatatanda.

“Is this that woman’s daughter? I can’t be mistaken. They look so alike!”

“Mama-”

“Oh my god, Stefan! How could you let this happen?” halos maghisterya ang lola ni Connor.

“What’s happening, Dad?” nagtanong na si Connor sa ama.

“Hijo! She’s the daughter of your father’s mistress before! Ang babaeng muntik nang sumira sa pamilya ninyo noon!” anang lola ni Connor sa apo kahit pinipigilan na ito ng parents ni Connor.

Umawang naman ang labi ni Elaine at hindi nakapagsalita sa narinig.

* * *

“Mom!” agad na sumugod si Elaine sa ospital kung saan naka-duty pa ang parents niya.

“Elaine, anak. What are you doing here?” ngunit natigilan din si Elise nang makita ang ayos ng anak.

Elaine looked mad and tears were threatening to fall from her expressive eyes that she got from her mom. Halos lahat ay namana ni Elaine sa kaniyang ina. Kamukhang-kamukha niya ito lalo noong kabataan ni Elise. They were both beautiful.

“Is it true?” Elaine asked her mother directly.

“What is it, Elaine?” naguluhan si Elise sa reaksiyon ng anak.

“You were Connor’s Dad’s mistress?” diretsong tanong ni Elaine sa ina.

Umawang ang labi ni Elise at hindi ito nakasagot sa anak.

Lalo rin umawang ang labi ni Elaine. Pain was visible in her teary eyes. She looked like she couldn’t believe it but it is the truth. “It’s true?” she was obviously hurt by what she learned just now.

“Elaine-” sinubukang abutin ni Elise ang anak na umaatras na palayo sa kaniya. It hurt her to see her daughter that way. Na parang kung tingnan siya ngayon ni Elaine ay para bang hindi na siya nito kilala. Na para bang nakakalimutan nitong siya pa rin ang ina nito.

“How could you do that to Connor’s family?!” tumaas ang boses nito na nakakakuha na sila ng atensiyon ng mga tao sa ospital.

Sinubukan ni Elise na pakalmahin ang anak pero halos magwala na si Elaine. Her mother was the softest person she knew. She couldn’t believe that she’s the daughter of a bad woman.

“What’s happening here?” dumating si Kier at naabutan ang mag-ina niya.

“You’re… disgusting!” nasabi na ni Elaine sa ina.

Nabigla rin si Elise sa sinabi sa kaniya ng anak na nasampal niya ito.

“Elise-” tawag ni Kier sa asawa na nabigla rin sa nangyari.

Humawak si Elaine sa kaniyang pisngi. Her tears fell.

Pagkatapos ay tumakbo na siya paalis at iniwan ang mga magulang doon.

“I’m sorry,” sinubukan pang habulin ni Elise ang anak pero nanghina na siya.

Kier held his wife.

“She knows, Kier.” Elise’s tears fell on her cheeks.

Alam naman nilang mag-asawa na hindi imposibleng maungkat pa rin ang nakaraan gayong napalapit ang kanilang anak sa anak din nila ni Stefan. Pero hinayaan nila iyon sa pag-iisip na wala namang kinalaman ang kanilang mga anak sa mga nangyari noon.

Nagkatinginan silang mag-asawa.

Kier hugged and comforted his wife.

***

“Alam mo, Dad?” Elaine confronted her father, too.

Pinasok ni Kier ang anak sa kuwarto nito nang makauwi na rin sila ni Elise sa bahay. Mabuti at dumiretso rin ng uwi ang kanilang anak. Ayaw harapin ni Elaine ang ina at ang daddy lamang niya ang hinayaang kausapin siya.

Tumango si Kier sa anak.

Umawang muli ang labi ni Elaine. “Why, Dad…”

Umiling si Kier. “We all do things that are not good in the past, Elaine. Nagkamali lang din ang Mommy mo-”

Elaine shook her head. “No, Dad. It was her own decision! It was her decision to be that kind of woman. It was her choice to be a mistress!”

“Elaine, it’s your Mom.” saway ni Kier sa anak.

Natigilan din si Elaine.

Kier sighed. “You should talk to your Mom properly and ask for forgiveness. You shouldn’t act like that towards your mother. Your mom had lost so much in the past, Elaine. She only have us. We are her family.”

Tumingin si Elaine sa ama. “Are we just her option, Dad? Are you just her opition? Kasi hindi talaga sila puwede noon ni Tito Stefan…” suminghap si Elaine sa naiisip.

Umiling naman si Kier sa konklusiyon ng anak. “No. That will never happen, Elaine. Your mother chose me. She chose us when she was completely healed from her past. And if you will ask me if I chose her, too, then the answer is yes. I chose to love your mom despite her past. I know who I married, Elaine. And that’s your Mom. She’d been through a lot already. More than you could ever imagine.”

Elaine’s tears fell. Unti-unting kumalma ang mga emosiyon niya sa sinabi ng ama. And then she felt guilty.

Her mother was judged. At pakiramdam niya ay wala siyang pinagkaiba sa mga nanghusga sa kaniyang ina. She may be a bad woman to the people who knew of her past but she’s still her mother. Her mom’s not perfect but Elaine knew that her mother loved her perfectly. Pinalaki siya nito na pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya kamahal ng kaniyang ina. 

Lalong bumuhos ang mga luha niya.

Kier tried to dry his daughter’s tears.

“I’m sorry, Dad…” she cried.

Tumango si Kier. “Tell that to your Mom. And talk to her.”

Elaine nodded her head at his father. “I will.”

Pinasok ni Elaine ang ina sa bedroom ng parents niya. Naroon lang din si Elise sa balcony ng kuwarto at natutulala sa kawalan. Madilim na sa labas dahil gabi na. Ni hindi na nakapag-dinner ang pamilya nila pero nagpahanda na rin ng pagkain si Kier sa kasambahay. Unti-unting lumapit si Elaine sa kinaroroonan ng ina.

“Mom, I’m sorry…” nabasag ang boses ni Elaine at muling bumuhos ang mga luha niya.

Bumaling si Elise sa anak na namumula rin ang mga mata galing din sa pagluha. Inangat niya ang mga kamay upang abutin at tanggapin ang anak. Umiiyak na lumapit naman si Elaine sa ina, tumabi at yumakap dito. “I’m sorry…” patuloy niya na paghingi ng tawad sa ina na alam niyang nasaktan din niya.

“Tahan na… Naiintindihan ko…” Elise comforted her daughter. “This is one of the consequences of my actions in the past that are not right. I’m so sorry, anak… Nadamay ka pa.” hinagkan ni Elise ang anak.

Lalo namang yumakap si Elaine sa ina.




Author's note: Hello, readers! I hope you like this Special Chapter I also published here in Wattpad as a sneak peek to the self-published book. Yes, Cry of a Mistress will have a hardcopy on July (also my birth month) 2022! You can follow KPub PH on Facebook for future posts and announcements about the self-publishing of Cry of a Mistress. The book price will be about 650. You can start earning now if you would consider buying my book. The book will be complete with Prologue, Epilogue, and a different Special Chapter. It would be like a (one) book with three stories or sides in it--Elise & Kier, Stefan and Catherine, and how their daughter and son will end up with their parents' history or past.

Thank you very much for your support for me and my story! I am beyond blessed to have you. ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top