Chapter Two

Chapter Two

Friend

Nakatayo si Elise sa tabi ng kaniyang Nanay Beth habang naghihintay sa pagbaba mula sa sasakyan ng mga dumating. Ang nag-iisang anak ito ng kanilang amo kasama ang asawa at anak nito. Ito ang unang summer na nasaksihan niya ang pagdalaw ng mga ito sa matandang pinagsisilbihan ng kaniyang lola.

Ngayon pa lang kasi siya sinama ng lola sa mansyon kung saan ilang taon na itong namamasukan bilang katulong. Masiyado pa kasi siyang bata noon. Ngayon ay nagboluntaryo na siyang samahan at tulungan ang kaniyang lola sa mga gawain dito sa malaking bahay.

Maagang naulila si Elise sa kaniyang mga magulang. Magkasama ang kaniyang ina at ama na namatay sa isang ambush. Sundalo ang yumaong anak ng kaniyang Nanay Beth na nakapag-asawa ng isang nurse. Sumama noon ang kaniyang ina sa misyong iyon bilang isang medic.

"Lola!"

Nag-angat ng tingin si Elise nang marinig ang boses ng isang batang lalaki. Kasunod ang mahina at masayang tawa mula kay Donya Lucia na nakita niyang sinalubong ang apo nito. Napangiti siya habang nakikitang magkayakap ang mag-lola.

"Mama," bati ng unico hijo ng donya. Lumapit na rin ito sa ina kasunod ang maganda nitong asawa na kitang nagdadalang-tao sa malaki na nitong tiyan.

Kumalas ang donya sa apo at ang anak at manugang naman ngayon ang sinalubong.

Matagal nang yumao ang asawa ng donya kaya mag-isa lang ito sa malaking mansiyon ng mga Prieto. At ayon sa Nanay Beth niya ay dinadalaw naman ito ng mag-anak. Madalas tuwing ganitong tag-init at may dagat din hindi kalayuan sa likod lang ng mansiyon na private property ng pamilya.

Habang abala ang mga nakakatanda sa batian ay lumipat ang tingin ni Elise sa batang lalaki na apo ni Donya Lucia. Kyuryoso na ito ngayong nakatingin lang sa kaniya. Kumurap-kurap si Elise dahil hindi niya inasahang pupunahin siya nito.

"Pumasok na muna tayo sa loob at nang makapananghalian..." anang donya.

Mabilis namang kumilos ang kaniyang Nanay Beth upang sumunod dito. Nag-iwas na siya ng tingin at pumasok na rin sa loob.

Lumabas muna si Elise mula sa kusina gamit ang pintuan sa likod. Kasalukuyan pang nanananghalian ang pamilya at wala pa namang dapat na ligpitin o ayusin kaya magpapahangin muna siya.

Ngunit kanina niya pa talaga gustong puntahan ang dagat. Iyon talaga ang lugar na gustong gusto niya mula sa mansiyon. Kaninang umaga pupunta na sana agad siya roon kung hindi lang pinigilan ng kaniyang lola dahil nga raw dadating ang anak ni Donya Lucia at ang pamilya nito. Medyo naging abala sa kusina dahil maraming pinaluto ang Donya kaya tumulong na rin muna siya.

"Where are you going?"

Unti-unti nang naglalakad si Elise patungo sa balak puntahan nang marinig niya ang boses na iyon ng batang lalaki.

Nahinto siya sa paghakbang at binalingan ito. Ang apo iyon ni Donya Lucia.

"Sa...dagat..." sa mahinang boses ay sagot niya at marahan pang tumuro ang isang kamay sa direksiyon patungo roon.

Nagsimula itong humakbang palapit sa kaniya. Napaatras naman si Elise dahilan upang matigilan din ito. Bahagya itong pinangunutan ng noo sa naging reaksiyon niya. Iniisip niya kasing baka awayin siya nito. Kagaya ng mga batang kilala niya. Tapunan kasi ng tukso si Elise ng mga kapwa bata dahil wala raw siyang mama at papa.

"Are you okay?" may concern sa guwapong mukha ng batang lalaki.

Matangkad ito kumpara sa height niya. Mestizo rin at bahagyang magulo ang medyo may kahabaan nitong buhok. Maamo ang mukha nito at ang mga mata ay parang tulad sa mga anghel.

Ngunit isang beses pang umatras si Elise sa muli nitong pagsasalita. Tumayo ito ng tuwid at tumigil sa paglapit sa kaniya. Sunod ay marahang sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi nito.

"Hi! I'm Stefan." the boy smiled at her in a friendly manner.

Hindi matandaan ni Elise kung may lumapit na ba sa kaniya noon at nagbigay ng isang palakaibigang ngiti. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit mas gusto siyang tuksuhin ng mga kasing edad kaysa kaibiganin. Wala pa naman siyang inaaway mula noon. Tahimik nga lang siya.

"What's your name?" sunod na tanong sa kaniya ng batang Stefan.

Bumaba ang kaniyang tingin sa mga kamay at pinaglalaruan ang mga daliri. "Elise..." mahina niyang sagot na nakatungo pa rin. Hindi niya sigurado kung narinig ba nito.

"Hi, Elise! I hope we can be friends?"

Napaangat siya ng tingin at nakita sa mukha nito ang tuwa sa pag-asang pagkakaroon ng isang bagong kaibigan.

Unti-unti, sumilay na rin ang isang ngiti sa mga labi ni Elise. Para bang nahawa siya sa magandang ngiti ng batang lalaki.

Tuluyan na itong lumapit sa kaniya at hindi na siya umatras pang muli.

Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Si Stefan ang unang naging kaibigan ng batang Elise. Kahit pa tuwing bakasiyon lamang sila nagkikita o minsan kapag pasko, nanatili ang binuo nilang pagkakaibigan sa mga nagdaang taon…

"'Nay, 'yong relo ko po? Nakita n'yo?" nagugulo na ang kanilang maliit na silid ng kaniyang lola sa mansiyon ng mga Prieto sa paghahanap niya sa nawawalang wristwatch.

Hindi ito puwedeng mawala! Regalo iyon sa kaniya ni Stefan noong sixteenth birthday niya. Lahat ng mga binibigay nito sa kaniya ay buong puso niyang pinapahalagahan at iniingatan.

"Ito ba 'yon, apo?"

Agad siyang bumaling sa kaniyang lola at mabilis na kinuha mula rito ang kanina pa niya hinahanap. Dinala niya iyon sa kaniyang dibdib at nagpasalamat na hindi ito nawala.

"Iyo ba 'yan, Elissa?" tanong ng kaniyang lola. Tinawag siya nito sa tunay niyang pangalan. Bahagya itong pinangunutan ng noo. "Itinabi ko nang makita. Dadalhin ko sana kay Donya Lucia at mukhang mamahalin…" anito.

Maagap naman siyang tumango. "Opo. Akin po ito, 'Nay. Bigay sa akin ni Stefan..." sagot ni Elise sa kaniyang lola.

Ilang sandali silang nagkatinginan ng kaniyang Nanay Beth bago ito nagbuntong-hininga at bahagyang umiling. "Kayo ni Stefan..." halos tumitig ang mga mata nito sa kaniya. "Nagugustuhan mo na ba ang panganay na apo ni Donya Lucia, Elissa?" seryoso nitong tanong na kinakaba naman ni Elise.

Unti-unti at sunudsunod niyang inilingan ang tanong ng lola niya. "Hindi po, 'Nay! Magkaibigan lang po kami ni Stefan..." humina ang kaniyang boses sa mga huling salita. Nagyuko at bumaba nalang ang tingin niya sa hawak na magandang wristwatch.

Tumango ito. "Mabuti naman kung ganoon. Si Stefan ay apo ni Donya Lucia... Maaring pabor ito sa pagiging malapit n'yo ng kaniyang apo, ngunit hanggang doon lang iyon..." muli itong nagbuntong-hininga. "Mayaman sila, apo..." anito na para bang dapat ay maintindihan na niya ang sinasabi nito.

Nag-angat siya ng tingin sa kaniyang Lola at marahang tumango.

"Elise!"

Napalingon siya sa tumawag. Ang classmate at kaibigan niya iyong si Mara. Kararating lang nila ng kaniyang lola sa paaralan kung saan gaganapin ang graduation ceremony.

Nilapitan niya ang kaibigan nang makita. "Mara,"

Nagkaroon rin naman siya ng mga kaibigan sa eskuwela noong makatuntong na sa higher grades. Ganoon siguro talaga kapag mga bata pa—madali lang ang panunukso. Pero lumilipas ang mga taon at nag-m-mature din naman.

"Congrats sa atin! Sa wakas!" anito at bahagyang tumawa.

Napangiti rin si Elise. Oo nga at kahit papa'no ay natapos na rin nila ang high school.

"Saan ka mag-c-college?"

"Uh, dito lang din? Hindi pa namin napag-uusapan ni Nanay. Pero siguro..." nagkibit-balikat siya.

"Sana magkaklase pa rin tayo!" umaasang ani Mara. "Pareho lang din naman ang kukunin nating course."

Balak ni Elise na mag-take ng kursong nursing. Dahil siguro isang nurse ang yumao niyang ina kaya ganoon din sana ang gusto niya.

Si Donya Lucia na ang nagpapaaral sa kaniya noon pa man. Kaya malaki talaga ang utang na loob nila ng kaniyang lola sa mabait na donya.

Tinawag na si Mara ng mga magulang nito at ganoon din ang kaniyang lola sa kaniya. Magsisimula na rin kasi ang ceremony.

"Elissa Fernandez."

Malaki ang ngiti ni Elise habang umaakyat sa stage upang kunin ang pinaghirapan niyang diploma. Bahagya pa niya itong tinaas para ipakita sa kaniyang Nanay Beth. Ngunit bahagya siyang natigilan nang dumapo ang tingin sa ngayon ay kasama na ng kaniyang lola. Nakatayo ito sa tabi ng lola niya at may ngisi sa guwapo nitong mukha habang pumapalakpak din para sa kaniya.

Bahagya niya itong pinanlakihan ng mga mata at lalong lumaki ang kaniyang pagkakangiti. Hindi niya ito inaasahan! Ang alam niya ay sa mga susunod na linggo pa ang dating nito at ng pamilya nito para magbakasiyon.

"Congratulations!" salubong nito sa kaniya nang makababa na siya sa stage. Naro'n pa rin ang guwapong ngiti nito para sa kaniya.

Hindi napigilan ni Elise ang agad na pagsugod ng yakap dito. Na-miss niya ito nang sobra! Kagaya ng palagi niyang nararamdaman. Narinig niya itong tumawa at maagap naman siyang niyakap din pabalik.

"Hindi ka nagsabi! Ang akala ko sa mga susunod na linggo pa ang dating n'yo..." aniya matapos kumalas sa yakap nila ni Stefan.

"Surprise?" pilyong anito saka siya inabutan ng isang bouquet ng magaganda at mabangong mga bulaklak. At isang kahon na naglalaman ng regalo na naman nito para sa graduation naman niya ngayon.

Napailing na lang siya at tinanggap ang mga binigay nito. "Thank you." aniya at muling nag-angat ng tingin dito.

Ilang sandali silang nakatingin lang sa mukha ng isa't isa. Sa Maynila ito nag-aaral at nasa third year na sa college. Puna ni Elise ang nadagdag na pagbabago na naman dito. Lalo yatang lumaki ang pangangatawan nito. Lalong nabakat ang mga muscles sa suot nitong polo shirt na medyo hapit sa katawan nito. Para kay Elise, habang tumatagal ay mas lalo yatang gumuguwapo ang lalaki sa paningin niya. At alam na alam niyang hindi lamang sa mga mata niya ito guwapo kung 'di sa lahat siguro ng nakakakita rito. Kanina pa nga niya naririnig ang mga bulungan sa paligid at iilang tili ng mga ka-batch niya. Napapailing na lang si Elise.

***

"Happy birthday! Make a wish!" masiglang bati sa kaniya ni Stefan.

Magkaharap silang nakaupo sa isang saping nilatag nila sa buhangin. Sa gitna nila ay ang cake na binili ni Stefan para sa eighteenth birthday niya sa araw na iyon. Sa buwan ng Abril ang kaniyang kaarawan kaya ito ang sumunod na okasiyon sa graduation niya. At gaya ng inaasahan, hindi talaga siya binibigo ni Stefan sa mga sorpresa nito sa kaniya at pag-alala sa mga espesyal na araw sa buhay niya.

Ilang sandali niyang pinikit ang mga mata para sa isang hiling bago hinipan ang mga kandila sa ibabaw ng mukhang masarap na cake. Halos namatay na ang pagkakasindi sa mga ito dahil sa mahangin na lugar kung nasaan sila.

"Salamat, Stefan." isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito.

Nginitian rin siya nito. "You're welcome."

Medyo nagtagal ang pagkakatitig nila sa isa't isa kaya napatikhim si Elise at napaiwas ng tingin. Pinakiramdaman niya ang pamilyar na paghuhuramentado na naman ng kaniyang puso.

Bigla siyang tumayo at pinuna na lamang ang papalubog na araw at 'yon na lang ang binalingan. Nilapag naman ni Stefan ang cake at sumunod sa kaniya.

Parang may nagkakarerahan sa loob ng kaniyang dibdib nang maramdaman ang kamay ni Stefan sa kaniya. At unti-unti nito iyong pinagsiklop…

Ilang sandaling hindi nakapag-react si Elise at halos manigas nalang sa kinatatayuan. Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan ni Stefan ang kamay niya. Nahawakan na nito ang kamay niya unang beses noong maaabutan na sila ng ulan pabalik ng mansyon. Kinuha at hinawakan ni Stefan noon ang kamay niya habang sabay silang tumatakbo sa pagmamadaling makauwi at pag-asang hindi na maabutan ng nagbabadyang pagbagsak ng ulan sa lupa. Noon din ay parang bumagal ang galaw ng mundo para kay Elise salungat sa mabilis na pagtakbo ng puso niya sa mga sandaling ‘yon.

Unti-unti niya itong binalingan. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hinarap siya ni Stefan at hinawakan ng mga kamay nito ang kaniya saka siya pinakatitigan.

"We've known each other since we were kids..." panimula nito na lalong nagpakabog sa kaniyang dibdib. "You're the main reason why I kept on coming back here," saglit nitong kinagat at pang ibabang labi at halos mapakamot pa sa batok. Pagkatapos ng isang mahinang buntong-hininga ay kumawala sa mga labi nito ang mga sumunod na salita. "I like you, Elise..."

Ilang sandali silang nabalot ng katahimikan matapos nitong sabihin iyon. Binalingan muli ni Elise ang magandang sunset. Nang muli siyang mag-angat ng tingin kay Stefan ay kita pa rin niya ang paghihintay nito ng sagot mula sa kaniya. A small smile slowly stretched her lips. "Gusto rin kita, Stefan..." sa katunayan ay matagal na niya itong nagugustuhan.

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi nito. Agad siyang binalot ni Stefan sa mainit nitong yakap—taliwas sa malamig na simoy ng hangin. Sinuklian niya rin ang yakap nito.

Nang kumalas ay ilang saglit lamang silang nagkatitigan bago nito unti-unting binaba at nilapit ang mukha sa kaniya para sa isang halik. Halik na dampi lang sa una hanggang sa naging malalim... It was their first kiss.

Kasabay ng pagpikit ng kanilang mga mata at pagdama sa halik ay ang tuluyang paglubog ng araw. At tanging ang tunog lang ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan ang ingay sa paligid. Bukod sa malakas na tibok ng kaniyang puso…

***
"Nandito si Ma'am Catherine,"

Mula sa computer ay nag-angat ng tingin si Elise sa kakarating lang na si Josef. Kasunod nga nito ang tinutukoy. Napatayo siya upang salubungin din ito.

"Good morning, Ma'am," she politely greeted.

The woman smiled at her genuinely. The beautiful and elegant Catherine Villegas-Prieto is in front of her. In her simple yet sophisticated look. Wala na yatang kapintasan ang babae. Mabait din ito…

"Good morning, Elise. Nasa loob ba si Stefan?" mahinhin nitong tanong. Tinutukoy ang opisina ng kaniyang boss.

Umiling siya. "Nasa meeting pa po si...Sir."

Tumango ito at muli siyang nginitian. "Sige, uh, maghihintay na lang muna ako sa office niya."

"Sure, Ma'am." muli niya itong tinanguan.

Hinatid niya ang babae sa loob ng opisina ng kaniyang boss. Iiwan niya na sana ito matapos paupuin sa sofa'ng naroon para ikuha ito ng kahit maiinom nang biglang halos sumabog pabukas ang pinto ng opisina.

"What are you doing here?" agad na pagalit na bungad ng kaniyang boss sa asawa nito.

Maagap na napatayo si Catherine na halos kauupo lang din. Pilit nitong sinalubong ng ngiti ang asawa na napawi rin dahil sa galit nito.

"D-Dinalhan kita ng lunch-"

Ngunit bago pa man nito matapos ang sinasabi ay halos kinaladkad na ito ng kaniyang boss palabas sa ospisina nito.

"Stefan, n-nasasaktan ako," daing ng babae.

"Why can't you just stay at home, huh?! Can't you see I'm busy? I told you! Many times! To stop coming here!" his voice was loud.

Malakas na sumara ang pintuan. Naiwan si Elise sa loob ng opisina na mag-isa. Ilang sandali siyang natulala sa nasaksihang hindi na rin naman bago. She closed her eyes tightly. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top