Chapter Twelve
Chapter Twelve
Kiss
Alvin Kier Castillo sent you a friend request.
Napangiti si Elise at napailing nalang nang mabasa ang isa sa mga Facebook notifications niya. She hit confirm and they are now FB friends.
Alvin Kier Castillo: It's late. Hindi ka pa matutulog?
Agad itong may chat sa kaniya.
Noong isang araw lang tuluyang nakalabas si Elise ng ospital. Kay Mara parin siya tumutuloy kahit pa sabihin niyang pwede naman siyang maghanap ng matutuluyan ay hindi siya hinayaan ng kaibigan.
Gusto na lamang ni Elise na huwag nang kumilos o magsalita man lang noon habang nasa ospital siya. Parang nawalan siya ng lakas at sobra sobra ang naging panghihina niya. Pero hindi niya pa rin naiwasang isipin ang mga taong naroon at nanatiling nasa tabi niya at nag-aalala sa kaniya lalo na ang kaibigan niyang si Mara. Buntis pa ito kaya hindi niya mapigilang hindi rin mag-aalala para rito. Iyon ang nagbigay sa kaniya ng dahilan para lalo pang tatagan ang loob niya kahit pa halos mabaliw siya sa nangyari sa kaniya. Hindi pa rin nawala sa kaniya ang pag-aalala rin niya para sa ibang taong nag-aalala rin sa kalagayan niya.
Elissa Fernandez: Patulog narin. Ikaw, bakit gising ka pa? Maaga ka pa bukas sa ospital?
Nakita din niya ang isa pang notification na pag-h-heart react ng lalaki sa profile picture niya.
Wala siyang ni isang post sa kaniyang account bukod nga sa nag-iisang picture niya doon. Hindi niya rin ito masyadong nagagamit. Ngayon nga lang niya halos naisipang mag-log in sa pag-iisip na baka malibang siya kahit paano o ma-distract siya sa pag-iisip ng mga negatibo. Ayaw na niyang pag-alalahanin pa si Mara sa kalagayan pa nito ngayon. Ayaw niyang may mangyari ring masama sa baby nito kung palagi nalang itong mag-aalala sa kaniya. Dahil alam na niya ang pakiramdam ng mawalan ng anak sa sinapupunan…
She sighed and read Kier’s message.
Alvin Kier Castillo: Yup. Matulog ka na. May masama ba sa pakiramdam mo?
Napangiti si Elise sa pagiging thoughtful ng lalaki.
Elissa Fernandez: Okay na ako, Doc. Salamat nga pala ulit. Sige, matutulog na ako. Goodnight.
Alvin Kier: Goodnight, Elise...
Tinabi na niya ang kaniyang cellphone pagkatapos. Humiga narin siya sa kama at pinikit ang mga mata.
Ngunit wala na yatang gabing hindi siya umiiyak bago nakakatulog... Naiisip niya ang mga nangyari. Naiisip niya ang kaniyang anak... Ni hindi man lang niya nalamang buntis siya nang kinuha ito sa kaniya...
***
Tahimik si Elise na nakaupo sa may bar counter at umiinom ng in-order niyang alak. Pinapatugtog sa lugar ang isang kanta. Years by Astrid S.
Maaga pa para sa mga party goers kaya ang tugtog pa lang ang nagbibigay buhay sa lugar.
Sunudsunod na ang hingi niya ng shot sa bartender.
Nag-iingay ang cellphone niya sa kaniyang bag kaya kinuha niya iyon at sinagot ang tumatawag.
"Hello..."
"Elise! Where are you?" boses iyon ni Kier. "Ang sabi ni Mara ay umalis ka raw ng bahay kanina, at hindi ka pa nakakabalik—"
Hindi alam ni Elise kung bakit siya natawa. "Uuwi din ako, Kier..."
"Are you—" Narinig niya ang pagmumura ng lalaki sa kabilang linya. "Where are you, Elise?"
"Kier—"
"Just tell me where you are. Please."
Halos wala sa sariling binigay ni Elise ang phone niya sa bartender na nangunot pa ang noo ngunit tinanggap naman. Ito ang kumausap kay Kier at nagsabi ng address ng bar na kinaroroonan niya.
Binalik sa kaniya ng bartender ang phone niya pagkatapos.
Nilagok ni Elise ang laman na alak ng kaniyang baso.
Agad inagaw ni Kier sa kaniya ang hawak niyang shot glass nang dumating ito.
"Kier—"
"Enough, Elise." Nakita niya ang pag-iigting ng panga nito habang nakatingin sa ayos niya. "Let's go. Iuuwi na kita."
She drunkenly shook her head. "Gusto ko pang uminom—"
"No." pigil muli sa kaniya ni Kier.
Umiyak siya. Sunudsunod at tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha niya. Hindi siya umiiyak dahil ayaw na siya nitong bigyan ng alak. Umiiyak siya dahil sa sobra sobrang sakit...
"Bakit..." she cried. "Binigay ko sa kanya ang lahat lahat sa akin... Wala na akong tinira sa sarili ko..." hagulhol niya.
Maagap lang siyang binalot ng yakap ni Kier sa kaniyang tabi. Lalo siyang umiyak.
Pakiramdam niya ay basag na basag na siya. Parang isang babasaging bagay na nahulog at nagkapirapiraso... At hindi na muling maibabalik pa sa dati nitong ayos...
"Ang s-sabi niya," she sobbed. "A-Ako lang ang mahal at mamahalin niya... Nangako siya... Nangako ka, Stefan!" patuloy ang kaniyang paghagulhol. "Pumayag ako... sa lahat... Pumayag akong... maging kabit... kahit masakit."
Nang bahagya siyang kumalma ay inangat niya ang mukha kay Kier. Ilang sandali silang nagkatinginan until she initiated a kiss between them...
"Elise—" Kier stopped her.
Muling bumuhos ang mga luha niya. "A-Ayaw mo rin sa akin?"
His jaw clenched and he let out a curse before he lowered his head to meet her lips. This time it was Kier who initiated the kiss...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top