Chapter Three

Chapter Three

Secret Relationship

"Puwede bang itago muna natin ito?"

Huminto si Elise sa kanilang paglalakad na kinatigil din ni Stefan. Bumaba ang kaniyang mga mata sa kamay nilang magkahawak. Hindi nagsalita ang lalaki. Muli siyang nag-angat ng tingin dito at binigyan ito ng isang tipid na ngiti. "Hindi ko pa kasi alam kung paano sasabihin kay Nanay..."

Unti-unti naman itong tumango bilang pag-iintindi. Lumapad ang kaniyang pagkakangiti. Pinagpatuloy nila ang paglalakad sa may dalampasigan.

Lalong dumalas ang mga pagdalaw sa kaniya ni Stefan sa probinsya. Nanatiling lihim ang kanilang relasiyon. Ang totoo ay bukod sa kaniyang Nanay Beth ay may takot din siyang malaman ng mga Prieto, ni Donya Lucia, ang namamagitan sa kanila ng panganay nitong apo.

Mabuti naman sa kanila ang Donya. Ngunit halos positibo si Elise na hahadlangan ng pamilya ni Stefan ang kanilang relasyon. Kung hanggang kailan nila ito itatago ay hindi niya alam. Basta ang alam niya ay masaya siya. Masaya sila ni Stefan at nagmamahalan.

***

Kumawala na sana ang tili sa mga labi ni Elise kung hindi lang may palad na maagap na tumakip sa kaniyang bibig.

"Sshh..." dumampi ang malambot nitong labi sa kaniyang tainga.

Bumaba ang kamay nito mula sa kaniyang bibig at yumakap ang matitipunong braso sa maliit niyang baywang galing sa likod. Naamoy na rin ni Elise ang pamilyar na bango ng lalaki.

"Stefan..." bulong niya.

"Hmm..." nagsimula nitong amuyin ang kaniyang leeg pababa at lumapat ang mga labi nito sa balat ng kaniyang balikat.

Naka pajama na siya at isang manipis na spaghetti strap. Hinarap niya ang lalaki at sinalubong ang mga mata nito. Madilim sa kusina at halos sa buong bahay. Natutulog na ang mga kasama nila sa bahay at sila nalang siguro ni Stefan ang gising sa mga oras na iyon.

Patulog na siya nang makaramdam ng uhaw kaya bumangon at nagtungo sa kusina para lang sana makainom ng tubig.

Yumuko si Stefan at nilapit ang mukha sa kaniya upang maabot ang kaniyang mga labi. Pumikit nalang si Elise at nagpaubaya. Pinalalim pa ng lalaki ang kanilang halikan.

Sunod nalang na naramdaman ni Elise ay ang malambot na kama sa kaniyang likod. Dinala na siya ni Stefan sa kuwarto nito sa mansyon.

Naalala niya ang unang beses na ginawa nila ito. Ang mga halik at hawak sa kaniya ni Stefan. At ang sakit na naramdaman niya nang gabing 'yon nang tuluyan na siya nitong naangkin sa unang pagkakataon.

"Stefan..." she gasped when she felt him lightly suck the soft skin of her neck.

They're both naked now on bed. His hot palm cupped and started massaging her breasts. Hindi ito makuntento hanggang pinalitan ng bibig nito ang palad sa kaniyang dibdib. He licked and sucked her already hardened nipples. Umungol si Elise habang sumasabunot din ang kamay sa malambot na buhok ng nobyo.

Then she felt his hand down and touched her soaking wet femininity. Caressing and teasing it at first until he inserted a finger in her warm hole. Dumiin ang mga kuko niya sa balikat ni Stefan.

"Fuck!" he groaned harshly after filling her to the core.

Dumaing din si Elise sa sensasyon. She cried out her moans of pleasure as he continued to move in and out of her hastily. She can hear the creaking of his bed. Nagsimula siyang igalaw na rin ang balakang para sabayan ang paggalaw nito. Pareho silang pawisan kahit pa man air-conditioned ang kwarto ng nobyo. Lalong bumilis ang galaw nito matapos siyang gawaran ng isang malalim na halik sa kaniyang mga labi.

He groaned.

Umalis ito sa ibabaw niya makaraan at nahiga sa kaniyang tabi. Hinila siya nito at mahigpit na niyakap. Hinalikan siya sa kaniyang noo. "I love you, Elise." he whispered after kissing her forehead.

Napangiti siya at inaantok ang mga matang sumagot. "I love you too, Stefan..."

Nasa second year na noon si Elise sa kursong nursing nang pumanaw ang kaniyang Nanay Beth—ang tanging pamilyang natitira sa kaniya. Nagkasakit ito at dala na rin ng katandaan. Pinagpatuloy ni Elise ang paninilbihan sa mansyon ng mga Prieto dahil kahit wala na ang kaniyang Lola ay pinag-aral pa rin siya ni Donya Lucia. Ngunit hindi pa man niya natatapos ang kolehiyo ay pumanaw na rin ang matandang Donya…

"Wala na ang Mama. Kaya hindi na rin kailangan ang maraming katulong dito sa mansyon." ani Vivienne Prieto nang araw na iyon. Nakayuko lang ang mga kasambahay na mawawalan na ng trabaho. Bumaling ito sa kaniya. "At ikaw, wala na si Mama kaya wala na ring magpapaaral sa 'yo." dagdag nito.

Marahan lamang na tumango si Elise. Parang inasahan na rin niya iyon.

Walang alam si Vivienne Prieto sa namamagitan sa kanila ng panganay nitong anak. Nanatili paring lihim ang relasyon nila ni Stefan sa mga nagdaang taon.

Hindi alam ni Elise kung saan magsisimula. May mga gabing iniiyakan pa rin niya ang pagkawala ng kaniyang Nanay Beth. Ngunit bago pa man siya makapag-isip ng unang hakbang ay ginawan na ni Stefan ng paraan. Sa mga sumunod na linggo ay nakaapak na siya ng Maynila upang magtrabaho sa kompanya ng mga Prieto. Bilang sekretarya ng CEO—ni Stefan.

Noon niya rin nakilala si Josef—ang isa pang assistant ni Stefan. Alam ng lalaki ang relasyon nila ng boss nito. Pinagkakatiwalaan din naman ito ng kaniyang boyfriend.

Yakap niya ang sarili habang pinapakita sa kaniya ni Stefan ang loob ng nabili nitong condo. Malaki iyon para sa kanilang dalawa. May mga furniture na rin at nakita niyang kahit ang kusina ay kumpleto na sa gamit. Na excite tuloy siyang gumalaw na roon at ipagluto si Stefan ng mga paborito nitong ulam. Gusto ni Stefan ang luto niya noon pa man. Pinagluluto niya ito noon sa mansiyon.

Naramdaman niya ang yakap sa kaniya ni Stefan galing sa likod. Napangiti siya at dinama iyon. Hinalikan pa siya nito sa gilid ng kaniyang ulo. "Do you like it?" Stefan asked calmly and kissed her cheek.

"Masyado itong malaki para lang sa ating dalawa, Stefan..." marahan din niyang sambit habang pinagmamasdan ang kabuuan ng unit.

"Tama lang 'to. S’yempre para sa mga magiging anak natin ang ibang rooms dito." ani Stefan na nakangiti. "Although, I would want a huge house for our family in the future. Hindi lang ganito."

Napangiti rin si Elise sa sinabi ng kasintahan. Hinarap niya ito at pinalibot ang mga braso sa leeg at batok nito. Bahagya siyang tumingkayad para maabot ang labi nito at madampian ng halik. Nagkatinginan sila pagkatapos.

There was gentleness in his eyes as he looked at her. Hinawi nito ang iilang takas na buhok sa gilid ng kaniyang pisngi at nilagay sa likod ng kaniyang tainga. "Kakausapin ko sila Dad. It's time for them to know about us. Papakasalan kita, Elise." he sincerely told her.

Marahan siyang tumango. Kahit pa may parte sa kaniyang iniisip ang hindi natapos na kurso, ngunit kung ito na ang plano ni Stefan ay papayag na rin siya. Mas mahalaga sa kaniya ang kasintahan at ang hinaharap nilang dalawa na magkasama.

Pumungay lalo ang mga mata nito habang nakatingin lang sa kaniya at tinawa nalang ni Elise ang bahagyang pagkagulat nang bigla siya nitong buhatin at nagtuloy-tuloy patungo sa isang bedroom na alam niyang magiging kuwarto nila ni Stefan.

Hiniga siya ni Stefan sa malambot na kama at ilang sandaling nakatingin lang sa mga mata ng isa't isa bago tuluyang inabot ni Stefan ang kaniyang mga labi para masuyong mahalikan. Marahang pinikit ni Elise ang mga mata at unti-unting ginantihan ang matamis nitong halik sa kaniya.

Ngunit minsan ay nagiging malupit sa atin ang mga pangyayari. Kapag akala mong ayos na, masaya ka na, parang muling ipapaalala sa iyo na hindi pa pala. Na pagkatapos ng saya ay sadyang may kasunod na sakit at kalungkutan—reminding us all that life is always like that. Hindi palaging maganda ang takbo ng buhay. Hindi palaging masaya.

"I am not marrying that woman!" parang kulog ang boses ni Stefan sa loob ng kaniyang opisina.

Tahimik lamang si Elise na nakikinig habang kaharap ang pinto ng office nito. Nasa loob ngayon ang mga magulang ni Stefan. Kinukumbinsi ng mga ito ang panganay na anak na pakasalan ang napili ng mga itong mapapangasawa ng anak.

Dinama ni Elise ang kaniyang puso sa pamamagitan ng paglapat ng nakakuyom na palad sa kaniyang dibdib. Halos hindi na niya maramdaman iyon. Para bang unti-unting namamanhid. Nawawalan ng pag-asa at takot. Natatakot para sa mga susunod na mangyayari.

"Stefan, son, give this a chance." anang boses ni Vivienne Prieto habang kinakausap ang anak. "Catherine Villegas is a good woman! And you deserve someone like her for a wife—"

"I have a girlfriend—"

Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Elise. Mukhang sa ganitong pagkakataon pa masasabi ni Stefan sa mga magulang nito ang tungkol sa kanila.

"Dominic!"

Ngunit naputol na ang pagtatalo sa loob nang biglang napasigaw si Vivienne tawag ang pangalan ng asawa.

Naging mabilis ng mga pangyayari na hindi na halos masundan ni Elise. Sinugod si Dominic Prieto—ang ama ni Stefan—sa ospital. Inatake ito sa puso at hindi naging maganda ang kalagayan nito habang naka-admit.

Stefan was guilty. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari sa kaniyang ama. "Kapag may nangyari pa kay Dad..." umiling ito at kita ni Elise ang pagtulo ng luha sa pisngi ng nobyo.

Mahigpit niya itong niyakap para aluin at makaraan ay giniya patungo sa naghihintay nitong sasakyan. Si Josef na ang nag-drive no'n pauwi sa kanilang condo dahil wala sa ayos si Stefan para makapagmaneho pa.

Ilang araw na ring naka confine pa rin sa ospital ang ama nito. Nagalit na rin si Vivienne Prieto sa anak at mukhang ito pa ang sinisisi sa nangyari sa asawa. Kaya naiintindihan ni Elise kung nagkakaganito man ngayon ang kasintahan. And she promised to herself na hinding hindi niya ito pababayaan lalo pa ngayon.

At nagtuloy tuloy ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay niya. Hiniling pa rin ni Dominic Prieto sa anak ang pagpapakasal nito kay Catherine Villegas. Kasalukuyan din kasing humaharap sa problema ang kompanya ng mga Prieto at makakatulong ang mga Villegas.

Parang sinaksak ng punyal ang dibdib ni Elise sa riyalisasyon. Wala siyang magagawa para makatulong kay Stefan sa kahit na ano. Sa problema man nito sa pamilya lalo na sa kompanya. Sa katunayan ay dagdag pa siya sa mga pasanin ni Stefan. Hindi tulad ng babaeng nakatakda nitong pakasalan na alam niyang may kakayahang tulungan si Stefan at ang pamilya nito...

"It's okay, Stefan...Kailangan ka ng pamilya mo ngayon..." halos wala sa sariling nasabi niya sa kasintahan isang gabi.

Nasa balkonahe silang dalawa ng kanilang condo. Tumingala si Elise sa kalangitan at napagmasdan ang mga kumikinang doon. Maganda ang panahon. Hindi nakiayon sa nararamdaman niya sa kaniyang kalooban na parang binabagyo.

"Elise..." bigong tawag sa kaniya ng nobyo.

Nagpakawala siya ng isang marahang buntong-hininga bago muli itong binalingan at hinarap. Agad siyang nasaktan sa nakikitang nasasaktan din ito ngayon. Namumula ang mga mata. He looks frustrated and tired but there was still determination in his eyes as he looked at her. Na para bang sinasabi nito sa kaniya gamit ang mga mata nitong nakatitig lang sa kaniya na magiging maayos din ang lahat...

Nakagat ni Elise ang pang-ibabang labi sa pagpipigil ng hikbi na kumawala pa rin. She was fast to close the distance between them and hugged the man she love so tightly. Para bang ayaw na niya itong makawala sa klase at higpit ng yakap niya dito. Iyon naman talaga ang totoo. Ayaw niya itong mawala sa kaniya! Ngunit parang iyon pa ang hinihingi sa kaniya ng kapalaran. Inalala niya kung sobra sobra ba siyang naging masaya sa mga nakaraang taon para bawian siya ng ganito?! Siguro...Siguro nga naging sobrang masaya siya dahil kay Stefan! Simula nang makilala niya ito. At ngayon ito rin ang kukunin sa kaniya dahil ito lang din ang makakapagdulot sa kaniya ng sakit at kalungkutan. Ganoon naman, hindi ba...Palagi, pinapatikim lang sa atin ang saya. ‘Tapos ay binabawi rin at pinapalitan ng pait ang kasiyahan.

"I'm sorry, baby..." basag ang boses nito habang kinakausap siya. Nanatili lang silang magkayakap. "Forgive me, Elise… But I promise. I'll make a way out. Tayo pa rin sa huli." naramdaman niya ang mariin nitong halik sa kaniyang buhok. "Ikaw lang ang mahal ko. I will always be here for you. Hindi ako mawawala kahit pa pagkatapos ng mangyayari."

Iyon ang huling gabi na legal pa sila. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos... Dahil sa mga sumunod na araw ay naroon siya. Sa malaki at napakagandang ayos ng simbahan. Sa mismong kasal nito...Kasal ng lalaking pinakamamahal niya.

Ang lalaking akala niya noon ay sa kaniya lang makikipag-isang dibdib. At siya lang din ang magiging asawa nito...

Ngunit sadyang malupit ang kapalaran... Lalo na siguro sa mga tulad niyang minsan ay labis labis ding nakadama ng kaligayahan... Kaya sobra din kung bawian.

"Do you take Lloyd Stefan Prieto as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"I do." walang pagdadalawang-isip iyon na sagot galing kay Catherine. Nakangiti ito at masayang maikasal sa lalaking gusto nito.

"Lloyd Stefan Prieto, do you take Catherine Villegas as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

Natahimik ang lahat. Matagal bago nakasagot ang lalaki. "I do," sa huli ay nasabi rin nito sa halos pabulong na boses.

Nagbaba ng tingin si Elise at naipikit na lamang ang mga mata. Good thing that she was seated at the last seats at the back with Josef beside her. They were invited. Kahit papa'no ay nagtatrabaho pa rin sila sa mga Prieto. Particularly Stefan Prieto na mismong CEO. At kasal ito ng kanilang boss...

"I now pronounce you husband and wife."

Kasunod no'n ang magarbong palakpakan na pumuno sa loob ng simbahan.

Tumulo ang luha mula sa mga niyang nanatiling nakapikit at nakababa ang ulo. Hindi na muling nag-angat ng tingin si Elise at alam naman niya. Inaasahan naman ng lahat ang susunod na mangyayari. Ang mga labing noon ay kaniya lang ngayon ay hahalik na sa labi ng iba...

Para siyang unti-unting pinapatay simula pa man.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top