Chapter Ten

Chapter Ten

Hindi

"Nasaan ka na ba?" Catherine was asking Suzette through a phone call.

Kanina pa siya narito sa airport at hinihintay ang kaibigan niya. Makakasama niya itong lumabas ng bansa dahil narin sa trabaho nito abroad bilang isang modelo.

"Papunta na ako diyan. Natagalan lang sa dinaanan..." sagot nito.

"Mabuti nalang delayed ang flight natin. If not, naiwan na tayo ng plane!" aniya.

Kausap pa niya si Suzy sa phone nang natigilan siya at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Hello? Cath?—"

"S-Suzy, ibaba ko na." agad niyang naibaba ang hawak na cellphone nagsasalita pa man ang kaibigan.

"Stefan..."

Unti unting lumapit sa kinatatayuan niya ang lalaki. His facial hair were visible now. Halatang ilang araw na itong hindi nakakapag-ahit. Nevertheless, that doesn't made him less attractive. Parang lalo pa nga itong gumuwapo sa paningin niya. Bagay din pala sa lalaki ang may ganoon.

"You're leaving me?" halata ang sakit at pagtatampo sa boses nito.

Agad naman nanlambot si Catherine sa nakikitang ayos ng asawa. "S-Stefan,"

Agad lang siya nitong binalot ng yakap nang hustong magkalapit ang mga katawan nila. Ramdam ni Catherine ang bigat ng damdamin nito...

"T-This is for you, Stefan." nasabi niya, bumibigat na rin ang dibdib. "Alam kong nahihirapan ka na sa marriage natin k-kaya—"

Humigpit lang ang yakap nito sa kaniya. "I'm sorry... Hindi ko pa pala nasasabi sa 'yo. I love you, Catherine..."

Her eyes widened in shock kasabay ng pangingislap din nito sa luha at tuluyang pagbuhos.

For the past weeks, bago pa man ang mga nangyari, naiparamdam naman sa kaniya ni Stefan na may nagbago sa asawa at sa pakikitungo nito sa kaniya. That sometimes she got confused. Pakiramdam niya ay mahal na rin siya ng asawa, pero, ayaw naman niyang mag-assume. They said actions are better than words, but, actions without words can be really confusing. Isa pa, alam niya, may mahal na itong iba...

"I'm sorry for everything. Please, don't leave me... Give me another chance. Please..." her husband begged.

Sa kabila ng sakit ay parang may kung anong mainit ang humaplos sa puso ni Catherine, that slowly her lips curved into a smile.

Nga lang ay namataan niya ang kaniyang matalik na kaibigan na mabilis ang lakad palapit sa kanila.

"What the hell is this cheating husband of yours doing here?!" hinila pa nito si Stefan para paghiwalayin sila.

"Suzy!" maagap niyang saway sa kaibigan.

Sakto namang tinatawag na ang flight nila. Nagkatinginan sila ng kaibigan. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Suzy. "Oh, come on, Catherine! Don't tell me—"

"I'm sorry." agap niya. She pouted at her best friend.

Suzette rolled her eyes. Inirapan nito ang kaibigan. "Oh my god! Dumadami na nga ang bilang ng mga marupok sa mundo ay pinili mo pa talagang dumagdag? Seriously?" she shook her head in annoyance.

Nakangusong lumapit siya sa kaniyang kaibigan at niyakap nalang ito. "Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka na..." aniya.

Muli lang siyang inikutan ng mga mata ni Suzy nang kumalas sila sa yakap. "Whatever." Matalim ang tinging bumaling ito kay Stefan. "Hindi parin kita gusto para sa kaibigan ko. You're still an asshole in my eyes. At hindi na magbabago 'yon."

Napangiwi at napailing nalang si Catherine sa sinabi ng best friend niya sa asawa niya.

Muli silang nagyakapan at iniwan na sila nito para sa flight na dapat silang dalawa ang aalis.

Nagkatinginan sila ni Stefan nang muling mapag-isa. Hinarap siya nito at may pinakita sa kaniya. Her eyes widened.

"Binigay 'to sa 'kin ni Elise. Naiwan mo raw kanina nang magkita kayo." Stefan said and brought her to his arms again.

She felt him kissing the side of her head while they hugged. Catherine closed her eyes and feel the moment...

It was like a dream come true for her. Nasa high school pa lang sila noong maging crush niya na si Lloyd Stefan Prieto. They were schoolmates. Kaya noong malaman niyang ipapakasal sila ng mga magulang nila sa isa't isa ay hindi siya tumutol...

Yes, she was hurt. Ganoon nalang ang gulat at sakit na naramdaman niya nang makilala ang babaeng sinasabi sa kaniya noon ni Stefan na mahal nito sa katauhan ni Elise—ang mismong secretary ng asawa niya. Thinking about the things they did behind her back broke her heart. Kasal parin sila ni Stefan...

Ang akala pa nga niya noon ay sinasabi lang sa kaniya ni Stefan na may mahal na itong iba dahil ayaw nito sa kaniya. Wala naman siyang narinig na naging girlfriend nito noon pa man. 'Yon pala ay may girlfriend ito sa probinsya—at nakilala niya. Matagal na pala niyang kilala at wala man lang siyang kaalam alam...

"I love you..." muling banggit ni Stefan sa mga salitang kaytagal niyang pinangarap marinig mula sa asawa.

A smile broke on her lips. "I love you too, Stefan..."

At the end of the day...hurt and betrayal, pain, can still be conquered by true and unconditional love.

May mga tao lang talaga na kagaya ni Catherine. Iyong ganito kung magmahal. Mapagsakripisyo, mapag-intindi, at marunong magpatawad. Kaydali nga namang patawarin ang taong minamahal mo. Para kay Catherine ay magmamahal siya hanggang kaya pa niya. Hanggang sa maubos na siya. At hindi pa siya nauubos. Marami pa siyang pagmamahal para sa asawa niya.

Kaya handa rin siyang bigyan ito ng isa pang pagkakataon.

***

Bagong paligo at kakalabas lang ni Elise ng banyo nang tumindi ang sakit na nararamdaman niya. Nitong pagkagising pa lang niya ay masama na ang kaniyang pakiramdam. Pinilit niyang bumangon at maligo sa pag-iisip na giginhawa ang pakiramdam niya.

"M-Mara..." tawag niya sa pangalan ng kaibigan habang lumalabas sa kwarto.

Agad naman siyang dinaluhan ng kaibigan at nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya nang nasa harapan na niya ito. "Elise!" gulantang at takot itong napasigaw.

"Ang s-sakit, Mara..." aniya habang sapo ang tiyan.

Bago siya nawalan ng malay ay naramdaman pa niya ang pagbuhat sa kaniya ni Mike at ang boses ni Mara na nagsasabing dalhin na siya sa ospital...

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Elise at bumungad sa kaniyang paningin ang isang hindi pamilyar na silid.

"Elise," agad lumapit sa kaniya si Mara nang makitang gising na siya.

Bumukas din ang pintuan ng kuwarto at pumasok ang isang babaeng doktor.

"Doctora Sanchez." bati ni Mara dito.

Tumango ang doktora sa kaniyang kaibigan at bumaling sa kaniyang nanatiling nakahiga sa hospital bed. Lumungkot ang mata nitong nakatingin sa kaniya at nagpakawala ng isang buntong hininga bago nagsalita.

"You’ve lost the baby... I'm sorry." bigong anang doktor.

Natutop ni Mara ang labi at agad kumislap ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya ang kaibigan.

Umawang ang labi ni Elise. Para siyang nabingi at nabulag sa narinig. Parang bigla siyang walang maramdaman sa kaniyang paligid bukod sa labis labis nang pagkakadurog ng kaniyang puso...

Gusto niyang sumigaw... Gusto niyang magwala...

"Elise..." umiiyak si Mara sa kaniyang tabi habang niyayakap siya.

"M-Mara...h-hindi...hindi ko alam... Hindi ko alam!" she cried painfully.

Ni hindi niya alam na buntis na pala siya. Wala naman siyang naramdamang pagbabago sa kaniyang sarili...o siguro hindi na niya namalayan...

"Hindi puwede, Mara!" hagulhol niya. "Hindi! Hindi...hindi ko alam..." paulit-ulit siyang umiling. Hindi na siya halos makahinga sa sobrang pag-iyak at bigat ng nadaramang sakit... "Hindi puwede!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top