Chapter Sixteen

Chapter Sixteen

Anak

Parang wala sa sariling unti-unting lumapit sa kinatatayuan niya si Stefan. Bumaba ang tingin nito kay Miko na karga niya. A sad smile appeared on his lips.

"Ito na ba ang anak natin, Elise..." bigong anito at pilit inabot si Miko.

Elise gasped and Miko started crying again. Hindi kilala ng bata si Stefan kaya natatakot pa ito.

"Stefan, lasing ka." nilayo niya si Miko.

Pero pilit silang nilalapitan ni Stefan kaya pinigilan narin ito ni Kier sa balikat.

Bumaling siya kay Kier—nagtatanong kung ano'ng pwede nilang gawin.

"Where's your phone?" tanong ni Kier kay Stefan pero wala na ito sa sarili dala ng kalasingan.

Kinapkapan ito ni Kier ngunit wala 'ata sa bulsa nito ang cellphone. Then Kier went to Stefan's car at doon nga nito nahanap ang phone ng lalaki.

"Call Catherine." ani Elise kay Kier.

Iyon nga ang ginawa ni Kier. Nilagay nito sa tainga ang cellphone at naghintay sila ng ilang sandali bago may sumagot sa kabilang linya.

"Mrs. Prieto, this is Doctor Castillo..." sinabi dito ni Kier ang tungkol kay Stefan.

Bumaling si Elise kay Stefan... Nakaramdam siya ng awa sa lalaki sa ayos nito. Namuo ang mga tanong sa isip niya, ngunit nang dumating ang isa pang sasakyan at lumabas si Catherine mula doon ay hinayaan nalang.

"Stefan!"

Lakad-takbong lumapit ang naka-pantsuit at stilettos na si Catherine sa asawa nito. Mukha itong galing sa isang meeting.

"Ano ba'ng nangyari sa 'yo," nag-aalala nitong hinawakan si Stefan.

"Thank you, Doc.... Elise..." baling nito sa kanila. "Pasensya na,"

"Ayos lang." nasabi ni Elise.

"May tinawagan na ako para kumuha sa sasakyan niya. Mauna na kami, salamat."

Sa tulong ng driver ay giniya na ng mga ito si Stefan sa sasakyan.

Nang makaalis ang kotse nina Catherine ay tumawid narin sila ni Kier para balikan ang kanilang sasakyan.

"Are you alright?" may pag-aalalang tanong sa kaniya ni Kier nang nasa driver's seat na ito.

"Ayos lang ako, Kier." she assured him.

He nodded and started the car's engine again.

"Ito na ba ang anak natin, Elise..."

Naipilig ni Elise ang ulo nang muli niyang marinig sa kaniyang isipan ang mga lumabas sa bibig ni Stefan...

He was drunk. And drunk words are sober thoughts, right? —she thought. Tama ba ang iniisip niya na kung paano siyang nasaktan at nagsisi sa pagkawala ng anak nila ay ganoon din si Stefan? Did he had nightmares, too, about their lost child...

Sighing, Elise shook her head.

Agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makapasok sa private room ni Mara.

She's still on a hospital bed and in her arms is a newborn healthy baby boy. Lalaki muli ang pangalawang anak nina Mike at Mara. Kahapon lang ito nanganak.

"Nakapag-usap na kayo ni Doc tungkol sa medical mission?"

Mara asked her that while she's fondly carrying the soft baby in her arms. Ang sabi sa kaniya ni Kier ay magiging mabuti siyang ina, at sigurado ito doon. Napangiti siya nang maalala ang sinabi nito sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "Huh?"

"Hindi pa niya nasasabi sa 'yo? Gusto ka no’ng isama. Haynako! Napaka-torpe talaga ng lalaking 'yon!" bahagyang tumawa si Mara.

Sumimangot si Elise sa kaibigan. Tinutukso na naman sila nito ni Kier.

"Totoo! Aba, kung hindi pa obvious, Elise? Halata namang may gusto sa 'yo si Doctor Kier." malapad ang ngisi nito at pinagtaasan-baba pa siya ng mga kilay. "Walang lakas ng loob at nahihiya lang 'yong yayain ka sa isa talagang date. Kaya sa medical mission muna."

"Mara!" saway ni Elise sa kaibigan.

Lalo niya itong sinimangutan ngunit nakangisi lang ito sa kaniya.

* * *

"May nasabi sa akin si Mara tungkol sa medical mission?" tinanong na ni Elise si Kier nang magkasabay sila pagkatapos ng duty sa ospital.

Kier offered her a ride home, na tatanggihan sana niya kung hindi lang siya napatingin sa mukha nitong mukhang mahirap ding tanggihan.

He looked fragile in her eyes. Para bang kapag may hiningi ang lalaki ay dapat pagbigyan dahil hindi mo ito makikitaan ng ni katiting na kasamaan at puro kabutihan lamang.

Pababa sila sa basement at sakay ng elevator.

May pag-aalangan itong ngumiti at bahagya pang nagkamot ng batok. "Uh, oo, ipapaalam sana kitang isa sa mga mag-a-assist... Kung gusto mo lang naman!" he sounded defensive.

Nangingiti si Elise sa binata. Medyo nangunot ang noo nito, umiling siya. Bumukas ang lift at lumabas na sila doon.

"Thank you, Kier." ani Elise habang nagtatanggal ng seatbelt.

Kier flashed his innocent yet gorgeous smile. "Anytime,"

Bumaba na siya ng sasakyan nito at hihintayin pa sana niyang makalayo ito bago tumalikod, pero binaba ni Kier ang bintana ng kotse nito at mula sa driver's seat ay sinenyasan siya nitong pumasok na.

Pouting a bit, sinunod niya ang lalaki. Narinig niya ang sasakyan nitong paalis nang maisara na niya ang gate ng tinutuluyan.

Napangiti si Elise sa kaniyang sarili.

***

"Kailan pa po ang lagnat niya, Misis?" nag-aalalang tanong ni Elise sa ina ng batang karga na niya ngayon.

Nasa dalawang taong gulang ito at dito pa lang naisugod ng ina sa kanilang free medical mission.

"N-Noong isang araw pa. Simpleng lagnat lang naman kaso w-walang maipambili ng gamot kaya..." paliwanag ng Nanay ng bata.

Nakatingin si Elise sa babae. Medyo magulo ang buhok nitong hindi maayos na nakapusod at nakasuot ng isang malaki at lumang T-shirt. Bakas ang matinding pag-aalala nito para sa anak na inaapoy ng lagnat sa mga bisig niya ngayon.

Naisip niya kung gaano kahirap para sa isang magulang ang pagkakasakit ng mahal na anak gayong walang perang ni pambili ng gamot...

Pinagpapasalamat ni Elise at proud siya sa ospital na pinagtatrabahuan dahil may mga ganitong libreng serbisyo itong binibigay sa mga labis na nangangailangan ng serbisyong medikal.

"Akin na." marahang kinuha sa kaniya ni Kier ang bata.

Maagap siyang bumaling sa lalaki at tumulong. Kier checked the child, at wala naman itong ibang karamdaman bukod sa lagnat na hindi nga tuluyang gagaling dahil kailangan paring mainuman ng gamot.

"Maraming salamat po, Doc, Nurse." pasasalamat ng ina ng bata matapos nilang mabigyan ng mga libreng gamot.

"Kapag nagpatuloy parin po ang lagnat niya ay tawagan at puntahan ninyo ako sa ospital na ito." ani Kier sabay abot ng calling card nito sa ina ng bata. "Hindi parin sapat ang mga dala namin para matukoy kung wala na ba talagang ibang iniinda ang anak n'yo."

"W-Wala naman po kaming perang pampa-ospital..." medyo nahihiya at bigong anang Nanay.

Elise saw how Kier smiled kindly at the mother. "Ako na po ang bahala." he said thoughtfully.

"Nako! S-Salamat. M-Maraming salamat po, doktor!" anito matapos tanggapin ang calling card na bigay ni Kier dito.

Ngumiti lang si Kier.

Parang may mainit na humaplos sa puso ni Elise habang pinagmamasdan ang lalaki. He looked genuinely happy in what he does. Parang hindi nito tinuturing na trabaho ang pagiging doctor para sumahod, but more of a way to help others. Especially those who need help the most.

"Hmm?" medyo nangunot ang noo ni Kier nang bumaling sa kaniya at naabutan nitong nakatingin siya.

Elise just shook her head, smiling.

"You like kids, too?"

Tumabi sa kaniya si Kier habang nagmemerienda sila. Nagkaroon sila ng ilang minutong break. 

"I love them..." sagot ni Elise na natili ang tingin sa mga batang naghahabulan sa kanilang harapan.

Sa court ng isang public elementary school sila naka-set. Walang pasok kaya malaya itong napagamit sa kanila ng lokal.

Nabaling lang ang atensyon niya kay Kier nang may pagkain itong nilapit sa bibig niya.

"Kumain ka muna." anito.

Tinanggap naman ni Elise ang tinapay at kinagatan 'yon. "Thanks."

Inabutan din siya ni Kier ng bottled water na tinanggalan na pa nito ng takip.

Napangiti nalang si Elise habang tinatanggap ang mga binibigay sa kaniya ng lalaki.

"Ang guwapo talaga!"

Dinig ni Elise ang mga impit na tilian at tulakan ng mga dalaga malapit sa kinaroroonan nila.

Napapailing nalang siya habang nagpatuloy sila sa pagbibigay serbisyo doon sa lugar. Alam niyang si Kier ang tinutukoy ng mga ito bukod pa sa ibang lalaking doktor na nakasama nila. And she can’t deny it that Kier really is handsome.

And Kier being the friendly doctor that he is entertained the girls a bit, nang tuluyan nang lumapit ang mga ito. He has this innocent smile and gestures while he converse with them.

Wala narin masyadong pasyente at halos nagliligpit na nga sila. Hindi ba dapat mga bata lang ang lumalapit dito?—Elise thought to herself. Dahil itong mga babae ay dapat doon nagpapatingin sa ibang doktor na kasama nila at pediatrics naman sila dito.

"Kier." tawag niya dito at lumapit.

Ngumiti sa kaniya ang lalaki at agad itong umayos ng tayo mula sa pagkakahalukipkip habang kausap 'yong mga babae para salubungin siya.

"Ay! Girlfriend?" anang isa sa mga babae. "N-Naku! Bagay po kayo, Doc. Kier! Nurse at Doktor..." medyo may pag-aalangan itong ngumiti sa kaniya.

Tumawa lang si Kier ng bahagya sa inisip ng mga ito.

Why does everyone almost always assume that they were in a relationship? Naisip ni Elise.

***

"Kapag niyaya ka ni Doctor Kier na mag-date kayo—"

"Mara!" agad niyang putol sa sinasabi na naman ng kaibigan.

May nabasa siya kung saan na minsan kahit hindi mo raw crush o gusto ay nagkakagusto ka nalang din dahil sa mga panunukso sa 'yo ng kaibigan mo...

Wala siyang duty sa ospital kaya dinalaw ni Elise ang mga bata. She's carrying baby Mario in her arms—iyon ang pinangalan nina Mara at Mike sa pangalawang anak.

Tinawanan lang ni Mara ang palagi niyang reaksyon.

Pero nagseryoso rin ito bigla. "Elise..." nagpakawala ito ng isang buntonghininga. "Hindi lang naman si Doc. Kier ang bibigyan mo ng pagkakataon. Pati narin ang sarili mo..."

Mara smiled at her gently.

* * *

"E-Elise," pigil sa kaniya ni Kier nang palabas na siya ng kotse nito. Oo at napapadalas ang mga paghatid hatid nito sa kaniya sa tirahan niya.

"Hmm?" bumaling siya rito at hindi muna natuloy sa paglabas.

Nanatili siya sa shotgun seat at nagkatinginan sila.

Hindi pa ito agad nakapagsalita kaya hinintay niya.

"C-Can I... Can I take you out on a date?" he stuttered. May pag-aalangan o nahihiya.

Bahagyang umawang ang labi ni Elise at ilang sandali bago siya unti-unting tumango at ngumiti sa lalaki.

Kier smiled widely and they ended the night with smiles on their faces.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top