Chapter Six

Chapter Six

Home

Sa mga sumunod na araw at linggo ay nagbalik naman sa dati ang lahat. Pumapasok nang muli si Stefan sa trabaho at nagkakasama sila. 'Yon nga lang ay hindi na ito ganoon kadalas umuuwi sa kanilang condo. Ayos lang naman. Bumabawi naman ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng kung ano anong regalo at lagi pang may kasamang magandang bouquet ng mga paborito niyang bulaklak.

Nagkatinginan sila matapos ilapag ni Elise sa malapad na desk ng kaniyang boss ang mga papeles na kailangan nitong pag-aralan at pirmahan. Sumilay ang isang ngisi sa guwapo nitong mukha at tahimik siyang sinenyasang lumapit dito. Nangingiti na rin siyang umiling at unti-unting lumapit sa lalaki.

Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kinauupuan nitong swivel chair ay hinila na siya nito at kinandong. Kumawala ang mahinang tawa sa mga labi niya. Sumunod na pinalibot ang mga braso sa leeg at batok nito habang nakapulupot naman ang mga braso nito sa maliit niyang baywang.

Ilang sandali silang nagkatitigan. Parehong may ngiti sa kanilang mga labi. Hanggang sa marahan niyang pinikit ang mga nang unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kaniya. Naglapat ang kanilang mga labi at tinanggap ni Elise ang sa una ay mababaw nitong halik na kalaunan ay naging malalim.

Humigpit ang kapit niya sa batok ng lalaki habang dumidiin din ang hawak nito sa kaniyang baywang.

Nasa leeg na niya ang mga labi nito at nag-uumpisa nang lumikot ang mga kamay sa maseselang parte ng kaniyang katawan nang biglang mag-ring ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng desk nito.

"Stefan..." tawag niya.

Hindi halos tumigil sa pag-iingay ang cellphone ni Stefan.

Dumapo ang mga mata niya sa kinaroroonan niyon at nasilip ang nakarehistrong pangalan ng caller, Catherine.

Marahan niyang tinulak ang lalaking mukhang walang pakialam sa cellphone nitong nag-iingay at abala lamang sa paghalik at pagdama sa kaniyang balat. "Stefan, ang phone mo." pagpapatigil niya rito.

Umalis siya mula sa pagkakandong dito at inayos ang halos nagusot na blouse at pencil cut skirt. Kita kay Stefan ang iritasiyon nang sagutin nito ang tawag.

"What?" pagalit nitong sagot sa tawag.

Nagkatinginan sila. Tumayo ito at tinalikuran muna siya habang nakikipag-usap sa phone. It was a short call, like usual, kapag si Catherine ang tumatawag at halos ayaw itong kausapin ni Stefan. Mabilis na tinapos ni Stefan ang tawag. Pagkatapos ay muli siya nitong binalingan at nilapitan.

Marahan siya nitong hinapit at hinagkan sa kaniyang noo. Tumingala siya rito. "Pinapauwi ka na ng asawa mo?" sinubukan niyang ngumiti na para bang biro lang iyon ngunit hindi biro ang sitwasiyon nila.

Pero siguro nakita rin ni Stefan ang sakit sa kaniyang mga mata na nakitaan niya rin ito ng awa at guilt para sa kaniya. Para sa sitwasiyon nilang dalawa.

Ngumiti siya na sinasabing ayos lang at tinanguan ito. "Umuwi ka na." udyok niya.

Nagpakawala si Stefan ng buntong-hininga at unti-unting tumango. Pinakawalan siya. Umatras siya bago tumalikod at nauna nang lumabas sa malaki nitong opisina.

Naiintindihan naman niyang kamamatay lang ng ama ni Catherine at siguro'y hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang babae. Ang alam niya ay malapit ito sa ama nito. Kailangan nito ang asawa nito. Kailangan nito si Stefan...at wala siyang karapatang magreklamo...

Humiga si Elise sa kama at niyakap ang unan ni Stefan. Dumadalas ang pangungulila niya rito. Mag-isa lamang siya sa malaki nilang unit. Minsan ay nawawalan rin siya ng ganang kumain dahil ang lulutuin niya ay para sa sarili nalang. Sanay siyang pinagluluto si Stefan. Nalabhan na rin niya ang mga marurumi nitong damit at lahat ay nasa closet na ngayon. Hindi na rin halos nabubuksan ang television sa living room dahil si Stefan lang naman ang mahilig manood ng TV—basketball. Kung siya kasi ay kuntento na siya sa libro. Mas gusto niyang magbasa kaysa manood. Ang linis linis na rin ng bahay dahil si Stefan lang naman ang nagkakalat doon...

Parang unti unti...nawawala na ang bakas ni Stefan sa binili nitong bahay para sa kanilang dalawa...at sa pamilyang bubuuin nila... Pakiramdam ni Elise ay ang lamig na ng buong unit. It felt empty without Stefan. It's not really the house that we call home. It's the people, the person who we go home to.

Naglandas ang luha sa gilid ng kaniyang mukha habang nanatiling nakahiga sa malamig na kama at yakap ang unan ni Stefan. Why does she felt like she's slowly losing her home... It breaks her heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top