Chapter Seventeen
Chapter Seventeen
Consequence
"Elise,"
Natigilan si Elise isang araw nang makita niya si Stefan sa ospital—sa kaniyang harapan.
"Stefan..."
Mukhang sinadya siya nito doon. Mag-isa lang ito at walang kasamang asawa o anak para sa checkup gaya noong nakaraang nagkita sila dito sa ospital.
"C-Can we talk?" may halong pakiusap 'yon. "Let us talk, please..."
Elise found herself slowly nodding her head...
"Ano ang gusto mong pag-usapan, Stefan?" diretsong aniya nang nasa loob na sila nang sasakyan nito.
Saglit lang ang break niya at kailangan na agad bumalik sa duty kaya hindi sila pwedeng lumayo.
Kanina ay nakita niya si Josef na kasama ni Stefan nang bumaba sila rito sa basement. Nanatili ito ngayon sa labas.
"I'm sorry..."
Nakaupo sa shotgun seat at diretso lang ang tingin sa kanilang harapan. Pang-ilang beses na nga bang narinig ni Elise kay Stefan ang mga salitang 'yan...
Ramdam niyang mula sa driver's seat ay nakatingin ito sa kaniya.
Elise let out a sigh after a while. Para saan pa nga ba kung patuloy siyang magagalit kay Stefan? Tapos na. Nangyari na ang mga nangyari.
Naalala ni Elise ang kaniyang mga panaginip tungkol sa anak. Inisip niyang magiging mas masaya ito sa paraiso kung nasaan ito ngayon. After all, si Stefan parin ang ama ng pinagbuntis niya noon.
"Pinapatawad na kita, Stefan..." mula sa kanilang harapan ay bumaling siya kay Stefan sa pagkakataong iyon na umawang naman ang labi ng lalaki.
"Ilang taon na rin..." muli niyang binalik ang tingin sa harapan.
She cannot say that she's totally healed now, but, alam niyang patungo na siya roon. Pinangako niya sa kaniyang anghel, sa kaniyang mga panaginip, na muli niyang hahanapin ang kapayapaan sa kaniyang puso at maging masaya. Dahil alam niya at nararamdaman niyang iyon ang gusto ng kaniyang anak para sa kaniya.
Siguro nga ay maiisip, maaalala parin niya ang mga nangyari sa buhay niya. Pero nakaraan na iyon. At oo handa na siyang magpatawad pero hindi ibig sabihin na pipilitin niya ang sariling ibaon nalang sa limot ang lahat. Mananatili iyon, dahil ang mga alaala ay hindi bastang nalilimot. Masaya man o masakit na alaala iyon.
Kaya magpapatawad pero hindi na maibabalik sa dati ang lahat...
"N-Nawalan din ako, Elise..." Stefan said with his voice breaking.
Binalik niya ang tingin kay Stefan at nakita ang isang luhang tumulo sa pisngi nito.
Ilang sandaling napagmasdan ni Elise ang lalaking minahal niya ng buong buo noon at pinag-alayan ng lahat lahat sa kaniya. Bumuntong hininga siya at naramdaman narin ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Sa kanilang harapan muli siya nakatingin. She gulped the lump in her throat.
"Pinagsisisihan ko..." Mararamdaman ang sakit sa tinig nito. "Kung sana ay hindi kita pinabayaan noon—I'm sorry... Kasalanan ko. Kasalanan ko... I'm sorry..." paulit ulit na humingi ng tawad ni Stefan sa babaeng minsan niya ring minahal at inakalang ito na ang mamahalin niya habang buhay...
Love isn’t all about rainbows and butterflies. Love should stay no matter what… No matter if the spark’s gone… Instead of finding someone else because butterflies doesn’t flutter your stomach anymore…
Stefan wanted so much to stay in love with Elise… But still… he found love in someone else... And it’s something different… different from what he felt before… for Elise. Ngunit totoong minahal niya si Elise…
Paano nga ba maipapaliwanag iyon? People can fall out of love…
Bumaling si Elise kay Stefan at umiling. Tuluyang naglandas sa pisngi niya ang kaniyang luha. "Tama na, Stefan. Nangyari na... Forgive youself, too. Dahil ako ay pinatawad ko narin ang sarili ko..." she said sincerely. She can still feel the hurt, the pain in her chest, but… it’s freeing at the same time…
Ngunit umiling parin ito. "I'm sorry, Elise..." patuloy ito sa pag-iling at mukhang nasasaktan. "I was selfish. Sarili ko lang ang inisip ko. Hindi na kita inisip... I'm sorry... I'm sorry..." bigong bigo ito.
Mariing pinikit ni Elise ang mga mata at suminghap siya.
Here is the man she loved and gave her everything to. Her first love. Crying in front of her and is sorry for what had happened in the past and for the broken promises...
"Tama na... Sinusubukan ko nang buuin muli ang sarili ko, Stefan. At alam kong masaya ka narin sa buhay mo ngayon..."
Napangiti si Elise sa kawalan, despite the tears. Parang may kung anong matagal nang nakadagan sa kaniyang dibdib ang tuluyang naalis...
"No..."
Nagkatinginan sila ni Stefan sa sinabi nito. He looked defeated.
"Catherine is seeing someone... She's meeting with another man."
Hindi nakapagsalita si Elise sa sinabi ni Stefan. Nanatili lang ang tingin niya sa lalaki.
"Binalikan kita noon sa hospital, pero hinaharang ako nina Mara. Sinubukan kitang hanapin, Elise, but Catherine... Naging delikado ang pagbubuntis niya noon. We needed to leave the country to ensure her and our child's safety..."
"Natakot ako noon... Nawalan na ako ng isang anak, I can't bear losing another child..."
Tumango si Elise sa pag-iintindi.
"Nag-usap na ba kayo ni Catherine?" binalikan niya ang sinasabi nito kanina.
Stefan shook his head.
She let out a sigh. "Talk to her, Stefan."
Dahil hindi man niya ganoon kakilala si Catherine ay nakita niyang mabuti itong tao. Mabuti itong babae at hindi niya maisip na makagagawa ito ng ganoong bagay. Siguro ay nagkakamali lang si Stefan...
Nakita niya ang pag-iling ni Stefan.
"I had her followed... She got so busy lately..."
Muling nagpakawala ng isang buntong hininga si Elise.
"Just talk to your wife, Stefan."
Iyon ang naging pag-uusap nila. Lumabas siya sa sasakyan nito pagkatapos at bumalik na sa trabaho.
* * *
Isang magandang ngiti ang sinalubong ni Elise kay Kier na agad umayos ng tayo mula sa pagkakasandal nito sa dalang kotse—ibang sasakyan naman ito ngayon.
"Hi!" masiglang bati sa kaniya ni Kier.
"Hi," hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"You're beautiful..." nakaawang pa ang labi nito habang halos nakatitig na sa kaniya.
She giggled a bit. She's wearing a dress—matching Kier's formality. They will be out on a dinner date tonight. Elise spent some time putting some light makeup and even curling her hair a little for more volume. Simple lang naman ang kaniyang suot na pinaresan niya ng ankle strap heels.
"You're handsome, too, Doc." she praised a bit playfully.
Pinagbuksan siya ni Kier ng pinto ng sasakyan at tumuloy na sila.
The Usherette led them to their reserved table when they arrived at the place. The restaurant looked grand. Kier pulled her a chair and she sat there. Umupo narin ito paharap sa kaniya. Binigyan sila ng menu at nagsimulang mag-order.
"For you."
Nilapag ni Kier ang isang hugis parihaba na kahon sa mesa. Marahan nito iyong tinulak palapit sa kaniya.
"Kier..." agad napaangat ng tingin si Elise sa lalaki.
Nagkatinginan sila. Kier gave her a serene smile. "Happy birthday, Elise."
Her lips parted. Warmth attacked her heart. Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"P-Paano mo nalaman,"
"I asked Mara." he answered.
Napatango naman si Elise.
"Open it." ani Kier.
Kagat ang pang-ibabang labing binuksan ni Elise ang regalo sa kaniya ni Kier. Muling napaawang ang labi niya nang bumungad sa kaniya ang isang magandang kuwintas.
"I hope you like it." Kier added.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. "I love it, Kier." she said sincerely.
Sobra niyang na appreciate ang regalo. It's a white gold necklace with a small baby's feet-like pendant...
Tumayo si Kier mula sa kinauupuan nito at pumunta sa kaniya. Ito na ang nagsuot ng kuwintis sa kaniyang leeg. Naramdaman ni Elise ang pendant nito. It reached her chest, malapit sa kaniyang puso.
"You never lost your angel, Elise. She will forever be in your heart." ani Kier sa kaniyang likuran.
Nangislap ang luha sa mga mata ni Elise. Minsan niyang nababanggit sa lalaki ang tungkol sa kaniyang anghel. Pagkatapos nitong maisuot sa kaniya 'yon ay agad siyang tumayo at sinugod ng yakap si Kier na medyo natigilan pa. Niyakap din siya nito pabalik nang makabawi.
"Thank you, Kier..."
Habang nagpapatuloy sila sa pagkain ay may nahagip ang mga mata ni Elise. Hindi kalayuan sa kanilang mesa ay si Catherine na nakangiting nakikipagkuwentuhan sa kaharap nitong lalaki.
Hindi halos agad naalis ang tingin ni Elise sa nakikita.
Nakita niyang mukhang nagpapaalam si Catherine sa kasama nito sa mesa. Maagap din siyang nagpaalam sandali kay Kier para mag-powder room.
Doon nga niya naabutan si Catherine na nakaharap sa malaking salamin. Natigilan ito sa pagre-retouch ng lipstick sa mga labi nang makita ang repleksyon niya. Wala yatang ibang tao doon bukod sa kanilang dalawa. Mabilis nitong tinapos ang ginagawa para makaharap na sa kaniya.
"Elise," bati nito sa kaniya at tipid na ngumiti.
"Catherine..." she greeted calmly.
"Date?" Catherine guessed.
Marahan siyang tumango sa sinabi ng babae.
Lumapad ang ngiti nito. She looked genuinely happy for her.
"I'm sorry, nakita ko kayo ni Doctor Castillo kanina na papasok dito sa restaurant..."
Tumango si Elise.
"Nakita din kita... at 'yong kasama mo..." naninimbang na ani Elise.
"Oh, that's Allan." anito na parang wala lang.
"Lalaki, uh..." Hindi alam ni Elise kung sasabihin ba niya kay Catherine ang naging pag-uusap nila ni Stefan at ang pagdududa nito sa asawa…
Tumango lang naman si Catherine.
"Iniisip ni Stefan na nakikipagkita ka sa ibang lalaki." pinili niya pa ring sabihin nalang kay Catherine dahil mukhang wala rin itong kaalam alaam sa mga naiisip ng asawa na hindi maganda…
Mukhang natigilan naman si Catherine. Hindi ito agad nakapagsalita.
"Ang sabi mo sa akin noon ay mahal mo si Stefan..." hindi pa rin mapigilan ni Elise. She still care for Stefan. Naging magkaibigan pa rin naman sila kahit bago sila nagkaroon ng relasyon noon. He was even her best friend…
Marahil ay wala siyang karapatang sumbatan ang babae ngunit nagpatuloy siya sa pag-aalala na rin...
"Nagbago na ba 'yon, Catherine?"
Nagkatinginan silang dalawa.
"Si Stefan... Nagkita kayo? Nakipagkita siya sa 'yo..." Mapait na ngumiti si Catherine. "Hanggang ngayon... mahal ka pa rin niya—"
"Ikaw ang pinili ni Stefan, Catherine." pigil niya sa sinasabi at iniisip nito. "Ikaw na ang mahal niya..."
Hindi maitatanggi ni Elise na may sakit paring sumalakay sa kaniyang dibdib. At sigurado siyang para nalang ito sa sakit na pinaranas sa kaniya ng nakaraan.
"Nasa 'yo na siya. Nasa 'yo ang pamilyang sa akin pinangako noon..." Sininghap ni Elise ang kumakawalang emosyon. "Nag-usap kami ni Stefan. He's just guilty..."
Humaba ang katahimikan sa pagitan ng dalawang babae.
"I'm sorry..." Catherine spoke after the long stretch of silence. "Ina rin ako, Elise. At naiisip ko palang na mawawala sa akin ang anak ko ay para na akong pinapatay..."
Nagkatinginan sila.
"Mabuting tao si Doctor Kier..." a genuine smile appeared on Catherine's face for her. "Nasaktan ako, Elise. Sobrang sakit... At alam kong nasaktan ka rin..."
Umiling si Elise. "Mag-usap kayo ni Stefan."
Tumango ito. "Mahal ko si Stefan, Elise. Hindi 'yon nagbago. And Allan is gay."
Elise's lips parted.
Tipid na ngumiti sa kaniya si Catherine at nauna na itong nagpaalam na lalabas na ng washroom.
She followed after awhile at pabalik sa table nila ni Kier.
Stefan's overthinking, she concluded. Dahil nagawa nila noon ay iniisip nitong gagawan rin siya ng ganoon ng asawa.
Napailing nalang si Elise.
Now Stefan is dealing with his consequence...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top