Chapter Nine

Chapter Nine

Iiwan

"Elise?" agad napatayo si Mara mula sa pagkakaupo nito sa sofa nang makita siyang lumabas ng kwarto. "Saan ka pupunta?"

Nakabukas ang television sa sala at mukhang doon muna inabala ng kaibigan niya ang sarili nito dahil hindi rin naman siya nito makausap. Ilang araw na siyang nagmumukmok sa kwartong pinatuluyan sa kaniya ni Mara sa bahay nito.

"May kikitain lang ako, Mara." She gave her a smile to assure her. Agad niya kasing nakitaan ng pag-aalala ang kaibigan.

Nasa trabaho pa si Mike at nagpapahinga naman ngayon si Mara kaya nasa bahay lang ito—o siguro sinamahan at binabantayan siya nito.

"Huwag kang mag-alala, Mara. Kukunin ko na rin ngayon ang mga naiwan kong gamit sa condo...ni Stefan." tipid na ngumiti si Elise sa kaibigan.

Agad itong kumilos. "Sasamahan kita—"

Maagap din niya itong pinigilan. "Hindi na." umiling siya. "Hindi naman ako magtatagal. Babalik din agad ako rito," kinagat niya ang pang-ibabang labi. Ilang araw na siyang nakakaabala kanila Mike at Mara. "kailangan ko na rin palang maghanap ng matutuluyan—"

"Ano ka ba, Elise! Sinabi ko na sa 'yong ayos lang na narito ka."

Muli nalang niyang nginitian ang kaibigan. "Okay. Dito ka lang. Babalik ako agad, promise."

Sa huli ay pumayag din itong umalis siyang mag-isa.

"Basta tawagan mo ako agad—"

"Oo na po." naiiling na napangiti nalang siya sa kaibigan.

Nagbuntong hininga nalang si Mara.

Pumara si Elise ng dumaang taxi. Agad siyang nagpahatid sa lugar na pagkikitaan nila ni Catherine...

Naroon na ang babae at nakaupo sa isa sa mga bilugang mesa sa loob ng napili nitong coffee shop. Napatayo ito nang makita siyang kapapasok lang. Sinalubong siya nito ng isang tipid na ngiti. Hindi naman alam ni Elise kung ano ang magiging ekspresyon niya. Nanatili nalang siyang pormal.

"Um-order muna tayo." marahang sinabi ni Catherine.

Tumango lang siya at hinayaan itong magtawag ng waiter para sa maiinom nilang dalawa.

Silence filled them when the waiter left their table to get their order.

"I'm sorry." si Catherine ang bumasag sa katahimikan.

Nagulat si Elise sa sinabi ng babae. Hindi siya nakapagsalita agad.

"Sinabi ko lang sa best friend ko, pinaabot niya pa kanila Mommy..." Kaya nalaman ng dalawang ginang ang nagyari sa kanilang mag-asawa at ang tungkol kay Elise at Stefan.

She looked away at the sincerity of the woman in front of her. Hindi lang ito mukhang mabait. May pakiramdam si Elise na isang mabuting tao nga si Catherine.

"I deserved that." mapait niyang nasabi—tinukoy ang pananakit na natamo sa ina nito at ina ni Stefan nang araw na 'yon.

Nakita niya ang pag-iling ni Catherine—hindi ito sang-ayon sa sinabi niya. "Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng Mommy ko...at ni Mommy Vivienne." tawag nito sa ina ni Stefan.

Umiling si Elise habang nakatingin sa magandang babae. Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Mas gugustuhin pa niyang saktan rin siya nito at pagsalitaan ng masasama. She's guilty. Kahit sabihing siya ang nauna kay Stefan, kasal parin ang dalawa habang may relasyon din sila. Siya ang kabit ng asawa nito!

"Tinanong ko si Stefan...kung bakit...hindi niya magawang kahit man lang...subukan akong mahalin..." hindi na ito nakatingin sa kaniya at nasa baba lang ang mga mata—sa hawak nitong tasa. "Ang sabi niya...may mahal na raw siyang iba." nag-angat ito ng tingin sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Mapait itong ngumiti.

Elise can see pain in her pair of soft eyes...

Hindi pa rin siya nakapagsalita. O siguro ay hinayaan niya muna ito sa mga sasabihin nito.

Sa huli ay nagpakawala ng isang mahinang buntong-hininga si Catherine. "I'm leaving." diretsong sinabi nito. "M-Mahal ko si Stefan..." biglang nanginig ang boses nito at kumislap ang luha sa mga mata. "At ayoko na siyang mahirapan pa. Alam kong pinilit lang naman siyang pakasalan ako. I think...I already did everything that I can just to make him fall for me, pero...alam kong..." diretso itong nakatingin sa kaniya. "ikaw lang ang mahal niya..." umiling ito at mapait muling ngumiti. "Alam kong magiging masaya siya sa 'yo."

Maagap nitong pinunasan ang luhang tuluyang bumaba na sa pisngi. "Thank you for meeting me here, Elise—"

Biglang tumunog at nag-ingay ang cellphone nito. Agad hinalungkat ng babae ang dala nitong bag. At nang mailabas ang telepono ay may kung anong maliit na bagay din ang lumabas at nahulog mula sa bag nito. Hindi iyon napansin ni Catherine dahil naging abala na ito sa pagsagot ng tawag.

"Sorry, excuse me." hingi nito ng paumanhin sa kaniya bago sinagot ang tawag.

"Suzy, yes, pupunta na akong airport pagkatapos ko dito." saglit itong tumigil sa pagsasalita upang makinig sa sinabi ng kausap mula sa kabilang linya. "Yes, thank you. See you."

Binaba nito ang tawag pagkatapos. "I have to go." ngumiti ito sa kaniya—iyong totoo. "I hope, one day if we'll meet again...nasa mas maayos na tayong kalagayan."

Tumayo na ito. Napatayo rin si Elise.

"I-I'm sorry..." nasabi rin niya. She’s sorry for hurting her… Alam ni Elise na nasaktan din niya si Catherine…

Muli lamang ngumiti ng tipid si Catherine sa kaniya at tumalikod na ito para makaalis. Doon lang din niya naalala ang bagay nahulog nito. Sinubukan niyang tawagin ang babae at hahabulin na sana nang hinanap niya muna at kinuha ang naiwan nitong nahulog sa sahig ng café.

Umawang ang labi ni Elise nang mahawakan at makita ang naiwan ni Catherine. Dalawang pulang linya ang sumalubong sa kaniya...

Gaya nang sinabi niya kay Mara ay pumunta nga siya sa condominium unit ni Stefan pagkatapos makipagkita kay Catherine. Parang wala sa sariling nakarating siya doon. Gamit ang spare keys ay pumasok siya sa dating tirahan...

Una niyang nilibot ang tingin sa malapad na living room. Unti-unting humakbang ang mga paa niya hanggang sa kwarto nila ni Stefan... She looked at the empty bed covered with white sheets.

Tinungo niya ang closet at naglabas ng isang malaking luggage. Nagsimula siyang ilagay doon ang mga damit at gamit niya.

Nang matapos ay palabas na siya ng unit dala ang maleta nang kusa iyong bumukas at bumungad sa kaniyang harapan si Stefan...

"E-Elise..."

"Stefan," pormal na banggit niya sa pangalan ng lalaki.

"Nagbakasakali lang ako na...n-narito ka... I want to talk to you."

She nodded. "Ano ang gusto mong pag-usapan? Ano ang gusto mong sabihin."

She saw his jaw clenched a bit. May pagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. He looked guilty. "I'm sorry..."

Tumango na si Elise sa pag-iintindi.

Gustong gusto niya itong sumbatan. Gusto niyang magalit. Gusto niyang ipaalala kay Stefan ang mga pinangako nito sa kaniya. Gusto niyang ipaalala kay Stefan na siya ang mahal nito... Gusto niyang lumaban... Pero paano mo nga ba ipaglalaban ang taong sinukuan ka na? Ang taong hindi na ikaw ang pinaglalaban...

"Minahal kita, Elise..."

"Pero mas minahal mo siya." she said bitterly. "At siya na ngayon ang mahal mo..."

Mahirap at sobrang sakit aminin no’n pero alam na rin ni Elise sa sarili niya na iyon na ang katotohanan...

Hindi nakapagsalita si Stefan. He bowed his head weakly in front of her.

Humigpit ang hawak ni Elise sa pregnancy test sa kaniyang kamay. Humakbang siya palapit pa sa kinatatayuan ni Stefan at nilahad sa lalaki ang isang bagay na naiwan ni Catherine kanina sa pinagkitaan nilang dalawa.

Nag-angat ng tingin sa kaniya si Stefan matapos iyong makita.

Kinuha niya ang kamay ni Stefan at nilagay 'yon sa palad nito.

"Nagkita kami ni Catherine kanina. Nahulog niya 'yan at naiwan. Hindi niya namalayan." tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Stefan. "Nasa airport na siya ngayon... Iiwan ka niya."

Stefan's eyes widened. Nang makabawi ay mabilis itong kumilos at agad na umalis—para sundan at habulin si Catherine...

Doon lang sunudsunod na bumuhos ang mga luha ni Elise. Napahawak siya sa kaniyang dibdib sa sobrang sakit na naramdaman. Halos mapaupo siya sa sahig habang pinupuno ng mga hikbi niya ang tahimik na condo...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top