Chapter Fourteen
Chapter Fourteen
Minahal
Lasing siya noon pero naaalala niya ang mga pinaggagawa niya. Naalala niya ang pag-initiate niya ng halik habang nasa may bar counter sila ni Kier sa lugar na iyon.
Naalala niya na sa penthouse nalang siya ng lalaki nito dinala, dahil malayo pa ang bahay ni Mara at mas malapit 'yon.
She can still remember how their kisses continued inside his unit... Kung hindi lang panay ang pigil sa kaniya ni Kier ay baka... Pero hindi siya sinamantala ng lalaki... Alam niya dahil noong umagang nagising siya kinabukasan ay suot parin niya ang kaniyang mga damit.
Naalala niya ang maamong mukha ni Kier noon habang natutulog pa ito sa kaniyang tabi... It was so awkward nang magising ito at una silang nagkatinginan... He even said sorry to her kahit siya pa nga itong nakaabala sa doktor.
Tahimik siya habang pinagluto sila nito ng breakfast at sabay silang kumain ng agahan doon sa penthouse nito. Hanggang sa hinatid siya ng lalaki sa bahay ni Mara ay wala siyang imik. Hindi rin naman siya pinilit magsalita ni Kier. Tahimik lang din itong umalis matapos siyang maihatid.
"N-Naghalikan lang kami..." nahihiya niyang pag-amin kay Mara.
Agad umawang ang bibig nito. Naramdaman ni Elise ang init sa kaniyang mga pisngi.
"Malandi ka!" ani Mara nang makabawi at malakas itong humalakhak.
"Mara!" saway ni Elise sa kaibigang mukhang ginawa pa yata siyang katatawanan.
"Naku, ano? Masarap bang humalik si Doc.? Alam kong ilang taon nang nangyari 'yon pero-"
"Mara!" muli niyang pagsaway sa kaibigan. Naiiskandalo na siya sa mga sunod na lumabas sa bibig nito. Lalong nag-init ang kaniyang mukha.
Ngunit muli lang itong tumawa.
"Alam mo madaming patay na patay diyan kay Doctor Castillo sa ospital, e, mga staff at Nurses at mga kapwa rin niya doctor! Isa siya sa mga bata pang doctors sa ospital. Gwapo at single! Well, madami namang gwapong Doktor sa Dela Cuesta Medical--kahit 'yong mismong may-ari! Siyempre isa na ang asawa ko sa mga guwapong Doktor doon." proud nitong sabi. "Nakita mo na ba 'yong younger sister ni Doctor Tristan Dela Cuesta?" tukoy nito sa isa sa mga mayari ng hospital na pinagtatrabahuan nila. "Naku, sobrang ganda noon! Parang manika!" puri ng kaibigan niya.
Hindi pa niya nakikita ng personal ang tinutukoy nito. Pero kilala niya si Doctor Shemaia Dela Cuesta. Ang narinig niya sa ospital ay nasa Canada raw ito ngayon kasama ang inang si Madame Elizabeth Dela Cuesta na isa ring doktor. Hindi na nakapagtatakang pamilya ng mga doktor ang mga may-ari ng Dela Cuesta Medical.
"Pero si Doctor Kier na siguro ang pinaka-friendly doon at approachable. 'Yong ibang mga doktor kasi guwapo pero suplado naman o 'di kaya'y palaging seryoso. Una na doon si Doctor Angeles, naku! Parang laging may dalaw 'yon kaya hindi malandi ng mga nagkakandarapa sa kaniya." natawa si Mara sa sinabi.
"Teka nga, balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina." tumikhim ito. "Alam mo bang ilang beses kang hinanap sa akin ni Doctor Kier? Pero dahil loyal friend mo ako ay hindi ko sinabi sa kaniyang umuwi ka sa probinsya--gaya nga ng bilin mo."
Nagpalit narin siya ng mobile number noon at nag-deactivate ng kaniyang social media account.
Sa sumunod na araw ay kailangan na niyang mag-duty sa ospital. Mukhang paranoid na patingin tingin si Elise sa kaniyang paligid at handang umiwas agad kung sakaling magkasalubong sila ng doktor.
Malaki ang hospital ng mga Dela Cuesta at ito rin ang main branch nila. Kaya hindi naman siguro imposible na hindi sila magkita ni Kier habang nasa trabaho, hindi ba?
"Elise?"
Nanigas si Elise sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.
Kaiisip pa nga lang niya ng posibilidad na baka hindi naman sila magkita rito sa ospital…
Hindi niya agad nilingon 'yon. Nasa loob siya ngayon ng pediatric ward at naalala niyang nga pala isang Pedia ang si Kier!
Mariin siyang napapikit at nagpaalam na sa Mommy ng batang inasikaso niya ang pagpapainom ng gamot.
Unti-unti niyang nilingon si Kier at bumungad sa kaniya ang bahagya at saglit na panlalaki ng mga mata nito nang muli siyang makita. Pagkatapos ng ilang taon…
"D-Doc..." awkward niyang bati dito at pilit na ngumiti na nauwi rin sa bahagyang pagngiwi.
"I'm really happy to see you here again, Elise." anang doktor.
Wala na siyang nagawa. Magkasabay na sila ngayong naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital.
"And you're now a nurse! Wow!" ngumiti ito sa kaniya.
Napangiti narin si Elise, at parang unti-unti ay gumaan na ang kalooban niya. "Ah, oo, bumalik ako sa pag-aaral sa course kong ito noon. Hmm, umuwi ako noon sa probinsya namin..." bahagya niyang nakagat ang pang-ibabang labi.
Tumango naman si Kier. Nagkatinginan sila at ilang sandali siyang napatitig sa mukha ng lalaki. Gaya noon ay guwapong gwapo parin ito. He's still that same neat and clean guy doctor she met before. Tama nga si Mara at mukhang hindi ito nahahaggard. Parang palaging fresh at bagong ligo. Naaamoy din talaga niya ang pamilyar nitong panlalaking pabango na parang kay sarap amuyin.
"As your friend, gusto ko sanang magtampo, pero," magaan siya nitong nginitan. “naiintindihan ko. I understand that you needed time. And I'm just glad seeing where you are now. Bagay sa 'yo, Nurse Elissa Fernandez." he smiled handsomely again, reassuring her.
Napalapad ang ngiti ni Elise. "S-Salamat, Doc.."
Nakakaramdam na ng guilt si Elise sa ginawa niya noon. Wala namang ibang pinakita sa kaniya si Kier kung 'di puro lang kabutihan. Ni magpaalam na aalis siya noon ay hindi niya nagawa sa kaibigan...
"Hindi nagsabi sa akin si Mara noong tinanong kita sa kaniya, I even asked Doctor Agoncillo," tukoy nito kay Mike. "pero ayaw din niyang magsalita. Sa huli inintindi ko nalang. I know you have your reasons, Elise."
Ngumiwi si Elise sa guilt at tumango. "S-Sorry, Kier-"
"No, no." pigil nito sa kaniya. "I think it's about what happened the night before you left? Maybe you thought I took advantage of you while you were drunk-"
Maagap nang inilingan ni Elise ang sinasabi ng binata. Ni minsan ay hindi niya ito pinag-isipan ng ganoon. "Hindi, Kier," umiling siya. "A-Ang totoo n’yan, n-nahihiya lang talaga a-ako sa nangyari..." she stuttered and blushed. Iyon talaga ang dahilan niya kaya pinipilit niyang umiwas. Hindi niya kayang harapin ang lalaki pagkatapos ng mga pinaggagawa niya nang gabing 'yon. Nahihiya siya sa binata.
Pero ngayong narito nga sila at napag-usapan na ang nangyari... parang unti-unti siyang napanatag. Ngumiti siya rito.
Isang beses napakurap si Kier at nakangiti nitong pinilig ang ulo. "That was nothing, Elise. Wala namang problema sa 'kin na nasukahan mo ako noon."
Lalo yatang namula si Elise sa kahihiyan.
Bahagyang tumawa si Kier sa reaksyon niya.
Mabuti at hindi nito in-open up ang nangyaring halikan nila noon... Hindi na yata maaalis ang pamumula ng mukha ni Elise.
Nagpatuloy na sila sa sandaling nahintong paglalakad ngunit muli din siyang napahinto sa kinatatayuan nang dumapo ang mga mata sa kanilang harapan.
Natigilan din ang kanilang makakasalubong. Umawang ang labi ni Stefan nang magtagpo ang kanilang mga mata.
Pagkatapos ng ilang taon ay muling magkukrus ang landas nila ng tanging lalaking minahal niya noon...
Dumapo ang tingin ni Elise sa batang lalaking karga ni Stefan na kasing tanda o mas bata lang siguro ng ilang buwan sa inanaanak niyang si Miko. At kay Catherine na nakakapit sa braso ni Stefan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top