Chapter Four

Chapter Four

Feelings Change

Stefan:

I'm not sleeping beside her.

May kalungkutang napangiti si Elise matapos basahin ang message na iyon galing sa lalaki.

Pagkatapos ng kasal ay nasa Europa ngayon ang dalawa para sa kanilang honeymoon...

Nagtipa siya ng reply:

Mag-ingat...kayo.

She hit send. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at nilapag na sa may bedside table ang kaniyang cellphone. Naghanda na siya para matulog nang bigla itong tumunog para sa isang tawag.

She reached for it at muling napabuntong-hininga nang makita itong tumatawag. She pressed answer on her phone screen at nilapat na iyon sa kaniyang kaliwang tainga.

"Baby..."

Nakagat ni Elise ang pang-ibabang labi nang marinig ang malambing at namamaos nitong boses. "Matutulog na ako..."

She can hear him sighing from the other line. "Elise..." he trail off. Muli itong nagpakawala ng isang mas mabigat na buntong-hininga. "I'm sorry..."

Her heart hurt. Agad nag-init ang mga sulok ng mga mata niya. Dinig niya ang guilt at sakit sa pang ilang beses na nitong panghihingi ng tawad.

"I-It's okay, Stefan..." marahan siyang suminghap para pakalmahin ang kaniyang emosyon. "I... I understand." mariin siyang napapikit at tuluyang nalaglag ang naunang butil ng luha mula sa kaniyang mata.

"Elise..."

"S-Sige na, Stefan. Ibababa ko na. Sorry, antok na rin kasi talaga ako. Bukas...nalang, uh, tayo ulit mag-usap..."

Narinig niya ang muli nitong pagbubuntong hininga. "Alright..." saglit na katahimikan. Para bang ayaw pa nitong tapusin ang tawag. Para bang pinapakiramdaman pa siya nito. Hinihintay na may sasabihin siya. "I love you, Elise." he reminded her.

She was biting her lower lip to stop herself from sobbing. She nodded na para bang makikita siya nito. "I love you, too..."

She ended the call at muling tinabi ang kaniyang cellphone. Ilang saglit na napatitig si Elise sa kawalan bago tuluyang humagulgol pagkatapos ng sunudsunod na bagsak ng kaniyang mga luha...

Lumipas ang mga araw at nagulat na lang siya isang gabi habang nagluluto ng hapunan niya sa kusina ng condo nila ni Stefan ay may biglang yumakap sa kaniya ng mahigpit galing sa likod.

Mabilis niya itong nakilala sa pamilyar palang nitong amoy, the feel of his skin and his warmth. Mabilis niyang hinarap ang lalaki at nang magtagpo ang mga mata nila ay mabilis niya itong niyakap. He chuckled a bit and hugged her more. Ang mukha nito ay nasa pagitan na ng kaniyang leeg at balikat. Siya man ay sumubsob dito at pikit ang matang nilanghap ang kumportable nitong natural na bango.

"I miss you..." bulong nito sa kaniyang tainga at hinalikan din siya roon.

Lalong humigpit ang kapit niya rito. Nag-init ang sulok ng mga mata niya sa nagbabadyang luha. Ilang araw palang itong nawawala ay sobrang namiss narin niya ito. Siguro ay dahil hindi na siya sanay na mawalay rito. They were always together for the past months. Simula noong tumuntong siya rito sa Maynila ay palagi na silang magkasama sa trabaho at sa bahay na inuuwian. Magkatabing natutulog sa iisang kama. At nagigising ng mukha at ngiti ng isa't isa ang bumabati sa umaga.

"I miss you, too, Stefan..." hindi napigilan ni Elise ang bahagyang pagsinghot.

Kumalas ito at pinakatitigan ang mukha niya. Agad lumambot ang ekspresyon nito at muli siyang niyakap nang mahigpit. He kissed her forehead and his lips stayed there for a while. Napapikit si Elise upang damhin iyon.

"Let's go upstairs." he whispered huskily that made her chuckle a bit despite of the emotions she's feeling.

Mabilis niyang pinatay ang stove at siya na mismo ang humila sa lalaki paakyat sa kanilang naghihintay na kwarto. Mabuti nalang at natapos na rin naman niya ang pagluluto bago pa ito dumating.

"Akala ko ba ay next week pa ang balik...ninyo." hindi niya napigilang itanong habang nakahiga na sa kama at unti-unti nitong pinapaibabawan.

Mukhang ang dapat kasing dalawang linggong honeymoon ay hindi man lang umabot ng isang linggo.

"Miss na kita kaya umuwi na ako. Hindi ko na kaya." Napasinghap siya nang agad maramdaman ang mga haplos nito sa pagitan ng kaniyang mga hita.

Mariing inangkin ni Stefan ang kaniyang mga labi. Elise closed her eyes and lips parted as his kisses travelled down her neck and collarbones...

***

"Stefan!" Napasinghap siya nang bigla siya nitong hilahin paupo sa mga hita nito at kaagad na mahigpit na niyakap.

She sighed and encircled his arms on his nape. Nakaupo si Stefan sa itim nitong swivel chair habang kandong siya. Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakasubsob sa kaniya at nagkatinginan sila.

"Sama ka sa 'kin. Let's spend our Christmas holidays abroad." anito.

Saglit siyang nanatiling nakatitig lang sa lalaki. Buwan na ng kapaskuhan at may naka sched itong pag-alis ng bansa para sa isang business deal doon. Unti-unti siyang tumango. Stefan smiled. Napangiti na rin siya.

Medyo pagod na sinandal ni Elise ang ulo sa balikat ni Stefan. Nasa loob sila ng elevator at pababa na sa basement pagkatapos ng buong araw na trabaho sa kompanya. Stefan then encircled his arm around her. He kissed her hair. Napapikit siya at napangiti.

Nang makauwi sa kanilang condo ay agad siyang nagluto ng dinner habang naliligo naman si Stefan. She cooked his favorite na mukhang naging paborito narin niya. Wala naman kasi talaga siyang specific na gustong pagkain. Pagkatapos ay inakyat niya na ito para sabihang handa na ang hapunan nila.

Nasa loob ng walk in closet si Stefan at mukhang nagbibihis pa nang makapasok siya sa kanilang kuwarto. Nahagip ng mga mata niya ang cellphone nitong nasa kama na halos kakapatay lang ng ilaw.

Nilapitan niya iyon at kinuha. Binuksan niya ang kakareceive lang na message...

Catherine:

Will you be home tonight? I cooked dinner for us...

Nanatili ang mga mata ni Elise sa mensahe. Narinig niyang bumukas ang pinto ng closet kaya nilapag na niya ang cellphone ni Stefan sa may bedside table. Bumaling siya sa lalaki. "Dinner's ready."

Tumango ito at lumapit sa kaniya. Hinalikan siya nito sa pisngi at giniya na palabas ng silid.

They ate dinner together. Habang nasa kaalaman ni Elise na may isang taong siguradong naghihintay ngayon sa lalaki at gusto rin itong makasabay maghapunan. And that person is his...wife...

***

"This is Elise-" pakilala sa kaniya ni Stefan matapos makipagkamay sa mga makaka-meeting nito.

"Mr. Prieto's secretary." putol niya sa baka mali pa nitong pagpapakilala sa kaniya. Alam parin ng mga tao na kasal na ito. Hindi naman pwedeng may ipakilala pa itong girlfriend. Sometimes Stefan just forgets that he's married.

Natuloy nga sila sa ibang bansa para doon narin magpasko. Tawa ng tawa si Elise habang nagmamadaling makagawa ng snowball at ibato iyon kay Stefan. Umilag lang ang lalaki at natatawa ring lumapit sa kaniya at niyakap siya ng matitipuno nitong braso sa kaniyang baywang. Pareho silang balot na balot. Matindi ang lamig ngunit na eenjoy nila iyon.

"Happy New Year, baby." bulong sa kaniya ni Stefan habang pareho silang hubad at nakahiga sa kanilang kama. Nakaunan siya sa dibdib nito and his arm around her.

Bukas na bukas ang makapal na kurtina sa parteng glass wall na iyon ng kanilang silid. Gamit iyon ay nakikita nila ang fireworks sa labas.

"Happy New Year..." nag-angat siya ng tingin kay Stefan. Nagbaba rin ito ng tingin sa kaniya at nagtagpo ang kanilang mga mata. "I love you, Stefan..."

Ngumiti ito at inabot ang kaniyang labi para masuyong mahalikan. "I love you, too, baby." he murmured against her lips.

Catherine:

Happy New Year, Stefan!

Basa iyon ni Elise sa text message nito kinabukasan. Mula sa cellphone ay nag-angat siya ng tingin kay Stefan na mahimbing paring natutulog sa kanilang kama.

Catherine:

Merry Christmas, Stefan!

Iyon din ang nabasa niyang mensahe nito noong pasko.

Bumuntong-hininga siya at muling tinabi ang cellphone nito. Lumapit siya sa kama at umupo sa gilid no'n. She stared at Stefan for a while. Dinala niya ang kamay sa pisngi nito at marahang nilapat ang palad. Her thumb gently brushed his cheek. Napakapayapa nitong tingnan. Mukha talaga itong anghel na natutulog.

She leaned and rested on his hard chest.

***

Sumalubong kay Elise ang malaking bouquet nang makapasok siya sa opisina ni Stefan. May nakahanda itong malaking ngisi sa mga labi nito habang hawak ang mga bulaklak.

Bahagya nalang nailing si Elise at napangiti naman. "Thank you." aniya matapos tanggapin iyon at inamoy.

It was Valentine's Day. Stefan never fails to make special days special for her...

***

"Elise..."

Mula sa mga inaayos na dokumento ay nag-angat ng tingin si Elise sa mahinhin na boses na tumawag sa pangalan niya.

Agad siyang sinalakay ng kaba nang makita kung sino ang nasa harapan niya ngayon. Catherine Villegas...Prieto smiled at her gently.

W-Wala rito si...Sir Stefan, M-Ma'am..." Nagpaalam ito sa kaniya kaninang aalis sandali kasama si Josef.

Maagap naman siya nitong tinanguan. Makikitaan ito ng kasimplehan, maging sa mukhang wala halos kolorete at lumilitaw pa rin ang natural na ganda, ngunit mahahalata pa rin ang pagiging elegante. "Yes, uh, I actually asked for Dad's help—kaya naro'n siya ngayon sa kompanya namin..." she trail off at nahihiya pang ngumiti. She looked so soft and innocent. Her face is angelic. Naalala niya ang mga mata ni Stefan na tulad sa isang anghel habang nakatingin sa maamong mukha ng babae. "It's his birthday..." Catherine bit her lower lip cutely.

Alam niya. Kaya nga balak rin sana niyang maunang umuwi ngayon sa kanilang condo ni Stefan para maipaghanda ito ng kahit dinner man lang...

"I...want to surprise him." malapad itong ngumiti. Mukha itong inosenteng bata habang halatang excited sa gagawing surpresa. Ang alam ni Elise ay mas bata ito sa kaniya. Catherine Villegas was just nineteen when she married Stefan. "Mabuti nga at narito ka. I thought you went with Stefan since you're his Secretary. But maybe it's Josef?"

Marahan lang siyang tumango.

Catherine clapped her hands once at nagulat pa siya nang abutin nito ang mga kamay niya mula sa desk at hawakan. "Are you busy? Maybe you can help us?"

Elise can't help but smile seeing her puppy eyes. Unti-unti ay napatango siya. Lalo itong ngumiti at hinila na siya. Doon niya lang din halos napansin na may mga kasama pala ito. Nalaman din niyang househelps ang mga ito sa sariling bahay nila Catherine at...Stefan.

Marahan siyang bumuntong-hininga habang nagtulong tulong silang maglagay ng handa at konting dekorasyon sa loob ng malaking opisina ni Stefan.

"It was our Wedding anniversary last week...kaya lang ay hindi na naman siya nakauwi..." Catherine heaved a sigh. Nakitaan ito ni Elise ng kalungkutan..."Lumamig nalang yung hinanda namin nila Manang..." she stopped there and shook her head. Bumaling ito sa kaniya at ngumiti. "But it's okay. I know he's just busy with the companies. Alam kong mas lalo lang dumami ang trabaho niya since we got married dahil sa family business narin namin. So...it's okay..." muli itong ngumiti ngunit hindi maitatago ng mga mata nito ang tunay na nadaramang kalungkutan at pangungulila bilang asawa.

Mabilis na kinuha ni Catherine ang cake at agad pumuwesto sa harap nilang lahat. Tahimik sila hanggang sa nakitang may pumipihit sa doorknob mula sa labas.

"Surprise!"

Kita ang pagkagulat sa mukha ni Stefan nang tuluyan itong makapasok sa sariling opisina. Halatang hindi nito inasahan ang nangyari.

"Happy birthday, Stefan..." anang malamyos na boses ni Catherine.

Nang makabawi ay agad siyang hinanap ng mga mata ni Stefan. At nang magtagpo ang tingin nila ay nagbaba nalang siya ng ulo.

Halatang iritadong suminghap si Stefan na maririnig sa biglang natahimik na silid kaya muli siyang nag-angat ng tingin at naabutan ang malupit nitong tingin sa asawa. "What is this?" he asked her sharply.

"I-I just want to surprise you...Stefan..." sa maliit at nautal na boses na sagot ni Catherine sa asawa.

Kita ni Elise ang awa sa mga kasambahay para sa among babae.

And just like that Stefan dragged Catherine out… Gaya lang din sa nangyari ngayon.

Nagmulat lang ng mga mata si Elise nang marinig ang muling pagpasok ni Stefan sa opisina. Napaalis na naman nito ang asawang naghatid lang naman sana ng pagkain para sa lunch nito.

"Masyado ka na yatang...nagiging malupit...sa kaniya..." hindi niya napigilan.

Stefan looked at her. Saglit siya nitong pinakatitigan na para bang pinag-aaralan ang ekspresyon sa mukha niya. She sighed. Nagbuntong hininga din ito at nilapitan na siya. He hugged her and kissed her temple. "I'm sorry about that." anito.

Tahimik nalang na napailing si Elise at unti unting gumanti na rin ng yakap. They were quiet for a while. Silang dalawa lang at magkayakap sa loob ng opisina ng lalaki.

"I'm sorry, Elise..." muli siya nitong hinalikan sa ulo habang nanatiling magkayakap. "You don't deserve this. I'm really sorry, baby." Stefan inhaled her scent gently. "But I promise. I promise this will end soon. And I will give you what you truly deserve." anitong nangangako.

But maybe promises are really meant to be broken... And feelings...change.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top