Chapter Five
Chapter Five
Doctor
Tuloy tuloy ang lakad ni Elise papasok ng ospital habang naghihintay sa reply ng kaibigan. Dito nag-d-duty ang kaibigan niya sa probinsya noong si Mara. Hindi tulad niya ay natapos nito ang kanilang kurso at ngayon nga ay Nurse sa ospital na ito rito sa Maynila.
Bukod kay Stefan noon ay si Mara ang maituturin niyang pinakamalapit na kaibigan.
Bigla lang bumagal ang mga hakbang niya nang mahagip ang isang bukas na ward at nakita ang nasa loob no'n. Una niyang narinig ang malakas na iyak ng isang bata kaya nabaling doon ang atensyon niya. Tuluyan siyang huminto at hindi napigilan ang sariling lumapit.
Iilan lang ang naro'n sa ward na iyon at nakikita niyang puro bata ang pasyente na nasa apat ang bilang. Diretso siya sa batang umiiyak. Napatingin na sa kaniya ang isang nurse habang palapit siya doon.
"Uh,"
Mula sa pasyente nito ay nilingon siya ng isang lalaking doctor. Saglit pang natigilan si Elise nang makita ang mukha nito. Agad naman siyang nakabawi at bahagyang ngumiti.
"Sorry, napadaan lang ako at narinig 'yong iyak..." bumaba ang tingin niya sa batang nasa hospital bed. Tantya niya ay nasa apat hanggang anim na taong gulang pa lang ito.
Bahagya itong natigil sa pag-iyak at tumitig sa kaniya. Elise gently smiled at the little girl. Tinaas nito ang kamay na para bang aabutin siya. Maagap naman siyang dumalo at hinawakan ang bata.
"Kamag-anak po ba kayo, Ma'am?" tanong sa kaniya ng nurse.
Medyo awkward siyang tipid na ngumiti sa tanong nito at umiling.
"Oh, kung gano'n...lumabas po kasi ang Mama niya at hindi pa nakakabalik, e, kailangan na po siyang mapainom ng gamot pero nahihirapan kami," anang nurse na bumaling sa doctor na nasa gilid lang nila.
Bumaling naman si Elise sa lalaki at nagkatinginan sila hanggang sa nakaramdam na siya ng pagkailang dahil halos titig na ito sa kaniya.
"Doc.," tawag ng nurse dito na ikinakurap ng lalaki.
Naramdaman ni Elise ang pagyakap sa baywang niya ng maliliit na braso ng bata habang nanatili siyang nakatayo sa gilid lang ng bed nito. Muli niya itong binalingan ng atensyon at nginitian. She started wiping the drying tears on the girl's reddish cheeks.
Muli siyang bumaling sa mga ito pagkaraan. "I'm sorry, but, maybe I could help? I just want to..." mula sa doctor ay muling bumaba ang tingin niya sa bata na nakatingin lang din sa kaniya.
Noon pa man ay mahilig na talaga si Elise sa mga bata. Natutuwa siya kapag nakikita ang mga itong naglalaro. At ayaw na ayaw rin niyang nakakarinig ng iyak nito. Minsan nga, naiisip niya at nangangarap na nag-aalaga siya ng anak nila ni Stefan... Pero hindi pa pwede sa sitwasyon nila ngayon... Hindi pwede.
Sa huli ay pinayagan naman siya ng Doctor na tumulong sa pagpapainom ng gamot sa bata nitong pasyente. Medyo nahirapan pa si Elise sa pagpapaalam dahil halos ayaw siyang paalisin ng bata. Ngunit dumating din naman ang Mommy nito at nagpasalamat narin sa kaniya.
"Thank you..." pasasalamat ng doctor habang sabay silang palabas ng ward.
Bumaling siya rito at ngumiti. "No problem, Doc…"
"Kier." bahagya itong tumikhim. "Doctor Kier Castillo." anito sabay lahad ng kamay.
Saglit na bumaba ang tingin ni Elise sa kamay nito na maagap din naman niyang tinanggap at nakipagkamay sa doctor. Tingin niya ay kasing edad lang 'to ni Stefan or a bit older. "Elise."
"Doctor Castillo."
Halos sabay silang napalingon sa tumawag.
"Doctor Dela Cuesta." hinarap ni Doctor Kier ang isa pang lalaking doktor.
Tumunog din naman ang cellphone ni Elise kaya bahagya siyang lumayo para sagutin ang tawag. "Mara,"
"Elise! Nasa'n ka na? Kanina pa kita tinitext 'di ka nagrereply." anang kaniyang kaibigan mula sa kabilang linya.
"Nandito na ako sa ospital. May nangyari lang," aniya.
"Okay, okay. Punta ka na dito."
Binaba niya ang tawag at muling binalingan ang banda ni Doctor Kier na mukhang may seryosong diskusyunan sa tumawag rito kaninang doctor din.
Unti-unti nalang tumalikod si Elise at hindi na nang istorbo pa. Tumuloy na siya 't pinuntahan si Mara.
"Mara..." nag-aalalang hinawakan ni Elise ang kaibigan.
Ngunit ngumiti lang ito sa kaniya. "Hindi naman kami papabayaan ni Mike."
Silang dalawa lang ang naroon sa malaking comfort room ng ospital sa floor na iyon. Muling bumaba ang tingin niya sa hawak na pregnancy test ni Mara. Positibo ang resulta no'n.
"Ano ka ba! Huwag mo na nga akong problemahin!" ngumisi ito. "Ninang ka, ha."
Napabuntong-hininga nalang si Elise at tumango sa kaibigan. Malapad itong ngumiti.
Isang pamilyadong doktor sa ospital din na ito ang ama ng pinagbubuntis ni Mara. Matagal nang may relasyon ang mga ito. Simula noong tumapak dito ang kaniyang kaibigan ay agad na pinormahan ng doktor. Hindi lingid sa kaalaman ni Mara na kasal ang lalaki at may mga anak ngunit nakipagrelasyon parin ito.
Unjust. Mali pa rin sa mata ng tao at anang marami sa mata ng Diyos. Masama ang pagiging kabit. Pero may mga ganoon pa rin at isa na siya doon... Masakit…at hindi madali. Hindi mo alam kung saan ka ba talaga dapat lumugar gayong alam mo namang wala kang karapatan. Hindi ikaw ang asawa. Makasalanan ka sa mata ng lahat. Ngunit sinong babae nga ba ang ginustong malagay sa ganitong sitwasyon?
Kung pwede lang...
Pero siguro ganoon talaga. May mga ganitong klase ng pagmamahal. Iyong klase ng pagmamahal na mali, makasalanan, at makasarili. Hindi na inisip na makakasakit ng damdamin ng iba. Maswerte ang mga nakakapagmahal ng malaya. Iyong mga nagmamahal na walang aalahaning panghuhusga. She hoped everyone realizes that. Na dapat hindi sinasayang ang isang relasyong may kalayaan. Dahil may iba diyan na nagtatago at patuloy na nasasaktan manatili lang sa pagmamahal at makaranas ng nakaw na mga sandali sa piling ng minamahal gaya niya...
"Ipapaalam ko naman kanila Nanay..." suminghap si Mara. "Hindi nga lang sa ngayon..."
Nang makauwi si Elise sa unit nila ni Stefan ay wala doon ang lalaki. Hindi rin ito nagrereply sa mga messages niya buong araw na. Buntong-hininga niyang tinungo ang mahabang sofa at umupo doon matapos ilapag ang bag sa tabi. Natulala siya.
Mr. Villegas, Catherine's father died days ago. Ang alam niya ay matagal na itong may sakit at mahina na. The family was mourning and Stefan...needed to be beside his wife. Responsibilidad nito iyon bilang asawa ni Catherine.
Nakatulugan nalang ni Elise ang paghihintay, pagbabakasakaling uuwi rin si Stefan sa kaniya. Ngunit lumipas pa ang ilang araw at gabing hindi niya ito nakikita. Kahit papa'no ay napapanatag nalang siya sa minsang reply nito sa mga messages niya. Hindi na rin muna nakakapasok si Stefan sa kompanya. Kaya pati doon ay hindi sila nakakapagkita.
Hindi mapigilan ni Elise ang makadama ng lungkot. Namimiss na niya si Stefan. Hindi siya sanay sa ganitong matagal silang hindi nagkikita... Kahit pa kasal na ito ay sa kaniya lagi umuuwi ang lalaki...
Ganoon nalang ang tuwa niya nang isang gabi ay sa wakas inuwi din siya ni Stefan sa kanilang condo. Bakas ang pagod at puyat sa mukha nito nang pagbuksan niya ng pinto. Agad siyang nag-aalala.
"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng dinner." aniya matapos itong yakapin ng mahigpit.
Umangat ang isang kamay niya para haplusin ang pisngi nito. She smiled sadly. "I missed you..."
Nagkatitigan sila. At walang kung ano ano 'y sinapo ng mga palad ni Stefan ang kaniyang mukha at agad inatake ng agresibong halik ang mga labi niya.
"S-Stefan..." pigil niya dahil medyo hindi siya naging kumportable sa paraan ng paghahalik nito sa kaniya. Ngunit nagpatuloy lang si Stefan sa marahas na paghalik at paghawak sa kaniya. Maging ang pag-angkin nito sa kaniya ay agresibo. Para bang may pilit na hinahanap...
Sa huli ay hinayaan niya nalang ito at nagpaubaya...
Maingat na lumapat ang palad ni Elise sa pisngi ni Stefan para hindi ito magising. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at pinagmasdan ang natutulog nitong mukha. Tipid siyang napangiti.
Bahagya niyang tinaas hanggang sa dibdib nito ang puting kumot na siyang tanging tumatakip sa mga hubad nilang katawan. Marahan siyang umunan sa dibdib ni Stefan at yumakap dito. Hindi niya alam kung bakit ngunit nakakaramdam siya ng kalungkutan... Kahit pa nasa tabi naman na niya ang lalaking minamahal. Pinikit nalang ni Elise ang mga mata hanggang sa tuluyang hilahin ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top