Chapter Eighteen

Chapter Eighteen

Tama


"Where are you?" kausap ni Catherine sa asawa mula sa kabilang linya.

"Pauwi na," parang walang gana o pagod naman nitong sagot.

Nakaramdam si Catherine ng lungkot. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Elise. Nasaktan siya sa iniisip sa kaniya ni Stefan. She's already thinking of confronting her husband later.

"Okay, take care. Hinihintay ka namin ni Connor." she looked at their son, na ngayon ay karga ng kaniyang father-in-law.

Binaba niya ang tawag at inasikaso na muna ang mga bisita habang hinihintay nila ang celebrant.

It was an intimate dinner she prepared for her husband.

"Nakapasok na sa gate ang kotse ni Sir Stefan, Ma'am." pinaalam sa kaniya ng isang helper.

Tumango si Catherine at may nag-abot na rin sa kaniya ng cake na siya pa mismo ang nag-bake.

"Happy birthday to you..."

Sinalubong nila ng birthday song ang kapapasok lang sa bahay na si Stefan. Nakita ni Catherine ang gulat sa mukha ng asawa.

Ngumiti siya at lumapit pa dala ang cake na may nakasinding mga kandila. Isa pa sa kanilang househelps ang maagap na kumuha sa mga gamit ni Stefan galing sa trabaho.

"Surprise!" ani Catherine nang hustong makalapit. "Happy birthday, hon..." she greeted her husband.

Gulat parin ito at nakagat nalang ang pang-ibabang labi nang makabawi.

"Make a wish now, and blow your birthday candles." she said calmly.

Marahan naman na sinunod ni Stefan ang sinabi niya.

Everyone returned to socializing and started eating, pagkatapos ng ilang pagbati.

Nakita niya ang tingin ni Stefan na nasa lalaki sa likuran niya. Tinawag niya ito at pinalapit sa kanilang mag-asawa.

"Stefan, this is Allan Buendia." Catherine introduced.

"I am the party coordinator, Sir. I was hired by your wife."

Tiningnan ni Catherine ang reaksyon ng asawa ngunit mukhang gulat pa rin ito, at unti-unting tumango nang makabawi.

"C-Cath," tawag nito sa kaniya kapagkuwan.

Bumaling siya sa asawa at lumapit. Abala na ngayon ang kanilang mga bisita. She's glad that they liked the food served. Nakita rin niya ang anak na enjoy na nakikipaglaro sa mga kapwa rin nito bata na anak din ng mga naimbitahan niyang kaibigan nila ni Stefan.

"Thank you for this, hon..." he sighed. Now he looked guilty.

Maybe her husband realized by now.

Catherine shook her head after a sigh. "You're welcome, hon. Stefan," she looked around them. Abala naman ang mga tao. She sighed again as she faced him. "I don't want to bring this back anymore, but... pagkatapos mo akong nasaktan noon... after everything that had happened, Stefan, I'm still here. Pinatawad kita, I gave you another chance. I am here, trusting you."

He looked more guilty now. Bahagya nalang na ngumiti si Catherine sa asawa.

This is what they say about love.

Love tends to make you blind, deaf, and even mute. Ngayon palang yata niya na kompronta nang ganito si Stefan. For the past years ay wala itong narinig mula sa kaniya na kahit na ano.

Maari siyang husgahan ng iba. Tawagin siyang martir. Ngunit ganito lang talaga siguro siya magmahal. At the end of the day, our happiness is what would matter the most. Hindi ang sakit ng nakaraan, at lalong hindi dapat ang sasabihin ng iba.

"Kahit pa minsan... pakiramdam ko... mahal mo parin s-siya..." hindi niya parin napigilan at bahagyang pumiyok ang boses niya sa emosyon.

Maagap ang pag-iling ni Stefan sa sinabi niya. Agad siyang hinawakan ng asawa at dinala sa mga bisig nito para mayakap. She felt him kissing the side of her head.

"That's not true, Catherine. It's you that I love now..." he assured while still hugging her. "I'm so sorry, hon. I love you. I love our family. And from now on I will love you more, I will love you better." Stefan was aware that he failed to trust his wife more…

And what her husband said is more than enough for Catherine.

"Thank you for not giving up on me. Thank for staying as I continue to learn to be better for you and our son, our family."

A contented smile formed on her lips. Stefan and their son is Catherine's happiness. Their family is her life and everything now. All the pain she went through was worth it. Kung ang kapalit naman nito sa huli ay ang contentment at happiness niya.

Ang pagmamahal ay nagpapatawad, at hindi agad napapagod magbigay ng pagkakataon at sumubok. Because no matter how ironic it could get, kung sino 'yong mga tao o kung ano ang mga bagay na nakasakit sa iyo ay 'yon din ang labis na makakapagpasaya sa 'yo...

Dahil hindi ka naman masasaktan ng mga bagay na mababaw lamang ang halaga para sa iyo. Kaya mas masakit kapag ang taong mahal mo at pinagkakatiwalaan ang magdudulot sa iyo ng sakit…

Dinala ni Catherine ang mga kamay ni Stefan sa kaniyang tiyan. Nagkatinginan sila. There was a smile on her lips.

"You will be a Dad again." she broke the happy news to him.

This is part of her surprise and gift to her husband for Stefan’s birthday.

Muli siyang niyakap at hinalikan ni Stefan.

"Thank you." buong pusong pasasalamat ni Stefan sa kanyang asawa.

He's thankful for everything. For Catherine's sacrifices. For his wife's unconditional love for him.

Naghiwalay lang sila nang patakbong lumapit sa kanila ang anak. Stefan smiled and carried Connor his arms.

Masayang pinamalita ni Stefan sa kanilang pamilya at ilang mga kaibigan ang pagbubuntis ni Catherine sa ikalawang pagkakataon.

Everyone congratulated them and is happy for their family.

Stefan looked at his wife lovingly. Catherine deserved to be loved equally. Kaya naman lalo niya itong mamahalin at ang kanilang pamilya. He will love his wife better each day until their hair turn gray…

And for Elise... he thought. He wont say that the love he had for her was not real. Because it was. She is his first love. Kay Elise niya unang natutunan kung paano magmahal...

Ngunit kay Catherine, sa kanyang asawa niya natutunang magmahal ng ganito...

For his angel, he loves his unborn child with Elise as much as he love his children with Catherine. And he will keep their child in his heart, forever.

Pinagsisisihan niya. Alam niya ang naging pagkukulang niya noon.

Pero tama si Elise, he thought. He should let go. He should forgive himself. Nangyari na at hindi na nila maibabalik pa. Kailangan niya itong gawin para sa pamilyang mayroon siya ngayon. For the present and the coming future.

Ang mahalaga ay nasa puso niya ito, and his angel will always be remembered. He promise that, too. At sa pagkakataong ito ay hindi na siya babali sa pangako…

"Hold my hand, Elise." nakangiting nilahad ni Stefan ang kamay kay Elise.

Elise was hesitant at first. Pareho silang sakay at nagpepedal ng bisikleta.

Sinulyapan niya si Stefan at nakitang isang kamay nalang nito ngayon ang nakahawak sa handlebar.

Wala namang mga sasakyang dumadaan sa tahimik na kalsadang iyon na napapagitnaan ng rice fields.

Ang nasa grade nine pa lang noon na Elise, may takot man, ay unti-unting inabot kay Stefan ang isang kamay rin niya.

Stefan held her hand tight.

Hanggang sa naging kumportable siya at pareho na silang nakangiti na nauwi sa masasayang tawa habang tinutungo nila ang dulo ng mahabang daan...

Tuwing bakasyon ni Stefan noon sa probinsya ay hindi sila nawawalan ng mga gagawin. Si Stefan ang nagturo sa kaniyang magbisikleta...

"Basang basa na tayo, Stefan..."

Binaba ni Stefan and jacket nitong pinantakip pa nito sa ulo niya ngunit basa na rin naman sila.

Nagkatinginan sila, parehong basang basa. Sa huli ay napangiti at in-enjoy nalang ang buhos ng ulan.

Surpresa siyang sinundo ni Stefan at maglalakad lang talaga sila pauwi nang biglang umulan. Mas gusto nilang naglalakad nang magkasama at hindi naman ganoon kalayo ang paaralan ni Elise mula sa mansion ng mga Prieto. Nang sa ganoon ay magkaroon din sila ng mahabang panahon na makapagkuwentuhan at kumustahan sa pamamagitan ng paglalakad lang pauwi.

Nga lang dahil umulan ay sasakay nalang sana sila ng trycicle ngunit naging paunahan at punuan, at wala nang driver na bumalik at namasada para sumuong sa ulan kapalit lang ng ilang baryang pamasahe.

"Isuot mo 'to, Elise." pinatong ni Stefan ang basang jacket sa suot niyang manipis na school uniform.

Siguro ay nabakat na ang kaniyang bra. Pinamulahan si Elise sa naisip na medyo nasilip ng kababatang lalaki ang kaniyang panloob.

Sumilay ang ngisi sa mga labi ni Stefan. Alam agad ni Elise na nakuha nito ang iniisip niya at malamang ay tutuksuhin siya nito. Lalo lang siyang pinamulahan ng mukha.

"What?" Stefan started teasing her.

Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib kahit natatabunan naman na siya ng jacket. "N-Nakita mo ang b-bra ko!"

"B-B-Bra?" he laughed at her stuttering words. "Nagsusuot ka na no'n?" he playfully asked her. "Bakit? May tatakpan ba?"

"Stefan!" pulampula na talaga siya!

Humalakhak lang si Stefan. Bigla tuloy kumulog.

"Patingin nga," biro ni Stefan sa kaniya.

"A-Ano? H-Hindi pwede!"

Ngunit nagsimula siyang abutin ni Stefan kaya nagtatakbo siya palayo.

"Elise!"

Tumatawa lang nitong tinatawag ang pangalan niya...

"Come on, Elise! Tuturuan kitang lumangoy." tawag sa kaniya ni Stefan mula sa dagat.

Hinubad ni Elise ang suot na T-shirt at tinira ang kaniyang medyo manipis na spaghetti strap.

Sinalubong ni Stefan ang paglapit niya.

Stefan put her hands on his shoulders and he held her small waist.

"Akala ko ba ay tuturuan mo akong lumangoy?"

"Mamaya na..." sagot nito at niyakap siya habang nakalubog ang mga katawan nila sa tubig dagat.

Napangiti nalang si Elise...

She remember him holding her hand...

She remember the setting sun... and their first kiss...

Mga alaala, she thought. Mga magaganda at masasakit na alaala...

Walang dahilan para pilitin niya ang sariling ibaon sa limot ang mga alaala ng kaniyang nakaraan. Para kay Elise, pinaranas man siya ng sakit ni Stefan ay ito rin ang nagparanas sa kaniya ng mga magagandang alaala noong kabataan niya...

Stefan was her childhood best friend before they became lovers...

Once upon a time, he made her the happiest girl. He made her feel like she's the most beautiful woman in the world. He taught her how to love... Stefan was Elise's first love...

We don't have the power to turn back time. We can't undo the things we already did in the past. But we are capable of correcting our mistakes—by not doing it again today, and the will to be better for tomorrow.

At ang mga alaala... We can keep the good memories in our hearts. At ang mga masasama o masasakit ay pwede namang palitan ng masasaya at bagong mga alaala...

A smile formed on Elise's lips as Kier held her hand.

Nawala man ang taong humahawak noon sa kamay mo ay mayroon muling hahawak sa 'yo, nang mas mahigpit.

Hawak ni Kier ang kamay niya habang naglalakad sila palapit sa dalampasigan. The sun was setting at hinihipan ng hangin ang suot niyang mahabang beach dress. Ang laylayan nito ay sumasayad sa puting buhangin ng isang beach resort sa Ilocos.

Niyaya siya ni Kier sa isang out of town trip, and they spent their short holidays together. Dito sa magandang beach resort na ito.

May naaalala si Elise ngunit ngumiti nalang siya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw at napakikinggan ang marahang hampas ng alon sa dagat. 

Hinarap siya ni Kier. Nagkatitigan sila. They were looking into each other's eyes, and Elise thank the heavens for sending her another angel.

"Elise..." he's holding her both hands now. "I wont ask you if you haven't move on, yet... If you still love him..."

Masuyong nakatingin lang sa kaniya si Kier. Warmth touched her heart as she looked into his pair of beautiful eyes. She’s almost lost into its depths that speaks so much of his true feelings for her…

"Hindi naman mahalaga 'yon." he smiled at her—the kind of smile that will assure her and would make her heart melt. "I know it's a process, and I have long accepted it." he licked his lip before he continued. "Ang importante lang naman sa akin... you're here with me. And we're together."

Niyakap ni Elise si Kier. Maagap din namang sinuklian at binalik nito ang yakap niya.

"I love you, Elise..." he said those words for the nth time now.

Lalong namutawi ang ngiti sa mga labi ni Elise habang yakap parin nila ang isa't isa.

"I love you, too, Kier..." finally she said it, after months...

Si Kier ang isa pang anghel na pinadala sa kaniya ng langit. Kier taught her to love again. At si Kier ang tuluyang bumuo sa kaniyang muli...

Hindi naman mahirap mahalin si Kier. Natutunan niya iyon... through his thoughtfulness and kindness. Through his smiles and laughter. Through his gentle kisses and assurance. Through the love he has for her... The love she deserve.

May taong dadaan sa buhay natin para turuan tayong magmahal. Pero sa huli ay masasaktan parin tayo... Iyon ay dahil hindi pa tama ang taong 'yon para sa 'yo. Hindi pa iyon ang tamang panahon. At maling pag-ibig pa...

May mga pag-ibig lang talaga siguro na hindi para sa atin...

At may tao rin na dadating para turuan kang muling umibig. At sa pagkakataong 'yon ay tama na ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top