Chapter 8

(Violet)

Mag isa akong pumasok ngayon dahil sa kalagayan ni jasmine. Hindi ko sana siya iiwanan pero ang sabi niya sa akin kanina ng magising siya ay kaya na daw niya ang sarili niya at pagod lang daw iyon.

Pero nag aalala parin ako sa kanya. Bakit kasi ako pumasok pa.

"Violet!" Napalingon ako dahil may tumawag sa pangalan ko.

"Oh! Lany Morning!" Bati ko sa kanya.

"Hi! Oh nasan si jasmine?" Tanong niya sa akin kaya napabisangot ako.

"Absent siya, masakit yung tiyan niya eh" Pagsisinungaling ko sa kanya. ayaw kasi ni jasmine na malaman ni lany ang kalagayan niya kahit kaibigan niya ito, hindi ko nga alam ang dahilan.

"Tayo nang pumasok baka malate pa tayo" Sabi niya sa akin kaya natauhan naman ako at saka kami nag lakad papasok ng school.

-----------

(Luis)

Absent ba siya?

Kinulbit ko si lany para magtanong kung nasaan ni jasmine pero ang sabi niya sa akin ay absent daw at masakit ang tiyan. Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.

Ano namang nangyari sa kanya.

--------

(Violet)

Recess na kaya papunta na ako ngayon sa class room ni lany ng bigla akong harangan ni ethan. ano naman kailangan niya sa akin.

"Hi! Kaibigan ka ni jasmine?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.

"Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ah itatanong ko lang kung nasaan siya. Hindi ko kasi siya makita sa class room niya" Ano bang problema niya sa kaibigan ko? Pamula ng malaman niya na crush siya ni jasmine eh lagi nalang niya itong hinahanap o kaya kinakausap. Napagkakamalan tuloy na adik na adik yung kaibigan ko sa kanya.

Tas wala pa siyang kaalam alam sa bagay naiyin.

Sa pagkakaalam ko naging crush lang siya ng kaibigan ko dahil sa magaling siyang kumanta iyon ang nagustuhan niya.

Eh yun lang naman ang sinabi sa akin ni jasmine.

"Ano nga yun" Pangungulit ko sa kanya.

"Eh magpapasalamat sana ako sa kanya gawa noong kahapon" Napaisip ako dahil sa sinabi niya.

"Ano ba yun" tanong ko sa kanya.

"Siya kasi nag aayos ng gamit namin para mamaya"

"Anong mga gamit? Yung bang para sa banda ninyo?" Tanong ko ulit sa kanila. Kailangan ko maka sigurado. Ng tumango siya sa akin ay nakaramdam na ako ng inis.

Eh bakit pala nag kaganon si jasmine eh gawa ng kumag na ito eh.

Paano ba pinagbuhat niya yung kaibigan ko ng napakabigat na bagay. Saka mo nalang sapakin pag sumosobra na. Kasalanan na naman ng kaibigan mo eh nagpadala si tanga kaya yun nasa bahay at bagsak dahil masakit ang ulo.

Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"Sana hindi mo pinapaasa yung kaibigan ko. Masamang mag paasa ng tao. Kung wala ka naman interest duon sa tao eh lubayan mo nalang" seryosong sabi ko sa kanya at ako na ang unang umalis sa aming dalawa.

----------

(Ethan)

May nagawa ba akong kasalanan?

Si hannah kasi eh sabi ko sa kanya kahapon na tutulungan ko pa si jasmine pero hinigit na niya ako palabas ng school at samahan ko daw siya pumunta ng sm.

May nangyari kaya kay jasmine?

Diba hindi lang siya yung kaibigan ni jasmine. Meron pa siyang laging kasama na isang babae hindi ko lang alam yung pangalan niya pero taga sa sektion din ni jasmine.

Matanong nalang mamaya, pag nakita ko siya.

---------

(Luis)

Nagmamadali akong umuwi ngayon dahil uuwi na ngayon sinda mama galing sa china.

Patay ako duon paghindi niya ako nadatnan na nasa bahay sasabihin na naman noon saan na naman daw ako galing. Gala daw ako ng gala. Nakakasawa na din bunganga noon eh pag minsan pero wala akong magagawa nanay ko siya pero...may galit pa rin ako sa kanya.

"Oh! Luis musta ang school natin" yan kaagad ang tanong niya sa akin pagkapasok niya ng bahay.

"Okay lang" walang kwentang sabi ko sa kanya at saka ko inilipat sa ibang channel yung tv.

"Na pagalaman ko na duon rin pala napasok ang dati mong kaibigan" Sabi niya sa akin. Hay....yan naman po siya.

Napatingin ako duon sa pumasok at saka ako lumapit sa kanya para mag mano at saka ako bumalik sa pwesto.

"Wag kang mag alala hindi niya ako namukhaan kaya wala na kaming koneksyon sa isa't isa pero kaklase ko lang siya" Pagkukwento ko sa kanya. Buti na yung alam niya diba, hindi yang tanong siya ng tanong.

"Buti naman, alam mo naman ang mangyayari kapag nalaman ko na nakipag kaibigan ka nanaman sa kanya. Ililipat kita kaagd sa ibang school" pananakot niya sa akin. Hindi nanaman ako takot sa kanya eh ayoko lang ng binubungangaan niya ako.

"Hayaan mo siya mahal, matanda nanaman siya eh. Alam naman niya kung anong ginagawa niya" Kaya gusto ko yan si tito eh lagi niya akong nililigtas kay mama.

"Pero.." hindi na tinuloy ni mama ang sasabihin niya at umalis nalang siya. Hehehhehehe yan ang hirap sa kanya eh pag si tito ang kaharap tiklop kaagad siya. Kaya nginitian ko si tito bago pa niya sundan si mama.

I wish my mom was that when my dad is still alive.

Bat kasi ang boring ng mga palabas ngayon. Nakakailang lipat na ako pero wala man lang akong magandang channel na mapanood.

Kaya nagpaalam ako kay mama na lalabas lang ako. Iimek pa sana siya pero inunahan kaagad siya ni tito. Pinayagan niya ako pero ang sabi niya ay umuwi kaagad daw ako, ang bait talaga niya eh.

Bago ako lumabas ay nag suot muna ako ng saklob.

Sanay na kasi akong naka saklob pag lumalabas. Kahit sa new york.

Saan ba ako pupunta ngayon. Saan paba edi sa sementeryo.

So ano naman gagawin ko duon. Wahahahhahahhaha mang huhuli ako ng mumu hehhehehhehe joke lang dadalawin ko yung puntod ni papa.

Bumili muna ako ng kandila at ng bulaklak para ilagay sa puntod ni papa.

------

(Violet)

Pagkauwing pagkauwi ko galing sa school ay nadatnan ko ang bahay ko na wala si jasmine kaya eto ako tarantang taranta baka kung nasaan na naman siya pumunta.

Tinawagan ko muna si lany kung nakita ba niya saka ang magulang ni jasmine. Bat kasi hindi siya nag papaalam eh.

*kring.....kri-

(Bat ka napa-) naputol ang sasabihin niya dahil bigla akong nag salita.

*nandyan ba si jasmine? (Nag aalalang tanong ko sa kanya)

(Ha, wala bakit?)

*eh?! Hi-hindi mo ba nakita? (Sh*t jas naman magpakita kana kung ayaw mong tawagan ko ang mga magulang mo. Jasmine naman!)

》 To be Continue......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top