Chapter 7
"Masakit ba yung sugat?" Tanong niya sa akin.
"Hindi" yan ang sagot ko sa kanya pero ang totoo niyan ay oo. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ito kaya napasigaw nalang ako dahil sa sakit at yung luhang gusto kong ilabas kanina pero mas pinili kong hindi nalang umiyak ay ngayon ko na inilabas ang lahat lahat dahil sa ginawa niya.
"Ba-bakit mo naman yun ginawa ha! Ang sakit ha!" Umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Sabi mo kasi hindi eh. Kaya tinignana ko kung hindi ba talaga masakit" pagpapaliwanag niya sa akin.
"Oh! Kita mo na ah masakit. Eto na nga eh umiiyak na ako dahil sa sakit" Pagrereklamo ko sa kanya.
"Wag mo kasing itatago yang nararamdaman mo kung ayaw mong maslalo kang masaktan" yung totoo bata ba siya o ano. Tumahan na ako dahil hindi na gaanong masakit ang aking tuhod.
"Ako nga pala si Jasmine, ikaw anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.
"Vi-violet" Sagot ko sa kanya. Tinulungan naman niya akong makatayo ng maayos. Dahil kasi sa ginawa niya ay hindi tuloy ako makatayo ng maayos.
"Malapit lang ba dito ang bahay mo?" Tanong niya sa akin. Habang akbay niya ako.
"Duon lang" tinuro ko sa kanya ang bahay ko kaya napamangha naman siya ng makita niya ito.
"Eh?! Diyan ka nakatira? Ang gara ah. Ang ganda" manghang sabi niya sa akin.
"Ano pala ginagawa mo duon kanina? Hindi ka manlang humingi ng tulong" sabi niya sa akin.
"Paano ako hihingi ng tulong eh wala naman akong kakilala. Pati kakalipat lang namin"
"Ah bakit pala ngayon lang kita nakita eh" sabi niya sa akin.
"Lagi kabang nandito sa labas?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo bakit?"
"Ah, wa-wala" napansin ko ang maliit na sugat na nasa kanyang pisngi. Dahil kaya kanina bakit siya nag kasugat? Dahil ba sa akin.
Hindi ko namalayan na hinawakan ko na ang kanyang sugat kaya napatingin naman siya sa akin.
"Anong problema mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hindi ba masakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Hindi"
"Ba-bakit hindi masakit?" Yung totoo bakit yun ang tinanong ko sa kanya.
"Oh! Nandito na tayo sa tapat ng bahay ninyo. Gusto mo bang samahan pa kita sa loob o kaya mo na?" Tanong niya sa akin.
"Ah... Hindi na ka-kaya ko na. Maraming salamat" Sabi ko sa kanya. Bago pa ako makapasok sa loob ay nagsalita siya. Akala ko nakaalis na siya.
"Hindi kasi ako maalam masaktan o umiyak. Sige mag ingat ka sa susunod ha!" Sabi niya sa akin at saka siya umalis.
Ano daw? Hindi daw siya maalam masaktan o umiyak? Totoo ba yun? May ganon bang tao.
"Violet saan ka galing ha!" Sigaw sa akin ni mama. Pagkapasok ko ng bahay.
"Sa labas po nag pahangin lang po ako" pagdadahilan ko.
"Eh anong nangyari diyan sa tuhod mo" Kahit anong gawin kong pagtago ay nakita parin niya.
--------
(Jasmine Childhood)
"Paty!" Tawag niya sa pangalan ko.
"Oh! Late ka nanaman sa pinag usapan nating oras" pagrereklamo ko sa kanya.
"Sorry na may pinagawa kasi sa akin si mama. Oo nga pala may sasabihin akong mahalagang bagay" Halata nga sa kanyang mukha na mahalaga nga ang sasabihin niya sa akin dahil nakabisangot na ang kanyang mukha.
"Wag kang magaalala alam ko na. Aalis na kayo diba?" Sabi ko sa kanya kaya nagulat naman siya. Sabi nay hehehe
"Pa-paano mo nalaman?"
"Ako pa eh manghuhula ata ako" pagjojoke ko sa kanya.
"Uy! Paty kahit malayo na tayo sa isa't isa magkaibigan parin tayo ha" Ano ba siya bakla?
"Oo naman no! Walang kalimutan!" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala babalik parin naman kami eh pero hindi ko alam kung kailan. Pero hintayin mo akong bumalik ha!" Yan na naman po siya iiyak na naman po.
"Oo! Pangako yan. Kaya pwede wag ka nang umiyak. Bakit ba laging ikaw yung naiyak ha! Ano ka ba bakla!" Pangaasar ko sa kanya at saka ginulo ang kanyang buhok.
"Ano ba buhok ko" pagrereklamo niya sa akin.
Noong araw na iyon umalis din siya kasama ang kanyang mga magulang, hindi ako umiiyak sa pag alis niya dahil hindi naman ako katulad niya na iyakin.
Sumunod na araw duon ko na nakilala si violet. Ang pangalawa kong kaibigan pero hindi nagtagal at umalis na din siya. Katulad ng sinabi ni oliver saakin bago siya umalis. Hanggang sa bumalik na si oliver. Pero..... Bigla nalang siyang nawala na hindi manlang nagpapaalam sa akin. Tanggap ko noon na hindi kami parehas na school na papasukan pero yung iwan niya ulit ako at ngayon na hindi manlang siya nag sabi kung saan siya pupunta.
Masakit yun, naghintay ako sa kanya pero wala na akong nabalitaan sa kanya hanggang sa lumipat na akong school at duon ko ulit nakita sa violet.
Akala ko ba magkaibigan tayo oliver pero bakit iniwanan mo ako na wala manlang pasabi. Sana sinabihan mo manlang ako katulad nang dati para sa ganon ay may kasiguraduhan na babalik ka.
--------
(Jasmine)
"Vi-violet!" Sigaw ko sa kanyang pangalan habang hawak hawak ko ang aking ulo. Ang sakit sobrang sakit.
"Oh! Ja-" naputol ang sasabihin niya dahil sa nakita niya ang kalagayan ko.
Agad siya bumaba para kumuha ng tubig.
"Ja-jas e-eto oh" nangangatal na sabi niya sa akin kaya agad ko itong ininom.
"Binangungot ka nanaman?" Nagaalalang tanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
"Ayun pa rin ba?" Tanong niya sa akin.
"Oo" pagka inom ko ng tubig ay umigiigi na ang aking ulo. Hindi na gaanong masakit.
"Jasmine naman, sabihin mo na kasi sa magulang mo" nagaalalang sabi niya sa akin. Pero kahit anong pilit niya ay hindi ko parin gagawin ang gusto niya.
"Sorry violet, hindi ko magagawa ang gusto mo. Sige na pumasok na tayo malalate na tayo" sabi ko sa kanya at saka ako bumangon. Pero biglang umikot ang paningin ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Jas!" Sigaw niya sa aking pangalan bago ako mawalan ng malay.
Bakit kasi nag kaganito ako.
Hindi naman kasi ako ganito dati eh.
Nakakaya ko pa pero bakit ganon?
Siguro stress lang to kaya kaylangan ko munang magpahinga.
》 To be Continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top