Chapter 6
Nakakapagod naman yung ginawa ko.
Ang sakit ng likod ko.
Akalain mo ba binuhat ko yung mga gamit nila pamula practice room hanggang sa gym. Ang layo kaya noon no.
Ang lakas ko talaga.
Magisa akong uuwi dahil sinabi ko duon sa dalawa na umuna na at may gagawin pa ako. Kaya magisa nalang ako dito sa loob ng class room.
Pagkakuha ko ng bag ko ay lumabas na ako ng class room ng biglang akong magulat dahil may dumapong malamig na bagay sa aking pisngi. Tinignan ko kung ano yun at si walanghiya nanaman. Ano bang ginagawa niya dito.
"ANO NANAMAN YUN HA!" Sigaw ko sa kanya. Ang sakit sakit na nga ng mga parte ng katawan ko tas ngayon iinisin lang niya ako. Kung sipain ko ulit kaya siya no.
"Easy, galit ka na kaagad sa akin eh. Oh!" Sabi niya sa akin at inaabot yung juice can na dinampi niya sa aking pisngi kanina.
Kinuha ko ito at agad na binuksan. Ay! Ang sarap.
"Uy! Bat mo ininom?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin.
"Ha? Hindi mo ba binibigay sa akin. Hala! Sorry" Sabi ko sa kanya.
"Bat mo ba binigay to sa akin ha!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Yan tuloy may utang pa ako sa kanya na isang juice. Ay pambihira na.
"Hahahhahaha hindi nag jojoke lang ako iyo talaga yan nainom ko na kasi yung akin pati peace sign ko yan dahil sa ginawa ko sayo kaninang umaga. Hindi ko talaga sinasadya yun maniwala ka sa akin" hay ang rami pang palusot. Pagod ako kaya hindi ko kayang magreklamo pa. Ubos na lakad ko. Inubos ko muna yung juice at saka ako nag salita sa kanya.
"Okay lang yun. Kalimutan nalang natin. Pati sorry din duon sa sipa, masakit ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Hindi na" sagot niya sa tanong ko. Buti naman akala ko may mahohospital gawa ko.
"So friend's na tayo?" Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya. Ano friend? Seryoso?
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Ang bilis niya eh hahahhaha.
"Ha? Oo okay na okay lang ako" sabi niya sa akin na nakangiti.
Sabagay kahit anong gawin ko nangyari na ang nangyari kaninang umaga hindi na yun mag babago pero si ethan parin crush ko kahit hindi siya ang first kiss ko kaya kanamayan ko siya as a sign of friendship.
"Thank you" Nakangiting sabi niya sa akin kaya nag taka naman ako sa kanya.
"Para saan naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"For being my friend. Alam mo ba ikaw lang yung unang naging kaybigan ko dito except sa isa ko pang dating kaibigan noon na dito pala pumapasok" Ah siguro ang tinutukoy niya ay yung lalaking kasama niya kanina. Eh boyfriend ni violet yun eh. Shhhh! Lang jasmine wag kang maingay. Ang bunganga mo!
"Ah ganon ba. Wala yun. Sige na uuwi na ako kitakids nalang bukas" sabi ko sa kanya at saka ako umalis.
---------
(Violet)
"Oh! Dito ka nanaman ulit matutulog. Ah! Ah! Jas sumosobra kana ata. Pag ikay hinanap sa inyo" panenermon ko siya.
"Kakarating ko lang binungangaan mo na kaagad ako grabe ka naman. Hindi ba pwedeng umupo muna. Kapagod ay, ang sakit ng buong katawan ko" pagrereklamo niya sa akin. Ano nanaman ba nangyari sa kanya.
"Ano bang ginawa mo?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Nagbuha- ay wala wala pala" Naputol yubg una niyang sasabihin dapat. Siguro may tinatago nanaman siya sa akin.
"ANO YUN HA!" sigaw ko sa kanya.
"Ano ba violet! Ang ingay mo!" Pagrereklamo niya ulit.
"Eh ano ba talag dahilan ha! Ayaw mong sabihin pa sa akin yung totoo" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Eto naman, simpleng bagay lang yun wag mo nang alamin pa. Oo nga pala kaylan ba bibisita ulit ang mga magulang mo?" Ang galing talaga niya, ang galing magbago ng topic. Palagpasin na nga lang natin.
"Hindi ko alam, hindi pa ulit sila tumatawag sa akin. Eh ikaw kaylan kaba uuwi sa inyo?" Tanong ko naman sa kanya.
"Kapag wala na sila" ang sama talaga niya. Ganon ba talaga siya sa mga magulang niya.
"Wag ka nga ganan. Magulang mo parin sila no. Baka nag aalala na yung mga yun. Ang magandang gawin mo ay umuwi ka muna sa inyo tas ipaalam mo dito ka matutulog" Sabi ko sa kanya. Ako yung nag aalala para sa magulang niya eh.
Baka mamaya galit na galit na yung tatay niya dahil hindi na siya umuuwi sa kanila tas yung nanay niya ay baka nag wawala na.
"Wala naman mga paki yung mga yun eh" yan nanaman siya matigas nanaman po ang ulo niya.
Bakit ko ba siya naging kaybigan kung ganan ang ugali niya.
"Oo nga pala nalaman ko kay lany, na pinapagawa ka daw ni miss ng story? Para saan naman?" Tanong ko sa kanya. Yan kasi ang gusto kong itanong sa kanya kanina pa.
"Ah ayun ba, parusa niya sa akin"
"Kaya mo na bang gumawa?" Nagaalalang tanong ko sa kanya kaya umiling siya sa akin habang nakahiga siya sa lapag. Nako babaeng to pag ikay nagkasakit.
"Gusto mo tulungan kita?" Tanong ko sa kanya. Syempre oo yan, kasi alam niya na hindi niya kayang gawin yung bagay na yun.
"Kaya ko na. Sobra sobra na pati ang itinulong mo sa akin. Sige pupunta na ako sa kwarto mo ha, magiisip pa kasi ako" Nakangiting sabi niya sa akin. Pero alam ko naman na peke lang naman yun. Siguro iniisip parin niya ang nakaraan niya.
Bukas sure akong magiging good mood siya kasi. May ganap nanaman yung banda ng crush niya.
Magiging okay din siya bukas.
--------
(Violet childhood)
"Oy! Bitawan nga ninyo siya" napatingin kaming lahat duon sa sumigaw. Buti nalang at may liligtas na sa akin.
Ang akala ko pa naman matanda ang tutulong sa akin yun pala kasing edad ko lang. Ang tapang naman niya para ibuwis ang buhay niya para sa akin. Dapat hindi nalang siya nakielam baka parehas kaming mamamatay.
"Anong problema mo ha!" Masigaw sigaw noong batang lalaki duon sa babae. Hanggang ngayon ay ayaw parin nila akong bitawan.
Ang sakit na nang tuhod ko kanina pa ako dito nakaluhod at may nakaupong bata sa aking likuran kaya ang bigat.
Kanina ko pang gustong umiyak pero hindi ko magawa.
"Ano sige! Lumapit kayo sa akin kung ayaw ninyo matulad dito sa kasamahan ninyo ano!" Masigang aabi niya sa mga bata. Nagulat naman ako sa nangyari duon sa isang bata na gulo gulo ang buhok at may sugat na sa kanyang mukha.
Anong ginawa niya?
"Ta-tayo na nga" sabi noong batang lalaki na katabi ko lang at saka sila umalis at iniwanan kami. Hay sa wakas ang sakit ng aking likod.
"Okay ka lang ba?" Inangat ko ang aking ulo dahil sa sinabi niya.
"Ah oo okay lang ako" sabi ko naman sa kanya at saka ko pinagpagan ang aking tuhod. Dahil panay buhangin na ito at may kaunting dugo.
》To be Continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top